Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4: Behind the ugly scarf

A shadow in the midst of the night, with the pair of piercing fire rubies, crows fluttering around him, a single-arm stretch on the tree's body, and his ruined scarf around his neck being blown by the wind.

It was impossible to see his face with the darkness of the night and the scarf hiding half of his face, and when I tried to take another step, the man moved not to run away from me but to pull his dagger from his back.

The fast movement of his silver dagger triggered my whole ability as a werewolf. Bago pa man tuluyang tumama sa akin ang ibinato niya ay agad kong napalitan ang kaanyuan ko.

I roared angrily at him before he jumped off and started to run.

He's a fucking vampire!

At nasisiguro kong siya ang nanggugulo kay Caleb. Saglit akong lumingon sa pinanggalingan ko para kuhanin ang atensyon ni Caleb, pero alam kong sa sandaling inaksaya ko ang aking oras ay makakalayo ang kalaban.

And he's injured! The poison on that silver arrow made him weak to notice that the attacker was in my direction.

Ilang beses kong ipinilig ang ulo ko at higit na binigyan ng atensyon ang bampirang hinahabol ko.

Vampires are known fast runners. Ngunit huwag niyang minamaliit ang mga lobong katulad ko na may apat na mga paa.

I chased him. Tulad ng paniniwala ni Lucas, hindi pa ako ganoong kasanay sa aking kaanyuan dahil bago pa lamang ako. But I am a fast learner. Lahat ng bagay na nais kong malaman at gustong makamit ay madali kong nakukuha dahil sa pagnanais at kakayahan ko.

This vampire is a threat. Kung hindi siya nagawang maramdaman ng aming reyna at ng mga pinakamalalakas na nilalang ng emperyo, hindi ko na dapat palagpasin ang sitwasyong ito.

If I'd be caught in a fight with him, I could easily roar and call everyone's attention for help. Agad akong maririnig ni Lucas at Reyna Leticia. Nasisigurado kong hindi na siya aabutin ng bukas, with Prince Rosh's cut throat attitude. We could immediately finish this arising conflict with this mysterious enemy.

Lalo kong binilisan ang pagtakbo, ganoon din ang lalaking nasa harapan ko. All I could see were blurry figures of trees, hurried rabbits, deers, squirrels, bears, and other animals to hide from an angry white werewolf. The sharp blade-like tall grasses never bothered my thick white fur, and even the brittle branches of small plants never wavered me. My mouth was non-stop to bit and threw away the hindrance as I got closer to him.

When I could completely see our distance and the successful chance to get him, I immediately grabbed the opportunity. Mataas akong tumalon patungo sa kanya.

If the mysterious vampire were graced by the moonlight a while ago, which was surprising, right now it was me who was supported by the moonlight. Saglit nawala ang liwanag sa kanya dahil ang buong kaanyuan ko ang nagtakip ng liwanag na nagmumula sa buwan.

"Fuck..." he said as his red eyes got wider.

Hindi na siya nakatakbo pa nang marahas akong pumangibabaw sa kanya. A heavy thud with my four legs on his body, my gritting teeth, glowing golden eyes, and nails starting to dig his chest.

Nanatiling tanging kanyang pulang mga mata lamang ang nakikita ko. The ugly and old scarf was still hiding his hideous face. I was about to open my mouth and rip his head off away from his body when I felt a sharpened thing below my neck.

"Are you aiming for my neck as well?"

Ramdam ko na agad ang panghihina ko. He has a silver dagger as a fucking weapon! Pero nasisiguro kong isa siyang bampira!

Nanlalaki ang ginto kong mga mata habang hindi makagalaw sa sitwasyon naming dalawa. Even with the scarf on his face, I could see that he's mocking me.

"Surprise?"

Gusto kong magsalita. "Who the hell are you? Ano ang kailangan mo kay Caleb? Sa paanong paraan niya naitago ang kanyang presensiya mula kay Leticia? Even Prince Rosh...or Lucas..."

Mariin man ang pagkakapiit ko sa balikat niya, nagawa pa rin niyang maipuslit ang isa niyang braso upang mag-angat ng punyal sa leeg ko. Wala akong tigil sa pagngingitngit ng galit sa kanya habang patuloy sa pag-angat ang kanyang punyal.

"Silly little white wolf... tell to your mate? Tell him to cooperate with me. Before I reveal myself and become a threat to everyone..."

Dahil alam kong hindi ako tuluyang makakalaban dahil sa hawak niyang armas, labag sa loob akong humiwalay at tumalon palayo sa lalaki. Ngunit nanatili akong alerto na may nanlilisik na gintong mga mata sa kanya.

Nang bumangon siya ay tipid niyang pinagpagan ang ilang hibla ng mga balahibo ko sa kanya.

"Your fur is nice. I think it is very effective to keep me warm... a thick cloak maybe?" itinutok niya sa akin ang punyal na hawak niya sa kabila ng malaking distansya namin.

Mariin kaming nagtitigan bago siya nagkibit balikat at tamad na pinagkrus ang mga braso. "How about keep me warm alive?"

Hindi ko na nais pang marinig ang mga sasabihin niya. Umalulong na ako nang napakalakas dahilan para magising ang lahat.

He chuckled, turned his back on me, and ran again.

With our werewolf's link, kinausap ko si Lucas na magdali ng damit para sa akin. I was hiding behind the tree when he threw a bag for me. Mabilis akong nagbihis at ganoon na lang ang yakap niya sa akin nang lumabas ako mula sa likuran ng puno.

"What happened?"

Hindi ko magawang masagot si Lucas, hindi ko alam kung dapat ko ba iyong sabihin sa kanya. Is this another problem of Gazellian siblings? Si Adam na mismo ang nagsabi sa akin na halos wala nang katapusan ang problema ng magkakapatid na iyon.

Magsasalita na sana ako at hahabi ng ibang dahilan nang kapwa kami napalingon sa panibagong pigurang humawi sa nagtataasang mga halaman.

It was Caleb, clutching his wounded arm.

"What the hell? Ano ba talaga ang nangyari?"

Kapwa kami hindi nakasagot ni Caleb. Hindi ko alam ang gagawin ko. I should weigh the situation, hindi ko dapat pangunahan si Caleb, lalo na kung tungkol sa lalaking iyon at sa kailangan niya sa kanya.

Hindi rin nagtagal ay may panibagong pigura na rin ang nagpakita. Prince Rosh was lazily sitting on one of the tree's branches with a single rose on his hand. "What is this again, Caleb?"

"Shut up, Le'Vamuievos."

"You're wounded," tipid siyang sumulyap sa akin habang nakatakip ang kanyang pulang rosas sa kalahati ng mukha niya. His red eyes switched from Caleb to my position.

"Or this is some strange tryst-"

"W-What?! No way!"

"Iris is not like that, Le'Vamuievos!"

"Hindi ikaw ang kausap ko, Daverionne," agad na sagot ni Rosh.

Bumuntonghininga si Caleb. "I'm sorry about this commotion. Iris and I had a fight-"

Umawang ang bibig ko. Gusto ko siyang salungatin at hindi bigyan ng ideya sina Rosh at Lucas, ngunit labag man sa kalooban ko ay iyon ang siyang madaling paniwalaan.

Saglit natawa si Rosh bago tumayo mula sa kinauupuan niya. "Pinapahiya moa ng lahi natin... I left Nikos and Hua with Leticia and Divina. Finish everything silently... alam n'yong maraming iniisip si Leticia."

Iyon ang iniwang salita ni Rosh bago niya kami iniwan. Hindi na rin nagsalita pa si Lucas at nagpaalam na sa amin ni Caleb. Nag-aakusa ang mga mata ko nang lumingon ako sa kanya.

"Who is he?

"I don't know."

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko na kinailangan pa ng kaanyuan ko bilang lobo. I still have my werewolf's strength even in my human form. I harshly pushed him on the tree with my eyes blazing angrily at him.

"Kilala mo siya!"

Pinandilatan niya ako ng mata. "I FUCKING DON'T KNOW HIM!"

Hindi ko siya paniwalaan. Hindi ko siya kayang paniwalaan! Kung mata lang ng lalaki ang nakita ko kanina'y maniniwala ako sa kanya. But the moment he turned his back and he had the fully extent of the moonlight? Mas lalo ko siyang napagmasdan.

Kung may kailangan siya, bakit si Caleb lang ang nilalapitan niya? He could have asked the other fucking Gazellians! Hindi itong lalaking ito na kulang sa pag-iisip!

Tinanggal niya ang braso kong nakaharang sa leeg niya. "I'm sorry, Iris. Please keep this a secret. Alam mong malaki ang kinahaharap ng lahat ngayon. This man... this man..."

Napahilamos siya sa kanyang sarili. "Let's go back."

Matapos ang gabing iyon, higit kaming nagkaroon ni Caleb ng distansya. Hindi niya kinukuha ang aking atensyon at mas binigyan niya ng pansin ang paglalakbay at si Divina. Hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataong magkausap ng sarilinan si Reyna Leticia dahil sa patuloy na pag-usad ng aming paglalakbay.

But what's more surprising? How Caleb Lancelot Gazellian can handle everything with ease. Halos hindi ko maiwasang humanga sa kanya sa bawat kilos, pagsasalita at desisyon niya na parang wala siyang inililihim sa mga kapatid niya.

I thought everything would be the same, hanggang sa makipagsanib pwersa na rin sa paglalakbay ang ibang mga kapatid ni Caleb. Akala ko'y mananatili na lamang siya sa tabi ng lahat na siyang magpapagaan ng sitwasyon sa tuwing mahaharap kami sa mabigat na pagsubok, ngunit hindi lang ako ang higit na nagulat nang pinili ni Caleb maiwan sa loob ng kweba.

That fool prince and his fucking decisions!

Saglit akong lumingon sa grupo ni Reyna Leticia, nais kong sumama sa kanila ngunit may nagsusumigaw sa akin na dapat manatili ako rito sa harap ng kweba. That cave is too mysterious! Na halos ibuwis ng lahat ang kanilang buhay para lamang ito'y mabuksan, my map leads to this mysterious cave at kung anuman ang mangyari, bukod kina Reyna Leticia at Prinsipe Rosh na dumaan na rito'y isa ako sa mga kakayahang sumugal at pumasok dito.

Maybe Queen Leticia's group was too focused on the war, and they didn't notice my absence, but before the portal had successfully closed, I felt the queen's lingering whisper. A blessing...

Nang sandaling nakatawid na ang lahat ay nanatili ako sa bukana ng kweba, nakatayo at nakatitig sa kadilimang inihahatid niyon. Ang mapang hawak ko'y nagsimula muling magliwanag.

I tried to take my first step, but I immediately haltered. Ilang beses akong napailing. I should wait for him. At kung may maramdaman akong kakaiba, saka ako papasok.

Pinanatili ko ang kaanyuan ko bilang tao. Ramdam ko ang pangangatal ng mga kamay ko. Hindi ko alam kung ano itong bumubulong sa akin... why is this map telling me that my mission is not yet done?

Buong akala ko'y ang aking tanging misyon ay dalhin sila sa mga relikya at buksan ang kwebang ito, pero may pilit na nagsusumigaw sa akin na may nais pa ang mapang ito na gawin ko.

What is it?

Nangako kami ni Caleb sa isa't isa na sabay naming sasagutin ang katanungan sa nararamdaman namin. Is this map is telling me to follow him? Paano kung hindi lang ang kabuuan ng Nemetio Spiran ang nais iparating sa akin ng mapang ito?

What if?

Nangunot ang mga mata ko nang makitang muling nagkakaroon ng higit na matingkad na tinta ang ilang parte ng mapa. Something like making another path...

Huminga ako nang malalim at taas noo kong hinarap ang madilim na kweba. Dalawang beses na akong humakbang patungo rito, at muli ko pa iyon sanang susundan nang mapansin ko na patuloy pa rin sa pagguhit ng sarili ang mapa.

I looked down on it as my eyes followed the slow movement of the ink. But what I wasn't expecting was the familiar voice of a man at a very unexpected moment...

Muntik ko nang mabitawan ang mapang hawak ko at napaatras ako mula sa lalaking tamad na nakadungaw sa aking mapa. His arms were crossed as he lazily gazed at the map and switched slowly to me.

"We meet again white fur..." he casually greeted me with his now, black eyes, and his old and ugly scarf that covered his face.

Kusang kong nalukot ang mapang hawak ko dahil sa higit kong pagtitig sa kanya. Because I could see how unconvinced I was when Caleb told me that he didn't know this man...

How could that be...?

If this man is screaming the famous features of the known Gazellian who offered his whole soul and body to the ocean?

Another silver-grayish-haired Gazellian...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro