MARUPOK 3
Sorry-sorry siya diyan, nakakabwisit siya. Hindi ko na siya ni-replyan kagabi. Mataas na ang pride kung mataas! Basta ang mahalaga, ayoko siya kausap!
"Huy! Marou Mae, ano na! Narinig namin na nagchat daw sa'yo si Ken ah pero 'di mo nireplyan?" bulong sa'kin ni Nietta.
Kumunot lang ang noo ko sa tanong niya. Sinong Ken? 'yung crush ko o si kutong lupa?
"Si Gonzales!" bulong niya sa'kin, nabasa niya siguro kung ano ang iniisip ko kaya hindi ako nakasagot agad sa kaniya.
"Kung makapag isip ka diyan, eh hindi ka naman china-chat ng crush mo!"
Ouch. Oo nga 'no, hindi ko naisip 'yon.
Nasa loob kami ng canteen ngayon, nasa kaliwa ko sa Nietta, nasa kanan ko naman si Liya nasa tabi niya si Rj. Si Thea naman nasa tabi ni Nietta, si Zha naman ayun absent na naman. Si Lou nasa harapan ko, nasa kanan niya si Xands, sa kaliwa niya naman si Xands at sa tabi ni Junjun ay si Paul, sa tabi ni Paul si kutong lupa, Ken.
"Wala akong panahon para mag reply." sagot ko.
"Wag sanang mag tampo" biglang kumanta si Rj habang pabalik-balik ang tingin sa'kin at kay Ken. "Matitiis mo ba ako? Oh, baby!" birit niya.
"Mr. Rick James Medina, masama kumanta habang kumakain, table manner, please." sabi ko at inirapan ko siya.
"Marou marupok, oh, Marou marupok, yeah." si Paul naman ang kumanta! Tinatambol tambol pa ang lamesa! "Sing with me!"
Ayan, ayan! Wala na namang siyang magawa siya buhay niya. Wala talaga siyang ambag sa buhay ko kundi puro pang aasar!
"Marou marupok, oh, Marou marupok, yeah." kanta nilang lahat. Si Nietta nagtatatambol na rin.
Minsan talaga gusto ko na lang sila pag untugin ni Paul e.
Hinampas ko ang kamay ni Paul para tumigil siya.
"Tigilan niya nga ako." napatingin ako kay Ken, este kutong lupa na tahimik lang at walang pakielam sa nangyayare sa paligid niya.
Parang ang bigat bigat ng dinadala niya.
"'Wag mo titigan, kausapin mo." asar ni Junjun habang ine-enjoy ang pagkain niya ng mais con yelo.
Tinignan ko lang siya. Ibuhos ko kaya sa kaniya 'yan, makita niya.
"Tara na nga!" kinalabit ko si Nietta ng pagalit.
Nauna ako tumayo para bumalik na sa classroom, recess lang naman kaya mabilis lang ang oras.
Nalapingon ako kay kutong lupa na ganun pa rin ang itsura, parang pasan-pasan niya ang mundo.
Kinagabihan, nag online ako para gawin ang assignment namin sa science. Umupo ako sa dining table, doon ako palagi nagawa ng assignment. Ewan ko ba bakit hindi ako komportable sa kwarto. Ang tahimik talaga ng bahay namin since birth! Hays, second year high school na lang ako pero wala pa rin akong kapatid!
Habang kinokopya ko ang sagot na nakuha ko sa google, lumabas ang notification sa facebook ko na may nag message.
Paul: may assignment na kayo?
Liya: typing..
Liya: wala pa.
Hindi ko pa sila nirereplyan dahil busy ako sa ginagawa ko.
Zha: typing..
Zha: May assignment? Ano assignment?"
Papa Lou: typing..
Papa Lou: Science, search ka lang ng topic na pang third quarter tapos ipepresent bukas.
Nakikita ko na nag siseen si kutong lupa sa gc pero hindi man lang nag rereply. Hinayaan ko muna sila na mag chat hanggang sa matapos ako.
Maroupok: Done.
Paul: typing..
Paul: Pakopya naman.
Ayan na naman, asa na naman sa'kin.
Maroupok: Ayoko.
Paul: Luh, parang 'di tropa eh!
Junjun: typing..
Junjun: inasar mo kasi kanina pre! ayan tuloy nag dadamot ngayon HAHAHAHAA
Paul: typing..
Paul: Kendmar Richer Gonzales!
Bigla akong kinabahan sa sinend ni Paul, agad kong pinatay ang wifi sa phone ko sa kaba!
Bakit ba ako kinakabahan?! Wala naman akong ginawa.
Tumingin ako sa orasan, sakto naman na 9:30 PM na kaya matutulog na ako. Ayoko na mabasa kung ano man ang pag uusapan nila sa gc.
Kinaumagahan, may practice ulit kami para sa acting namin sa MAPEH. Hapon palagi ang pasok namin, 12:30 PM to 7:00 PM kaya may free time kami sa umaga.
"Nietta, ba't 'di ka online kagabi?" mahinhin na tanong ni Liya.
"Nakatulog agad ako. Bakit?"
"May itatanong dapat ako e"
Hindi ko na sila pinakinggan at hinayaan ko na lang sila mag usap. Nasa open court kami ngayon. Si Lou, Paul, Junjun at Rj ay nag ba-basketball habang kaming mga babae nakaupo lang sa simentong upuan sa gilid. Wala si Zha, Thea at Xands kaya hindi pa kami nag sstart.
Napunta ang tingin ko kay kutong lupa na nakaupo sa kabilang upuan na simento rin. Nakapatong ang dalawang siko sa dalawang hita niya, nakayuko at maghawak ang dalawang kamay. Parang nag dadasal. Buti 'di siya nasusunog, char.
"Eyes don't lie" biglang bulong ni Nietta sa gilid ko.
Halos matapon ko 'yung palamig na iniinom ko sa gulat sa kaniya.
"Ano?" inis na sabi ko sa kaniya.
Ngumuso siya kay kutong lupa.
"Lapitan mo, mukhang may problema."
"Bakit ako?"
"Alangan namang ako?"
"Edi ikaw."
"Sure ka?" malandi niyang tanong. "Kapag kinausap ko 'yan akin na 'yan." ngiting-ngiti na sabi niya.
"Edi sa'yo, pakialam ko." muntik ko na mabuga sa harap ni Nietta 'yung iniinom ko nang makita ko si Ken na naglalakad kasama ang mga kaklase niya!
Si Ken na crush ko ha, Kenneth Reyes.
"Omg! May practice rin yata sila ngayon!!" nagpapanic na ako.
Napalingon si Liya at Nietta sa gawi nina Kenneth. Napalingon din si Thea na kararating lang.
"Your crush." sabi sa'kin ni Thea.
"Pa-picture ka na!" pagpupumilit sa'kin ni Nietta.
"Ayoko, hindi ako desperada" inirapan ko siya.
"Hindi naman porke magpapapicture ka desperada na agad, hindi ba pwedeng idol mo lang siya? Ganun naman sa mga artista ah, kapag gusto mo 'yung artista mag papapicture ka pero hindi nila 'yon binibigyan ng malisya." mahabang sabi ni Liya.
"They are different. Ang artista ay artista. Kenneth is an ordinary person, heart throb lang siya sa school." pakikipaglaban ni Thea.
Ang gulo nila.
"'Yun na nga 'yung point ko, heart throb si Kenneth, wala siyang pinagkaiba sa mga artista. Famous, maraming nagkakagusto. At isa ang kaibigan natin ay tinamaan ng husto." sabi ni Liya habang nakatingin ng matalim sa'kin.
"Ooowww" mahinang react ni Thea at Nietta.
Hinatak ni Nietta ang kanang kamay ko para mapatayo ako. Buti na lang ubos na 'yung palamig na iniinom ko, kung hindi, pareho kami natapunan.
"Mag pa-papicture ka na!" pilit niya sa'kin. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko, nakikipagmatigasan ako sa kaniya.
Naaninag ko na papalit na sa'min sina Rj, tapos na maglaro.
"Don't be shy" tinutulak-tulak na ni Thea amg likuran ko. Si Liya naman ni-ready na ang cellphone niya na iPhone 5.
"Ano meron?" nagtatakang tanong ni Junjun habang may hawak na bola sa kaliwang kamay niya. Ang dugyot nilang apat ngayon, puro pawisan at pagod na pagod dahil sa pag babasketball kanina.
"Andyan 'yung crush ni Marou, papa-picture lang siya." walang preno na sabi ni Nietta.
"Ha?" sabi ni Paul, lumingon pa siya kay Ken na kutong lupa. "Ayun 'yung crush niya e, saan pa kayo pupunta?" sabi niya habang nakaturo kay kutong lupa.
Nagtawanan sila.
"Tara na!" hinatak ako ni Nietta nang sobrang lakas, muntik pa ako masubsob!
Sapilitan nila akong binitbit papalapit kay Kenneth. May nadaan kaming basurahan kaya agad kong initsya roon ang plastik cup na hawak ko kanina pa.
Tapat ng open court ay puro tinadahan. Sumunod din sa'min sina Rj dahil bibili na rin sila ng pagkain.
"Hi Kenneth!" bati ni Nietta. Feeling close. "Pwede mag pa-picture?" nasa likuran lang ako ni Nietta, nahihiya ako tumingin kay Kenneth! Kinakabahan ako!
"Ah sige" nakangiting sabi ni Kenneth, tumayo siya ng maayos. Para akong nakuryenta nung tinignan niya ako.
"Ay, hindi ako. Etong kaibigan ko ang magpapapicture" hinila ako ni Nietta na nasa likuran niya papalapit kay Kenneth.
Mas lalo akong kinakabahan!
"1, 2, 3.. Smile!"
"Akbay naman!" landi talaga ni Nietta.
Umiling na ako sa kahihiyan.
"Okay na 'yun, salamat" nahihiyang sabi ko kay Kenneth. Napangiti naman ako nung nginitian niya ako!! Parang kinikilig din siya? Hahaha! Ow em ji!
Umalis na sina Kenneth kaya naman nagkumpulan agad kami nina Thea sa cellphone ni Liya, tinitignan ang picture naming dalawa ni Kenneth!
Ang ganda ng ngiti ko at ganun din siya, bagay kami! Charot hahaha!
Sa isa namang picture, naka-wacky kami. Pareho kaming naka peace sign! Grabe, meant to be na ba kami pag ganoon? Hahahaha!
"Post mo 'to sa ig mo!" malanding sabi ni Nietta.
"Uy, iniwan na natin si Ken doon oh." sabi ni Rj habang nakatingin sa open court.
Oo nga 'no, ang lawak ng open court pero siya lang mag isa ang nandoon na parang nag dadasal pa rin hanggang ngayon.
"May problema ba 'yun?" curious na sabi ni Lou.
"Meron ata pre, ayaw sumama sa'tin kanina nung niyaya ko mag basketball e. Sabi niya, pagod daw siya." sabi ni Rj habang nakain ng bananaque.
Pagod? Wala pa nga kaming ginagawa ngayong umaga pagod na agad siya.
"Baka namomroblema kasi hindi nireplyan nung isa dyan." parinig ni Paul habang nakain ng kwek kwek.
Lumingon ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
"Oh, wala akong binabanggit na pangalan ah! Bakit ganiyan ka makatingin?" natatawang sabi ni Paul.
Kinuha ko ang plastik cup na hawak niya na may lamang kwek kwek. Tumusok ako ng isa roon at sinubo lahat saka ko binalik sa kaniya ang pagkain niya.
Mag rereact pa sana si Paul pero nag salita na ako.
"Thank you" nahirapan pa ako magsalita sa laki nung kwek kwek, buti na lang hindi mainit 'yung kwek kwek.
"Nag away ba ulit kayo, Marou?" tanong sa'kin ni Lou.
"Hindi ah! Hindi na nga kami nag uusap e"
"Hay, ano kaya itsura niyo ni Ken nung nag away kayo? Sayang wala kami nina Thea kaya hindi namin napanood hahaha!" sabi ni Nietta.
Si Zha at mga boys lang namin ang nakakita nun.
"Kailan ba sila nag away?" inosenteng tanong ni Liya.
"Nung unang practice natin tapos nag walter kayo ni Thea." si Nietta na sumagot.
"Away bata, mag babati rin sila niyan. Baka nga maging sila pa e." sabat ni Junjun.
"No way."
"Weh? pero marupok 'yan." sagot agad ni Junjun.
Kung itusok ko kaya sa bibig niya 'yung stick ng bananaque na hawak niya.
Bumalik na kami sa open court, naawa naman kami kay Ken na lonely. Pinalibutan namin siya, nakatayo kami at siya lang ang nakaupo.
"May problema ka ba, 'tol?" umupo si Paul sa tabi ni Ken at inakbayan.
Umayos ng upo si Ken, umiling lang siya. Nakakapanibago lang na ang tahimik niya ngayon. Nagsasalita pa naman siya kahapon pero ngayon hindi na.
"Ikaw kasi hindi mo nireplyan" bulong sa'kin ni Junjun.
Sa inis ko sa kaniya tinaas ko ang kanang kamao ko na parang susuntukin siya. Umiwas kaagad siya habang tumatawa. Pinag gitnaan na lang kami ni Lou para hindi kami mag away.
"What's your problem, Ken? ang quiet mo since yesterday" sabi ni Thea sa kaniya.
"Wala" pilit 'yung ngiti niya "Practice na tayo." tumayo si Ken at diretsyo na nag lakad papunta sa gitna ng open court.
Napansin ko na tinignan niya isa-isa ang nakapalibot sa kaniya maliban sa'kin.
Napatingin sa'kin si Nietta na parang nakahalata rin. Nakaramdam ako ng kakaiba nung nilagpasan niya ako at hindi man lang talaga ako tinignan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro