Chapter 32
Dedicated to: Chamie Salem
Chapter 32 Kiss
I witnessed how King Tiffon crept a small smile on his face as he walked past Tavion's line with his hateful eyes toward him.
That scene might be too painful to see, but as someone who could clearly understand the picture of their situation, I wouldn't blame King Tiffon for choosing his decision, after all, he just wanted to keep Tavion safe.
King Tiffon painfully pretended not to notice his own son not just because it was Tavion's foolish wish, but the king's way of silently protecting his son.
Nasagot na ang isa sa mga katanungan ko nang sandaling magsabi sa akin si Tavion na hindi siya nakilala ng kanyang ama. I've witnessed how the Gazellian treasure their family, that's why I had doubts when Tavion mentioned that his father never recognized him.
Akala ko ay sinabi niya lang iyon dahil sa matindi niyang galit sa kanyang ama, ngunit totoo naman palang iyon ang pinalabas ng hari sa kanya.
I wished to learn more about Tavion's journey in the search for the fountain of youth together with his father, but it seemed like the viewing of Tavion's past has come to an end.
Napayuko na ako sa aking sarili at napatitig sa aking mga kamay at brasong nagsisimula nang magliwanag, hindi rin nagtagal ay ang buong katawan ko na ang nakakaramdam ng pamilyar na init na siyang nagdala sa akin sa nakaraan.
Naroon na ako sa bagay na gusto kong malaman at higit na nais masaksihan, ngunit siguro'y dinala lamang ako sa kaalaman na higit kong kailangan— that Tavion was never avoided or rejected, but he was protected.
Nais iparating sa akin ng nakaraan na hindi na dapat pang maranasan ni Tavion ang kaparehong sitwasyon na iyon— that he would be in front of someone else's death.
He'd seen enough of tragedies in his life that our connections as mates pushed me to through him— even to his pasts. Na ako bilang babaeng itinakda sa kanya ay hindi lang pagmamahal ang kayang ibigay sa kanya, kundi proteksyon.
Sa kanyang nakaraan gusto siyang yakapin ni Haring Tiffon ngunit pinili na lang siyang tanawin ng hari sa malayo sa takot na siya naman ang tingnan ng mga nilalang na hanggang ngayon ay hindi pa rin nais ang kanyang posisyong hindi naman siya isinilang.
Mas tumindi ang init sa kabuuan ng aking katawan, at alam ko ang ibig sabihin niyon— that the present was pulling me on my right time.
Huminga ako nang malalim at tinanaw kong muli si Tavion mula sa nakaraan. I could see his pain and hatred every time the king walk passed him. Naroon si Tavion madalas sa ilalim ng puno at pinipiling hindi na makahalibilo sa kanyang mga kagrupo sa panahon ng kanilang pag-e-ensayo.
Habang unti-unti nang naglalaho ang aking katawan ay nagsimula na akong lumakad patungo kay Tavion, alam kong hindi niya ako maririnig ng mga oras na iyon o kaya'y mararamdaman, ngunit hindi ako mapapanatag kung hindi ko siya yayakapin.
Tumigil ako sa ilalim ng puno, sa harapan ni Tavion na diretso ang tingin. He wasn't looking at me, but I tried to reach him and hugged him, gaya ng paraan ng pagyakap ko sa kanya sa kasalukuyan.
"It will take years before we see each other, Tavion. Pangako, bibigyan kita nang nag-uumapaw na kaligayahan. Ingatan mong mabuti ang sarili mo at hanapin mo ako." Marahan kong tumingkayad para humalik sa hangin.
Tapos na ang ilang saglit na pagbabahagi sa akin ng karanasan ni Tavion.
I was hoping that I'd get a chance to witness Tavion's first mission with his father, where was he when the Gazellians entered King Tiffon's world? How did he come back to his mother's world? Sino ang babaylan na nagsabi kay Tavion na kailangan niyang magtungo sa Fevia Attero?
Marami pa akong katanungan na nais masagot pero alam kong hindi iyon ang siyang higit kong dapat isipin. I wished to understand more of Tavion, kung saan ang pinanggagalingan ng reaksyon niyang iyon nang sandaling mapaharap kami sa laban, at ngayon ay may higit na akong impormasyon at labis pa, siguro'y tamang hintayin ko na lang ang oras na handa na ulit si Tavion, ang mapa at ang sitwasyong ibigay sa akin ang lahat.
Bago pa tuluyang lamunin ng liwanag ang aking buong katawan ay kusa na akong nagpikit ng aking mga mata.
Ngumiti ako kay Tavion na napansin ko ang pagkunot ng noo at ilang beses na paglingon sa paligid.
At nang sandaling muli ko iyong imulat ay nagbalik na ako sa kasalukuyan. In front of the soulless knight with the weapon that killed Tavion's mother in front of his eyes. Nagmulat ako sa aking kaanyuang lobo, sa katawan kung saan ko masasabing ako'y higit na malakas.
Nang mga oras na iyon naghalo-halo na ang emoysong nararamdaman ko, hindi lang para sa akin kundi pati na rin kay Tavion.
Nagawa kong tipid na lumingon para sulyapan si Tavion mula sa likuran ko, ramdam ko pa rin ang matinding takot niya, galit, at matinding pighati. Gusto ko siyang higit na yakapin ng mga oras na iyon at ipadama sa kanya na ngayong natagpuan niya na ako ay hindi na siya kailanman mag-iisa.
That there's someone who he can call as his home— ako iyon.
And this time, I will give him a different version of image in front of his eyes.
"Iris. . ."
Ramdam ko sa bigkas niya sa pangalan ko ang hapdi at sakit na dala ng nakaraan na pilit niyang itinago.
Huminga ako nang malalim at mas pinagningas ko ang aking nagkukulay gintong mga mata, hinayaan kong higit na maglabasan ang aking mga pangil, humaba ang mga kuko, at unti-unting ibuka ang mga paa habang dinig ang mga hakbang ng kawal sa pagitan ng lupang may mababaw na tubig.
Malinaw rin naririnig ang marahas nitong paghila sa malakas na armas na siyang nagbigay nang matinding trauma kay Tavion.
Nang maramdaman kong pilit tumatayo si Tavion upang tulungan ako ay doon lang ako nagkaroon nang lakas ng loob pasukin muli ang isipan niya.
"Allow me to finish this, Tavion."
Hindi na ako naghintay pa na sumagot siya. I growled at the soulless knight before I bared my sharp fangs. I didn't allow the knight to make another movement, because I immediately took the opportunity to attack him.
Pilit kong itinulak ang kawal sa malayo kung saan hindi niya maaabot si Tavion. Ipinangako ko sa sarili ko bago ako umalis sa nakaraan na magiging laban ko ito.
I would give Tavion a different image to remember.
Marahas inangat ng kawal ang hawak niyang bolang bakal at buong lakas niya iyong pilit na inihahampas sa akin. But as a werewolf who have been into different journeys and one of the biggest wars in the empire of Nemetio Spiran, this fight just gives off a training vibe.
Dahil nasisigurado kong higit pang malakas na kalaban sina Adam at Lucas kaysa sa kawal na nasa harapan ko.
The two alphas trained me so well that they taught me how to fight against bigger wolves than me. That I shouldn't cower even if I have huge browned haired and a gray-haired werewolf with bare fangs to scare me.
Iyon ang siyang pinagkaiba namin ni Tavion, he grew up alone, he had to be stronger alone, but I have Adam and Lucas that served as real brothers for me.
Unang bumagsak ang kawal at dinig ko ang malakas na ingay ng pagbasak ng metal na katawan nito sa mababaw na tubig hanggang sa mismong lupa.
Nagsimula na akong mabagal na naglakad patungo sa nakahigang kawal na nagsisimula na ulit bumangon.
This long path was not giving us that toughest enemy, but our deepest weakness. At si Tavion ang higit nitong pinipinsala, ang lugar na ito ay nagbibigay ng ilusyon kung saan hindi ka nito lalaban kundi bibigyan ka nito ng pagpipiliang kusang umatras.
The tunnel's aim was to make us cower to our own weakness until it caused us so much pain, and it could kill us any moment.
At ang paraang iyon ay kay Tavion lamang higit na tatalab dahil sa aming dalawa ay siya ang may higit na pinagdaanan— that caused him too much trauma.
Ano lang ba ang pinagdaanan ko? Ang lahat ng sakit na naramdaman ko ay pawang parte lang ng nakaraang ipinakikita sa akin, how those previous white werewolves sacrificed their lives. I might have affected by their pasts, pero hindi pa rin ako ang nakaranas niyon.
Ilang beses akong nakakailag sa bawat hampas ng kawal ng kanyang armas, tumatama iyon sa pader na siyang higit na nagpapapayanig ng lupa, dahilan kung bakit tila umuulan na ng alikabok at mga bitak ng bato mula sa itaas.
Hinayaan ko ang sarili kong panuorin at tandaan ang bawat galaw ng kawal hanggang sa tuluyan ko nang makabisado ang mga atake nito. Kaya nang sandaling mag-angat muli ito ng kamay upang bigyan ako ng panibagong atake, hindi na ako umiwas pa, sa halip ay mas nauna ako sa kanyang umatake.
I jumped high enough to reach the long metal rod of his weapon, grabbed it using my teeth, and pulled it harshly away from him. Kasabay nang pagkagat ko sa armas niya ay ang pagtalon ko dahilan kung bakit nadala siya at natumba na naman sa pagbaba ng aking mga paa sa lupa.
Nakahawak pa ang kawal sa tangay kong armas niya nang bumagsak siya sa lupa, ngunit nang mas iginalaw ko ang ulo ko habang kagat iyon ay nabitawan na niya, agad ko iyong itinapon sa malayo.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at dumamba na ako sa katawan ng kawal, handa na akong idiniin ang aking mga paa doon upang higit nang mawasak ang katawan nito, ngunit wala pa man ang higit kong puwersa para durugin ang kawal ay unti-unti nang nakalas ang bawat parte nito na magkakadugtong, simula sa leeg, braso, at mga hita.
Tulad nga ng sinabi ko kanina, ang kuwebang siyang dadaanan namin ay gagawa ng ilusyon na siyang kinatatakutan namin, at iyon ginawa niya nang sandaling pumasok kami ni Tavion.
The dark tunnel gave us Tavion's deepest fear and trauma, but now that the soulless knight started to lose his life, isa lang ang ibig sabihin niyon.
Unti-unti na akong tumingin sa likuran ko at kusa na akong napahinga nang maluwag nang makita nang nakakatayo si Tavion nang maayos habang nasa likuran ko.
"I'm sorry for being helpless, Iris."
"No. . . don't be sorry, Tavion."
I promised myself that I would give him a different view. If his parents spilled blood and almost died saving him, this time, I'd give him something that wouldn't leave him with any fear or trauma. Bibigyan ko siya ng imahe ng tagumpay.
That I wouldn't bleed to death in front of him, sa halip ay haharapin ko pa rin siyang malakas.
Nangako ako bago umalis sa nakaraan na ipapanalo ko ang laban kahit anong mangyari habang nasa likuran ko si Tavion. I wouldn't give him any cause of pain anymore dahil halos maranasan na niya ang lahat.
I just realized that it wasn't just the weapon that caused him too much distress, but the same scenes that his parents did to protect him. At ngayon na naulit na naman sa sarili kong bersyon, hindi ko na siya maaaring bigyan pa ng masamang alaala.
Hindi na nakatayo pa ang kawal at tuluyan na nga itong nawalan ng buhay. Mas itinuon ko na ang atensyon ko kay Tavion at mabagal akong lumapit sa kanya.
Naramdaman ko na lang ang pagyuko ni Tavion at pagyakap niya sa makapal kong balahibo. Ang tangi ko lang ginawa ng oras na iyon ay ihilig ang ulo ko sa kanya at ipikit ang aking mga mata.
"Maraming salamat, Iris."
Mas kumirot ang dibdib ko nang maramdaman ko ang pagyugyog ng balikat ni Tavion habang nakayakap sa akin.
"Maraming salamat. . ."
Hindi na ako nakapagsalita pa sa kanyang isipan at hinayaan ko si Tavion damhin ang aking makapal na balahibo at init ng aking buong katawan.
I gave Tavion his time to cry and burst all the pain that he tried to keep for all those years.
"I love you," hulong bulong sa akin ni Tavion habang hinahaplos niya ang balahibo ko. Mas inihilig ko lang ang ulo ko sa kanya.
"Let's go," bulong ko sa isipan niya.
Tumango siya sa akin at nagsimula na kaming tumakbo nang sabay. Tuluyan nang naglaho ang kawal at ang armas nito nang sandaling dumaan kami.
"How about them?"
"They will follow us."
Tumingin si Tavion sa likuran para tanawin sina Caleb, Anna, at Howl.
"I hope that they'll survive this long tunnel."
"They will."
Akala ko ay mas pipiliin kong maging lobo nang sandaling iyon, ngunit hindi ko napigilan ang sarili kong ibalik ang kaanyuan ko sa pagiging isang tao.
My nakedness in the middle of collapsing tunnel with dust all over our bodies didn't bother me, I just pulled Tavion's face and give him that kiss— my answer.
That gave him a surprise, but his arms knew where to loop around.
Nakatingkayad pa ako habang sapo ang kanyang mga pisngi nang ihiwalay ko ang aking mga labi sa kanya. "Me too. I love you, Tavion Lancelot Gazellian."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro