Chapter 8: Stupid Mistakes
"Carlota," bungad ni Danilo nang sagutin ni Carlota ang tawag nito.
"Yes, sir?" Halos kakaidlip pa lamang niya nang tumunog ang phone niya. Sumandal siya sa headboard ng kama habang nagpupungas ng mata. Ni hindi pa tapos kumain si Mariposa. Wala pa yatang sampung minuto siyang nakapikit nang maabala.
Carlota was allowed to use her phone all the time, kapag wala siyang ginagawa. Provided na sasagot siya sa lahat ng tatawag sa kanya. It was usually just the three sons or Bobet and Biboy.
"Pumunta ka sa kwarto ko."
"Po?"
"Ngayon na."
She grunted when he ended the call. Minsan mahirap timplahin ang mood ng magkakapatid. May mga araw na sobrang babait ng mga ito sa kanya. May mga araw naman na sobrang susungit.
"Sino yun?" tanong ni Mariposa sa kanya.
Ibinaba niya ang mga paa sa sahig para isuot ang sapatos niya. "Si Sir Dan."
"Ah..."
"Babalikan na lang kita pag tapos ka na. Iwan mo lang dyan yung mga hugasin."
"Ako na–" She narrowed her eyes at Mariposa. "Okay," sabi na lang nito.
She understood that Mariposa was still having a hard time adjusting to her new status. Kaka-announce pa lang kasi ng engagement nito. It was up to Carlota to teach her what to do and what not to do. Even the smallest things matter. Kagaya ng paggawa ng gawaing bahay. She also knew that it was only a matter of time before she had to call her "ma'am".
Lumabas siya ng kwarto ni Mariposa pagkatapos masiguradong maayos ang buhok at uniform niya. The black knee-length dress was a bit creased in some areas, pero hindi masyadong halata, huwag lang lalapitan. It had white bands on the hem of the sleeves. The collar and apron were also white.
Carlota loves her uniform. Don Sandro provided his maids with 4 pairs each. Kasama iyon sa benefits niya bilang katulong. Libreng uniform. Every 6 months, binibigyan sila ng allowance ni Bobet para magpatahi ng isang bagong uniform.
Lahat ng gamit nila, provided din. Shampoo, sabon, toothpaste... lahat libre. Libre din ang pagkain. Kung ano ang pagkain ng mga amo nila, iyon din ang pagkain nila. Strict nga lang ang mga ito sa kung saan at kailan sila kakain.
May savings account si Carlota. It was set up when she was still a child. Automatic na nakakaltas ang ipon niya mula sa payroll account niya. Paaral naman ni Senyor ang mga anak ng ibang katulong.
Ilan iyon sa mga dahilan kung bakit proud na proud siya bilang katulong ng mga Jimenez. The maids are fiercely loyal to Don Sandro because he takes good care of them and their families. May mga katulong sa mansion na katulong na nang kupkupin siya ng matanda at katulong pa rin sa mansion hanggang ngayon. Those who left have already retired.
"Sir?" tawag ni Carlota pagkatapos kumatok sa pintuan ng Sir Dan niya. The door opened and Carlota was quickly pulled inside. Pataklab na sumarado ang pintuan sa likod niya.
Nanlaki ang mga mata ni Carlota nang makitang may kasama sa loob ang amo niya.
"Pacita?!" Lumapit ang Sir Dan niya sa kaibigan niya at saka ito hinila palapit sa kanya. Pacita looked scared and confused. Hindi niya alam kung paano ito napunta sa loob ng kwarto ng amo niya. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
Pacita opened her mouth to speak, pero wala yata itong maidahilan kaya itinikom nitong muli ang bibig.
"Ilabas mo sya ng mansion," utos ng Sir Dan niya. "Kapag may nagtanong... bahala ka nang magdahilan." He turned to Pacita and pointed to her. "And you... keep your mouth shut."
Carlota didn't like how threatening he said that, but she couldn't speak her mind kahit gusto na niyang sapukin ang amo at kababata niya.
"Sige, Sir. Ako na'ng bahala."
Hinila niya palabas ng kwarto si Pacita at pababa ng hagdan. Dinala niya sa kusina ang kaibigan. Nang masiguradong silang dalawa lamang ang nandoon, hinawalan niya ito sa tigkabilang balikat at saka niyuyog nang malakas.
"Ano'ng ginagawa mo sa kwarto nya, Pacita?!" she hissed.
Iwinasiwas ni Pacita ang mga kamay para makawala sa kanya. Bumuntong-hininga ito at pasalampak na umupo sa upuan. Umupo siya sa tabi nito. "May nangyari sa inyo?"
Tinakpan ni Pacita ang mukha at saka ito tumango.
"Gaga ka!" Carlota exclaimed. Hinampas niya ito sa braso. "Ikakasal na yun!"
"Sorry! Hindi ko naman sinasadya e!" dahilan nito.
"Paanong hindi sinasadya? Aksidente lang na napunta ka sa kwarto nya? Ang layo ng event kagabi sa mansion ha!" gigil niyang sabi. "Naku sinasabi ko sa 'yo, kapag ito nakarating kay Senyor–"
Pinagdaop ni Pacita ang mga palad para makiusap sa kanya. "Sorry na nga..."
Bumuntong-hininga si Carlota. Malilintikan din siya kung magsusumbong siya dahil siya ang nagdala kay Pacita sa handaan. She also left her guests early to celebrate Mariposa's engagement. Kung hindi siguro niya iniwan ang mga niyaya niyang bisita, hindi sana mapapadpad sa mansion si Pacita.
"Sige, sikreto lang natin 'to. Pero 'wag na 'wag ka nang pupunta rito nang hindi ko alam ha? Kung may ibang makakakita sa 'yo, hindi na kita matutulungan.
Tumango si Pacita. "Salamat, friend."
"Gusto mong mag-almusal?"
"Hindi na," sagot nito. "Kanina pa 'ko hinahanap ni Isabelita e."
"Hala. Ano'ng sinabi mo?"
"Hindi ko pa sinasagot. Nakailang tawag na." Ipinakita nito sa kanya ang mga text message ni Isabelita. Pati ang missed calls nito.
"Kung hindi ka kakain, ihahatid na kita sa may gate para makauwi ka na. Sabihin mo na lang kay Chabelita, niyaya kitang mag-inom kagabi kaya dito ka natulog."
Pacita nodded again. "Sige, salamat."
–
Boss, malapit na sya dyan. Hapon na nang mag-text uli si Fabian kay Bobet. He waited at the gate for Domingo's car. Malayo pa lamang ay rinig na ang tunog ng sasakyan nito.
He stopped the car in front of the gate when it didn't open. Bumaba ito ng sasakyan. "Move!" angil nito sa kanya.
Bobet walked towards the car and got in the passenger seat. "I'm so glad you can make it for dinner."
"Fuck off, Bobet."
Tumawa siya nang mahina. For someone who just got laid, Domingo seemed so cranky.
Sa tatlong magkakapatid, si Dario lamang ang nagkulong sa kwarto nito pagkatapos ng meeting sa study ni Senyor. Domingo went off to see his girlfriend and Danilo took another woman to his room last night. Bobet knew everything that happened inside the mansion, of course. Pero nakadepende na rin sa kanya kung ano ang idi-disclose niyang impormasyon.
He waved at the camera on top of the gate and it finally opened. Pinaandar ni Domingo ang sasakyan at ipinarada sa may fountain.
"Pumunta ka sa office ni Senyor. May pipirmahan kang mga papeles," sabi niya rito bago siya bumaba ng sasakyan.
"Papeles... tungkol sa mana ko?" pahabol nitong tanong.
"Just go to his office before dinner."
–
Mariposa was finally feeling refreshed after a long bath. Tinuruan siya ni Carlota kung paano timplahin ang temperature ng shower kaya nakaligo siya nang maayos. It was a little awkward to shower with just the frosted glass covering her. Ilang beses siyang naglabas-masok sa shower para siguraduhin na hindi siya kita sa loob. Carlota even offered to prepare the bathtub so she could soak in it, but she was in the mood for just a quick shower.
Matapos magbihis at magpatuyo ng buhok, pinapunta naman siya sa office ni Senyor para raw pag-usapang muli ang engagement.
Napapitlag siya nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina. Domingo came in like a raging bull. Walang imik itong umupo sa one-seater. Si Bobet naman na kasunod nito ang nagsarado ng pintuan.
Lumapit ito sa mahogany table at kinuha sa sulong ang isang makapal na button envelope. He unwound the string and took out the documents inside. Inilapag nito ang mga iyon sa lamesa. Isang kopya para sa kanya at isa para kay Domingo.
Mariposa only finished high school. Hindi na siya pinag-aral ng kolehiyo ng nanay niya dahil hindi naman daw niya kailangan. The document was written in English, which was fine since she understood the language. But it was full of jargon that she could not quite comprehend.
"Pre-nuptial agreement ninyo 'yan," paliwanag sa kanya ni Bobet. "Required kayong pumirma bago kayo ikasal. Ipapa-notaryo 'yan pagkapirma ninyo."
"Mabuti naman naisipan ninyong magpa-prenup," sabi ni Domingo kay Bobet. "I'd want to keep my inheritance to myself."
Mariposa decided to not respond to his rude remark. Leon Domingo Jimenez was listed as "Future Husband" and her name, Mariposa Estrella Salamanca was listed as "Future Wife". Wala pang set date para sa kasal.
Nakalagay doon na lahat ng ari-arian nila bago sila ikasal ay mananatiling pagmamay-ari ng indibidwal. Ang mga utang ay hindi rin obligasyong bayaran ng magiging asawa. It was fair, but it was a bit calloused. She was not even asked if she wanted to marry Domingo. He imposed this engagement unto her, yet he could not share her burdens and he could not spare her some of his belongings. Pero tama lamang din iyon. Because he had more to lose and she had everything to gain from this marriage.
The one clause that caught her attention was the part that talks about infidelity. In the event that someone commits adultery during the marriage, the partner would be fairly compensated. May penalty kapag nangaliwa. And in the event that the partner asked for an annulment due to repeated cheating, the cheating partner would give half of all of their belongings to the aggrieved party.
"This isn't fair," reklamo ni Domingo. "What if she cheats on me? Ano'ng makukuha ko sa kanya?!"
"I think that clause was added specifically for you," sagot nito ni Bobet. "In case may anak na kayo, you can have full custody of the child. Nasa annex yun."
"Paano kung ayaw ko sa bata?"
Tumingin si Bobet sa kanya para hingian siya ng opinyon. Domingo also looked at her, waiting for her input. Mariposa didn't really know what to say. Hindi naman siya eksperto sa legal matters. Malay ba naman niya kung ano ang tamang ilagay o sabihin.
"Kung... kung mapatunayan na nangaliwa ako at wala naman akong ibibigay na ari-arian, kahit ano sigurong ipagawa o hingin mo sa akin, ibibigay ko." She addressed Domingo directly. "Kahit ano."
She meant it literally. He could have whatever he would ask of her. Her dignity. Her life... Wala naman siyang maaaring ibigay na gusto nitong makuha. But she was sure of one thing. She would never cheat on him. Not because she loves him. Not because she respects him. But because she is not someone who cheats on other people.
Bobet turned to Domingo. "There. Satisfied?"
Domingo exhaled and flipped through the pages of the documents again.
"If you need more time, babalikan ko na lang kayo. If you want me to explain something, let me know."
"Pahiram ng panulat," sabi niya rito.
Kumunot ang noo ni Bobet. "Okay ka na? Wala ka nang tanong?"
She shook her head. Inabutan siya ni Bobet ng pen at saka pinapirmahan sa kanya lahat ng pahina ng dokumento. Domingo also decided to sign his copy. And then, Bobet exchanged the documents they have and asked them to sign the other copies as well.
"Thank you," nakangiti nitong sabi nang iabot nila ang mga napirmahang papeles. "Pumunta na kayo sa dining room. Sabay-sabay daw kayong maghahapunan."
Tumango siya.
"I'm not hungry." Domingo stood up.
"I'm not asking." Bobet gave him a sharp look and crossed his arms against his chest. "If you want me to prepare a document about dinnertime, I'd make one right now."
Domingo rolled his eyes and shook his head before walking out.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro