MARUPOK 28
"Kinakabahan ako sa scores ng exams ko." sabi ko kay Nietta.
"Okay lang 'yan, pare-pareho lang naman tayo hindi nag review."
"Gosh.." napahawak ako sa ulo ko.
Noong linggo habang nasa kwarto kami ni Xands, mag rereview nga dapat kami pero nauwi na lang sa tawanan. Wala rin.
"At least nga kayo ni Ken anim na subject ang na-review niyo e, kami apat lang. Tinamad pa." natatawa na sabi ni Liya.
"'Wag tayo pasok sa friday?" narinig ko na sabi ni Paul na nasa likuran namin. Kausap sina Rj.
"Hoy, ano kamo?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Bibisitahin si Xands, ano ka ba." sagot sa'kin ni Paul.
"Tao" ngumisi ako.
"Oo nga, Marou! 'Wag tayo pasok, checking lang naman ang gagawin panigurado." sabi ni Nietta.
"Considered 'yon na cutting, tanga." sabi sa kaniya ni Zha.
"Eh kung ayaw niyo, kaming mga boys na lang ang bibisita kay Xands." sabi ni Junjun. "Babalitaan na lang namin kayo tapos kayo, ituro niyo sa'min 'yung mga ma-mi-missed namin na topic kung meron man." planado na ah.
"Ay, ano ba 'yan." parang galit pa si Nietta.
"Just join if you want, walang pipigil sa'yo." inosente na sabi ni Thea.
"Wag na nga!" pagsuko ni Nietta.
Uwian na kaya magkadikit na naman kami ni Ken.
"Kumusta pagsasagot mo sa exam?" tanong niya sa'kin habang nakaabay.
"Okay lang, nagamit ko 'yung mga tinuro mo sa'kin." I giggled. "Thank you."
Nakakatuwa lang na good influence siya. Hindi siya nakakasagabal sa pag aaral ko, nakakatulong pa siya.
"Good, wala bang premyo?" simumangot siya.
Hinarap ko siya kaya natanggal ang kamay niya sa balikat ko.
"Anong premyo? Wala tayong napag usapan na ganoon ah?" kunot noo na sabi ko.
Tinagilid niya ang ulo niya, nilagay niya ang hintuturo niya sa pisngi niya at tinuro-turo 'yon, ngumuso pa siya sa'kin.
"No.." mariin na sabi ko, gusto niya ng kiss sa pisngi.
"Hindi ako haharap, promise!" inalis niya sa pisngi niya ang kamay niya at tinaas niya 'yon, nanunumpa.
"Sus! Alam ko na 'yang mga galawan niyo!" natatawa na sabi ko.
Gusto ko sana kaso.. hindi pwede! Bata pa kami.
"Bebe..hindi talaga ako haharap, pro--"
"Hoy, kayong dalawa, kanina pa namin kayo hinihintay." nakapamewang na si Rj.
Tiningnan ko si Kendmar at sinisi ko siya.
"Tara na habang hindi pa gabi!" irita na sabi ni Paul. "Kapag ginabi na naman ng uwi 'tong mga babae natin, tayo na naman ang malalagot." napakamot siya sa ulo niya.
Natawa ako, kapag kasi na-le-late ng uwi si Thea, sila Junjun ang napapagalitan ng parents niya. Wala naman kasing ibang kasama si Thea kundi kami lang.
Nakain kami ng turon habang naglalakad papunta sa sakayan. Si Zha nauna na umuwi, may gagawin pa raw siya! palagi naman siya may ginagawa! Hindi niya pa sinasabi, napaka masikreto e!
"Buti na lang maganda ang schedule ng exmas sa school natin." sabi sa'kin ni Kendmar.
"Hindi ka sure.." natatawa na sabi ko. "Nasasabi mo lang 'yan kasi transferee ka, naninibago ka pa siguro."
"Totoo nga, sa'min dati ko kasing school ang hassle! Whole day na nga ang regular class, whole day pa ang exam!" umiiling na sabi niya.
"Saan ba school mo rati?"
"St. Judes." napatigil ako sa pag nguya ko.
"St. Judes?!!" nanlalaki ang mga mata ko.
Kumunot ang noo niya.
"Oo, bakit?"
Wow, galing din ako roon!
"Doon din ako nag aral noon first year high school ako pero lumipat rin agad ako nung mag th-third quarter na." sabi ko. "Doon ka rin pala.." namamangha na sabi ko.
Kinikilig tuloy ako! Feeling ko destined talaga kami! Argh!
"Alam ko." natatawa siya.
"Ha?! Alam mo?! Paano?" naguluhan ako bigla.
"Ikaw 'yung babaeng nadulas noon sa covered court." tumatawa siya. "Nag papractice kami noon ng sayaw." kwneto niya.
Sht. Akala ko mga kaklase ko lang ang nakakita noon nun! Omyghad! Ang lakas pa naman ng pagbagsak ng pwetan ko nun, huhu. Ang epic pa ng pagkadulas ko!
"Ikaw ah, kilala mo na pala ako dati pa ah. Sinusundan mo 'ko 'no?!" sigaw ko sa kaniya.
"Siguro." todo ngiti siya.
Kumagat ulit ako sa turon na kinakain ko para pigilan ang pag ngiti.
Saglit lang namin binisita si Xands, okay naman na siya. Nakakatawa na siya, ang hirap nga lang ng buhay nila ngayon. Napag usapan din namin na magtotropa na mag ambagan ng 50 pesos a week para makatulong kami kay Xands tapos ibalik na lang sa'min ni Xands kapag nakaluwag na sila.
"Yes! Pasado!" sigaw ni Lou sa loob ng classroom namin.
"Ilan ka?"
"48 over 60" tuwang tuwa na sagot ni Lou.
"Sana all!!" paiyak na si Nietta.
"Bakit, ilan ka ba?" tanong ko.
Kukunin ko sana 'yung test paper niya na nakalapag sa desk niya pero bigla naman siyang tumungo.
"Patingin ako!" pinipilit ko ibangon ang ulo niya.
"Omyghad!" react ko ng makuha ko ang test paper niya. "Mag reremedial ka nito! Hindi ka ba nag aral?" pinapagalitan ko na siya.
"Nag aral..pero walang pumasok sa utak ko kaya ewan ko ba!" tumungo ulit siya sa kahihiyan. Pinapadyak-padyak niya pa ang paa niya sa inis.
"Twenty-seven? Kaninong papel 'yan?" biglang hinatak ni Junjun 'yung papel na hawak ko, nag panic ako.
Nakita ko na lang na napatakip na si Junjun sa bibig niya habang nakatingin sa papel at tumingin kay Nietta. Kinomfort na lang namin si Nietta, may fourth quarter pa naman, pwede pa siya humabol.
"Tanginang perfect 'yan!" narinig namin na sabi ni Paul.
Magkatabi sila ni Kendmar, dalawang papel ang hawak ni Paul habang si Kendmar walang hawak.
"Paano mo nagagawa 'to, pre!" hinamaps ni Paul ang papel na hawak niya kay Kendmar.
Sa sinasabi pa lang ni Paul halatang si Kendmar ang naka perfect! Grabe mamaw sa math!
Tumayo agad ako at lumapit sa kanila. Walang pasabi kong inagaw ang papel ni Kendmar sa kaniya.
Name: Kendmar Richer Gonzales
Grade & Section: II - Abueva
Score: 60/60
"Oh, turn on na kayo kay Ken!" tumawa si Junjun nang malakas. Naningkit ang mata ko at hinampas ko sa kaniya ang test paper ni Ken.
"Bobo ka, kay Marou lang 'yan!" binatukan ni Rj si Junjun.
"Uy, malalamog na test paper ko." mahinahon na kinuha sa'kin ni Kendmar ang papel niya.
Ingat na ingat siya na hinawakan ang papel niya at nilapat niya ang kamay niya roon, medyo lukot na nga 'yung test paper niya.
"Congrats" nakangiting sabi ko sa kaniya.
Tinanong niya ako kung ilan ang score ko, sabi ko fifty-three. Okay na rin, mataas na.
Uwian na naman, uwian talaga ang pinaka paborito kong parte sa araw-araw na pagpasok ko sa eskwelahan. Syempre, Ken time e! Hahaha!
"Alam mo ba kung bakit ko na-perfect 'to?" nakangiting sabi niya sa'kin.
"Syempre nag aral ka!" tumawa ako at sinuntok ko nang mahina ang dibdib niya.
"Mali." sinuklay ni Kendmar ang buhok niya.
"Oh, ano?"
"Naalala ko 'yung mga ni-review natin tuwing nakikita ko ang mukha mo." seryoso na sabi niya.
Napanganga ako, bigla na lang ako natawa. Kumunot bigla ang noo niya.
"Seryoso ka?" natatawa talaga ako! "Nasa akin ba 'yung sagot?" huminto ako sa paglakad at nilapit ko sa kaniya ang mukha ko.
"Oo, ikaw 'yung sagot sa dalangin ko e."
"Luh!" umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang pag ngiti ko.
"Luh, kinilig!" tinuro niya ang mukha ko at siya naman ang tumawa.
"Kailan ba ako hindi kinilig sa'yo." bulong ko sa sarili ko.
"Ha?" tumigil siya sa pagtawa.
"Halabyu!"
Mabilis akong tumingkayad para maabot ang pisngi niya at binigyan siya ng halik doon. Tumakbo agad ako palayo sa kaniya sa hiya! Pagkatapat ko sa bahay namin, sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Hindi dahil pagod ako sa pag takbo, kundi ay dahil sa ginawa ko! Sumilip pa ako sa buong kalsada, akala ko sinundan pa ako ni Ken pero hindi na.
Napatakip ako sa mukha ko sa kilig! Hindi alam kung pagsisisihan ang ginawa ko o ano! Omg! Baka nagalit siya? Baka na-turn off?
Agad ako pumasok sa loob ng bahay, nadatnan ko ulit na tulog na agad si mama. Nag online agad ako, nakita ko na may message agad si Ken!
Kendmar: Bebe sorry hindi na kita naihatid hanggang sainyo, natulala kasi ako sa ginawa mo hahaha.
Kendmar: Salamat sa kiss! Sana maulit hihi.
Natawa ako sa chat niya, 'sana maulit' amp!
Marou: Sorry tumakbo ako, bigla ako nahiya ih :<
Kendmar: typing..
Kendmar: 'wag ka tatakbo sa susunod, para naman makabawi ako.
Marou: Huh?
Kendmar: typing..
Kendmar: wala wala hahaha kumain ka na?
Marou: hindi pa. Kakain pa lang. Kumain ka na rin!
Kendmar: typing..
Kendmar: Okay, love. I love you.
Napanganga ako sa nireply niya. Love. Tinawag niya akong love?! Nag init ang mukah ko! Shaks! Hindi ko alam kung ano irereply ko dahil hindi pa naman ako nag iiloveyoutoo sa kaniya! Ano ba irereply ko, thanks? Salamat? Ganoon?
Marou: Thank you for the love <3
Agad kong in-off ang phone ko at kumain na. Kinabukasan, absent nga ang mga boys namin, kasama na roon si Kendmar.
"Ano 'yang nasa leeg mo?" sabi ni Nietta kay Zha habang nakaturo siya sa leeg niya.
Napatingin kami nina Liya sa kanilang dalawa. Nag panic si Zha, agad niyang nilagay ang buhok niya sa harap ng dibdib nya para matakpan ang leeg niya.
Kumunot ang noo namin nila Thea. Tumayo ako para lapitan siya. Hahawakan ko sana ang buhok niya para alisin pero agad siya umiwas.
"Bakit ka may mahabang sugat diyan?" kunot noo na tanong ko. Naaninag ko na may mahabang pula sa leeg niya noong gumalaw siya para umiwas sa'kin.
"H-ha, a-ano, wala 'to!" ngumiti pa siya.
"Ang plastik ng ngiti mo." pinagkrus ni Nietta ang braso niya sa harap ng dibdib niya.
Lumapit na rin sa'min si Liya at Thea. Nagkatinginan kami ni Nietta na parang nag uusap ang mga mata namin.
"Saan galing 'yan?" kunot noo na tanong ko.
"Wala nga 'to..ano lang, uhm..kinalmot ng pusa." napakamot si Zha sa ulo niya. Hindi siya makatingin sa'min.
"You're not a good liar, Zha." sabi ni Thea.
Tumingala sa'min si Zha, nakapalibot kami sa kaniya. Mukha tuloy kaming mga bully tapos si Zha ang binubully namin! Paano ba naman, naka jacket pa siya na makapal tapos buhaghag ang buhok!
"Promise! Kalmot nga lang 'to ng pusa. Kaya ko tinatakpan kasi nahihiya ako na makita ng iba." nakatingin na siya sa'min ngayon.
"Eh bakit hindi mo man lang nilagyan ng band aid?!" sigaw sa kaniya ni Nietta.
"Nakalimutan ko bumili!" sigaw sakaniya ni Zha.
Natawa na lang kami sa sigawan nilang dalawa, nakumbinsi naman kami na kalmot nga talaga ng pusa. Mukha namang kalmot talaga ng pusa e.
"Tanga ka, ma-iinfect pa 'yan kapag 'di mo agad tinakpan 'yan." inirapan siya ni Nietta.
"Sorry po, mommy."
Naglalakad kami papunta sa bilihan ng school supplies, may band aid naman kasi roon.
Nauuna maglakad si Nietta at Zha, kaming tatlo nina Thea ang magkakasabay maglakad.
"Parang hindi ako naniniwala kay Zha." mahinang sabi ni Liya.
"Why?" kunot noo na tanong ni Thea.
"'Diba ayaw niya sa mga pets? Ni-hindi nga siya lumalapit sa aso o pusa e. Parang ang imposible naman na tumalon sa kaniya 'yung pusa tapos kinalmot na lang siya bigla?"
"Right, it make sense huh.."
"Malay niyo naman aksidente lang na lumapit siya sa pusa. Hindi natin alam."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro