Chapter 3
Chapter 3: Pair of rubies
I considered the kiss that night as a dream, a very sinful dream that I should forget. Kaya nang sandaling sumilay muli ang liwanag upang ipagpatuloy ang aming misyon at paglalakbay, pilit kong ibinulong sa isip ko na doon ibigay ang aking buong atensyon.
Caleb Lancelot Gazellian did his best to get my further attention after that night, but the presence of his niece made it more difficult. Laking pasasalamat ko na lang sa presensiya ni Divina na siyang umaagaw sa atensyon niya.
But I could feel how Queen Leticia noticed my indifference towards Caleb. Siguro'y nakikita niya kung paano ako makisama sa ibang bampira at ganoon na lang ang pag-iwas kay Caleb.
My uneasiness towards him is unbearable.
At natatakot ako na sa sandaling manghina ako sa pagtulak sa kanya'y pagsisihan ko na ang sunod kong mga desisyon.
Is this the mate bond?
I could still remember how I criticized Adam and Lucas for eating all those words they threw against the royal family. Nasaan na silang dalawa ngayon? Halos mangatal ang dalawa sa pinakamalalakas na lobo sa tuwing tinatawag lang ang pangalan nila ng mga prinsesang bampira.
Hindi miminsang pinangarap ko na sana'y bumalik na lang sa dati ang lahat. When my brothers were all tough and mighty beside me. I know that it was selfish, the fact that they were all both happy. Isa pa, hindi na rin naging masama ang resulta. Our pack was so happy when Dusk and Dawn came into this world, our adorable little pups.
The journey with the map on my hands, the missing relics, and the mysterious cave wasn't easy. Hindi biro ang miyembro ng grupong dala ni Reyna Leticia, presensiya palang ng isa sa pinakakilalang prinsepe ng Parsua'y nagsusumigaw na ng bigat ng misyong sinamahan ko. Hindi ko rin akalain na magagawang makasama sa isang misyon ang bampirang ilang taon nang tinutugis ng lahat. A vampire with the tainted blood, King Clamberge's descendant.
I may know the whole story, but I couldn't just remove this bitterness and hatred. Napapailing na lang ako sa aking sarili, how the hell did I end up in a mission filled with creatures I hated the most?
Kung hindi lang dahil kay Reyna Leticia'y wala na ako sa posisyon ko ngayon. Maybe I'm peacefully having my run inside the forest with the cool breeze around me, tall grasses on my legs, and the leaves fluttering around my fur.
"Iris..."
Isa ang oras na ito sa kinatatakutan ko. I love Queen Leticia, but I hate the fact that I am inside a confined place with her allowing her to ask me with my hidden feelings. She was our moon goddess, and now the future queen of the whole Nemetio Spiran.
Alam kong nararamdaman niya ang nararamdaman ko.
Nang sandaling hawakan niya ang kamay kong may hawak na mapa, ilang beses kong hiniling sa sanay biglang pumasok si Caleb dala si Divina o kaya'y si Prinsipe Rosh o isa kung sinong nasa labas.
"Huwag mong hayaang kainin ka ng galit. Sana'y matapos ang misyong ito, ang digmaan, at ang pagkakawatak-watak ng lahat ay simulan mong tumingin sa harapan... sa kasalukuyan. Katulad mo'y paulit-ulit akong nakakakita ng nakaraan, ngunit ang mga nakita natin... ang mga nilalang na kasama roon ay hindi nais ipadala sa atin ang sakit mula sa kanilang panahon. Sinasabi lang nilang higit tayo sa kanila...at ang desisyon, Iris, ay hindi lang pagpili sa dalawa. Maraming paraan..."
Ilang beses ko nang narinig mula kina Lucas, Adam, at Ledare na may angkin akong talino na hihilingin ng kahit sinong lobo sa panahon ko, ngunit nang sandaling magbitaw sa akin ng salita si Reyna Leticia, hindi ko alam kung bakit wala man lang akong naintindihan.
Tumango na lamang ako sa kanya. Bago ako tumanaw sa labas ng bintana. Ang siyang unang tumama sa aking mga mata'y ang sikat ng araw. Saglit kong inangat ang isa kong kamay upang harangan ang tumatamang liwanag sa aking mukha, ngunit kusa ko rin iginalaw ang ilang daliri ko upang direktang tumama ang kaunting parte ng liwanag sa aking mga mata.
I know how werewolves' eyes turned golden when the sun touches it. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na namang naalala ang gabing iyon.
How his silver-grayish hair glittered with the moonlight, how his arms wrapped around my waist and his lips met mine.
A knock on the window abrupt my thoughts. Dalawang beses niya pa iyong inulit habang nakangisi sa akin. Caleb's silver-grayish hair turned into glistening white as the sun touches it.
"Hey..."
Magsasalita na sana ako at kusa nang bubuka ang mga labi ko para sagutin siya nang nag-iwas ako ng tingin.
"Hey... suplada!"
Sa huli ay nakapasok din siya sa karwahe, nag-alok siya ng prutas sa akin at kay Reyna Leticia.
"Nasaan si Divina?"
"Force feeding Rosh, nagsusubuan sila ng mansanas," nakangising sabi ni Caleb habang nakatitig sa akin. Saglit na natawa si Reyna Leticia.
"Eat up, matagal pa ang biyahe natin," kumindat siya sa akin bago niya kami iniwan muli ni Leticia.
Our push and pull relationship continued as our journey to the mysterious cave head-on. Sina Lucas at Adam na mismo ang siyang nagsabi sa akin na kailanman ay hindi ko malalabanan ang taling nagdudugtong sa akin at sa lalaking itinakda sa akin, mapa-bampira man ito o kaya'y lobo. But the pull wasn't as powerful enough without marking each other.
Kung si Caleb nga ang siyang itinakda sa akin at nagagawa ko pa siyang ipagtulakan sa ngayon, ano na lang ang mangyayari sa akin kung higit pa sa halik ang naganap nang gabing iyon?
Ang buong atensyon ko'y muli kong ibinuhos sa paglalakbay, ngunit ang simpleng mga salita at desisyon ni Caleb ang siyang nagdadala ng aking mga mata at tainga sa kanya.
How could he be this carefree in this situation? Saan nanggaling ang kanyang ganoon karakter na hindi likas sa isang bampira? Vampires are known for being firm, cold, quiet, and delicate. Halos lahat ng kilos at galaw nila'y tipid at pinag-iisipan. Ngunit sa paglalakbay kong ito, I noticed how different Caleb Lancelot Gazellian.
Taliwas sa paniniwala ko sa mga bampira...
Kaya nang sandaling ako na mismo ang siyang lumapit sa kanya, ilang gabi bago namin tuluyang marating ang kweba'y bakas ang matinding pagkagulat niya. He was busy washing his hands on the river, when I managed to sneak away from the group and follow him.
Pinanatili ko ang sarili kong nakansandal sa mataas na puno sa likuran niya.
"Caleb..."
Napatayo siya nang marinig ang boses ko at nang sandaling lumingon siya sa akin at makita ang posisyon ko, nirespeto niya ang distansyang nais ko. Hindi ako umalis sa pagkakasandal ko sa puno at ganoon din siya sa pagkakatayo malapit sa ilog.
Tipid niyang pinunasan ng puting panyo ang kamay niya at hinintay niyang magsalita ako. I never wanted to talk about the kiss that night. Gusto ko lang linawin ang intensyon niya sa akin.
"W-Why are you doing this? Wala akong maramdaman. Nagkakamali ka lang..."
"Y-You have my father's relics, Iris. This mission leads me to you."
Umawang ang bibig ko. "J-Just like that? You're a fucking Gazellian! Kahit sa lobong katulad ko'y umabot sa akin kung gaano katindi ang koneksyon n'yo sa mga itinakda sa inyo. This pull between us is weak... maybe you're like this because of the idea that I have the-"
"B-But you can feel it..."
"It's weak, Caleb."
"I am a late bloomer, Iris. Sa aming magkakapatid ay ako ang pinakamatagal bago nakatuntong sa hustong gulang. I grew up slowly. M-Maybe it's the reason..." hindi siya makatingin sa akin at nanatili ang mga mata niya sa panyong hawak niya.
Hindi rin ako makapagsalita agad sa sinabi niyang iyon. Dahil katulad ko'y ganoon din ako. I was a late bloomer. Bagaman ay may pangitain na ako ng nakaraan at ang mga naranasan ng mga puting lobo noon, hindi ko kailanman inasahan na magiging isa rin ako katulad nila. I had a hard time shifting compared with everyone.
Caleb and I were in the same page. Hindi agad ibinigay sa amin ng tadhana ang mga bagay na para sa amin.
"My father's relics and the creatures who are protecting it was never wrong, Iris."
Bumuntonghininga ako. Pamilyar na ako sa bagay na iyon, si Adam mismo ang siyang nagsabi sa akin ng tungkol sa bagay na iyon. How the great King Thaddeus separated the relics and gave it to his childrens' mates.
At ang mapang hawak ko...
"I chose the map, Iris."
Hahakbang na sana siya patungo sa akin at nang sandaling nakita niyang gumalaw ako, kusa siyang tumigil. But that movement was not to avoid him, but to meet him.
Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko nang gabing iyon, ngunit isinantabi ko na iyon. Huminga akong muli nang malalim at inabot ko sa kanya ang dalawa kong kamay.
Caleb held my hands. Magaan lang ang pagkakahawak ng dalawa naming kamay.
"We can make an agreement, Caleb, and let's figure it out. Matapos ang digmaan..."
Tipid siyang ngumiti at tumango sa akin. "I'll take care of you."
Hindi ako nagsalita sa sinabi niyang iyon. Handa ko na sanang tanggalin ang aking mga kamay sa kanya nang bigla niya akong kabigin at mahigpit na niyakap.
Napasinghap ako, hindi dahil sa mariin niyang yakap at marahas niyang pagkabig sa katawan ko upang dalhin sa ibang direksyon at sa isang pana na alam kong kapwa kikitil sa isa sa amin kung nagawa man kaming tamaan sa delikadong parte ng aming katawan.
A silver poisoned arrow!
Nanlalaki ang mga mata ko sa panang nakatusok sa puno at sa bahid ng dugong tumutulo roon. Nangangatal akong napalingon kay Caleb at mabilis na gumala ang aking mga mata sa katawan niya.
Nadaplisan siya!
"C-Caleb!"
"Who the fuck?!"
Nagngingitngit siya sa galit habang nagniningas ang mga mata, nakalabas na rin ang kanyang mga pangil habang umiikot ng tingin sa paligid.
Was that the lingering presence I felt a while ago? Ngunit bakit pamilyar sa akin? Akala ko'y sa kanya... natigil na ako sa pag-iisip nang napaluhod na si Caleb habang hawak ang kanyang brasong may daplis ng pana.
"Tatawag ako ng tulong!"
"No! Don't tell them."
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. "That's a silver poisoned arrow, Caleb! That's the weakness of vampires and werewolves! Paano kung hindi lang tayo ang atakehin nila?"
Umiling si Caleb. "The fuck owner of that arrow has been pestering me, Iris." Iritadong itinuro ni Caleb ang panang nakatusok sa puno.
A note!
"Wala siyang nais sa ibang bampira o kaya'y lobo. Dahil ako ang nais niya," nag-aalinlangan man, iniwan ko muna si Caleb sa kanyang pagkakaupo at nagmamadali akong nagtungo sa pana.
I removed the tied note. Gusto ko sana iyong buksan, ngunit may respeto pa rin ako at ibinigay ko iyon kay Caleb. Bigla akong napaisip, iyon ba ang dahilan niya sa sandaling bigla na lang siyang nawawala sa tuwing nagpapahinga kami?
How could he easily hide this problem... alone?
Muling sumagi sa isip ko ang paraan kung paano siya simpleng makipag-usap at tawanan sa lahat na parang wala siyang problema. How could he easily put an act and keep this secret alone?
Hindi biro ang bagay na ito, lalo na't hindi basta na lang ang atakeng iyon. Nang mabasa ni Caleb ang nakasulat ay agad niya iyong ginusot at ibinato sa ilog. I want 0to ask him about it, sa halip ay naglabasan lang ang mga ugat niya sa noo habang patuloy ang pagdanak ng kanyang dugo.
"They will smell it immediately, Caleb."
Nang sabihin ko iyon ay bigla na lang siyang tumubog sa ilog at ibinabad ang sarili roon.
"Go back, Iris. Stay close with everyone," ani niya habang nakatalikod sa akin.
"Paano kung-"
"The fucker whoever he or she is will not kill me yet. May kailangan siya sa akin na at makukuha niya lang iyon habang buhay ako..."
Gusto ko pang magtanong sa kanya. Hindi gumagalaw ang aking mga paa at nais ko siyang damayan sa sitwasyon niyang nais niyang itago sa lahat.
"I want to help you, Caleb."
"Keep this a secret for me, Iris. Please..." saglit siyang lumingon sa akin at tipid na ngumiti gaya nang lagi niyang ginagawa sa lahat.
Tipid akong tumango sa sinabi niya bago ko siya tinalikuran. At ang tanging katanungang siyang bumagabag sa aking isipan ay ang kakayahan ng nilalang na iyong itago ang kanyang presensiya sa lahat.
Mula kay Reyna Leticia, Prinsipe Rosh, Lucas, Nikos, o kaya'y Hua...
Nang sandaling nag-angat ako ng tingin, kusang natigil ang paghakbang ko. I suddenly felt the moistened tall grasses on my legs, the chilling breeze around my whole body, and another pair of glowing rubies atop the tallest tree in front of me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro