Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Gusto kita

Gusto kita

Nakilala ko si Cedric noong minsan akong sinama ng pinsan ko para manood ng sagala dito sa amin. Isa siya sa mga drummer ng banda sa dulo ng parada. Ang astig niya kasing tingnan noong hapon na iyon, pawis na pawis pa siya at halos lumuwa na ang kanyang muscle dahil sa sobrang force na ibininigay niya habang hinahampas ang malaking drum na hawak niya.

Pagkatapos nang araw na iyon palagi na akong nakasuporta sa kanya, bininigay ang lahat ng makakaya ko para lang mapansin niya.

Nakaabang na ako agad sa labas ng bahay nila sa may gate para ibigay ang ulam na luto ni Mama. Napag-alaman ko rin kasi na magkakilala si Mama at ang Mama niya kaya nagkaroon na ako ng dahilan para makalapit lagi sa kanya.

Ang totoo niyan, baon ko itong ibibigay ko sa kanya. Favorite niya kasi ang adobong baboy lalo na kung halos wala na itong sabaw.

Inayos ko na agad ang sarili ko nang nakita kong lumabas na siya ng kanilang bahay. Hinanda ko na rin ang ulam na ibibigay ko.

Nakita kong nagulat pa siya nang bigla akong lumabas sa aking pinagtataguan. Ngumiti na lang ako bago inabot ang hawak ko.

"Adobo galing kay Mama," sambit ko pa rin na nakangiti habang binibigay ang ulam ko.

Nilagpasan niya lang ako katulad ng palagi niyang ginagawa.

Hindi lang naman ito ang unang beses na tinanggihan niya ang binibigay ko. Sa totoo niyan, wala pa siyang tinatanggap mula sa akin.

At dahil gusto ko siya, hindi pa rin ako sumusuko. Gagawin ko ang lahat makuha lang ang matamis niyang oo.

Nagbake ako ng chocolate cake dahil minsang nabanggit ng Kuya niya na favorite niya raw itong dessert. Pumunta ako sa room niya sa Section 1 para sana ibigay ang niluto ko nang hindi niya man lang ako pinansin. Lumabas pa siya ng room nila na parang wala ako na naghihintay ng atensyon niya.

Ibababa ko na lang sana ang hawak kong box na may cake sa lamesa niya nang naabutan kong may nag-aabot sa kanya ng isang slice ng Ube Cake, sa may corridor sa labas nitong room nila.

Nakaramdam ako ng inggit at awa sa sarili ko. Kitang-kita ko lang naman kung paano niya maingat na kinuha ang plato doon sa babae at bahagya pang ngumiti. Tiningnan ko pa ang kamay kong puro paso dahil sa pagluluto at ang cake na pinaghirapan ko bago muling pinagmasdan iyong cake na nakita ko lamang kanina sa canteen.

Mas gusto niya pala iyong nabibili lang ng pera kaysa sa pinaghihirapan.

Umalis na lamang ako sa room nila noong araw na iyon dala ang cake na niluto ko. Hindi na rin ako nag-abalang tingnan sila dahil magmumukha na naman ako tanga at kaawa-awa. Mukhang ayaw niya naman bakit ko pa ipagpipilitan.

Nakakapagod rin pala na ipangalandakan sa taong gusto mo na gusto mo siya, lalo na kung wala naman siyang interes sa'yo.

Sumali pa naman ako sa lahat ng activity sa school, Quiz Bee, Science Fair, at maging sa Dance competition pinatos ko na mapansin lang niya pero mukhang wala naman siyang pakialam. Dapat pala mas maaga akong natauhan para hindi na ako nag-aksaya ng oras.

Nasa stage ako ngayon dahil nanalo lang naman ako sa lahat ng activity na sinalihan ko na para sana sa taong akala ko bubuo ng buhay ko. Mukhang hindi naman pala, dahil isa lang pala siya sa mga taong magpapatunay na kahit anong gawin mo kapag hindi ka gusto, hindi ka gusto.

"Ms. Francheska Almonte, para kanino naman ang lahat ng award na nakuha mo? Hakot award ka, ah. Inspired?" Nakangiting tanong ng Emcee na hindi ko naman inasahan.

Beauty pageant lang ang peg? Ayst.

Hilaw akong ngumiti habang nilalakad ng aking paningin ang lahat ng kapwa ko estudyante sa aking harapan. Hindi ko man aminin ay gusto ko siyang makita at sabihin na gusto ko siya at para ipaalam sa kanya na lahat ng ito ay dahil sa kanya.

"Uyy, Ms. Almonte?" Pangungulit pa ng Emcee sa tabi ko.

Huminto ang mga mata ko sa lalaking seryosong nakatayo sa dulo ng auditorium.

He's here.

Napangiti ako saka huminga ng malalim. It's because of you, Cedric.

"Yes, I--" nahinto ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumalikod at nagsimula nang maglakad palabas ng auditorium.

He left. Again.

"Thank you!" may diin kong pagkakasabi bago nagmadaling umalis at bumaba ng stage.

Wala ng point para magtagal pa doon kung iyong pasasalamatan ko sana ay umalis na.

I'm done.

Tama na.

Uuwi na ako. Ayoko nang manatili dito. Masyado nang masakit at mabigat sa puso.

Habang naglalakad sa hallway bahagya akong natigilan. Naglalakad rin kasi siya patungo sa direksiyong pinanggalingan ko.

Mahigpit kong hinawakan ang bag na dala ko bago humugot ng lakas ng loob para lagpasan siya.

Ginawa ko lang naman ang palagi niyang ginagawa sa akin, at mukhang mas gusto niya naman iyon.

Pinilit ko rin na hindi siya tingnan habang naglalakad at nang nakalagpas na ako nakahinga na ako ng maluwag. Mahirap pa lang lagpasan ang taong gustong-gusto mo.

"Well, hindi niya naman ako gusto kaya madali na lang para sa kanya iyon," bulong ko pa sa aking sarili.

"Anong sabi mo?"

Kumalabog bigla ang puso ko. Dahan-dahan pa akong humarap kay Cedric habang nagtatakang tumingin sa kanya.

"Huh?" gulantang pa rin kasi ako dahil ngayon niya lang ako kinausap.

"Yung sinabi mo mukhang hindi totoo," aniya na nakapagpalaki bigla ng mga mata ko.

"Huh? Eh--hindi mo naman talaga ako gusto, hindi ba?" tanong ko ng seryosong nakatingin sa kanya.

Nakatitig lang din siya sa akin at mukhang walang balak na sumagot.

Nakakalungkot lang talaga isipin na it's time to move on.

Nagkibit-balikat na lang ako at saka balak na sanang umalis nang bigla niya akong hawakan sa aking braso.

"Wala ka bang ibibigay sa akin ngayon?" tanong pa niya.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin sa kanya bago marahan na umiling.

"Bakit hindi mo ako tinatanong kung gusto kita? Bigay ka kasi nang bigay ng kung anu-ano pero yung sarili mo hindi mo kayang ibigay sa taong gusto mo." He paused bago ako binitawan at marahang ngumiti.

"Ikaw ang gusto ko Francheska, hindi ang mga bagay na kaya mong ibigay. All I want is you. Just you."

He winked.

- THE END ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro