Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MARUPOK 13

"Twenty-four days na lang, pasko na!" narinig ko na masayang sabi ni Mel Tiangco na nagbabalita sa TV ngayon.




Ang bilis ng panahon, magpapasko na naman.




Natulog kaagad ako pagkatapos ko manood ng TV. Binangungot pa ako, napanaginipan ko kasi si kutong lupa na kasabay ko ulit maglakad pauwi! Kaloka!




Kinabukasan medyo late ako pumasok. Hindi ko alam kung bakit ang tagal ko naglakad! Masyado ko kasi inisip 'yung napanaginipan ko! Napakadetalye naman kase!




"Hoy, Marou" sabi ni Nietta.




"Ano?" binaba ko ang pink na bag ko sa upuan ko.




"Hinahanap ka ni Ken" kinabahan agad ako. Naglalagay siya ngayon ng hair clip sa buhok niya.




"Bakit na naman?" iritang sabi ko.




Hindi pa ako nakakaupo sa upuan ko, hinahanap niya na kaagad ako.




"Baka mag sosorry na sa'yo" tumawa siya.




"Tsk!" iniwan ko siya sa loob ng classroom, nakita ko na nasa hallway lang si kutong lupa, nakatayo.




"Hanap mo raw ako?" direstyong sabi ko kay Kendmar nung nasa harapan niya na ako.




Nasa kaliwa niya si Rj, sa kanan si Lou, sina Junjun, Paul at Xands naman hindi mo malaman kung saan ba talaga nakapwesto, ang lilikot!




"Hindi ah" tanggi niya.




"Hinahanap-hanap kita" kanta ni Paul na nasa likuran ko na pala. Sinamaan ko siya ng tingin.




"Sabi ni Nietta hinahanap mo raw ako!" napakrus ang braso ko sa harap ng dibdib ko.




"Joke lang, Marou, naniwala ka kaagad" biglang sulpot ni Nietta sa harapan namin, tumatawa.




"Hilahin ko 'yang hair clip mo e" mahinang sabi ko at inirapan ko siya.




Umalis ako sa hallway, pumasok sa loob ng classroom. Kumunot ang noo ko nung sinundan ako ni kutong lupa.




"Akala ko ba ayaw mo na ako kausap?" sabi niya habang nakabuntot sa'kin. "Sabi mo 'yon nung nakaraang araw 'diba?" ngiting ngiti siya.




Para kaming aso at pusa nung nakaraang araw, nagkasagutan kami. Paano ba naman, pinagkakalat niya sa lahat na crush niya ako! Nararamdaman ko tuloy na umiiwas sa'kin si Marie.




"Huwag mo 'ko kausapin" pag susungit ko.




"Ha? Ikaw nga 'tong unang kumausap sa'kin e." labas-pasok ako sa loob ng classroom para mapagod siya sa kasusunod sa'kin.




"Naghihintay kasi ako ng sorry mo" matalim na sabi ko.




Sinuklay niya ang buhok niya pataas gamit ang mga daliri niya.




"Sige, sorry kahit ikaw ang may kasalanan" umirap siya.




"Ganiyan ba ang pag sosorry? Labag sa loob?" siya naman talaga ang may kasalanan e! Kung hindi niya lang pinagkalat na may gusto siya sa'kin, edi sana kinakausap pa ako ni Marie ngayon!




"Dapat nga mag sorry ka rin e" nagtatampo ang boses niya. Nakatayo lang siya harapan ko.




"Hindi dapat ako mag sorry, wala naman akong ginawa eh. Ikaw 'tong bigla-bigla na lang nagkalat ng fake news!"




"Ipagsasabi ko ba 'yon kung fake news 'yon?" natigilan ako sa sinabi niya.




Minsan gusto kong maniwala pero may malaking parte sa'kin na ayaw maniwala sa kaniya.




"Hindi ako naniniwala sa'yo" naglakad ako ng diretsyo ako para lampasan siya pero hinawakan niya ang braso ko.




Napalingon ako sa kaniya, diretsyo siya na nakatingin sa harapan niya.




"Ano?" tanong ko.




Nakita kong lumunok pa siya, nagdadalawang isip kung magsasalita ba. Bigla na lang siya napayuko at binitawan ako.




"Wala naman pala, tss" parinig ko sa kaniya at tuluyan na ako umalis.




Sino ba naman kasi maniniwala sa pabirong pananalita niya? Sabihan ka ng 'crush kita, Marou' pero tumatawa? Ano kaya 'yun.




Kinagabihan, nanibago ako kasi walang chat sa'kin si kutong lupa. Noong mga nakaraang araw naman kahit magkaaway kami todo chat pa rin siya.




Pero ngayon, kahit like-zone wala.




Anong pake ko, dapat nga matuwa pa ako na hindi na siya nagchachat e.




Rick James sent you a message.




Rick: Marou




Marou: Bakit?




Rick: typing..




Rick: May sasabihin ako.




Kinabahan agad ako! Ewan ko ba bakit palagi na lang ako kinakabahan sa tuwing ganito ang message o sasabihin sa'kin ng mga kaibigan ko!




Rick: Hindi ka talaga naniniwala kay Ken noh?




Nakakapagtaka, nag private message pa talaga siya. Ngayon lang ata kami nagkaroon ng chat.




Marou: Walang kapani-paniwala sa kaniya.




Rick: typing..




Rick: typing..




Rick: typing..




Rick: typing..




Rick: typing..




Luh? Tinatype niya na ba lahat ng nangyare sa sa kaniya sa araw na 'to? Ang tagal e.




Rick: typing..




Rick: Okay.




Marou: Luh?! Ang haba haba nung tinype mo 'yan lang isesend mo?




Rick: typing..




Rick: Wala hahaha nagbago na isip ko hindi ko na sasabihin.




Marou: Ang alin?




Rick: typing..




Rick: Hindi ko na nga sasabihin diba hahahaha bye na.




Marou: huy ano yun?!




Rick James active 3 minutes ago.




Buset! Pinaka nakakainis talaga 'yung mga pabitin na kaibigan katulad niya! Pakiramdam ko tuloy hindi ako makakatulog nito.




Makalipas ang isang oras, hindi na nga ako makatulog sa kakaisip sa chat ni Rj sa'kin! Urgh.




"Bakit ba ako naka online?" tanong ko sa sarili ko habang nakahilata sa kama, hawak ang cellphone ko na parang may iniintay na message.




Hindi ako mapakali, pinindot ko ang chat namin ni Kendmar, online pa rin siya pero wala talaga siyang paramdam ngayon!




Nagpunta ako sa gc namin.




Marou: Gud evening, I can't sleep.




Seen by Kendmar.




Seen.




Naghintay pa ako ng ilang minuto, umaasa na magrereply din siya.




Aww.




Seen-zoned na talaga.




Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng inis sa ginagawa niya! May kakaiba rin ako na nararamdaman sa puso ko, hindi ko ma-explain!




Binitawan ko ang cellphone ko, malungkot na nakatulala sa kisame. Nagising ang buong diwa ko nung tumunog ang phone ko. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para tignan kung sino ang nag message.




Dumapa ako sa higaan ko habang nakatungkod ang siko ko sa kama, hawak ko na ang phone ko. Excited ako na binuksan ang facebook app ko.




Unknown Person: Pa-like pUh ng ProFiL3 pic k0 pOh! xD.




"Myghad.." napayuko ako sa pagkadismaya.




Kinabukasan, friday na naman.  Lutang ako sa buong klase dahil hindi ako nakatulog kagabi. Hindi ako makatulog kasi parang may iniintay ako? Ay, ewan!




"Wala ka talagang gusto kay Kendmar?" biglang sabi ni Nietta.




"Wala" walang gana na sagot ko.




"Kahit one percent lang out of one-hundred?" with action pa na sabi niya.




"Hindi ako magkakagusto sa kaniya 'no, wala sa vocabulary ko 'yon!"




"Wews? Si Marie nga patay na patay doon e"




"Si Marie 'yon, mag kaiba kami" tinuloy ko na ang pagsusulat sa notebook ko.




"Magkatunog naman kayo ng pangalan" naphinto ako sa sinabi niya.




Marou, Marie? Ang layo. Ang magkatunog talaga na pangalan ay 'yung Mara at Clara!




"Ano connect?" kumunit ang noo ko sa kaniya.




"Edi malaki rin ang chance na magkagusto ka sa kaniya" tumawa siya nang malakas.




"Tumahimik ka nga, baka marinig ka ni Marie" nahampas ko nang mahina ang kaliwang braso niya, nasulatan ko pa 'yon ng ballpen na hawak ko.




"Ano naman?!" mas lalong lumakas ang boses niya. Napalingon tuloy sa'min si Liya at Thea na busy rin mag sulat.




"Ewan ko sayo!" nagsulat na lang ulit ako at hindi na siya pinansin.




Maya-maya pa dumating na ang adviser namin, last subject na kaya siya na ang nandito ngayon.




"At dahil December na, magkakaroon na ulit ng Parol Making Contest" sabi ni Ma'am.




Natuwa kaming magtotropa, by section kasi ang laban. Tuwang-tuwa rin ang iba sa'min dahil mas gusto talaga nila ang mga group activities.




"Mag aasign ang president niyo kung sino ang mga bibili ng materials na kakailanganin niyo sa paggawa pero syempre mag ambagan muna kayo. Doon kayo sa makakatipid kayo, okay? Recycled ang parol na gagawin niyo, so ang mga bibilhin niyo lang ay mga pintura, ganoon. Kayo na bahala." sabi ni ma'am.




Wala kaming ginawa sa time ni ma'am kundi nag usap-usap lang para sa parol na gagawin namin, kung ano ang mga designs na gagamitin, ano ang magiging itsura. Nag sketch pa si Liya ng parol na pwede naming gawin as a section.




"Plastic spoons, dyaryo, glue gan, sticks, karton, scissors.." sabi ni Kendmar na nasa harapan na ngayon. "Kung ano mga sinabi ko na pinalista sa'kin ni President, kung meron na kayo nun dalhin niyo na sa monday para iwas gastos" sabi niya habang nakatingin sa listahan. "At ang pinaka importante ay COOPERATION" sabi niya na parang may pinariringgan pa.




Namamangha rin ako sa kaniya minsan kasi ang galing niya magsalita pero hindi ibig sabihin nun na may gusto ako sa kaniya, duh!




"Gwapo niya 'no" napatingin ako kay Nietta na nakangisi sa'kin ngayon.




"Hindi ah!" sabi ko.




"Anong hindi? Alam mo ba kung sino tinutukoy ko?" nagpipigil siya nang tawa niya.




Tahimik ang classroom dahil nga may nag a-announce sa harap which is si kutong lupa.




Naramdaman ko na nag init ang pisngi ko kaya iniwas ko kaagad ang tingin ko kay Nietta, inirapan ko na lang siya at lumingon sa bintana.




"Malinis, are you listening?" napalingon ako kay Kendmar na nagtataka.




Lahat na ng kaklase namin nakatingin na rin sa'kin.




"Ayieee" kantyaw agad nina Junjun na sa likod ko.




Napairap na lang ako sa kawalan.




Bakit niya pa kailangan i-mention ang name ko?! Ako lang ba hindi nakikinig?! Ang dami-dami naming kaklase na hindi rin nakikinig pero ako lang sinaway niya!




"Makinig ka kasi sa bebe mo" kinalabit ako ni Rj.




"Shut up" inis na sagot ko.




Uwian na kaya nagmamadali na ako lumabas.




"Marou" muntik na ako mapatalon sa gulat.




"K-kendmar" nautal ako, ano ba 'yan!




Naglakad siya palapit sa'kin.




"Uwi ka na?" tanong niya.




"Oo, kaya nga naglalakad na ako 'diba?" sabi ko. Sinusubukan ko magsungit, parang nanghihina kasi ang boses ko sa harapan niya.




Napataas ang kilay ko nung sinabayan niya ang paglalakad ko. Wala siyang suot na sumbrelo ngayon, ganoon pa rin ang pag bibit niya sa bag niya.




Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya kaya umiwas agad ako.




"Bakit?" tanong niya.




"Anong bakit?" pagmamaang-maangan ko.




"Nakita kita na nakatingin sa'kin" seryoso na sabi niya.




Parang naninibago ako sa way ng pakikipag usap niya sa'kin, madalas ay palagi siyang nakangiti at nang aasar pero ngayon ang seryoso niya tignan.




"May sulat 'yung pisngi mo" sabi ko na lang.




"Ha, saan?" kinapa-kapa niya ang pisngi niya. Napakagat ako sa labi ko para mapigilan ang pag ngiti.




Nang mapagtanto niya na niloloko lang siya, tumahimik na lang ulit siya. Tahimik lang kami na naglalakad, naninibago talaga ako sa kaniya. Parang iba ang aura niya ngayon.




Tumingala na lang ako langit, ang daming stars ngayon. Ang linaw ng mga stars. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingala rin si kutong lupa.




"Ang ganda ng stars" sabi ko sa hangin.




"Oo, kasing ganda mo" bulong ni Kendmar sa sarili niya pero narinig ko 'yun.




"Ha?!" gulat ako na napalingon sa kaniya. Medyo natuwa pa ako sa narinig ko.




"H-ha? S-sabi ko, kasing ganda ko!" sabi niya. Sinungaling. Narinig ko naman talaga 'yung una niyang sinabi.




"Ganda? Bading ka talaga" umiiling-iling na sabi ko.




"Hindi ako bading, halikan kita diyan e" sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya.




Hahampasin ko sana siya pero parang awkward sa feeling?




"Bading, bading, bading, bading!" sabi ko sa kaniya.




Huminto siya sa paglalakad, nakatingin lang ng diretsyo sa'kin. Nakaramdam ako ng takot kasi baka seryosohin niya 'yung sinabi niya!




Inangat niya ang kaliwang kamay niya, pinagdikit ang daliri at diniin sa labi niya saka niya inilipat sa'kin at diniin naman sa labi ko.




"Hindi ako bading" he said softly with a serious face.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro