MARUPOK 10
"Salamat"
Inabot sa'kin ni Kenneth ang payong na hineram niya kagabi.
"You're always welcome" bibo na sabi ko.
Naapaaga ang pasok ko, kaya nakatambay pa ako sa tapat ng school, hindi pa kasi labasan ng mga pang umaga.
Pareho kami ni Kenneth na nakatayo, nasa kaliwa ko siya.
"Uhm, Marou"
"Hmm?"
"Ano kasi--"
"Pre! Oh, ano? Tinapos mo na ba 'yung deal?" may lumapit na tatlong lalake sa amin. 'yung isa na mas matangkad kay Kenneth ang nagsalita at umakbay sa kaniya.
Lumingon sa'kin 'yung lalake at ngumiti, mukha siyang mayabang na ewan tyaka ang likot niya.
"'Wag dito, please" mahinang sabi ni Kenneth sa kanila.
"Bakit, hindi mo pa ba nasasabi?" nagpabalik-balik ang tingin nung lalake kay Kenneth at sa'kin.
Umiling lang si Kenneth at sumesenyas sa mga ito na lumayas na sila.
Tumawa 'yung lalake at naglakad papalapit sa'kin. Nilahad ang kamay niya.
"Hi, Aeron" pagpapakilala niya. Nakipag shake hands naman ako sa kaniya, alanganin pa ako na ngumiti.
"Marou" pagpapakilala ko. Tropa 'to siguro ni Kenneth kaya dapat smile ako palagi!
"So, Marou, tapos na pala 'yung deal namin--"
"Bro!" saway sa kaniya ni Kenneth, humarang pa siya sa harapan ko para matakpan niya ako kay Aeron.
Na-curious ako sa sinabi ni Aeron.
"Bro, sabihin mo na habang maaga pa. 'Wsg mo na patagalin 'to baka umasa 'yan" sabi sa kaniya ni Aeron.
Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa dalawa pang lalake na nandito rin, umiwas sila ng tingin sa'kin nung tinignan ko sila. Mas lalong kumunot ang noo ko.
Napansin ko na medyo natataranta na si Kenneth, inusod ko siya sa kanan ko para makaharap ko si Aeron.
"Anong deal?" tanong ko. Nakita ng peripheral vision ko na napaatras 'yung dalawa pang lalake na nasa kaliwa lang namin, pinapanood kami.
"Marou, tara na" bigla akong hinila ni Kenneth palayo.
"Kenneth, ano 'yon?" pakiramdam ko nanghihina ako. May idea na ako pero ayoko isipin na ganun nga.
Nakalagpas kami ng kaunti sa school, nasa tapat na kami ng covered court.
Huminga siya ng malalim, hindi alam kung paano magsisimula.
"Marou kasi, naglaro kami ng basketball, kung sino ang matalo bibigyan ng dare. Natalo ako at ang grupo namin, ako pa naman ang nag lead kaya sa'kin napunta 'yung dare" halata sa mata niya na nag aalala siya. Hindi siya makatingin sa'kin.
"Anong dare ba 'yan?" dineretsyo ko na. Ayoko ng paligoy-ligoy pa.
"Nakita nila na nagpapicture ka sa'kin noon, kaya ikaw ang ginawa nilang dare--"
Tumakbo ako palayo sa kaniya.
"Marou!" narinig kong sigaw niya.
May humatak sa braso ko, nahabol niya pala ako.
"Marou, please, sasabihin ko naman sa'yo--"
"Tama ba na paglaruan ako?" naraamdaman ko na may bumabara na sa lalamunan ko.
"H-hindi, kaya nga tinigil ko na agad 'yung dare"
"Pero tinuloy mo pa rin, ginawa mo pa rin!" tumaas ang boses ko na ikinagulat niya.
"Marou-"
"Sige nga, sabihin mo sa'kin, hanggang kailan dapat ang dare na 'yan?" gusto ko na siya sampalin.
"Straight one week"
Tumawa ako. "Grabe, ganiyan ba talaga kayong mga lalake? Laruan ang tingin niyo sa aming mga babae?" nakangisi na sabi ko. "Kung babae ka at ganito ginawa sa'yo, matutuwa ka ba?"
Hindi siya makasagot.
"Nakakainis kayong lahat. Huwag na huwag ka na magpapakita ulit sa'kin" matalim na sabi ko at tinalikuran ko na siya. Hindi niya na rin ako hinabol.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom, tumungon agad ako. Kanina ko pa gusto umiyak, nakakainis lang na pinaglaruan ako.
"Marou, bakit?" sabi ni Liya, umupo siya sa tabi ko, hinimas-himas niya pa ang buhok ko kaya mas lalo akong naiyak.
"Shaks! Sino nag paiyak sa'yo?" naramdaman ko na lumuhod si Nietta sa harap ko, pilit na inaangat ang ulo ko.
Mahina lang ang hikbi ko kaya sila-sila lang ang nakakarinig.
"Oh, anyare diyan?" narinig ko na sabi ni Rj na nasa likuran ko.
"I have an idea" sabi ni Thea.
Hindi ko sila nakikita dahil nakatungo pa rin ako, umiiyak.
"Hala, baka kasi palagi niyo siya inaasar kay Kendmar kaya nagagalit na ngayon at umiyak na! Lagot kayo" sabi ni Junjun.
Luh, kung makapag salita naman siya akala mo hindi siya belong sa mga nang aasar.
"Baliw, hindi naman iiyak si Marou sa maliit na bagay lang" masungit na sabi ni Nietta.
"Marou, okay lang 'yan" tinapik ni Paul ang likod ko. "Isipin mo na lang na gwapo ako para hindi ka na umiyak"
"Hindi ka nakakatulong!" sa boses pa lang ni Nietta alam ko na agad na iniirapan na niya ngayon si Paul.
"What happened?" narinig ko na sabi ni Lou, kararating lang niya siguro.
"Our baby Marou is crying" sabi ni Thea.
Si Liya puro himas sa likod ko, medyo nakikiliti na ako!
"Xands, Ken" narinig ko na sabi ni Rj.
"Pucha, sino nagpaiyak sa bebe ko?!" inis na sabi ni Kendmar. Napabangon ako sa pagkakatungo ko sa sinabi niya.
Anong bebe?! Tinignan ko siya ng masama. Napatigil si Liya sa paghimas ng likod ko, dahan-dahan naman na napatayo si Nietta na nakaluhod sa harapan ko kanina.
"Ow" react ni Rj.
Tinaasan ko ng kilay si kutong lupa. Pinunasan ko ang luha ko para hindi ako magmukhang katawa-tawa.
"Bakit?" sabi ni kutong lupa, nag aalala ba siya? "Sino nag paiyak sa'yo?" malumanay na sabi niya.
Biglang dumating si Zha. Nakita ko siya na napatingin sa'kin, napa second look pa siya sa itsura ko.
"U-umiyak ka ba?" gulat na sabi niya.
"Ikaw, umiyak ka ba?" tanong ko pabalik sa kaniya. Namamaga ang mga mata niya.
"Hindi ah!" tanggi niya at umiwas ng tingin, tumingin sa sahig.
"May mga problema ba kayo?" tanong ni Lou. "Bakit hindi kayo nagsasabi?" natahimik kami.
Nakapalibot lang silang mga lalake namin. Kapag may lumalapit na ibang kaklase namin na gusto makichismis, hinaharang agad nila, sinesenyasan na huwag makielam.
"Marou? Zha? Ano meron?" tanong ni Nietta.
Nagkasabay pa ata kami ngayon ni Zha na may problema, ewan ko lang kung ano problema niya.
Sakto naman na dumating na teacher namin kaya nagsiayos na ang lahat sa pagkakaupo. Umalis si Liya sa tabi ko, si Nietta ang pumalit.
"Okay ka lang ba?" nag aalala na sabi ni Nietta.
Tumango na lang ako at ngumiti sa kaniya. Natapos ang araw na hindi man lang ako tumawa sa classroom, sinusubukan nila ako patawanin pero pangiti-ngiti lang ang kaya kong ibigay.
Kinabukasan nakasalubong ako ni Kendmar pagkapasok ko.
"Bakit ka umiyak kahapon? Hindi ka sumasagot sa gc, tinatanong din kita sa chat natin." sabi niya.
"Wala 'yon" sagot ko.
Ayoko pa sabihin sa kanila 'yung tungkol kay Kenneth pero si Thea malakas makaramdam 'yun e. Nabasa ko sa gc kagabi na feel niya si Kenneth ang problema ko, siya lang ang tumama.
"Si Kenneth ba?" tanong niya. Tumingin ako sa kaniya. Suot-suot niya na ulit 'yung sumbrelo niya na Nike at 'yung isang shoulder strap lang ng bag niya ang nakasabit sa balikat niya.
"Bakit hindi mo suotin ng maayos 'yung bag mo?" sabi ko.
"Bakit mo iniiba usapan?" ngumisi siya na parang alam niya na agad na si Kenneth nga.
Ano ba 'yan! Hindi ko naman intensyon na baguhin 'yung topic, papansin kasi 'yung bag niya.
"Bakit mo tinatanong?" sabi ko.
"Bakit ka umiiwas sa usapan?"
"Bakit ka nakikialam?"
Natahimik siya, kahit ako natahimik sa sinabi ko! Mali ata 'yung sinabi ko, oh my ghad.
Nauna ako maglakad papasok sa classroom, nakokonsensya sa sinabi ko sa kaniya.
"Hoy, Marou Mae" narindi agad ang tenga ko.
"Bakit?!"
"Wala ka bang balak sabihin sa'min?" nakataas na ang isang kilay ni Nietta.
"Wala" umupo na ako.
"Luh, ayaw pa sabihin e, parang hindi tropa" sabi ni Rj sa likuran ko.
Ayan na naman sila sa 'parang hindi tropa' na 'yan. Nakakakonsensya kaya kapag ganiyan sinasabi nila!
"Ganito na lang, bibigyan ka namin ng time para magsalita." sabi ni Nietta.
"Para naman akong may kasalanan" comment ko.
"Birthday ko naman bukas e, mag oovernight tayo!!" excited na sabi niya, pumalakpak pa ang gaga.
"Ay, oo nga pala birthday mo na bukas!" excited na sabat ni Junjun. "Shanghai ah!" nag request pa.
"Oo na" sagot ni Nietta.
Nakita ko rin sa gc kagabi na pinag uusapan na nila kung ano plano sa birthday ni Nietta.
"Si Zha, hindi niyo tatanungin kung ano problema?" tanong ko. Napatingin kasi ako sa bakanteng upuan kung saan siya nakaupo.
"Nako, Marou. Ilang beses na namin tinanong 'yon kahapon at kagabi, mga one hundred times na nga yata e." sabi ni Paul. "Pero wala kaming nakuha na matinong sagot" umiling-iling siya.
"Hindi ka pa nasanay kay Zha, alam mo naman 'yon, never nag open sa'tin." bulong ni Nietta.
Oo nga, hindi talaga siya nagsasabi ng problema niya sa'min. Nihindi nga niya sinasabi kung ano mga paborito niyang pagkain pero nalalaman din namin kasi nahahalata namin sa kaniya.
"Ininvite mo ba si Kendmar sa overnight?" tanong ni Thea kay Nietta.
"Yup!" mabilis na sagot ni Nietta.
"Ha?!" nag react agad ako.
Napatingin silang lahat sa'kin at napahinto sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. Gulat na gulat sa naging reaksyon ko.
"Bakit? Ayaw mo?" inosenteng tanong ni Nietta.
"A-ah okay lang!" sabi ko agad.
Medyo kinakabahan ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung bakit! Nakakainis naman.
"Marou, may ballpen ka pa?" tanong ni Xands.
Napataas ang kilay ko, kinuha ko rin naman ang pencil case ko. Ang yaman yaman niya wala siyang ballpen.
"Oh" inabot ko ang ballpen.
Si kutong lupa pa ang kumuha.
"Thanks" sabi ni kutong lupa.
Kumunot ang noo ko nung nakita ko na siya ang gumamit ng ballpen na pinaheram ko kay Xands! Ngumiti sa'kin si Xands at kinaway niya sa'kin ang ballpen na hawak niya na parang sinasabi na 'may ballpen ako'.
Napailing na ako at natawa. Kinabukasan, excited na excited na kaming lahat dahil sabado na bukas! Mag oovernight na. Buti na lang at pinayagan ako ni mama.
"Guys, ayaw ako payagan ni daddy" nakabusangot na sabi ni Thea.
"Sa hapon ka na lang punta tapos kapag gabi na hahatid ka namin" sabi ni Junjun.
Ako 'yung kinilig sa sinabi niya, ang sweet talaga nila sa'min, ang protective din. Parang mga oldest brother namin sila.
"Nietta" malungkot na sabi ni Thea habang inaalog nang mahina ang balikat ni Nietta. "Sorry" sabi niya at niyakap si Nietta.
Ang strict naman kasi ng parents ni Thea. Dumating si Kendmar at nakita namin na punong-puno ang bag niya.
"Saan ka punta, pre?" natatawang tanong ni Paul kay kutong lupa.
"Punong-puno ah, aral na aral?" tanong ni Xands habang pinapalo-palo pa ang malaking bag ni kutong lupa.
"Diba may overnight?" inosente na sabi ni Kendmar.
Naistatwa kaming lahat at nagkatinginan sa isa't-isa na pare-pareho ang nasa isip at biglang nagtawanan. Sobrang sakit ng tyan namin sa kakatawa dahil sa kaniya.
"P-pre!" tawang tawa na sabi ni Paul kay Kendmar.
"Putangina" napamura na si Rj sa kakatawa, hinahampas-hampas niya pa ang arm desk niya.
"Pre ano ka ba, bukas pa 'yon!" halos hindi na makapagsalita ng maayos si Paul sa kakatawa. Siya lang ang nakapagsalita sa amin dahil halos lahat kami nauubusan na ng hininga sa kakatawa.
Nakita namin si Xands na namumula na sa kakatawa, tisoy e. Naghahampasan naman kami nina Nietta sa sobrang tawa. Ang liligalig nina Rj na nagtatawanan. Si kutong lupa naman ayon tawang-tawa rin sa katangahan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro