MARUPOK 29
"Grabe naman 'tong fourth grading na 'to! Wala pa tayo sa kalagitnaan, naghahasik na agad ng lagim!" nasstress na sabi ko.
"Come on.. we can do this! Stand up!" hinihila na ni Thea ang kamay ko patayo sa sofa.
"Kailangan natin mag pahinga, Thea. Hindi tayo robot." binagsak ni Nietta ang katawan niya sa sofa.
"Hoy! Pinatayo nga ako diyan ni Thea tapos hihiga ka." hinampas ko ng unan si Nietta.
"I need enough sleep." sagot niya habang nakapikit.
"What?! Enough sleep?! Eh halos 4 hours ka natulog kagabi habang kami walang tulog! Tumayo ka diyan!" si Nietta naman ang hinatak ngayon ni Thea.
"This is my house!" sabi ni Nietta.
Iniwan ko na sila na nagtatalo roon. Pinuntahan ko sina Ken sa garage na umiinom ng kape.
"Good morning" bati ko kay Ken.
"Good morning, crush." sabi niya habang may hawak na kape, ang messy ng buhok niya. Naka white t-shirt at pajama na color grey.
"Napakasama ni Marou, parang dati lang isa-isa niya tayo binabati pero ngayon si Ken na lang. Tsk!" parang galit pa si Junjun, inirapan pa ako!
"Huwag ka mag selos, pre! Ganiyan talaga pre kapag nagkakajowa, nakakalimutan na ang tropa." natatawa na sabi ni Paul.
Hinampas ko ang legs ni Paul.
"Nakalimutan ko ba kayo, ha?! hindi pa kasi ako tapos bumati!" sigaw ko sa kanila.
Tinawanan lang nila ako. Tsk!
Kinabukasan, natapos na namin 'yung early project namin sa science na pinagpuyatan namin. Five to seven person each group, kaming mga babae ang nagsama-sama at ang mga boys na rin namin ang nagsama. Sa bahay nila Nietta palagi ang overnight, bahay nila ang palaging available.
"Try kaya natin maghiwa-hiwalay tuwing may groupings? Nagsasawa na ako sa mga mukha niyo e." reklamo ni Nietta.
"Edi ikaw 'yung 'wag na grumupo sa'min kung nagsasawa ka na." sagot ni Zha kay Nietta.
"OwwWw" mapang asar na sigaw nina Paul.
"Joke lang e! Sakit mo magsalita." umirap si Nietta. "It hurts you know!"
"See, mga babae ang mabilis magsawa." bulong sa'kin ni Kendmar.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi mo ba narinig na joke lang daw 'yon?" pinandilatan ko siya.
"Joke ba 'yun? Hindi naman ako natawa e." ngumisi siya sa'kin.
"Aha! Sa'yo nga talaga nakuha ni Kesha ang ganiyang ugali!" natatawa na sabi ko.
"Ha? Bakit?" walang siyang kamuang-muang.
"Sinabi niya rin sa'kin 'yan, exact line." mariin na sabi ko. "Magkapatid nga talaga kayo."
"Maganda ba si Kesha?" biglang tanong niya.
"Oo" sagot ko.
"Alam mo ba kung bakit?"
"Oh bakit na naman?"
"Kapatid niya ako e, mana-mana lang 'yan." nag pogi sign pa siya.
"Yabang!" lumipat ako sa kabilang side niya.
"Luh, hindi ah! Maganda lang talaga lahi namin." humihina ang boses niya. "Gusto mo lahian kita?"
Nanlaki ang mata ko at hinampas ko siya agad nang malakas! Nakakaloka!
"Matagal pa 'yon!"
"So, may plano ka na magpalahi sa'kin?" tumawa siya nang malakas.
Kinurot ko ang tagiliran niya. "Aray ko!"
"Kung ikaw ang mapapang-asawa ko." ngumiti ako sa kaniya.
"Ano ba gusto mo sa mapapang-asawa mo?" sabi niya, humarap siya sa'kin ng maayos at sinandal ang isang siko siya sa railings.
"Hindi ko alam, hindi ko pa iniisip 'yan." sabi ko habang nakatingin sa malayo. "Ang bata bata pa natin."
"Bata lang, bata bata si Kesha na 'yun!" tumawa na naman siya.
Binatukan ko na siya sa inis.
"Hindi 'yon si Kesha" inirapan ko siya.
"Huh, sino? Sige nga." tumuwid siya ng tayo, naghahamon.
"Si Malou!" ngumiti ako sa kaniya.
Kapag naiisip ko na malapit na lumabas si Malou, na eexcite ako!
"Sino si Malou?" kunot noo na tanong niya.
"My unborn sister!" ngiting-ngiti pa rin ako. "Malapit ko na siya makita!" inalog-alog ko ang balikat ni Kendmar sa pagka excite.
"Oh, sige ganito. Sa oras na iuwi siya sa bahay ninyo, pupunta ako agad para makita niya kung gaano kagwapo ang future boyfriend ng ate niya." emosyonal na sabi niya, humawak pa siya sa dibdib niya.
"No! Magkasakit pa 'yung kapatid ko sa kahanginan mo e!" pagbibiro ko.
"Deh, seryoso. Pupunta ako. Gusto ko makita ang kapatid mo, gusto ko masubaybayan ang paglaki niya kasama mo." seryoso na sabi niya.
Napangiti ako sa ka-sweetan niya.
"Weh?" sabi ko habang nakangiti.
"Oo nga, pwede ko rin dalhin si Kesha para may makalaro siya kapag lumaki na si Malou, 'diba? Magiging mag friends sila kapag ganoon." sabi niya.
"Ang layo naman ng agwat nila. Eight years old na ngayon si Kesha tapos si Malou hindi pa pinapanganak!"
"Wala namang problema roon, edi maging second sister ni Malou si Kesha. Mas marami, mas masaya." lumingon siya sa'kin. "Tyaka, age doesn't matter." napangiti siya.
"Sa love"
"Love rin naman ang friendship ah." sabi niya. "Hindi naman mabubuo ang pagkakaibigan kung walang pagmamahal."
"Okay, okay, fine!" pagsuko ko. "You won!" I looked at him. "My heart! Yieeee!"
Napakagat si Kendmar sa labi niya, nagpipigil ngumiti. Natawa ako.
Kinabukasan, pinasa na namin 'yung project namin.
"Papasok na raw si Xands bukas!" sigaw ni Rj.
Napatingin ang mga kaklase namin sa kaniya. Napangiti sila sa narinig nila, mabait naman ang mga kaklase namin at marunong makisama.
"That's good! I missed him!" biglang sabi ni Thea.
Napatingin kaming mag totropa sa kaniya at binigyan siya ng meaningful smile.
"O-oh, I missed him as a friend! Don't look at me like that!" inis na sabi ni Thea.
"Friend.." tumango-tango si Paul habang tinatawanan si Thea. "Friend!" pag uulit niya.
Napikon sa kaniya si Thea kaya padabog siyang umupo sa upuan niya.
"Sana tuloy-tuloy na ang pag ahon ni Xands at ng pamilya niya." sabi sa'kin ni Ken habang nakatingin sa'kin.
"Sana nga." ngumiti ako sa kaniya, hinawakan ko ang braso niya.
"Miss ko na si Xands e." natawa siya.
"Eh ako ba na-mi-miss mo?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Gusto ko lang marinig mula sa kaniya.
"Araw-araw naman kita na-mi-miss, pag kauwi, habang nag didinner, bago matulog at pagkagising sa umaga." hinawakan niya ang pisngi ko. "Hindi mo alam kung gaano kita na-mi-miss sa tuwing wala ka sa tabi ko. Kaya nga every weekend pumupunta ako sa inyo kasi parang hindi ako sanay na hindi kita nakikita at nakakausap sa personal." nahihiya siya habang nagsasalita.
"Video call?" sabi ko.
"Ayaw ko ng video call, gusto ko personal." inalis na niya ang kamay niya sa pisngi ko.
Kahit inalis niya na kamay niya nararamdaman ko pa rin 'yung init ng mukha ko.
"Ganiyan mo talaga ako kagusto 'no?"
"Oo naman. Higit pa sa akala mo." tumawa siya.
Tumikod siya sa'kin saglit at may nilabas sa bag niya. Inabot niya sa'kin ang isang papel.
Binuklat ko 'yon at nakita ko na may nakadrawing doon na bulaklak, 'yung bulaklak na nilagay niya noon sa tenga ko.
"P-para saan 'to?" hindi ganoon kaganda ang drawing niya pero halatang nag effort siya.
"Gusto sana kita bigyan ng totoong rosas kaso mabubulok lang naman 'yon. Gusto rin sana kita bilhan ng kahit fake na bulaklak kaso bibili lang ako tapos okay na meron na, wala man lang ka-effort-effort kapag ganoon. Kaya naisip ko na mag drawing na lang." napakamot siya sa ulo niya habang nakangiti.
Hindi ako makapagsalita. Nakaka-speechless 'tong ginawa niya. Nakatingin lang ako sa drawing niya, hinawakan ko 'yon, sobrang nakakakilig na nakakataba ng puso. Sobrang saya sa feeling na nag effort talaga siya mag drawing kahit hirap siya sa arts!
"Ken, hindi mo pa ba ako tatanungin?"
"Huh?" nanlaki ang mga mata niya.
Natawa naman ako kasi ang awkward, dito ko pa talaga siya sa classroom namin sinagot.
"Bingi ka?"
"H-hindi ko masyado na gets?" sus, pero kumikinang na ang mata.
"Tanungin mo muna ako"
"Anong itatanong ko?" inosente na sabi niya.
"'Yung ano! 'Yung karaniwang sinasabi ng mga manliligaw" sabi ko. "alam mo na 'yun!"
Tumingin muna siya sa'kin nang matagal bago niya nakuha ang sinasabi ko. Umayos siya ng upo at hinawakan ang kamay ko. Nasa dulo naman kami ng classroom at wala ng pakialam sa'min ang mga kaklase namin dahil sanay na sila. Maingay lang naman sila nung bago pa lang kami ni Ken.
"Marou Mae Malinis.." tumawa siya nung hinampas ko siya nang mahina. "Pwede na ba kita maging girlfriend?"
"Yes.." mahinang sagot ko habang nakangiti ng pagkalawak-lawak. "Yes na yes!"
Nagulat ako nung bigla siyang naluha at niyakap ako.
"Shhh, don't cry" hinimas-himas ko ang likuran niya.
"Hindi ako umiiyak, sobrang saya ko lang. Salamat" sabi niya habang nakapatong pa rin ang ulo niya sa balikat ko.
"Hoy, hoy, hoy, ano 'yan! Bakit may nagyayakapan diyan!" sigaw ni Junjun habang naturo sa'min ang kamay niya.
Kumalas si Kendmar sa pagkakayakap sa'kin. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko, hinila niya ako nang kaunti.
"Guys!" sigaw niya sa classroom. Biglang tumahimik ang lahat, napatingin sa'min ngayon.
Kumunot ang noo nung iba nang makita nila kami ni Kendmar na..
Magkahawak-kamay.
Inalis ni Kendmar ang pagkakahawak sa kamay ko, nilipat niya sa balikat ko at nilapit ako sa kaniya.
"Girlfriend ko na si Marou!" masayang sabi ni Kendmar.
"AHHHHH" Sumakit ang tenga ko nang bigla silang magtilian.
"OMYGHAD! OMYGHAD!" tili ni Nietta.
"I CAN'T BREATHE!" nagkunwari pa si Junjun na mahihimatay na.
"Ako'y KENikilig!" biglang kanta ni Nietta. "'Pag ika'y lumalapit ako'y KENikilig!" kanta nilang lahat.
Nakisabay pa ang mga classmate namin, hindi na maalis sa labi ko ang ngiti. Sobra akong kinikilig!
Napalingon ako sa pwesto nina Marie, nakangiti siya sa'kin at nag thumbs up! Nag thumbs up din ako sa kaniya. Nagpalakpakan pa 'yung iba. Grabe!
"I need you baby! And if it's quite alright!" kanta ni Junjun.
"I need you baby to warm the lonely nights!" sumabay na rin ang iba sa pag kanta.
Nakatingin lang ako kay Kendmar na sobrang saya ngayon. Ang saya saya namin!
"I love you baby, trust in me when I say." sumabay si Kendmar sa pagkanta habang nakatitig sa'kin.
Napapalunok na lang ako, parang gusto kong maiyak sa ginagawa nila pero puro saya lang ang nararamdaman ko ngayon.
"Oh pretty baby! Don't let me down I pray" patuloy lang sina Paul sa pag kanta. 'Yung iba kumakanta, 'yung iba naman tumitili.
Sumasayaw-sayaw pa sina Rj sa sobrang aliw sa kanta.
"Oh pretty baby, now that I've found you stay" bigla akong niyakap ni Kendmar.
Gusto ko man kumawala sa pagkakayakap sa kaniya dahil nahihiya ako pero hindi ko magawa, sobrang komportable ko sa yakap niya.
"And let me love you, oh baby, let me love you." kanta ni Kendmar sa tenga ko.
Nagtaasan ang mga balahibo ko, tumatawa na lang ako sa sobrang kilig.
This night was probably the most memorable night, akalain mo 'yun, parang nasa pelikula kami na sinagot ng leading lady 'yung lalake na nanliligaw sa kaniya tapos mag background music pa! Grabe! The best talaga ang section namin plus the best din ang mga tropa ko!
Uwian na rin agad kaya Ken time na naman! My gosh! Haha! Eto ang unang gabi na mag jowa na talaga kami, as in magkasintahan!
Puro sweet talks ang pinag usapan namin ni Kendmar. Panay naman ang tawa ko sa sobrang kilig. Nasa tapat na kami ng bahay namin, papasok na sana ako pero hinila niya ako at niyakap.
"Babe, I love you." bulong sa'kin ni Kendmar.
"I love you too." I said sweetly.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro