Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7: Howl

Hindi ko na napansin na matagal na pala akong nakatitig doon sa bukana ng kuweba kung saan lumabas ang misteryosong Gazellian...

Dapat ko pa ba siyang tawagin sa bansag na iyon?

He just gave me his name and left.

Huminga ako nang malalim at higit na binigyan ng pansin ang presensiya ni Caleb. Buo ang loob ko sa desisyon ko at nasisiguro kong hindi ko pagsisisihan ang pagpapaliban ng kanilang pagkikita.

This time is all about Queen Leticia and King Dastan's way to their throne. At kung anuman ang maging hadlang upang makamit nila ang posisyong iyon, nasisiguro kong kahit sino sa amin ay ganito rin ang gagawin. We're all here to help them, hindi lang ito para sa kapangyarihan at pangalan, kundi pati na rin sa hinaharap ng mundong ito.

If this new Gazellian has his own mission, and the only one that would lead him is Caleb, then we could settle it in the future. Hindi man kami nagbitawan ng mga salita ni Reyna Leticia, alam kong binigyan niya ako ng sariling misyon.

I will guard this cave and make sure that Caleb will come out alive.

Halos kalahating oras akong nanatili sa lugar kung saan ako iniwan ni Tavion Gazellian, ilang beses na rin akong nagpalakad-lakad habang walang tigil sa pagsulyap sa mataas na lupa.

Ramdam ko iyong tindi ng kaba sa dibdib ko. Caleb's presence didn't have any consistency! Minsan ay bigla iyong mawawala, lalakas, o hihina. Hindi ko na mabuo ang desisyon ko.

Dapat na ba akong magpalit ng anyo at puwersahing buksan ang mataas na lupa o manatili akong naghihintay rito habang pinakikiramdaman ang paglalaro ng kanyang presensiya?

Kalahating oras muli ang lumipas, huminga na ako nang malalim at tumigil na ako sa paulit-ulit ng paglalakad. Buong loob na akong humarap sa mataas na bato, irorolyo ko na sanang muli ang mapa sa itatali sa aking baywang nang muli iyong magliwanag.

Kung kanina'y tila gumagawa iyon ng guhit at ipinakikita ang ibang parte ng Nemetio Spiran, ngayo'y ibang paraan naman ang ipinakikita nito.

The map started to glisten and suddenly lifted on its own... no the physical map stayed in my hands. Instead, a soul-like map floated in the air. My mouth hung as I looked up, and my eyes wandered to the ability of the map.

Nanatili akong nakatingala sa ginawang imahe ng aking mapa habang ang liwanag nito'y umaabot na rin sa kabuuan ng aking mukha. Ang kaninang tahimik na kuweba'y tila pinasok ng kakaibang hangin.

May nais ipakita sa akin ang mapa...

Another place... another world...

Kung dati'y tinta ang siyang ipinakikita ng mapa at siyang iginuguhit nito'y ang bawat daan patungo sa mga bagong parte ng Nemetio Spiran, ngayo'y tila buhay na mundo mismo ang ipinakikita nito.

A miniature form of a foreign world. Sinubukan kong hawakan ang nagliliwanag na kaanyuan ng maliit na mundo, ngunit tumagos lang ang aking kamay.

What is this world?

Mayaman sa nagtataasang gintong puno, mga gintong gusali, mundong tila nasa alapaap...

Dahan-dahang nanulay ang aking mga mata sa bawat detalye ng mundong ipinakikita sa akin ng mapa. Ano ang nais niyang iparating sa akin?

Saang mundo ito? Bakit niya ito ipinakikita sa akin sa mga oras na ito...?

Walang katapusan ang katanungan sa aking isipan nang makaramdam ako ng pagyanig sa paligid. Napatingala ako sa itaas dahil sa unti-unting pagpagsak ng maliliit na bato at alikabok.

"C-Caleb..." usal ko.

Paano kung magpatuloy ang pagyanig ng lupa at kailanganin ko nang lumabas?

Halinhinan ang tingin ko sa bagong ipinakikita sa akin ng mapa at sa unahan ko. At nang akma ko nang aabutin ang mapa at ipasyang puwersahin nang pumasok doon upang tulungan si Caleb, kusang bumaba ang lupa.

Unti-unti'y nagkaroon ng tila butas ang harang dahilan kung bakit may kumawalang tubig, ramdam ko ang matinding lamig niyon nang dahan-dahan itong umagos patungo sa akin.

At ang madilim na kuweba'y unti-unting nagliwanag kasabay nang tuluyang pagbaba ng mataas na harang ng bato. Doo'y iniluwa si Caleb at agad nanlaki ang mga mata ko nang halos mapuno siya ng sarili niyang dugo.

"C-Caleb!"

Marahas ko nang pinagsalikop ang nagliliwanag na mapa at mabilis akong tumakbo upang alalayan siya. Hindi tuluyang bumagsak sa tubig si Caleb dahil agad ko siyang nasalo.

Nakayakap ako sa katawan niya habang siyang hinang-hinang nakayakap din sa akin.

"I won... those insolent goddesses... anong karapatan nilang paglaruan ang lahat? Everyone of us, Iris..."

Sumulyap ako sa lugar na siyang pinanggalingan niya, ngunit wala akong makita kundi tahimik na ilog at talon na walang tubig na umaagos.

"What happened here? I don't understand-"

Dahil mabigat si Caleb ay inalalayan ko siyang maupo. Isinandal ko siya at halos mapaluhod ako sa harapan niya para higit siyang maalalayan.

He looked too weak right now. At natatakot ako na anumang oras ay mawalan na siya ng malay. "Go..."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean? Go? Hinihintay ka na ng lahat. Ano ang sinasabi mong nanalo ka? What happened? You're about to collapse!"

"They will help me soon... I just need to come out for a while a talk to you."

"W-What?"

Nanghihina man ang kamay niya, sinubukan niya pa rin hawakan ang dalaw akong kamay. "I promise, after this war. I'll tell you everything. Why I chose the map... why I kept on pestering you..."

"Caleb, this isn't the time to-"

"They told me that only the eyes of the map handler will open the gates of their world- their sinful world. Lead us, Iris. Lead us to destroy their world..." nanghihinang usal ni Caleb.

Hanggang sa unti-unting rumehistro sa akin ang mundong siyang ipinakikita sa akin ng mapa.

The map of Nemetio Spiran was showing the map of the Deeseyadah! Ang mundo kung saan nagsimula ang lahat.

"Malamang ay nagsisimula na ang digmaan, ngunit nasisiguro kong hindi matatapos iyon kung hindi natin tatapusin ang lahat. That world ruined everything, Iris... at ikaw lang ang makakapagturo at makakapagbukas niyon para sa lahat."

Hindi ako sanay na makarinig ng mga ganitong salita mula kay Caleb. I've known him as the happy-go-lucky Gazellian who didn't think too much. Hindi siya masyadong nag-iisip ng mga bagay na komplikado at lalong hindi niya nais sumali sa mga seryosong usapan.

He'd choose combat rather than battle tactics. He'd choose combat rather than tracing the root of the problem.

Muli akong napasulyap sa madilim na ilog, sa patay na talon at halos walang buhay na kagubatan na itinatago ng kuweba. Ano ang nangyari rito at kay Caleb?

Sa paanong maiksing panahon ay nagawa nitong mabago ang isang bampirang katulad niya? Even the brightness in his eyes seemed so different.

"Go... susunod ako. Ikaw na rin ang nagsabi na maraming naghihintay sa akin. I am the main event of this war, Iris. I just need a little rest."

"N-Ngunit paano, Caleb? Hindi ko maintindihan... sinabi mong ako lang ang may kakayahang makatungo roon, ngunit paano? With this map?"

"You're one of the wisest women I've ever known, Iris. I know that you'll figure it out," nanghihinang sagot niya sa akin.

Naalarma ako nang mas isandal niya ang ulo niya sa kuweba at unti-unting ipikit ang kanyang mga mata.

"Caleb!"

"I just need a little rest, Iris. I promise... we'll see each other in the war. Now, it's your turn."

Mas lumapit ako sa kanya at higit kong inilapit sa kanya ang palapulsuhan ko. "Drink from me." Madiing sabi ko sa kanya.

Umiling siya. "I can't. I will drain you, Iris. Please go... I have my help. Nanunuod lang sila."

Lumingon ako sa paligid pero wala akong makita. "Caleb, please... I can't leave you here."

"Your role as the map is more important, Iris. Go."

Magsasalita pa sana ako nang muling magliwanag ang mapa na siyang nasa baywang ko. "Go..." ulit ni Caleb.

Bago pa ako makipagtalo sa kanya'y nagmadali na akong tumalikod at tumakbo papalayo sa kuweba... papalayo sa kanya.

Inihagis ko nang napakataas ang nagliliwanag na mapa sa ere. The brightness of the ancient map intensified as it glistened with the moonlight, and when I jumped as high as the drifting map, my white werewolf form fetched the map with my mouth.

The huge shadow of a white werewolf suddenly graced the wholeness of the forest.

Saglit kong tinakpan ang kabuuan ng buwan dahil sa mataas kong pagtalon. Muli kong itinalang sa ere ang mapa at kusa akong umalulong nang napakalakas upang ipadama sa lahat ng mga hayop doon na may isang puting lobo na kasalukuyang nasa hindi magandang sitwasyon.

That there's a troubled werewolf with her given responsibility. Sa paanong paraan ko mabubuksan ang lagusan patungo sa Deeseyadah?

Wala akong tigil sa mabilis na pagtakbo sa kagubatan na halos walang patutunguhan. Ang maliliit na hayop na siyang nakakasalubong ko'y may halo na ng takot, pagtataka o kaya'y awa sa akin. May iba pa ngang nais akong pigilan at kausapin. Ngunit pinagpatuloy ko ang pagtakbo ko, inakala kong ang aking misyon ay bantayan si Caleb sa kuweba at masigurong siya'y makakalabas ng buhay.

Ito baa ng siyang totoong misyon ko?

Unti-unti na akong nilalamon ng kaba at takot. Paano kung hindi ko mabuksan? Paano kung hindi ko mahanap? Siguradong mauulit at mauulit muli ang digmaang ito...

Nang sandaling tumigil ako'y hindi ko na nakontrol ang sarili ko, kusa na akong bumangga sa malaking puno. Nagliparan ang mga ibong nahapon doon. Napalugmok ako sa lupa habang unti-unting naglabasan ang maliliit na hayop upang silipin ang kalagayan ko.

Pinili kong manatili sa lupa habang tanaw ang buwan. Kasalukyan ngayong nakikipaglaban para sa lahat ang aming tinitingalang diyosa ng buwan. Hindi ko siya dapat biguin...

Saglit na pumasok ang imahe ng dalawang puting lobo na siyang hinahangaan ko. Bagaman nasaksihan ko ang paghihirap at maling desisyon nila'y hindi nawala roon ang respeto ko sa kanila.

Ressa and Elin... those white werewolves did everything to save the innocent creatures of this world. Higit nilang inuna ang kapakanan ng iba bago ang kanilang mga sarili. They used their ability and power to help those creatures...

Ang kulay ng kanilang mga lobo at ang kislap ng kanilang mga gintong mga mata ay talagang sumasalalim sa kung anong klase silang mga nilalang.

I should be like them...

"Ressa, Elin... Queen Leticia..."

Ipinikit ko ang aking mga mata at nang sandaling unti-unti kong iyong iminulat, alam ko sa sarili kong ito'y nagliliwanag nang muli katulad ng gintong mapa. Nang sandaling ikinalma ko ang aking sarili at higit na pinalinaw ang aking isipan, nagsimula na akong muling maglakad.

Hindi sa direksyong walang patutunguhan, kundi sa lugar kung saan bumagsak ang mapa. Magaan ang bawat hakbang ko habang nakasunod ang mga mata ko sa nakalapag na mapa sa ibabaw ng mga damo.

Habang patuloy ako sa paglalakad, ramdam ko ang malamig na hampas ng hangin, ang habi nito sa iisang direksyon, ang ingay ng mga puno at nagtataasang mga damong aking nadaraanan.

Ramdam kong may nagmamasid sa akin, ngunit pilit kong binigyan ng atensyon ang mapa.

At nang sandaling maabot ko na ang mapa'y muli iyong lumutang sa ere, kung kanina'y wala akong ideya sa dapat kong gawin, tila may mga boses na bumubulong sa akin ng mga dapat kong gawin.

Ngayong nasa labas na ang mapa at ito'y nasisinagan ng buwan, higit nitong ipinakita ang kanyang liwanag.

Umulit sa isipan ko ang mga salitang binitawan sa akin ni Caleb, tanging ang mga mata lamang ng nilalang na naghahawak ng mapa ang siyang makakapagbukas ng lagusan sa mundo ng mga pangahas na diyosa.

A world full golds.

A map that can turn into gold.

The golden eyes of the map handler.

Ang nagliliwanag na mapa na tila isang ginto'y nanatiling nasa ere, sa ilalim ng liwanag ng buwan. Muli akong huminga nang malalim bago ako maingat na humakbang sa ilalim ng mapa, at nang sandaling unti-unti kong inangat ang aking mukha patungo sa mapang siyang nasa itaas, ang tatlong uri ng ginto'y nag-isa.

The light coming from the moon, the map that turned into gold, and my golden werewolf eyes united... and made a golden portal.

A portal to the golden world-Deeseyadah.

Hindi na ako nag-aksaya pa nang oras. Alam ko ang gamit ng iba't ibang uri ng lagusan.

Portal means time intervals. Every second, minute is important. Mabilis akong tumakbo patungo sa lagusan at nang sandaling makatawid na ako'y isang direksyon lang ang agad na hinanap ng aking mga mata-mataas na lugar.

There's no time to admire the new world because it will be destroyed.

I reached the highest mountain with the goddesses tailing me, and before they finally captured me, for the very first time, as a white werewolf with my head held high, proud, embracing all my power and responsibilities... I loudest howl overwhelmed the whole Deeseyadah.

Portals from different direction suddenly appeared.

"IRIS FOUND THE WAY!"

Muli akong nagbitaw nang malakas na alulong, kasabay nang pagsugod ng bagong Nemetio Spiran.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro