Chapter 9: Pride and Picnics
"I want you both to go out on dates before your wedding," Don Sandro announced during the dinner the other night. Mariposa had one day to think about it. Nang magmakalawa, ginising siya nang maaga ni Carlota para raw sa picnic date nila ni Domingo.
The latter did not voice out his objections during dinner, but she never thought that he would agree. He said okay before the dinner ended and it was evident in Bobet's shocked face that he was also not expecting that answer.
"Ganda, alin ang mas gusto mo rito?" Carlota was holding two dresses up. Isang off-shoulder floral dress. Kulay puti iyon at hanggang tuhod na may itim na malalaking rosas. Ang isang dress na hawak nito ay mas mahaba at mas bagsak ang yari. Sasayad iyon sa lupa kapag suot niya. Sleeveless din iyon. Kulay rosas na may embroidered flowers. Mukhang kaparehas ng telang gamit doon sa isang damit, pero mas mas manipis.
"Ayos lang kahit ano."
Sumimangot si Carlota. "Unang date ninyo si Sir Domingo. Hindi ka ba excited?"
Excited? She was terrified! Alam niyang galit si Domingo sa kanya, kaya mas nakakatakot na mabait ito sa kanya o kung maganda ang trato nito sa kanya. Sa una pa lamang ay sinabi na nitong gusto lamang nitong makuha ang mana nito, the biggest cut of the inheritance at that. She was only the means to an end.
Tipid siyang ngumiti. "Yung kulay rosas na lang na bestida."
Tumango si Carlota at inilapag ang pinili niyang damit sa kama. Ibinalik nito yung isang bestida sa tukador. Saka ito lumapit sa kanya. "Ayusin natin yung buhok mo."
She woke up at 6AM. Nag-almusal siya pagkatapos nina Don Sandro at Bobet. Tinapay lang ang pinakain ni Carlota sa kanya dahil magpi-picnic daw sila ni Domingo ngayong araw. Pagkatapos niyang mag-agahan, naligo na siya kaagad. Ngayon ay tinutuyo na ni Carlota ang buhok niya gamit ang blower.
May hair products itong inilagay sa buhok niya habang inaayos nito iyon. Para mabawasan daw ang pagkabuhaghag. Kahit hindi naman masyadong buhaghag ang buhok niya. Carlota kept the waviness of her hair. Hindi raw kasi magandang unat na unat ang buhok.
After that, Carlota helped her with her makeup. Nagmukha siyang lasing dahil sa kapal ng blush on na nilagay nito sa pisngi niya. Hindi rin niya gusto ang kulay ng lipstick na inilagay nito. Pero hindi siya makapagreklamo dahil nahihiya siya kay Carlota.
"Ayan! Tapos na. Halika na. Magbihis ka na."
She stepped into the dress and pulled it up beneath her robe. Nang umabot sa may dibdib ay tinulungan siya ni Carlota na itali ang string sa likod ng leeg niya habang tinatanggal niya ang bathrobe. It was a floral halter dress that beautifully showed off her shoulder. But the makeup was too much for the dress.
Still, she kept her mouth shut.
Carlota crouched on the ground to help her slip into the strappy white sandals with clear block heels. Saka siya nito pinaharap sa salamin para tingnan ang sarili niya. Mariposa gave her friend a forced smile, hoping that Carlota would leave quickly so she could take off some of the makeup from her face.
"Tara na. Hinihintay ka na ni Sir Domingo sa baba."
"P-Pwedeng mauna ka na?"
Kumunot ang noo ni Carlota. "Sabay na tayo, Ganda. May kailangan ka pa ba?"
She pressed her lips together. She didn't want to hurt Carlota's feelings. "Wala na. Sige, tara na." She didn't want to hurt Carlota's feelings. Paulit-ulit niya iyong sinabi sa sarili.
Carlota opened the bedroom door and stepped aside so she could go out first. Huminga siya nang malalim at saka lumabas ng kwarto, umaasang walang makakakita sa kanya. Ang kaso, pagkalabas na pagkalabas niya ay nakasalubong niya ang tingin ni Margarette. She was still in her silk pajamas. Mukhang nakapaghilamos na ito. Maayos na rin ang buhok nito.
"What the hell happened to your face?"
"Good morning, Ma'am," bati ni Carlota sa dalaga. "Make up ho yan. May date po si Mariposa ngayong umaga," nakangiti nitong sabi.
"Did you do that to her face?" Unti-unting nawala ang ngiti ni Carlota nang tumawa si Margarette. Margarette shook her head and added, "I know we don't know each other, but I can't let you go on your date looking like that!"
Hinila siya nito papasok sa kwarto nito. Hinila naman niya si Carlota para isama sa loob. Margarette's room was a mess. Nakakalat ang mga pinaghubaran nito sa mga upuan at sa sahig. May dala itong katulong pero naghahanda yata ng agahan para rito.
She pushed her down on the chair in front of her vanity mirror. Inilabas nito ang isang bag na naglalaman ng mga dala nitong makeup.
"S-Sa labas lang ho ako," paalam ni Carlota.
"Manuod ka muna para alam mo na paano mag-apply ng makeup next time," sagot ni Margarette kay Carlota. She began wiping the makeup off with wet wipes. "Less is more, Carlota. Sa kapal ng blush on na nilagay mo sa mukha nya, para na syang sinuntok."
Mariposa glanced at Carlota from the mirror. Nakasimangot ito.
"You don't need to be excessive, especially if the blank canvas is already good enough. You just have to enhance her features."
Margarette's touch was gentle. Halos hindi lumalapat ang kamay nito sa mukha niya. Nilagyan siya nito ng eyeliner. She brushed her eyebrows and just filled the spaces in. Nilagyan nito ng kaunting blush ang pisngi niya. While doing her makeup, Margarette gave them instructions and tips on how to frame her face better with makeup. Wala pa yatang sampung minuto nang matapos nito ang paglalagay ng kolorete sa mukha niya.
Mariposa couldn't help but be in awe when she saw her face in the mirror. She still looked like herself. Wala namang masyadong nabago sa mukha niya. But her eyebrows were more defined, her eyes looked more attractive, and her cheeks have a healthy flushed look on them.
"See?" Margarette raised her chin with her fingers. "Better."
Nginitian niya ito. "Salamat." Nilingon niya si Carlota na mukhang manghang-mangha din. "Tara na?"
"Uh... sige. Salamat po, Ms. Margarette."
–
Nasa may tuktok ng hagdan na sila ni Carlota nang mapansin nila si Domingo sa may sala. He was looking at his watch and tapping his foot, clearly getting impatient. Kumapit si Mariposa sa braso ni Carlota para magpaalalay.
"Kinakabahan ka?" tanong nito sa kanya.
"Medyo."
"'Wag kang mag-alala. Nandoon naman ako saka sabi ni Bobet may mga tauhan daw na magbabantay."
Napangiwi siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung mas ayaw niyang silang dalawa lamang ni Domingo ang magkasama o yung may nakapanuod habang nagdi-date silang dalawa.
"Tara na, Ganda."
Tumango siya at sabay silang bumaba ng hagdan ni Carlota.
When Domingo heard them coming, he turned his head to their direction. Napahigpit ang kapit niya sa braso ni Carlota nang tumingin ito sa kanya. His scowl slowly faded away as they descended. He probably wanted to yell at her for taking too long, but he didn't say anything when they reached the foot of the staircase.
Ilang segundo silang magkakaharap sa sala bago ito umunaa paglabas ng mansion.
"Natameme yata sa ganda mo, Ganda," biro ni Carlota sa kanya.
Naiiling siyang ngumiti. "Tara na. Baka lalong magalit kapag nagtagal tayo."
They followed Domingo to his car. Binuksan ni Carlota ang passenger seat nang makasakay si Domingo. Akala niya ay sa harapan ito uupo kaya binuksan din niya ang backseat.
"Ganda, dito ka!"
"Ah... sige."
Carlota closed the door when she got in. Saka ito sumakay sa backseat. Pinagdaop niya ang mga palad saka niya iyon ipinatong sa mga hita at saka siya naghintay na umandar ang sasakyan.
She would usually ride at the back. Ngayon lang siya nakasakay sa harap. Dahil ayaw niyang tingnan si Domingo, sa labas ng bintana na lamang siya tumingin. When she heard him clear his throat, though, she had no choice but to look at him to see if he needed something from her. Bahagyang tumaas ang kilay nito. Siya naman ay kumunot lamang ang noo. She wouldn't know what he wanted to say if he didn't say it. Hindi naman siya manghuhula.
After some time, he clicked his tongue and slowly leaned closer. Nanlaki ang mga mata niya, having no idea what he was about to do. Umurong siya hanggang sa tumama ang likod niya sa gilid ng sasakyan. Still, he leaned closer.
May hinila ito sa gilid niya. Tapos ay nakarinig siya ng mahinang "click." When she looked down, that was when she realized what he was doing.
–
Sa tabing sapa sila pumunta. When they arrived at the place, Domingo took his seatbelt off and quickly got out of the car. Sa bilis ng kilos nito, hindi agad napansin ni Mariposa kung paano ito nagtanggal ng seatbelt. Fortunately, Carlota was there to assist her. Bumaba ito ng backseat, binuksan ang pintuan ng passenger seat, at tinanggal ang seatbelt niya.
Nakababa na rin ang mga tauhan sa kabilang sasakyan. May dala-dalang mga basket at kumot ang mga ito.
"Saan ninyo gustong pumwesto, Sir?" tanong ni Carlota kay Domingo.
"Bahala kayo," sagot nito sa katulong.
"Okay, Sir!" masiglang sabi ni Carlota.
Agad naman itong nakahanap ng pwesto malapit sa sapa. Inilatag ng mga tauhan ang dalang makapal na kumot ng mga ito at saka inayos ni Carlota ang mga pagkain at inumin para sa kanila ni Domingo.
Once the setup was complete, Carlota motioned her to come. She sat on the blanket with her legs folded to her side. What do people even do on picnics besides eating? She had no idea.
Kinalikot niya ang laman ng picnic basket. May mga pagkain iyong laman. May isang bote ng wine din at dalawang wine glass. May mga tissue din sa loob.
"Sir, kunin ko raw po yung cellphone ninyo," narinig niyang sabi ni Carlota kay Domingo. "Utos po ni Senyor."
"Then what am I supposed to do here?"
"Mag-usap daw po kayo, Sir," nakangiting sagot ni Carlota.
Grunting, Domingo pulled out his phone from his pocket and handed it to Carlota. Lumayo naman ang katulong at ang iba pang tauhan ni Senyor mula sa picnic area nila. Nakamasid pa rin ang mga ito, pero binigyan sila ng kaunting 'privacy'.
Domingo sat on the picnic blanket and took out the bottle of wine. Kinuha naman niya ang dalawang baso. She offered them to him so he could pour the wine.
He took one glass from her hand after almost filling it to the brim. Inubos nito iyon sa isang inuman. And then, he exhaled after finishing the glass. Kalahati lang ang inilagay nito sa baso niya. Even with the wine, he was being stingy.
"Dahan-dahan sa pag-inom," sabi niya nang muli nitong salinan ang baso nito. "Nag-almusal ka na ba?"
He rolled his eyes and took a sandwich from the basket. Itinaas nito iyon. "Happy?"
Inubos muna nito ang alak sa baso bago ito kumagat sa sandwich. Mariposa took a disposable container with pasta. She looked back at Carlota who was watching from afar. She put her left palm up and closed the right hand and made a scooping motion. Inilapit nito ang kanang kamay sa katabi nitong tauhan, na para bang sinasabing subuan niya ng pagkain si Domingo.
"Gusto mo?" alok niya sa katabi.
Tiningnan nito ang inaalok niya saka nito muling kinuha ang bote ng alak. Humawak siya sa bote bago ito makapagsalin sa baso ng alak. Muntik na iyong matapon nang kabigin nito ang bote.
"Pwede bang 'wag ka munang uninom?" pakiusap niya.
"Do you think I can get through this sober?" paasik nitong tanong.
"Tingin mo hindi makakarating kay Don Sandro ang ginagawa mo? Paano kung may idagdag na naman syang kundisyon na ikagagalit mo na naman?" She pulled at the bottle again and this time, he let it go. Tinakpan niya iyon at ibinalik sa picnic basket. Saka niya tinanggal ang takip ng container na may lamang pasta. "Kumain ka muna."
She took a fork from the basket and twirled the spaghetti. She offered the first bite to him. Matagal nitong tiningnan ang inaalok niyang pagkain.
Hinabaan niya ang pasensya. Alam niyang may galit ito sa kanya. He didn't exactly give her a chance to apologize and she doubts that he would accept an apology this late. She was hoping that deep down, he still has some of that goodness in him that made them friends a long time ago. Maybe they wouldn't have to suffer through this marriage.
"Ayaw mo talaga?"
She started turning her hand towards her when he stopped it from moving. Yumuko ito at isinubo ang pagkain. Looked away before he started chewing.
Ngumiti siya at kumuha uli ng pagkain. Siya naman ang sumubo. Medyo iba ang lasa ng spaghetti na baon nila. Hindi kagaya ng nakasanayan niyang timpla. Kunot na kunot ang noo niya nang hindi niya mawari kung panis na ito o ganoon lamang talaga ang timpla.
"What?" Domingo asked when he saw her face.
Umiling siya. "Wala naman. Iba na lang siguro ang kainin natin." Kinalkal niya ang iba pang pagkain na ginayak nina Carlota. May sandwiches. Sushi. Biscuits. Mga palaman. Saka tubig.
"What's wrong with the pasta?" tanong ni Domingo. He took the container and ate some of the food. Maang siyang napatingin dito. If he didn't find anything wrong with it, siguro hindi pa naman iyon panis?
"Maasim ba talaga?"
Napatigil ito sa pagnguya. He swallowed the food in his mouth and began twirling the pasta with the fork. "Akala mo ba panis na to?"
"Ah... hindi pa kasi ako nakakakain ng ganyang spaghetti." She felt a little embarrassed. Sana pala ay hindi na lamang siya nagkumento. He always had a way of sounding condescending when he talks to her. As if he always had to remind her that they were not equals.
He handed her back the container. "Mas maasim talaga ang sauce ng arrabbiata kesa regular spaghetti."
"Ah, ganon ba?"
"It's an acquired taste for you. Masasanay ka rin." He looked her up and down. "Or not."
She frowned. "Ano naman ang ibig sabihin nun?"
"Sorry. Masyado bang advanced para sa vocabulary mo ang salitang 'acquired'?" tanong nito sa tonong nang-aasar. "Didn't you at least finish high school?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro