Chapter 6: Loving You Had Consequences
Domingo gave the mic back to the host, who had shock written all over his face. Carlota didn't know what information was told to the host. At the very least, siguro alam nito ang dapat na iaanunsyo ni Senyor.
Mariposa looked so confused. Alam kaya nito ang plano ni Senyor para rito?
"Okay ka lang, Carlos?" tanong ni Pacita sa kaibigan nila.
Carlota looked at her friend who was as white as a sheet. Matagal nang may gusto si Carlos kay Mariposa. Teenager pa lang yata ito. Maraming manliligaw ang dalaga simula nang katorse anyos ito. Nobody considered how young she was back then. Mapa-matandang malapit na sa hukay o mga may asawa, nagpakita ng motibo sa dalaga. She was a flower in their eyes, a flower that just bloomed and was waiting to be plucked.
Todo ingat si Aling Marites noon. Ang tanging nakakalapit lamang kay Mariposa ay si Don Sandro at si Domingo. But Domingo was just a friend back then. If they shared something more than friendship, Carlota wouldn't know. One moment they were inseparable, and the next, Domingo was acting like he didn't know her at all.
Carlos had hoped that he could at least woo her. Sa isip ng kaibigan niya, hindi ito "worthy" na manligaw kay Mariposa. Dahil daw sa tindero lang ito ng isda sa palengke. Kahit na tindera lang din naman ng prutas si Mariposa sa palengke.
Maybe because everyone knew that Mariposa could get any man she wanted, even the richest man in the land.
Tinapik ni Carmelita sa balikat ang kapatid. "Ayos lang yan. Sinabi ko naman na sa 'yo dati pa, di ba? Tigilan mo na yang kahibangan mo." There was a twinge of sadness in Carmelita's voice when she said that. Na para bang sarili nito ang pinangangaralan nito. Alam ni Carmelita na may posibilidad na hindi rin ito papatulan ni Bobet. Try as she might to mask her own insecurity, Carmelita also didn't think she was worthy of Bobet's affection because she was just a fish vendor.
Kinuha ni Carlos ang bote ng alak sa lamesa at walang kaabog-abog iyong tinungga. Shaking her head, Carlota got up to get a few more bottles of beer for her friends.
–
Bobet held his breath as they exited the stage. Naunang bumaba sina Mariposa at Domingo. Bumaba na rin ang dalawa pang anak ni Don Sandro na naguguluhan din sa nangyari kanina. May ideya naman siya sa plano ng matanda, he just didn't trust that Domingo would take the bait.
Bobet groaned when he saw Isidro approaching. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. "What the fuck was that?!" tanong nito sabay tulak sa kanya. "Why the fuck did he make that announcement? Kay Celestine sya ikakasal, di ba?! Pinapunta nyo lang ba kami rito para insultuhin?!"
Celestine came running behind him and held his arm back. "Hey! Calm down! I'm sure there's an explanation for this."
She looked at him as if waiting for him to provide said explanation. But all he could do was open his mouth and say, "I'm sure there is."
Bobet stepped aside when the old man touched his shoulder from behind. Nilingon niya ito. Alam naman niya ang dahilan. Hindi lang niya masabi nang walang permiso galing sa matanda. The old man nodded at him and looked at Celestine and Isidro. "I am sorry for the confusing turn of events." He turned to Bobet. "Magpatawag ka ng meeting sa study room ko."
"Opo, Senyor."
He excused himself to instruct the guards to round up the old man's sons and their fiancées.
–
Ilang beses nang nakapasok sa study room ni Senyor si Mariposa. But this was the first time that she was in it with Don Sandro's sons and two visitors na mga mapapangasawa raw ng mga anak nito.
She was expecting some sort of announcement earlier. Sinabihan na siya ng ina niya na maghanda. May iaanunsyo raw si Senyor na makapagpapabago ng buhay niya. At the back of her mind, she had an idea of what the announcement would be. Don Sandro had been nice to her since she was a child. Palagi itong nakabantay sa kanya. Palaging may tauhan na nakabuntot sa kanya kahit saan siya magpunta. This used to make her feel safe. In her mind, it was the only thing that stopped her from getting molested or sexually assaulted by the other men in town.
Pero nang lumaki siya at mas lalong naging sweet sa kanya ang matanda, nagkaroon na siya ng kakaibang pakiramdam sa nangyayari. Lalo na nang umalis ng bayan si Domingo. Ang sabi ng nanay niya, kalimutan na raw niya ang kaibigan. Hindi raw ito ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan. It took her a while to understand what her mother meant.
She didn't want her to settle for the biggest fish in the sea when she can have the owner of that sea instead.
Alam niyang iaanunsyo dapat ni Don Sandro ang kasal nila kanina. Mariposa adored the old man. He was a father figure to her. Hindi niya alam kung paano niya ito pakikitunguhan bilang asawa. Pero matagal na niyang inihahanda ang sarili sa masamang kapalaran na mararanasan niya sa hinaharap. Alam niyang hindi siya makakaahon sa kahirapan sa disenteng paraan.
Should she be grateful to her mother for protecting her all these years? Pasasalamatan ba niya ito dahil mukha itong pera? Iyon lamang ang dahilan nito kung bakit hindi nito siya pinapaligawan kung kani-kanino lang. Dapat din ba niya itong pasalamatan dahil hindi siya nito ibibenta sa isang bar para pagkakitaan?
In a way, she was lucky she still has her dignity intact.
Naging alerto silang lahat nang pumasok si Bobet sa kwarto. Kasunod nitong pumasok si Don Sandro. Silang mga babae ay nakaupo sa mahabang sofa. Danilo was sitting on a one-seater chair. Nakatayo naman sa tigkabilang sulok sina Domingo at Dario.
Mariposa could still feel his tight grip on her hand earlier. He was holding her so tightly, she thought her bones would break. Nang makalayo sila sa kasiyahan, bumitaw ito sa kanya at naunang pumasok sa mansion. She would have turned around and left, but someone told her to go to the study room instead.
"I announced my engagement first," bungad ni Domingo. "I should be getting the biggest inheritance."
May kaunting kirot siyang naramdaman nang sabihin ni Domingo iyon. Sa huli, ginamit lang pala siya nito para makuha ang pinakamalaking hati ng mana. Dapat ay hindi na siya masurpresa. Wala namang ibang rason para pakasalan siya nito.
–
Bobet watched Don Sandro widen his eyes and then smile. It was the kind of menacing smile that he only showed when someone said something stupid and he found it so amusing, he wanted to hurt the other person for saying what they said. Naging alerto siya nang dahan-dahan nitong itaas ang tungkod. Akala niya ay lalapitan nito si Domingo at hahambalusin sa harap ng mga bisita nila.
Domingo flinched when the old man pointed the cane in his direction.
To everyone's surprise, Don Sandro let out a hearty laugh. Matagal ang tawa nito. Halos mapupusan na ito nang hininga dahil sa tagal. He then shook his head and sighed exasperatedly.
"Yesss," he drawled. "You did."
Domingo exhaled. Umayos ito ng pagkakatayo. "So... does this mean that you approve of the engagement?"
Napansin ni Bobet na pinagdaop ni Celestine ang mga palad nang marinig nito ang tanong. He wondered if she was hoping Don Sandro would break the engagement or that he would approve of it. Sa engagement ng dalawa, mas makikinabang ang ama ni Celestine kesa kay Don Sandro. Sikat man ang pharmaceutical companies nina Celestine sa Maynila, ibang brands pa rin ang tinatangkilik ng mga probinsya.
Sa pagdadaupang-palad ng dalawang pamilya, the Agoncillos would finally be able to break the market in the provinces. Sa Luzon ang umpisa, and with the help of Don Sandro's connections in the other regions, they could further expand their business everywhere else.
Sa ngayon kasi, mga mas murang brand o generic brands ang laman ng mga botika sa mga probinsya.
Ibinaba ni Don Sandro ang tungkod. He looked at the wall to ponder. The study room has never been this quiet with so many people inside. Everyone was holding their breath as they waited for the old man's answer. Bobet already knew what he would say. He wanted this to happen. Probably not in this exact way, but this was the outcome he was hoping for.
Maya-maya ay ngumiti ang matanda. Tumango ito. "I do not approve of your method, but I will allow it," sagot nito. "Kung gusto ninyo, we can have the wedding by next month. The sooner, the better!"
Domingo opened his mouth to complain, but Don Sandro turned his head to Bobet. "Bobet here can make the arrangements immediately." Tumingin ito kay Mariposa. "Kung may mga preference ka sa kasal, Hija, lapitan mo lang si Bobet. Okay?"
Mariposa didn't say a word. Tumango lamang ito. Bobet knew that she was confused. Nobody even told her that something like this would happen. Her mother didn't even tell her that she was about to be wed. Pero kagaya ng maamong tupa, sumunod lamang ito sa gustong mangyari ng ibang tao. She must have realized that she has no power to stop any of this from happening.
"Pwede na kayong lumabas para magpahinga. Or go back to the party, if you want," utos ng Don kina Mariposa.
Danilo raised his hand. "Pati kami, Pa?"
Tinanguan ito ng matanda. Margarette stood up and followed Danilo outside. Sina Domingo at Mariposa ay magkasunod ding lumabas. Naiwan sina Celestine at Dario sa loob.
"Bobet," tawag sa kanya ng matanda. Tumango siya at lumabas din ng study room.
It was Don Sandro's plan all along. Ipapakasal nito si Mariposa kay Domingo, but Domingo has to want her. Walang paki ang matanda sa kung anong rason ni Domingo para pakasalan ang dalaga. Kailangan lang ng mga itong ikasal.
Don Sandro knew that Domingo still had feelings for Mariposa. The more that Domingo tried to deny those feelings, the more they became obvious. Don Sandro would use those feelings to get what he wanted, to see his plans come into fruition. One must never reveal their true feelings around Don Sandro. Bata pa lamang si Bobet nang mapagtanto niya iyon.
–
Sina Mariposa at Bobet na lamang ang natira sa harap ng study room nang palabasin sila ni Senyor. Domingo immediately went upstairs and Danilo and Margarette went back to the festivities outside.
"M-Mauuna na rin siguro ako," paalam niya sa katiwala ni Senyor.
"Ah... sabi nga pala ni Senyor dito ka muna raw sa mansyon."
Kumunot ang noo niya. "Hanggang kailan?"
Kumuha ito ng alak sa tukador at saka bumuga ng hangin habang nagsasalin noon sa baso. "Hanggang sa ikasal kayo," sagot nito. He took the glass to his mouth and drank, his eyes bore at her while he did so.
"Kakausapin ko muna siguro si Nanay–"
"She's been informed," Bobet told her.
Bumagsak ang mga balikat niya sa narinig. Kasama na naman pala ang nanay niya sa plano, pero siyang nasa gitna ng planong iyon, walang kaalam-alam sa mangyayari.
Tumawag si Bobet ng katulong para samahan siya sa itaas. Ilang parte pa lamang ng mansyon ang napupuntahan niya. The guests could only access the living room. Minsan, sa kusina, kapag kakain. The study, if the old man called for a meeting. But never upstairs.
She had only been downstairs. Malawak na iyon para sa kanya. Kasinglaki na yata ng buong bahay nila ang isa sa common bathrooms sa mansyon ni Senyor.
Dinala siya ng katulong sa pangatlong palapag. Binuksan nito ang isang kwarto doon. Mariposa found a bag on top of the bed. Inimpake siguro iyon ng ina niya nang hindi niya alam. Maybe they even brought her stuff before the party?
Tinanggal niya ang gumamela sa buhok at saka iyon itinapon sa basurahan. Tinanggal na rin niya ang bagong sapatos saka iyon maingat na inilagay sa may gilid ng mahabang salamin. She slipped into the fuzzy slippers that were her size. Saka siya umupo sa kama at bumuntong-hininga.
Doon na raw siya titira hanggang sa ikasal siya.
Kasal.
Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak niya na ikakasal na siya. At kay Domingo pa. Masamang biro ng kapalaran. And unfortunately for her, she was the butt of that awful joke.
Hinila niya ang bag na nasa ibabaw ng kama at saka tiningnan ang mga inimpakeng gamit ng nanay niya. Kakaunti lamang ang mga gamit niya sa bahay, and it looked like her mom packed all of her things.
Mga paborito niyang pocket book, iyong magandang pares ng sandalyas niya, at ilang mga bestida na bago-bago pa.
Binuhat niya ang bag palapit sa malaking tukador na nasa isang gilid. Napamaang siya nang buksan iyon. Puno na iyon ng mga damit at sapatos. Wala nang espasyo para ilagay ang mga dala niyang damit. So she dragged the bag back towards the bed and put it on the floor beside it.
Sunod niyang sinilip ang maliit na pinto sa gilid ng kwarto. Banyo iyon. May tub na pwedeng higaan sa laki. May malaking showerhead na nakatapat sa tub. May nakaharang na frosted sliding glass door na namamagitan sa toilet at shower. Kumpleto na rin ang toiletries na nakasalansan sa isang hanging shelf. Mukhang bago ang lahat ng iyon at hindi kagaya ng mga brand na nabibili lang sa tindahan.
Binasa niya ang mga label. Nang makita ang facial scrub ay tumapat siya sa maliit na sink para maghilamos.
Pagkatanggal ng kolorete sa mukha ay nagpalit na siya ng pambahay. Isang night dress na kulay baby pink. Malinis iyon pero halatang gamit na gamit na. It was one of her favorite dresses. Cotton iyon. Kumportable sa katawan.
Umupo siyang muli sa kama.
A few years ago, Don Sandro had their house repaired. Nakatabingi na ang barong-barong nila bago iyon ipaayos ng matanda. Ilang hakbang lamang ang pagitan ng kusina sa sala at ng sala sa kwarto. Manipis na kutson na may latag na banig ang higaan nilang mag-ina. Nasa labas ang banyo.
Nasilipan siya noon sa banyo nila na puro gamit na sako lang ang nakaharang sa mga pagitan ng kawayan. She had an idea who the peeper was, but she never saw the man again in town after that incident.
Nang ipaayos ni Senyor ang bahay nilang mag-ina, nagkaroon na rin sila ng lock sa loob ng bahay na nagpapanatag ng loob ng nanay niya. They have also attached the bathroom to the house, which can be accessed inside. Nadoble ang kutson na tinutulugan nila, at hindi na nagkakaputik sa loob ng bahay dahil sementado na iyon.
It couldn't be compared to the opulence in the mansion, but despite the smaller space, it still provided Mariposa more freedom than being inside the Don's home. Para siyang nasa gintong hawla. Ni hindi niya alam kung pwede siyang lumabas ng kwarto nang hindi nagpapaalam.
Napatingin siya sa pintuan nang makarinig ng mahinang katok. Lumapit siya roon at saka dahan-dahang binuksan ang pinto. She saw Carlota's smiling face outside.
"Ganda!" bati nito.
"Carlota!"
Carlota pushed the door open. She stepped aside so her guest could enter. May dala itong isang bote ng alak at dalawang mataas na baso. Nakaipit din sa braso at gilid nito ang isang malaking bag ng chichiria.
"Hindi ka na bumalik sa labas e. Kaya dinalhan na lang kita ng maiinom." Mamula-mula na ang mukha nito. Amoy-alak na rin ito.
"Ayos lang bang mag-inom dito? Baka mapagalitan ka?"
Carlota snorted. "Ikakasal ka na, Ganda. Pwede ka naman sigurong mag-celebrate! Saka nakita ako ni Bobet. Di naman ako pinagalitan."
Inilagay nito sa sahig ang mga dala at saka ito umupo. She sat next to her. Malinis naman ang sahig. Kahit doon nga siya matulog, walang problema.
Binuksan ni Carlota ang bote ng alak at saka sinalinan ang mga dala nitong baso. She handed her one glass and clinked their glasses together before drinking the alcohol.
Napangiwi si Mariposa sa lasa ng alak.
"Kumusta ka naman kanina? Nagulat ka ba? Masaya ka bang ma-engage kay Sir Demonyo? Ay–" Tinapik ni Carlota ang sariling bibig. Saka ito tumawa. "Sorry! 'Wag mo 'kong isusumbong!"
Ngumisi siya. "Ayos lang. 'Wag kang mag-alala. Hindi kita isusumbong." Inubos niya ang laman ng baso niya. "Sa totoo lang... hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ako."
"Ang swerte mo 'no? Ikakasal ka na bigla. Tapos sa gwapo at mayamang lalaki pa. Hindi nga lang mabait, pero pwede na."
"Swerte?" Bumuntong-hininga siya. "Bakit pakiramdam ko dehado ako?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro