Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

Chapter 43 Visit

Ito ang siyang matagal nang naglalaro sa isipan ko. Anna and I thought that the previous kings passed this mission to their sons because they refused to continue and face their fate away from their mates. Sumuko na sa laban sina Haring Raheen at ang Head Wizard, nagawa nilang ialay ang kanilang sariling buhay at katawan para sa mga babaeng kanilang mahal. While King Thaddeus betrayed them and made his way to make impossible ways just to be with Queen Talisha.

Nabulag sina Tavion, Caleb, Rosh, at maging si Howl sa kaalamang hindi nagtagumpay ang kanilang tinitingalang hari at maestro sa iisang paraan na akala ng lahat ay ang siyang tanging paraan.

It weren't just Tavion, Caleb, Rosh and Howl. Dahil maging kami ni Anna ay ganoon din ang paniniwala. Anna and I insisted our lives to be the sacrifice, gaya nang kung paano inalay at isinakripisyo nina Reyna Raeliana, ang diyosa o kaya'y ni Reyna Talisha ang kanilang mga buhay.

We were blinded by the pattern that happened years ago.

But this is our era. . .

"Everyone of us focused on the same path, the track that those previous kings and queens made, at hindi na natin naisip na maaari rin tayong gumawa ng sarili nating paraan. If they fail that path, why we have to trail it again? Bakit hindi natin subukang gumuhit ng sa atin?"

Nang matapos ako sa mga salitang iyon ay nakatulala na lang sa bulang lumulutang sina Caleb at Rosh, habang ang dating Earth Dragon Wizard ay halinhinang napapatingin sa aking maliit na kaluluwa at sa katawan kong nakalutang.

Nabalot nang napakahabang katahimikan ang lahat na tila pilit nilang pinaka-iisip ang mga salitang sinabi ko. Buong akala ko ay si Rosh ang siyang unang makakabawi sa kanila dahil alam kong nagsisimula na siyang mag-isip ng sunod na mangyayari kung sakaling maging matagumpay ang planong ito— his parents will be freed.

Pero ang Head Wizard ang siyang unang nagsalita. "How are you so confident that those worlds will cooperate together, white werewolf?"

Kung kanina ay isa na siya sa nakapalibot sa maliit na bulang lumulutang kung saan nagmumula ang maliit kong boses, ngayon ay humakbang na rin siya papalapit sa katawan kong lumulutang sa itaas. He looked at me with a hint of admiration.

"Give me a good reason why your world will not cooperate." Matigas na sabi ko. Tumaas ang sulok ng labi niya sa sinabi kong iyon.

"Let's say that Fevia Attero will cooperate. How are you going to convince the other world?" tanong ni Rosh na hindi na hinintay pa ang sagot ng Head Wizard na agad kumunot ang noo dahil sa biglang pagsabat ng prinsipe.

"Your world?" tanong ni Tavion.

"Alam kong alam mo kung kaninong mundo ang sinasabi ko. Nemetio Spiran will do whatever it takes to end these evil portals. And once that they caught the wind of you, they will fight until the end. Ipaglalaban kayo ng mga Gazellian ni Iris. So, Dastan is not a problem. Nemetio Spiran will cooperate," namaywang na si Rosh at muling yumuko sa lumulutang na bula. "Do you have a plan for that, Miss White Werewolf?"

"Fevia Attero will cooperate," nagawa pang sikuhin ng dating Earth Dragon Wizard ang Head Wizard.

Rosh lazily crossed his arms and gave the Head Wizard and the Earth Dragon Wizard a side-eye. "Of course, you will. As if I'll give you a chance to refuse."

Pansin ko ang pagtitimpi ng dalawang Attero kay Rosh, hindi na ako magtataka kung bigla na lang umatake ang dalawang iyon sa kanya.

"But he's right about it. If Nemetio Spiran and Fevia Attero will have their cooperation again, how about the other world?" tanong ng Earth Wizard.

Lahat sila ngayon ay nakatingin na kay Tavion. "You don't expect me to leave Iris in this place, right? You can start doing this plan together, but I will never leave you here, Iris," yumuko na sa akin si Tavion.

"But that is your world," sagot ni Rosh.

Itinuro siya ni Tavion. "Go there and convince someone in that world. I can't leave Iris no matter what," umiiling na sabi niya.

Itinuro na ni Rosh ang kanyang sarili. "Huh? Ako na naman? Can't I take a leave or something?" he slightly tilted his head with one of his hands clutching his elbow and other hand on his temple as if he was having a real headache.

Rosh really looked like a dramatic prince in opera.

Isama pa iyong suot niya na laging nakasuot ng gloves at kumikinang na mga bato. Kahit si Tavion, ang Earth Dragon Wizard at Head Wizard ay napapangiwi kapag pinagmamasdan si Rosh gumalaw.

"Who else? These old magicians can't leave their world. Baka ubuhin at sipunin na sila. They already passed their prime years."

"Old magicians!" sabay na sabi ng Head Wizard at Earth Dragon Wizard.

Susugod na sana ang Head Wizard kay Tavion pero pinipigilan na siya ng Earth Dragon Wizard.

Sumulyap si Rosh sa dalawa at ilang beses tumango habang sapo pa rin ang sumasakit na noo. Bigla iyong nawala at naglabas na ulit siya ng panibagong rosas sa kanyang kamay. "As if your world will entertain old looking men, of course, they will properly accommodate me."

Tavion's trying not to roll his eyes.

Hindi ko alam kung tama ba na naririnig ko ang ganitong klase ng usapan sa kanilang apat. When I first looked at the Earth Dragon Wizard and the Head Wizard, I never saw them as old. Kung hindi ako nagkakamali ay mabagal din ang pagtanda ng mga Attero kaya kung titingnan ay hindi naman sila mukhang matanda na tulad ng sinasabi ng dalawa.

Anong klaseng mata mayroon ang dalawang bampira na ito?

Sa kaunting panahon na nakasama ni Tavion si Rosh, parang agad na nitong nalaman kung anong klase ng usapan ang siyang higit siyang lalamang sa prinsipe. 

"So, you will?" tanong ni Tavion kay Rosh na nakayuko na sa pula niyang rosas.

"Of course, I won't!" iritado niyang inihagis kay Tavion ang pulang rosas na hawak niya. "Do you think you can fool me, Gazellian?!"

Kung kanina ay dapat ang dalawang Attero na ang susugod sa kanilang dalawa, ngayon ay tila magsasalubong na sina Tavion at Rosh, kaya ang Head Wizard na at ang dating Earth Dragon Wizard ang umawat sa kanila.

"Then this plan will not do, Iris!" sabi ni Tavion. "You will never convince me to leave you. I will never leave this damn world without you! Change that plan!" iritadong sabi niya sa akin.

"And what do you think of me? A traveler?! Do you think I can gain something in that world? I don't enter an unknown place for nothing. I should gain something. Convince me," iritadong namawaywang si Rosh at luminga sa paligid na parang may makikita siya roon. "I am not even done in this place."

Ilang beses kong pinagmasdan sina Tavion at Rosh na kapwa nagmamatigasan.

I already reached Tavion's limit, alam kong kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na siya ang may koneksyong sa ikatlong mundo na nasisiguro kong sa mundo ng kanyang ama ay hindi siya papayag na iiwan ako. 

When I looked at Rosh, I saw the hesitation and desperation. Gusto niya pang manatili sa lugar na ito pero nasisiguro kong hindi rin magtatagal ay siya ang tatanggap sa misyon patungo sa ikatlong mundo. But we couldn't just push him into the decision that he's half-hearted. Nagpaiwan dito si Rosh hindi lang dahil sa amin ni Tavion, he's here because of his mate.

Lalong hindi rin maaaring umalis ang dalawang Attero, kung nasa Nemetio Spiran na si Howl, hindi na kailangan pang mabawan ng malakas na Attero sa mundong ito.

"How about the ends in Nemetio Spiran?"

Naagaw muli ang atensyon nilang lahat at nagsimula silang lumapit sa aking lumulutang at nagliliwanag na maliit na bula. "What do you mean by that?" tanong ni Rosh.

"Ngayon na nasa Nemetio Spiran na sina Anna at Caleb, maaari na tayong magkaroon ng kaunting komunikasyon sa kanila. We can tell them our situation. Rosh, you were sent here to help Caleb to return to our world, and now that it has been fulfilled. Do you think we need to seek another help from the King and Queen of Nemetio Spiran? We have to send King Dastan our new plan."

"Yes, that's a good idea. We need a hand here. They shouldn't forget the help I sent before," dagdag ng Earth Dragon Wizard.

Pero bago pa man sumagot sina Tavion at Rosh sa sinabi ko ay lahat kami ay naagaw ang atensyon nang may panibagong liwanag ang siyang nagpakita sa aming lahat. Hindi mula sa altar kung nasaan ang walang buhay kong katawan, kundi sa may pintuan kung saan dumaan kanina si Rosh.

We were expecting that an unexpected creature opened the door, but it was another image of a very familiar goddess.

"Wow. . ."

"She's so pretty. . ."

Rinig kong usal ng dalawang diwata na ngayon ay nakalapat pa rin ang kanilang mga palad sa bula na siyang nagkukulong sa totoong kaluluwa ko sa gitna ng kadiliman. Sa kabila ng nakapikit kong mga mata, hindi ko mapigilang hindi ngumiti sa aking nakikita.

"Queen Leticia," usal ko mula sa aking maliit na boses galing sa maliit na lumulutang na bula kasama sina Tavion, Rosh, Head Wizard, at ang Earth Dragon Wizard.

Kung sina Tavion, Head Wizard at Earth Dragon Wizard ay tulalang-tulala sa imahe ni Reyna Leticia na biglang nagpakita sa pintuan, si Rosh lang ang nagawang pormal na lumuhod na tila ang sarili niyang katawan ay nakakundisyon nang iyon ang laging gagawin sa tuwing makikita ang reyna.

"Q-Queen Leticia," he bowed his head with his one-bended knee.

Kung ako'y nasa kaanyuang tao'y nasisigurado kong dalawa kami ni Rosh ang siyang nakayuko ngayon kay Reyna Leticia. Nang mapansin ng Earth Dragon Wizard ang biglang pagluhod at pagyuko ni Rosh, ay ganoon din ang ginawa niya.

He gentlemanly bowed and bent on his knees, like a sweet casanova magician that he and Howl similarly portrays. Ngumiwi pa si Rosh nang masilip na nakiluhod ang Earth Dragon Wizard. "She is not your queen," matigas na sabi ni Rosh.

Pero nang hindi lang ang imahe ni Reyna Leticia ang nagpakita, at nakarinig si Rosh nang ilang beses na pagtikhim, agad siyang tumayo nang tuwid.

"King Dastan," usal ko.

"Dastan," bati ni Rosh.

King Dastan went immediately to business. "I heard everything from Caleb and Anna. Leticia's power can't maintain a long communication. Tell me how we can help you."

Hindi man gumagalaw ang mga imahe nina Haring Dastan at Reyna Leticia sa posisyon nila, madali nilang nakita kung sino ang hinahanap nila.

If King Dastan's eyes went quickly to Tavion, Queen Leticia's gaze stopped to my lifeless body floating in the middle of the altar. Si Tavion ang siyang unang nag-iwas ng tingin kay Dastan at piniling tumitig sa maliit kong bula na lumulutang.

"Iris. . ." rinig kong tawag ni Reyna Leticia sa akin.

Nang si Haring Dastan naman ang tumingala nang makita ang katawan ko, nakita ko ang sabay na pagkuyom ng dalawa niyang kamao. "Rosh."

"My father and King Thaddeus failed this mission, King Dastan. They are numbers of sacrifices. . ."

Huminga nang malalim si Haring Dastan at bahagya niyang inangat ang kanyang isang kamay para patigilin na niya sa pagsasalita si Rosh. "I heard everything from Anna. Tell me what to do."

"If King Raheem, King Thaddeus, and these Atteros original plan were to protect these portals individually. I think we should make a different approach. Let it combine and destroy it at once," sabat ko. "The cave, the ruin. . .and the world from another Gazellian."

"Your father," dagdag ni King Dastan na kay Tavion na nakatitig.

Hindi nagsalita si Tavion at hindi pa rin pinansin si Dastan. Tumagal ang titig sa kanya ni Dastan ngunit hinayaan niya na lang si Tavion sa gusto nito.

"We need someone who will enter your uncle's world, King Dastan. You see, someone here is not cooperative," Rosh gave Tavion a side-eye.

"I will go. This time, allow me to lead this mission, King Dastan."

Kahit hindi ipakita ang imahe ng babaeng nagsalita, agad kong nakilala ang prinsesang iyon. Nakita kong ilang beses umiling si Rosh na parang alam na niya ang magiging kasagutan ni Haring Dastan.

Doon ko lang higit na naintidihan na hindi man ipakita ang buong magkakapatid na Gazellian sa harapan namin, lahat naman sila'y tahimik na nakikinig sa usapan namin.

They were here, listening, supporting, and helping us.

Sabay lumingon sa likuran sina Reyna Leticia at Haring Dastan, bago muling nagsalita ang prinsesa na nasisiguro kong nasa likuran nila at nakikita rin ang sitwasyon namin.

"I bet Uncle Tiffon wants a visit from his youngest niece."

Minsan ko lang masaksihan ngumiti si Haring Dastan, at ito ang pagkakataong iyon. "Yes, you can have this mission, Harper."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro