Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Chapter 30 Real reason

"It was you, right? You sent those crows."

Nang mga oras iyon ang maingay na pamilihan na napupuno ng iba't ibang klase ng nilalang ay nabalot nang matinding katahimikan.

Hindi man ako kasali sa panahong iyon, at isa lang akong dayong nanunuod sa bawat eksena, dama ko ang hagpos ng malamig na hanging sumimoy sa pagitan ng mag-ama.

Sabay pinayid ng hangin at piraso ng mga dahon mula sa nakapaligid ng mga puno ang buhok ng mag-ama. Bagaman madalas kulayan ni Tavion ng itim ang kanyang buhok, hindi pa rin niyon naitago ang natural na kulay ng ilang hibla ng kanyang buhok na tila sadyang kumislap kasabay nang unti-unting paglubog ng araw na may nagniningning na kahel na liwanag.

Sa halip na lumingon pabalik sa boses na narinig ni Tavion, nanatili siyang nakatitig sa aninong nasa harapan niya.

Sa mga oras na iyon, ramdam ko ang pagpigil ng aking paghinga sa antipasyon sa sunod na mangyayari. Si Tavion na mismo ang siyang nagsabi sa akin na hindi siya nakilala ng kanyang ama. Ito na baa ng tagpong iyon? Posible nga kayang hindi siya makilala ng isang Gazellian?

Even Caleb who was just his cousin could recognize him, there's no way that King Tiffon would fail to notice his own blood and flesh. Lalo na't hindi siya mahinang bampira lang.

Biglang bumalik sa aking alaala ang nasaksihan ko noon. Bumalik sa Nemetio Spiran si Haring Tiffon pero hindi ito nagustuhan ni Haring Thaddeus. Doon ko narinig kung paano niya sinabing nais niyang angkinin si Tavion bilang kanyang sariling anak.

Would it be possible that King Thaddeus did something for him not to recognize his own son?

Pabalik-balik ang aking mga mata mula kay Tavion na nakatalikod at kay Haring Tiffon na naghihintay sa kanyang pagharap.

"Kinakausap kita," isang beses pang humakbang si Haring Tiffon papalapit kay Tavion.

Pansin ko ang pangangatal ng kanyang mga kamay na tila pinipigilan niya lang ang kanyang sariling itaas ang mga iyon. At nang maramdaman ni Tavion na muling humakbang ang kanyang ama patungo sa kanya ay agad na siyang inangat ang talukbong ng kanyang kasuotan higit na takluban ang kanyang sarili.

"Hindi ko alam ang iyong sinasabi," sagot ni Tavion bago siya nagsimulang maglakad ulit.

Hinintay kong may gawin si Haring Tiffon ngunit ang tangi niya lang ginawa ay habulin ng tanaw si Tavion na hindi rin nagtagal ay tuluyan nang humalo sa napakaraming nilalang sa pamilihan.

Nang mga oras na iyon ang tangi ko lang nais gawin ay itulak si Haring Tiffon at isigaw sa kanyang anak niya ang lalaking iyon. Gusto ko siyang pilit na itulak at sigawan. Nais ko siyang humingi ng patawad kay Tavion, dahil isa siya sa dahilan kung bakit naging ganoon ka-miserable ang kanyang pagkabata.

He should accept and feel his own son's pain and hatred. Dahil sa paraang iyon ay mababawasan ang lahat ng dinaramdam niya.

Kung may magagawa lang ako ng mga oras na iyon, kung may kakayahan lang akong hindi manuod sa ipinakikita sa akin ng nakaraan ay nagawa ko. Pero ang tanging nagawa ko lang ay umaasa na may mangyaring hindi ko inaasahan.

Pinagpatuloy ko ang panunuod kay Haring Tiffon at sa reaksyon niya ng mga oras na iyon. Talaga bang hindi nila nakilala si Tavion ng mga oras na iyon?

Handa na sana akong sundan ang daang tinahak ni Tavion nang mapansin ko na nagsimula nang maglakad si Haring Tiffon habang may nanghahabang leeg. Unti-unti ay bumilis at lumaki pa ang mga hakbang ni Haring Tiffon ngunit hindi na niya matanaw pa si Tavion.

Kahit ako ay hindi na rin matanaw kung nasaan na si Tavion, pero nang biglang nawala sa kanyang posisyon si Haring Tiffon at ang tanging naiwan lang ay ang kanyang anino ay nag-angat na ako ng tingin sa itaas.

He jumped too high.

Saglit lang siya sa ere at ilang beses luminga hanggang sa tumigil siya sa pagtingin sa paligid at mas pinagmasdan niya ang kanang direksyon. Nang sandaling muli siyang lumapag sa lupa, hindi na nag-aksaya pa ng oras si Haring Tiffon dahil mabilis na itong tumakbo.

And just like how King Thaddeus and King Raheem cornered me when I was young, King Tiffon found his son near the river.

Buong akala ni Tavion ay hindi na siya hahabulin pa ng kanyang ama, kaya nang abala niyang inaalalayan ang kanyang kabayong uminom ng tubig sa ilog, higit siyang natigilan sa mga habag na papalapit sa kanyang likuran.

Akala ko'y mananatiling nakaharap si Tavion at magkukunwaring walang napapansing presensiya mula sa kanyang likuran pero sa pagkakataong iyon ay pinili na niyang harapan ang kanyang ama.

Habang hawak niya ang tali ng kanyang kabayo at nakaangat ang saklob sa kanyang ulo, sinalubong niya ang mga mata ni Haring Tiffon. Sabay kumuyom ang dalawang kamao ni Tavion, pansin ko rin ang paglalabasan ng kanyang ugat sa noo, at pagtatangis ng kanyang bagang sa emosyong kanyang pinipigilan.

"Ano ang kailangan mo?"

Hindi makapagsalita si Haring Tiffon pero ngayong kaharap na niya si Tavion, malinaw ko nang nakikita ang kanyang emosyon. He could recognize his son!

"T-Tavion. . ."

Nang marinig ni Tavion ang sarili niyang pangalan mula sa kanyang ama ay marahas niyang ibinaba ang talukbong sa kanyang ulo, namaywang siya sa harap ng hari at sarkastiko siyang tumawa.

Nagliparan ang mga ibon sa malakas na pagtawa ni Tavion. "At kilala mo pala ako?"

"Anak, sinubukan kitang sundan, hanapin at pasukin ang mundong—"

"And after leaving my mother, you planned to steal me away from her? Anong klaseng—" hindi na magawang ituloy ni Tavion ang kanyang sasabihin.

"I never abandoned you, Tavion. Masaya ka sa mundo na iyong ina at alam kong siya ang higit mong pipiliin kaysa sa akin."

"M-Masaya?" napapailing na lang si Tavion sa kanyang naririnig.

"Isa pa, alam kong hindi mo nanaiisin pang sumama sa akin— sa mundong ito," bahagyang humina ang boses ni Haring Tiffon sa ilang salitang iyon. Hindi man niya higit na ipagliwanag pa ang ibig sabihin niya ay agad ko na iyong naintindihan.

Of course, Tavion would never picture himself living with the mate of his father— someone who was not his real mother. Lalo na't alam ni Tavion na kahit sa huling sandal ng kanyang ina ay si Haring Tiffon lang ang minahal nito.

"I know that it was all my fault, Tavion. At araw-araw kong hinihiling na sana'y hindi mo tahakin ang mga pagkakamaling ginawa ko."

Hindi nagsalita si Tavion at hinayaan niyang magpatuloy sa pagsasalita si Haring Tiffon. The King was still wearing the commoner's clothes just like Tavion, at kung pagmamasdan ay hindi agad aakalain na dalawang maharlika ang nasa gitna ng kagubatan.

Gazellian has this unusual habit. Dahil maging si Haring Dastan ay nabalitaang madalas rin lumabas sa palasyo na nakakubli ang pagkakakilanlan.

"Wala akong magandang dahilan na maibibigay sa 'yo, Tavion. I am selfish, coward, weak, foolish. . . you name it. I am a failure Gazellian. Nagpalamon ako sa takot at panghihina ng loob. . ." yumuko na si Haring Tiffon.

"I tried to find you, son. Maniwala ka sa akin, but I never tried enough. Tumigil ako, umatras at hindi na umasa pang makikita ka. Paano ako magpapakilala sa 'yo? Ano ang sasabihin ko? Alam ko sa sarili kong kailanman ay hindi mo ako tatanggapin o patatawarin."

Hindi pa rin nagsasalita si Tavion at mariin lang ang titig niya sa kanyang ama.

"Kaya ang siyang tanging nais kong gawin upang tulungan ka ay mapanatiling ligtas ang babaeng itinakda sa 'yo. . ."

Napasinghap ako sa sinabi ni Haring Tiffon, ibig sabihin ay sinadya niya talagang hanapin ako.

"Don't you dare!"

Mabilis nawala si Tavion sa tabi ng ilog at bigla na lang tumilapon ang kanyang katawan patungo sa hari, sa isang iglap ay tila naulit muli ang tagpo nina Haring Tiffon at Haring Thaddeus, ngunit si Tavion ngayon ang nakapangibabaw sa kanyang sariling ama.

Nagniningas ang kanyang mga mata habang nangangatal ang kanyang dalawang kamay na nakahawak sa kuwelyo ng kanyang ama.

"Wala kang karapatang makialam sa buhay ko!"

"That's why I was thankful that Thaddeus interfered. Your uncle who deserves to be your father. Dahil hindi siya nangamba, hindi siya natakot, at hindi siya nag-alinlangan kumilos ng hakbang para sa 'yo. I deserved all of this, Tavion. Your hatred. . . dahil wala akong nagawa para sa 'yo."

Akala ko ay magagawang suntukin ni Tavion ang kanyang sariling ama, ngunit tumama lang iyon sa lupa.

Hindi na napigilan ni Tavion ang mga luha mula sa kanyang mga mata dahil sunud-sunod na iyong pumatak sa mukha ng kanyang ama.

Ibinagsak ni Tavion ang sarili sa lupa at tinakpan niya ng kanyang braso ang kanyang mga mata para itago ang kanyang mga luha.

Simula nang masaksihan ko si Tavion sa nakaraan at nang makarating sa mundo ni Haring Tiffon ay hindi ko na siya nakita pang lumuha. He tried to suppress his emotion after witnessing his mother's death. Pilit niyang ipinapakita kay Matandang Oda ang kanyang pagiging matatag.

I never saw him mourned in this world. I never saw him burst his emotion to let it out from his heart. Kinimkim iyong lahat ni Tavion sa loob nang napakahabang panahon.

"Why didn't you think that I was weaker than you? Why didn't you think that I was just a child? Why didn't you check the status of that empire? Paano mo nasabing masaya ako sa emperyong iyon?!"

Nawala si Tavion sa pagkakahiga sa lupa at nagtungo siya sa pinakamalapit na puno, doon ay isang malakas na suntok ang kanyang ibinigay dahilan kung bakit nabulabog ang buong kagubatan.

"Why didn't you try?!" mas malakas na sigaw ni Tavion.

"Tavion, son. . . humihingi ako nang tawad," hindi lang si Tavion ang nakikita kong lumuluha sa mga oras na iyon, dahil maging si Haring Tiffon. With mixtures of emotions, pain, regret, fear, and hesitation.

"Didn't you even think that your son was looking for a father?" halos pumiyok ang boses ni Tavion sa sinabi niyang iyon.

Nasaksihan ko sa nakaraan ni Tavion kung paano siya tumanaw sa kanyang mga kapatid habang magiliw silang sinasamahan ng kanilang amang hari sa bawat pag-e-ensayo. Tavion was in the corner, watching them with those eyes hoping that someday his father would look for him.

"Malaki ang kasalanan ko sa 'yo, anak. At habangbuhay ko iyong pagsisisihan. . . ngunit ngayong nasa harapan na kita," mabilis nakalapit si Haring Tiffon sa harapan ni Tavion.

Sinubukan niyang hawakan si Tavion ngunit marahas niyang inilag ang kanyang sarili mula sa ama.

"Sa tingin mo ba ay kailangan pa kita ngayon?"

"Hayaan mo akong makabawi, anak. Sabihin mo ang nais mo, ipinapangako kong sa abot ng aking makakaya ay ibibigay ko sa 'yo. Hindi ko na hinihiling na patawarin mo ako, Tavion. Hayaan mo lang akong tulungan ka. . . hayaan mo lang akong maging ama sa pagkakataong ito."

Muling tumawa ng pagak si Tavion. Lumuluha man siya ay pilit siyang tumatawa nang mapait sa kanyang ama.

"My mother sent me here before she died. She saved me and sent me here, hoping that I'd be happy to be with you. But I never looked for you, kahit alam kong nasa malapit ka lang. Because if you're a real father, you will find me the moment I crossed this world. Aalis rin ako sa mundong ito sa lalong madaling panahon. At wala akong inaasahang tulong mula sa 'yo."

I saw the pain on King Tiffon's face. Hindi na siya nagsalita at marahan na lamang tumango sa sinabi ng kanyang anak.

Magsasalita pa sana si Haring Tiffon nang biglang manlaki ang mga mata ng hari at marahas niyang itinulak si Tavion sa lupa.

"We finally got the foreign king!"

Nang marinig iyon ni Tavion, doon lang niya naintindihan ang kanilang sitwasyon. We were surrounded and King Tavion was hit by a silver arrow, agad na lumabas ang dugo sa kanyang bibig at ang tumagos na pana sa kanyang dibdib.

The King was still kneeling beside Tavion, but his back was turned, nakabuka ang dalawang braso at pauli-uli ang mga mata sa naglalabasang kalaban sa kanilang paligid.

Ramdam ni Tavion ang pangangatal ng kanyang sariling katawan habang pinagmamasdan ang agos ng sariling dugo ng kanyang ama sa kanyang harapan.

"I am the known foreign king in this world, Tavion. Endless assassination attempts have been part of my life. And one of my deepest fears is to bring you here and become their helpless target. Hindi mo alam ang pagnanais kong makasama ka, anak. Pero natatakot akong ito ang siyang sasalubong sa 'yo. Kaya humihingi ako ng tawad, anak. . . na umasa akong sa sandaling kuhanin ka ni Thaddeus ay mabibigyan ka niya ng buhay at pamilyang hindi ko kayang ibigay sa 'yo."

Ang tanging nagawa ko lang nang mga oras na iyon ay pagmasdan si Haring Tiffon duguang lumuluha habang nakatalikod kay Tavion na nakatulala sa kanyang ama. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro