MARUPOK 25
"Sa kusina" diretsyo na sabi ko. Pinagkrus ko ang braso ko sa harap ng dibdib ko.
Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko, ano bang meron?
"Okay, good--what?! Bakit sa kusina?! Bakit hindi na lang sa living room?"
nasstress na sabi niya.
"Ano ba nangyayare sa'yo?!" natatawa na sabi ko. "Syempre sa kusina, nandoon 'yung lamesa. Doon ako nag aaral palagi." paliwanag ko, hinawakan ko pa ang isang balikat niya para makumbinsi siya.
"A-ah, oo nga pala." nahihiya siyang tumatawa at napakamot sa ulo.
Uwian na kaya hinatid na ulit ako ni Kendmar.
"Si Xands, bakit hindi pa rin pumapasok?" tanong ko kay Kendmar.
"'Yun nga rin ang pinag uusapan namin kanina nila Paul e, wala kasi siyang paramdam sa gc natin."
Hindi ko napansin na wala palang paramdam si Xands kahit sa social media, hindi kasi ako active these past few days, busy kasi ako para sa darating na exam.
"Chinat ko na nga 'yon e, pero walang reply." umiiling na sabi niya.
Bitbit ni Kendmar ang bag ko dahil ang bigat, may laman kasi 'yon na clearbook kung saan nakalagay ang mga outputs ko. Kinokolekta kasi 'yon ng mga teacher bago mag exam.
"Kung kailan naman mag eexam tyaka siya umaabsent." comment ko. "Mabigat ba?" sabi ko sa kaniya sabay turo sa bag ko.
"Hindi, 'yung akin, mabigat ba?"
Umiling ako. Nagpalit kami ng bag para fair, ayoko naman siya gawin na tagabitbit ko kaya pinilit ko talaga siya kanina na ako na ang magbubuhat sa bag niya.
"You look cute sa pink na bag ko." natatawa na sabi ko.
"You're still beautiful sa brown na bag ko." banat niya.
Halos napalakas ang hampas ko sa kaniya sa kilig. Nakakainis naman kasi! Banat nang banat!
Napahinto ako sa paglalakad nang may nakita ako na isang pamilyar na lalake na nakaupo sa gilid ng kalsada, medyo malayo pa kami sa kaniya pero naaaninag ko ang mukha niya. Maliwanag ang side kung nasaan siya, may mga nagluluto kasi roon ng mga fishballs.
"Si.." napahinto si Kendmar sa paglakad niya at napalingon sa'kin. "Si Xands ba 'yon?" hindi ko inaalis ang tingin ko sa lalake na nakaupo.
"Saan?" lumingon si Ken kung saan ako nakatingin. Inurong niya pa ang ulo niya paabante para tignan ng mabuti.
"Lapitan nga natin." hinila ko siya. Dahan-dahan lang kami naglakad papunta sa kaniya.
Agad ako napahinto nung lumingon siya sa'min! Si Xands nga!
"Xands?" takang-taka na sabi ni Kendmar.
Gusgusin ang suot na damit ni Xands kaya pareho nakakunot ang noo namin ni Kendmar. Naubusan ba siya ng damit?
Nagulat si Xands nang humakbang si Kendmar papunta sa kaniya. "Baki--" Naputol ang pagsasalita ni Kendmar nang biglang tumakbo si Xands palayo sa'min.
"Xands!" sigaw ni Ken. Nagulat naman ako nung tumakbo rin si Kendmar para sundan siya.
What the! Iniwan ako rito! Natanaw ko na lang na nakatayo na lang si Kendmar at tumingin-tingin sa paligid na parang nahihilo na at napahawak sa ulo niya. Tumakbo agad ako para puntahan siya.
"Ano nangyare?" nag aalala na tanong ko.
"B-big--" hingal na hingal siya. "Biglang nawala si Xands." nagpakawala siya nang malalim na hininga.
Tumingin-tingin din ako sa paligid, wala na rin akong makita na Xander Adrianne Manalo.
Kinuha ko sa loob ng bag ni Kendmar ang tubigan niya pero wala ng laman! Pinatalikod ko si Kendmar para kunin ang tubigan ko, alam kong may laman pa 'yon.
"Oh, inom ka muna ng tubig."
Naaawa ako sa itsura niya, para siyang nastress ng bongga sa nangyare. Tahimik na lang tuloy si Kendmar habang naglalakad kami.
"Okay ka lang?" nag aalala pa rin ako sa itsura niya, para kasi siyang nawala sa sarili.
"Bakit ganoon ang itsura niya? Bakit ang dungis niya? Ano nangyare?" sunod-sunod na tanong niya. Napatingala pa siya sa langit at nabuntong hininga.
"Hindi rin natin alam, malalaman lang natin kapag siya na mismo ang nagsalita. Don't stress yourself because of it. Okay?" mahinahon na sabi ko.
Maingat lang ako na nagbibitaw ng mga salita, napamahal na sa kaniya si Xands. Si Xands ang pinaka-close niya sa mga lalake namin. Kahit ako nag aalala na rin kay Xands, meron akong idea kung bakit ganoon ang itsura niya pero ayaw ko isipin na ganoon nga.
"Sorry." nakayuko na sabi ni Ken.
"Bakit ka nag sosorry?"
"I don't know, i'm sorry." natawa ako sa sagot niya.
"Alam mo, hindi naman pababayan si Xands ng pamilya niya! Don't worry!" sinusubukan ko palakasin ang loob niya.
Napakagat siya sa labi niya. Hindi talaga siya makapagsalita.
"Marou, ako na lang ang bahala na magsabi sa tropa mamaya tungkol sa nakita natin kay Xands. Huwag ka na mag online, ha?" nagsalita rin siya!
"At bakit?!"
"Ayoko lang na ma-distract ka. Mag review ka lang, okay? Ako na bahala magpaliwanag sa kanila." hinalikan niya ang noo ko. "Huwag masyado magpupuyat, inom ka palagi ng tubig para magising." hinalikan niya ulit ang noo ko. "See you tomorrow." hinalikan niya ulit ang noo ko bago kumaway paalis.
Naistatwa ako sa tapat ng bahay namin. Tatlong kiss sa forehead ko? Omg!!! Kinikilig ako!
Sabi nga nila kiss on the forehead is the purest form of love and respect.
Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay namin at nag online saglit para ichat si Kendmar.
Marou: thank you for the love <3
Hindi maingay 'yung mga gc namin, baka busy na rin 'yung iba mag review. Pagkalabas ko ng kwarto ko kumain na ako ng dinner atsaka ko itinuloy ang reviewers ko. Habang nagawa ako ng reviewer na-re-recall din sa utak ko ang mga pinag aralan. Gusto ko lang talaga na may reviewer, magulo kasi ang sulat sa notebook ko. Mas nagaganahan ako mag aral kapag maayos ang binabasa ko at makulay.
Meron akong tips sa pag aaral.
Tips ni Marou 101
Tip #1. Maghanda ng mga scratch papers, mga gamit na papel pero may space pa sa likuran, 'yung pwede pa sulatan. Doon ka gagawa ng reviewer, may reviewer ka na nga, makakatulong ka pa magtipid ng papel!
Tip #2. Gumamit ng iba't-ibang kulay ng highlighter, kulayan ang mga mahalagang words. One hundred percent sure ako na kapag lumabas sa exam ang word na-highlight mo, maaalala mo agad 'yung sagot dahil sa color nung highlighter!
Tip #3. Huwag i-memorize, dapat intindihin. Mas mahalaga na naiintindihan ang isang bagay pero ang momerize pang saglitan lang 'yan sa utak, ang pag intindi ay pang matagalan. Parang sa isang relasyon lang 'yan, kapag hindi mo inintindi at sineryoso hindi tatagal sa'yo pero kapag sineryoso at inintindi mo, tatagal sa'yo.
Tip #4. Kumain ng dark chocolates habang nag aaral. Effective, pang-pagana ng utak!
Tip #5. Huwag manonood ng mga movies kapag malapit na ang exam. Ninety-fave percent sure ako na makakalimutan mo ang ibang ni-review mo kapag nanood ka!
Tip #6. Mag aral kapag bagong gising. Huwag cellphone agad ang hawak, mas maipapasok mo sa utak mo ang mga information kapag nakakapagpahinga ang brain mo.
Tip #7. Kumain ng breakfast! Uminom ng milk kung kinakailangan. Effective! Dapat may laman ang tyan bago sumabak sa aral. Kapag walang laman ang tyan, wala rin laman ang utak.
Tip #8. Huwag mag rereview kapag inaantok. Walang papasok sa utak mo.
Tip #9. Matulog ng maaga! Hindi pwede mag puyat, naaapektuhan ng pagpupuyat ang memorya mo. Magiging makakalimutin ka kapag puyat ka nang puyat.
Tip #10. Pray.
Syempre, ang pagdarasal ang pinaka effective sa lahat pero kung hindi ka naman nag review o nakinig sa mga tinuro sa inyo at dasal lang ang ginawa mo, wala ka rin masasagot. Dapat samahan mo rin ng kilos at gawa, nasa Diyos na ang awa.
Humikab ako ng makaramdam ako ng antok. Napatingin ako sa orasan, 10 o'clock na ng gabi, sakto naman at tapos na ang reviewers na ginagawa ko. English at Mapeh ang ginawa ko, kaunti lang ang topics kaya mabilis lang ako natapos. Natulog na ako dahil maaga pupunta rito si Kendmar bukas.
Kinabukasan, maaga nga talaga dumating si Kendmar.
Napataas pa ang kilay ko sa dami ng prutas na bitbit niya. Binili niya raw 'yon para kay mama. Medyo nagselos pa ako roon kasi ako wala! Mygosh! Pero okay lang, 'diba nga parents muna ang ligawan bago ang anak haha!
Habang nag rereview kami hindi namin mapigilan ni Kendmar ang tumawa nang tumawa habang nag rereview.
"Ayos na kase" pagmamakaawa ko sa kaniya habang natawa pa rin.
"Eto na, eto na, ano ang naging ambag ni tinidor?"
"What?! Anong tinidor?! Wala naman akong nilagay na tinidor diyan!" sinilip ko 'yung reviewer na hawak niya.
"Eto, oh, tinidor nakalagay!" depensa niya. Hinarap niya agad sa'kin 'yung papel.
Omyghad, tinidor nga ang nailagay ko!
"Inaantok lang ako kagabi kaya ganiyan nalagay ko." inagaw ko sa kaniya 'yung papel at pinalitan ko 'yung tinidor ng Teodor.
Tumawa si Kendmar nung nakita niya na Teodor pala 'yung tamang term. Sinamaan ko siya ng tingin kaya umayos agad siya. Magbibigay siya ng tanong sa'kin tapos sasagutin ko, ganun din ginagawa ko sa kaniya.
Napatayo ako sa kinauupuan ko, iniwan ni mama na nakabukas 'yung TV! I-o-off ko na sana kaso nakuha ng headline ng breaking news ang atensyon ko. Nanlaki ang mga mata ko nabasa ko na 'Ang isang sikat na Isabella Cafe sa Laguna, nasunog.' omyghad.
"Ken! Ken!" niyaya ko siya gamit ang kamay ko.
"Ano 'yon?" napatingin siya sa TV at pinapakinggan rin ang sinasabi nung reporter.
Kaninang alas nuwebe ng umaga nang biglang sumiklab ang apoy mula sa second floor ng Isabella Cafe, mabilis itong kumalat. Tatlo ang patay at halos bente ang sugatan. Kasalukuyan pang iniimbistegahan ang pinagmulan ng sunog. - Reporter
Shet, may namatay pa.
"Oh 'diba, buti hindi tayo pumunta." proud na sabi ni Kendmar.
Napalingon ako sa kaniya.
"Kaya siguro ayaw ng universe." medyo natawa ako.
"Hindi pa raw kasi tayo pwede mamatay, lilibutin pa natin ang buong Pilipinas e." nakangiting sagot niya.
"Pilipinas lang?"
"Oo, ayoko sabihin na buong mundo. Masama magsalita ng tapos." naglakad siya pabalik sa kusina.
"Siguro kung nagpunta tayo roon, baka--"
"Shh, 'wag mo na isipin 'yon. Magpasalamat tayo kasi hindi tayo natuloy. Kung natuloy tayo at naabutan natin 'yon, hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa tatay mong police."
"Thank you." sweet na sabi ko.
"Ha? Bakit?"
"For the love."
"Tapos na pasko pero parang gusto mo kantahin 'yan ah? Kagabi pa 'yang thank you for the love mo. Hashtag Kapamilya." natatawa na sabi niya.
"I'm sincere!" inis na sagot ko.
"Aral na tayo." tinatawanan niya pa rin ako. "Mamaya na kita haharutin."
5 o'clock na ng hapon nung natapos kami. Sobrang sulit ng review naming dalawa, may nga techniques pa siya na tinuro sa'kin sa Math! Ang talino niya.
"We're done." nalungkot ako sa sinabi niya. Nag aayos na siya ng bag niya ngayon sa sala.
"Nasabi mo na ba kina Paul 'yung tungkol kay Xands--" kaka-on lang ni Kendmar ng phone niya pero nag ring kaagad. Tumingin muna siya sa'kin bago niya sagutin ang tawag.
"Ano?! Bakit?! Ano nangyare?! Sige sige pupunta na kami." napalingon ako sa sinabi niya.
Binaba niya ang cellphone niya. Nakita na nanginginig ang mga kamay niya.
"Anong nangyare?" nataranta ako bigla.
Humarap siya sa'kin at parang iiyak na siya.
"Tumawag si Paul, si Xands daw.." malalim ang paghinga niya.
"What?!"
"He's in the hospital" napatakip siya sa mukha niya. "Fifty-fifty.."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro