MARUPOK 1
"Marou, maruya oh!" alok sa'kin ni Thea.
"Thanks!"
"Asan si Nietta?"
"I don't know, maybe she's finding some handsome guys out there, again." sagot sa'kin ni Thea.
Kahit kailan talaga.
"Mauuna na ako sa classroom."
Taas noo akong naglalakad sa hallway. Pagkapasok ko ng classroom ang gugulo na naman ng mga boys namin!
May nagbabatuhan ng papel dito, doon, every time, every where! Hindi ba sila napapagod? Kulang na lang magbatuhan na rin sila ng kahoy na upuan namin e.
Hays, mga lalake talaga ang tatagal mag matured!
"Marou Mae!!" nilingon ko 'yung babaeng sumigaw sa likod ko.
"Punyeta ka talaga, Antonietta! Ilang beses ko ba uulitin sa'yo na 'wag mo ako tatawagin sa pangalan na 'yan!" reklamo ko.
Si Nietta, sounds like 'nyeta' , 'punyeta' ganun siya. Madalas talaga siyang nakakapunyeta dahil sa hilig niyang mang asar. Tipong, pikon na pikon ka na pero G na G pa rin siya sa pangungutya sa'yo.
Ikaw ba naman pangalanan ng 'Marou Mae' matutuwa ka ba? Kasi ako hindi, ang dumi e.
"Ano ba 'yan, Nietta. Excuse me po saglit." sabi ni Thea habang nadaan.
Eto naman kasing si Nietta paharang-paharang din, akala mo naman model.
Si Thea naman, siya ang englishera sa'min. Napakamahinahon niya rin na tao. Ang galing sumaway! Nagtataka nga kami kasi wala man lang nanliligaw sa kaniya, ganda niya kaya!
"Bakit mo 'ko tawag?"
Lumapit siya sa'kin at inilipat niya ang bibig niya sa tenga ko.
"May nakita akong pogi sa taas!" malandi niyang bulong sa'kin.
"Anong gagawin ko?" duh, loyal ako sa crush ko 'no.
Crush pa lang loyal na ako, paano pa kaya pag naging kami na baka pakasalan agad ako nun. Char.
"Daan tayo sa taas, kunwari may hinahanap tayo. Sige na" pagmamakaawa sa'kin ni Nietta.
"Crush mo?"
"Slight."
"Rupok mo naman!"
"Mas marupok ka, si Marou ka e." natatawang sabi niya.
Umupo na lang ako sa upuan ko habang iniintay at nagbabakasali na dumaan si crush sa tapat ng room namin.
Sa may bintana ako palaging nakapwesto para more chance to see my crush.
"Hoy, maroupok! Sama ka ba sa'min mamaya?" tanong ni Rj sa'kin.
"Where?"
"Park."
Park? Nung nasa private school pa ako kapag nagkakayayaan lumabas, pupunta kami sa mga mamahaling restaurants. Never in park.
Pero ngayong nasa public school na ako, pa-park-park na lang ako.
Tyaka ayoko na makisalamuha sa mga taga private school, puro tarantado eh. Katulad na lang ni Emman.
Emman-loloko.
"Ouch!" inda ko nang may tumama na crumpled paper sa kanang mata ko.
Lahat sila natahimik sa pag aray ko.
Habang ako naman nakahawak sa kanag mata ko, ang sakit ah! medyo naluluha mata ko.
Sa inis ko, hinanap ko kung sino sa mga lalake namin ang nakatama sa mata ko.
"Sino 'yon?!" inis na sabi ko.
"Eto..eto.." nagtuturuan pa sila.
"Ako, bakit? May angal ka?" sagot ni Rudolf.
"Oo!" binato ko sa kaniya pabalik 'yung papel na tumama sa mata ko.
"Sorry, Maroupok! Hahahaha."
Tsk! 'yan ang walang kakwenta-kwentang tanyag nila sa'kin.
Porke marami lang ako naging crush dati na sineryoso ko tapos pinaasa lang ako tinawag na nila ako na 'Maroupok' pinagsamang marou at marupok. Maroupok.
Bumalik na ulit sila sa pagbabatuhan nila. Tsk, hindi pa rin nagtigil.
Ganito talaga sa public school, magulo pero masaya.
"Liya, pahingi ako tissue." sabi ko.
Binigyan niya naman agad ako at pinunas punas ko 'yon sa namamasa kong mata.
Si Liya, siya ang pinaka kikay sa aming magtotropa. Kompleto siya ng gamit, pulbo, tissue/wipes at kung ano-ano pa. Siya ang pinakamahinhin sa'min. Masayahin din siya, kaya nga Ligaya ang name niya.
Dumating na ang teacher namin nagsimula na rin siya mag turo.
Lahat kami nakikinig, maya-maya lang biglang napapikit ng mariin si ma'am bago magsalita.
"Nestizha, late ka na naman! Kababae mong tao palagi kang late." napagalitan na naman siya ni Ma'am Ai.
"I'm sorry." diretsyo niyang sabi, sabay pasok at upo agad sa upuan niya.
Sa likod ko lang siya nakaupo. Pang hapon na nga ang klase namin palagi pa rin siyang late.
"Wala pa akong sinasabi na pumasok ka at umupo ka." sabi ni Ma'am, napipikon na siya.
"Nakaupo na po ako ma'am, patatayuin mo pa ba ako ulit?" siniko siya ni Liya sa naging sagot niya, magkatabi lang kasi sila.
Grabe talaga siya sumagot! Halos lahat yata ng teachers sinagot niya na.
"Hindi kita bibigyan ng quiz sa araw na 'to. That's your punishment for being rude!"
Napalingon ako kay Zha na nakita ko namang napairap pa.
Si Zha naman, siya ang laging late pumasok sa aming tropa. Ilang minuto na lang magsisimula na ang klase pero wala pa rin siya. Napakatang niyang babae, sa totoo lang. Walang kinatatakutan.
Natapos na lang ang klase namin pero hindi ko manlang nasilayan si Crush.
Kinabukasan masaya akong naglalakad mag isa papuntang school. Baka sakaling makita ko na si Crush.
Mga pictures niya lang tuloy sa facebook niya ang pinapantasya ko sana naman mamaya sa personal ko na siya mapantasya hehe.
Oh? 'wag mo 'kong husgahan agad. Hindi ako malandi, marupok lang.
"Aray!" inda ko.
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo." Iniangat ko ang ulo ko para makita kung sino 'yung suplado na 'yon.
May nakita na napakagwapong nilalang! Matangkad, maputi, payat, matangos ilong, ang kapal ng kilay girl! Clear skin din!
Guys, may bago na ata akong crush? Hihi.
"Tabe!" iritado niyang sabi.
"Ang sungit mo naman! Sayang ka." bulong ko. Ang gwapo gwapo pero ang sungit!
"Anong sayang? Gwapo ako, walang sayang sa'kin." pagyayabang niya at nilagpasan ako.
Kapareho ng suot niya ang school uniform ng boys sa'min. Nakita ko rin ang patches na nakakabit sa uniform niya, kapareho 'yon nung patches na nasa left side ng uniform ko.
Ibig sabihin ba non, schoolmate ko siya?
OMGGGGGGGGG!! Kailangan ko pa yata magpaganda lalo.
Pero teka? Saan siya pupunta? Sa direksyon ko ang daan papuntang school pero siya taliwas sa daan ko.
"Kuya suplado! Saan ka pupunta?" lumingon siya.
"Pake mo?"
"Wag ka naman po masungit, hindi bagay sa kagwapuhan mo." sabi ko habang sinasabayan siya sa paglakad niya.
"Sino ka ba?" iritado niyang tanong.
"Ang iretable mo namang tao! Hindi ka ba tinuruan kung paano makipagkilala ng maayos?"
"Hindi kasi ako interesado na makipagkilala sa panget na katulad mo." tumalikod siya at naiwan akong nakanganga.
Ano? Panget? Ako? Malabo ba mata niya?
Hindi ako payag sa sinabi niya! Siya yata ang unang tao na tumawag sa'kin na panget!
"Hoy kuya suplado! Akala mo gwapo ka? Hindi! Napakapanget mo!" sigaw ko.
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad nang may biglang humila sa braso ko.
"Bawiin mo 'yung sinabi mo." si suplado.
"Ayoko nga, panget ka naman talaga e." inalis ko ang braso ko sa kamay niya.
Ngumiti siya. 'Yung ngiting pa-fall.
"Oh, wag kang ma-fall. Hindi kita sasaluhin." ngumisi siya sa'kin.
"Yak!" tumakbo na ako palayo sa nilalang na 'yon.
Hindi lang pala siya suplado, makapal din ang mukha! singkapal ng kilay niya.
Inis na inis akong pumasok sa classroom.
"Oh ba't salubong ang kilay mo?" tanong sa'kin ni Rj.
Sa mga tropa kong lalake, siya lang ang madalas kumausap sa'kin.
"May lalake kasi akong nakasalubong kanina! Kung laitin ako akala mo naman sobrang gwapo. Mukha nga siyang tuko." inis na sabi ko.
"Sino?"
"Aba malay ko! Basta ang alam ko, dito rin siya nag aaral."
"Sino 'yon, Marou?" singit ni Nietta.
"Chismosa ka gHorl?" nang aasar na sabi ni Rj kay Nietta.
"Ikaw nga ang chismosa dyan e, kalalake mong tao ang dami mong sinasabi." inirapan siya ni Nietta.
Napalingon ako sa bintana, nanlaki ang mata ko nang nakita kong napadaan 'yung suplado! May kasama siyang tatlong lalake at nagtatawanan sila.
Kwinekwento niya siguro ako sa mga peste niyang kaibigan kaya sila nagtatawanan? Tsk. Hindi naman sa assumera ako pero nakakainis kasi siya.
Sarap niyang ilublob sa drum na may lamang tubig.
"Ayun siya!" sabi ko kila Rj.
Napatingin din sina Liya sa tinitignan ko.
"Ay, ang gwapo naman nun! Bakit ngayon ko lang siya nakita?!" nasstress na sabi ni Nietta.
Halos mabatukan ko na siya sa sinabi niya.
"He looks nice naman" comment ni Thea.
"Anong nice diyan?! Tinawag niya akong panget." nakasimangot kong sabi.
"Panget ka naman talaga gurl" natatawang sabi ni Nietta. Punyeta ka talaga.
"Walang panget sa mundo. Maganda si Marou." pang tatanggol sa'kin ni Lou habang tinitignan 'yung kutong lupa na nang insulto sa'kin kanina.
"Aw, salamat daddy Louis." si Lou ang pinakamatured sa mga tropa naming lalake.
"Wow, Zha! Ang aga mo ngayon ah" bati ni Liya.
Wow, si mother Zha, mas maaga pa sa teacher. First time ata 'to.
"Hindi ako maaga, late lang si ma'am" binaba niya na ang bag niya saka nagsalita ulit.
"Nadaanan ko si Ma'am Ai kanina, narinig ko na may transferee raw. Tas sa section natin mapupunta." balita sa'min ni Zha.
Transferee? Third quarter na may transferee pa.
Sabagay, ganiyan din naman ako nung first year highschool, third quarter ako lumipat.
"Lalake? Gwapo?" biglang tanong ni Nietta.
"Hindi ko alam. Ikaw puro gwapo inaatupag mo e, mag aral ka nga!" sagot sa kaniya ni Zha.
"Zha, hindi naman kasi maiiwasan ng mga girls na mahumaling ng todo sa'ming mga good looking guy." sabi ni Paul.
"Hangin mo na naman, umalis ka nga sa harapan ko." pagsusungit ni Zha.
Nagsiayos ang lahat sa pag upo nang matanaw namin na paparating na si Ma'am Ai.
Pumasok si ma'am at dumiretsyo sa table niya sa harapan, pinatong ang libro at bag niya sa table.
"Class, may bago kayong kaklase and I hope you will be nice to him, okay?"
"Him daw, Marou. Lalake!" malanding bulong ni Nietta sa'kin.
Hindi ko na lang siya pinansin, hinintay namin 'yung sinasabi ni ma'am na tranferee habang nagbubulungan ang iba.
Pinag uusapan na siguro nila kung ano itusra nung lalake.
Narinig kong may kumatok sa pintuan ng classroom namin habang nagbabasa-basa na ako ng last topic namin, agad naman binuksan ni Ma'am.
"Marou.." kinalabit ako nang kinalabit ni Rj. "Marou."
"Hmm? Ano ba!" iritadong sabi ko at nilingon ko siya.
Napataas naman ang kilay ko nung nakita kong nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa pintuan. Pabalik-balik din ang tingin niya sa'kin at sa pinto.
Napansin ko rin na ang lawak ng ngiti ng mga kaklase kong babae. Parang nakakita ng pogi.
Lumingon ako sa pinto, nanlaki ang mga mata namin nang magtama ang tingin namin.
"You!" sabay naming sabi nung transferee.
Si suplado 'yung transferee?!
"Do you know each other?" nagtatakang tanong ni ma'am.
Sinamaan ko lang ng tingin 'yung kutong lupa na transferee na 'to.
"Small world." bulong sa'kin ni Thea.
Nakita kong may bakanteng upuan sa harapan ko, agad ko 'yun pinatungan ng bag ko para hindi siya makaupo ron.
"Hi, ako nga pala si Kendmar Richer Gonzales. Sana makasundo ko kayong lahat" pagpapakilala niya at ngumiti siya ng napakalawak.
Naghagikhikan naman yung mga babae kong kaklase, pati pala yung tatlong bakla.
"Can I sit there?" tinuro ni kutong lupa 'yung upuan sa harapan ko!
Aba, nag request pa nga kay ma'am.
"Yes. Ms. Malinis, kindly remove your bag." inis kong inalis 'yung bag ko.
Bwiset.
Pinatong na ni suplado 'yung bag niya sa upuan. Bago pa siya umupo sa harapan ko, nginitian niya ako ng nakakaloka!
Umupo siya ng dahan-dahan habang nakalingon pa rin sa'kin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"It's nice to see you again, Ms. beautiful."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro