Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ikalawang bahagi

Dalawang linggo ang nakalipas.......

Linggo ngayon at naghahanda si Johanna para magsimba. Pagpasok nya sa simbahan, medyo marami na  ang mga tao. Nagpunta agad s'ya sa bandang kaliwa kung nasa'n may mga bakante pang upuan. Nang makaupo, ilang minuto rin ang hinintay nya bago nag-umpisa ang misa.

Nakaluhod ngayon si Johanna at nagdarasal. "Kung ano man po ang mga naging kasalanan ko sana ay patawarin ninyo ako, sa pagkakataong ito isa lang po ang hihilingin ko. Ang matagpuan ko ang pag-ibig na babago at magtuturo sa akin ng tamang landas." Sambit nito sa kanyang isipan habang nakapikit.

"Kung humihiling ka na mapa-sayo ako, h'wag na dahil iyong iyo ako........ buong buo." Bulong ni Kenn kay Johanna, mabilis namang iminulat ng dalaga ang kanyang mga mata at gulat na nilingon si Kenn.

Napalunok pa ito habang nanlalaki ang mga mata. "Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ni Johanna, bakas sa boses nya ang panginginig.

Imbes na magsalita ay tanging ngiti na lamang ang naging tugon ni Kenn. Hindi na tinapos ni Johanna ang misa, agad syang umalis na tila ba iniiwasan ang lalaki. Hindi nya naman naramdamang sinusundan s'ya nito.

Nagpunta si Johanna sa isang coffee shop kung saan lagi syang naroon.

"One cappuccino, please." Johanna ordered.

She sat near the noisy youths, hindi sanay sa ingay si Johanna kaya naiinis s'ya. Eksaktong pagkadating ng order nya ay dumating din si Kenn, he sat next to Johanna.

"Mula no'ng may mangyari sa park, I can't get you out of my mind." Kenn began. Johanna looked at him and raised her brows. "It's true, araw araw akong bumabalik sa park na 'yon. Nagbabakasakaling makita kita ulit," Kenn added.

"I-I'm sorry?" Naguguluhan nyang sabi.

"Seryoso ako," sambit nito.

Ramdam ni Johanna na seryoso ang binata sa mga sinasabi nito, napalunok pa sya bago tinitigan ang mga mata ni Kenn. "HINDI KITA GUSTO." Pagdidiin nya sa mga salita.

"W-what?" Hindi makapaniwalang sambit ni Kenn. "I can give the love that you want, the love that you deserve. Bakit?" He asked, bakas sa boses nya ang pagpipigil na inis, napakuyom naman ang kaliwang kamay ni Kenn at napasapo naman sa kanyang noo ang kanan.

Hindi nakasagot si Johanna. Marahan syang napapikit bago tumayo at tuluyang lumakad palabas ng coffee shop. Ramdam nya ang bigat ng  kanyang dibdib, alam n'yang may nararamdaman din s'ya sa binata pero hindi nya magawang sabihin dahil natatakot s'ya.

"Bakit kasi hindi mo sinabi ang totoo?" Georcelle asked her, her right hand rested on her chin.

"Natatakot ako!" Napahilamos sa mukha si Johanna, halata sa ekspresyon n'yang nagpipigil ng luha.

"If you deserve that love hindi mo kailangang matakot," hinimas pababa ni Georcelle ang likod ng kaibigan.

"What if hindi ko deserve?" Johanna asked, sa pagkakataong ito hindi nya na napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. "At first, hindi ko s'ya kilala pero no'ng nag-background check ako. Nakita ko at nalaman ko!" Garalgal nyang sabi.

"Ang alin?" Georcelle asked.

"She own a lot of girls at Tanay, he's a womanizer. Palagay mo deserve kong magmahal ng tulad nya?" Johanna added, napayuko s'ya at dahan dahang binuksan ang laptop. Ipinakita nya ang mga details na nakuha nya tungkol kay Kenn.

"Paano mo nalaman ang pangalan nya?" Georcelle asked, bakas sa boses nito ang pagkagulo.

"I saw it on her skateboard, Kenn Denin." Johanna answered.

Nanlaki naman ang mga mata ni Georcelle. "Bakit hindi ko nakita 'yon?" Mahina n'yang usal, napalingon sa kanya si Johanna at nagtatanong s'ya nitong tinitigan.

"Ang alin?" Johanna raised her eyebrows as if she was confused.

"H-huh? M-may sinabi ba ako? W-wala ah, b-baka may naririnig kang 'di ko alam." Georcelle denied, umasta pa syang wala talagang sinabi.

"O-okay," Johanna stuttered.

"It's fine, give him a chance." Georcelle patted Johanna's back. "Hindi lahat ng babaero hindi kayang magmahal ng totoo," she added.

Napatango na lamang si Johanna bilang tugon. Matapos ang ilang minuto, napagdesisyunan n'yang umalis na at iwan na ang kaibigan. Nagmadali syang pumunta sa sakayan pero wala na syang driver na nadatnan.

Halos trenta minuto ring naghintay si Johanna sa darating pero wala na talaga kaya napagdesisyunan n'yang maglakad na lang pauwi, medyo may kalapitan naman ang coffee shop sa bahay nila.

Habang naglalakad, nakatutok ang tingin ni Johanna sa cellphone nya habang may nakasalpak na earphone sa kanyang tainga dahilan para hindi nya mapansin ang mabilis na van na tumutumbok sa kinaroroonan nya. Eksaktong pag-angat ng tingin ni Johanna sa kalsada, nagulat na lamang s'ya nang maramdaman ang mahigpit na kamay na pumalibot sa tiyan nya kasunod no'n ay bumagsak s'ya sa damuhan kasama ang kung sino.

Nawalan ng malay si Johanna matapos bumagsak, ganoon din ang lalaking sumagip sa kanya mula sa mabilis na van. Nang magising, naramdaman ni Johanna ang mabigat na kung anong nakapatong sa kanya. Ramdam nya rin ang mainit na hiningang dumadampi sa leeg nya.

"O-ouch!" Napahawak si Johanna sa braso n'yang tumama sa isang tumpok ng bato.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro