Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Chapter 26: Silver knight

When I was young and I had a conversation with King Thaddeus, telling me that I have bigger responsibilities as a white werewolf, I did my best to reject it. Even though I already have those visions about the white wolf Ressa as the handler of the map and Erin as the werewolf of the seven high thrones, I've been trying to deny that I have the connection. 

Isinumpa ko na noon pa na hindi ko tatahakin ang daang tinahak nila para lang sa mga bampira. Ledare, Adam and Lucas were the witnesses of my intense rejection about being the white werewolf.

But everything changed when I met the Moon Goddess Leticia, siya ang unang nagtulak sa akin na yakapin ang responsibilidad na natakda sa akin. Sinubukan kong sumama sa misyon kasama siya at habang nasasaksihan ang bawat paghihirap niya at ng ilang bampirang nakasama ko, unti-unti'y natatanggap ko na ang aking responsibilidad.

Yes, I might have embraced the responsibility as the handler of the map, pero pilit ko pa rin ipinaalala sa isip at puso ko na hanggang pangangalaga lang ako. I will still value myself. . . my own life.

Pero nang sandaling makilala ko si Tavion, nagbagong lahat iyon— na handa na akong gawin ang lahat para sa kanya.

"Iris. . ."

If this vision was trying to warn me about the future, what should I do? Kung maiipit ako sa ganoong sitwasyon, hahayaan ko ba ang sarili kong tumakbo katulad ng ilang taong pagtakbo sa responsibilidad ko?

It's just that. . . it's hard to accept that most white werewolves were destined to offer their life.

Hinayaan ko muna ang sarili kong alalayan ni Tavion.

"What's going on? Did you get injured?"

Umiling ako sa kanya. "We should get going, Tavion. Buhatin mo na si Caleb."

Hindi pa sana susunod sa akin si Tavion dahil nakahawak pa rin siya sa akin nang bahagya ko na siyang itinulak. "I am okay."

Yumuko na siya at sinimulan na niyang buhatin ulit si Caleb. Dahil wala naman may kakayahan sa amin ni Tavion gumawa ng liwanag, nagtiwala na lang kami sa linaw ng aming mga mata habang naglalakad na kami.

Sa bawat hakbang namin ni Tavion ay naririnig na namin ang agos ng tubig na nagmumula sa pinanggalingan namin.

"I hope they're okay," ani ni Tavion.

Kung tutuusin ay tama lang na sina Anna at Howl ang magpaiwan sa labanang iyon. Dahil wala naman kaming kakayanang mga lobo o kaya'y bampira na huminga sa ilalim ng tubig. But those Attero could easily cast their spells, iyon nga lang ay limitado lamang ang kapangyarihan nila sa mga oras na ito.

Habang patuloy kami sa paglalakad ni Tavion, ramdam ko nang tila may sasalubong sa amin. I could hear the unusual sound coming from the low water. May mga paa na ring humahakbang papalapit sa amin.

Mas naging alerto na kami ni Tavion sa aming paghakbang hanggang sa bigla na lang bumilis ang ingay na nagmumula sa unahan namin na tila tumatakbo.

"Iris," seryosong tawag niya sa pangalan ko.

At bago pa man may mabigat na bagay na tumama sa posisyon namin ni Tavion ay agad na kaming nakatalon. I was expecting that we'd be facing another monster but it was another soulless soldier in this shinning silver armor. Kapwa kami napaluhod ni Tavion nang tumama sa amin ang sinag ng kalasag ng kawal na iyon.

A pure silver! At kahinaan iyon ng bampira at ng isang lobong katulad ko. Pilit akong hindi tumititig nang diretso sa kawal na nagsisimula na namang gumalaw at mukhang aatake sa amin.

Humawak ako sa pader habang inaalalayan ang sarili ko at nagsisimula nang umatras, pero nang sulyapan ko si Tavion at Caleb, bigla na lang akong natigilan.

I know that pure silver is one of the weaknesses of the vampires, but I never expected Tavion's reaction as if he saw his greatest fear.

"Tavion!"

Pero tulala na si Tavion sa nagsisimula nang kawal na papalapit sa akin. The soulless night was not just with a silver armor, it has a long metal weapon with a metal ball attached it filled with spikes.

Kahit si Caleb ay nabitawan niya na sa tubig.

"W-What's going on?"

Parang wala nang naririnig si Tavion sa pagkakatulala niya at hindi na niya nakikita ang papalapit na kalaban sa kanya. Hindi na ako nag-aksaya ng oras.

I turned into white werewolf and jumped quickly at Tavion's position. I threw him in the air and caught him by my back, ganoon din si Caleb na nakasubsob na rin sa likuran ko. Tumakbo ako nang napakabilis habang buhat ang dalawang bampira.

"What's going on, Tavion?" ulit ko.

"Shit. Not now. . ." rinig kong bulong ni Tavion.

Ramdam kong ilang beses niyang hinahampas ang ulo niya.

"Tavion!"

Ilang beses kong tinawag ang pangalan niya sa isipan ko pero hindi niya ako naririnig. Pinagpatuloy ko ang pagtakbo kahit mas lalo nang tumataas ang tubig.

How could I fight my own weakness? Lalo na kung nasa ganito akong sitwasyon? Tavion's having some attack in his mind right after seeing that soulless knight, while Caleb's still in his deep sleep.

Nang hindi ko na maramdaman ang nakasunod sa amin ay ibinaba ko na silang dalawa. Akala ko ay hindi pa maaalimpungatan si Caleb pero nang nagsimula na siyang magkusot ng mata at makita niya akong nakaanyong lobo na ulit ay napatayo na siya.

"Where's Anna?"

Hindi ko siya nagawang sagutin, but he noticed Tavion's situation. Nakasalampak na siya sa tubig at nakasubsob sa tuhod niya habang yakap ang kanyang binti.

He looked like he was traumatized and that soulless knight triggered everything.

"T-Tavion. . ." yuyuko na sana si Caleb para hawakan ang pinsan niya nang bigla siyang mapalingon sa pinanggalingan namin kanina— si Anna.

"Shit," napailing si Caleb sa kanyang sitwasyon.

He glanced at the other side. Alam niyang may nakasunod na sa amin. Pinagmasdan niyang muli si Tavion at ako. He looked conflicted but I growled at him.

Alam kong mas mapapanatag siya kapag bumalik siya roon kina Anna at Howl. It was wrong to bring him with us, dahil babalik at babalik siya kay Anna. I pushed him to Anna's direction using my head.

"Go. . ."

Naintindihan naman ni Caleb ang ibig kong sabihin kaya sumulyap siyang muli kay Tavion. He was hesitant but he couldn't just abandon his mate. Kaya tumalikod na siya sa amin ni Tavion at tumakbo na sa pinanggalingan namin kanina.

Naglakad ako papalapit kay Tavion at marahan akong humalik sa ibabaw ng ulo niya. Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan niya at ang dahilan kung bakit ganito na lang ang takot niya nang makita ang kawal na iyon, pero alam kong dulot iyon ng nakaraan.

Nagsimula na akong humarang sa daan kasabay nang pagbuga ko ng hangin. I bared my fangs and allowed my golden eyes to glisten more. Pero habang naririnig ko ang bawat pagtama ng sandatang hawak ng kawal na papalapit sa amin, unti-unti ko nang nararamdaman ang kirot sa ulo ni Tavion.

Hanggang sa tila nagsimula na namang manlabo ang aking mga mata at makakita ako ng pangyayaring sana'y hindi ko na lang nasaksihan.

At nang sandaling nagmulat akong muli ng mga mata, nasa mundo akong minsa'y pumasok na rin sa isip ko, pero hiniling na sana'y kasiyahan lang ang makikita.

"Promise me that you will keep this world safe, Tavion, kayo ng mga kapatid mo." Hindi na ako nahirapang hulaan ang pagkakakilanlan ng babaeng nakaupo sa ikalawang baitang ng puting hagdanan patungo sa napakaraming berdeng halaman, sa tabi ng magandang babae ay isang batang may pamilyar na kulay ng buhok. Nakasampa ang kanya mga braso sa hita ng magandang babae habang nakangiti siyang pinagmamasdan ang mukha ng kanyang ina.

Yes, this vision was Tavion's memory with his mother.

"Ngunit ina, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako tanggap. Ang iba pa nga'y nais akong paalisin bilang prinsipe ng mundong ito."

I could see the pain in Tavion's mother. Hinaplos niya ang ibabaw ng ulo ni Tavion at pilit siyang ngumiti sa kanyang anak. "You will prove them your worth. You can be this world's greatest king, kaya huwag kang panghinaan ng loob."

"But I never wanted to be a king. I just want to be with you forever, Mother. I want to protect you."

Sa pagkakataong iyon ay mas lumawak na at naging totoo ang ngiti ng ina ni Tavion. She kissed the tip of his nose. "If this empire will not accept me. I am still happy that you're here, mother."

"But I am going to be happier if you will have good relationship with your siblings, Tavion. Sila ang siyang magiging katulong mo sa mundong ito."

Hindi na nagsalita pa ang batang si Tavion sa sinabi ng kanyang ina.

***

I've witnessed several scenes of Tavion with his mother. Kitang-kita ang saya ni Tavion sa bawat oras na kasama niya ang kanyang ina at ang pagpipilit niyang maging matatag sa tuwing kailangan niyang pakisamahan ang kanyang mga kapatid.

Tavion have been bullied by his siblings, ilang beses na rin siyang sinasaktan ng mga iyon pero pilit niyang pinipigilan ang kanyang sariling lumaban para lang sa kanyang ina.

He's been trying to fit in the world that kept on rejecting him.

Habang pinapanuod ko ang paghihirap ni Tavion sa mundong iyon, mas lumakas ang desisyong kong dalhin siya sa Nemetio Spiran, sa pamilyang handa siyang yakapin at tanggapin.

I just realized that Tavion ability to smile and take every situation lightly was because he's been there since he was a child. Na ang pagpapahiya sa kanya o ang pang-iipit sa kanya ng kanyang mga kapatid sa bawat sitwasyon ay tinatanggap niya na lang na tila isang biro— to pretend that he wasn't threatened and everything they was nothing.

Akala ko ay marami pa akong masasaksihan pero mukhang naroon na ako sa parte kung saan masasagot na ang katanungan ko tungkol sa naging reaksyon ni Tavion.

Kasalukuyan nang nagkakagulo sa palasyo at napakarami nang mandirigmang naka-uniporme ang siyang napakapalibot sa inaasahan kong mga dugong-bughaw. Halos lahat ng mga kapatid ni Tavion ay may kani-kanilang tagabantay pero siya ay nakasunod lamang sa grupo kung saan sila patungo.

Eksaktong padaan na sila ng isang pintuan nang marahas iyong nabuksan. Iniluwa niyon ang reyna at nanlaki agad ang kanyang mga mata nang makitang wala man lang nag-aabalang protektahan ang kanyang unang anak.

"Bakit walang—" ngunit may panibagong sumabog sa parte ng palasyo.

Handa na sanang abutin ng reyna si Tavion nang pilit na siyang itinulak ng mga mandirigma sa paglalakad at tumakas sa paparating na mga kalaban.

Nagkaroon ng habulan sa palasyo at nagkakaroon na ng sagupaan sa bawat pasilyo. Sa batang edad ni Tavion ay isa na rin siya sa nakikipaglaban kasama ang mga mandirigma.

Nang sandaling kaunti na lang ang kalaban at muli'y maglalakad na muli sila patungo na sa sikretong daan palabas ng palasyo, nagkaroon nang mas malakas na pagsabog, dahilan kung bakit tumilapon ang kanilang mga katawan.

Hindi lang pala iyon pangkaraniwang pagsabog dahil may mga lumipad ring punyal na tumama sa batang katawan ni Tavion, sa mga mandirigma at maging sa reyna.

"Ina. . ." tumutulo na ang sariling dugo ng reyna nang puwersa niyang binuhat si Tavion at itakbo sa pinakamalapit na silid habang nagsisimula nang tumayo muli ang mga kawal nila at makipaglaban sa mga humahabol sa kanila.

But when the queen entered the room, Tavion noticed how the knight statues started moving as if it were waiting for them. Dahil kapwa na sila sugatan ay hindi na iyon masabi ni Tavion sa kanyang ina na hindi na rin iyon nararamdaman. 

The queen started to create an air portal as Tavion tried to alert his mother about the moving knight statues with the long metal weapon, attached to metal ball filled with spikes. 

Lumuluha na ang kanyang ina habang bumubulong ng kakaibang dasal. Tavion's body was starting to float in the air as he tried to struggle, pero ang tanging nagawa lang ni Tavion ay lumuha habang pinagmamasdan ang papalapit na mga estatwang may hawak na armas na kikitil sa kanyang ina.

"Ina. . ."

Nasapo ko na ang mga labi ko at kusa nang tumulo ang mga luha ko habang lumalapit ang mga kawal sa likuran ng kanyang ina.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ni Tavion. Not because of the soulless knight, but the armor it used.

Dahil bago pa man tuluyang nakatawid si Tavion sa lagusan, ilang beses niyang nasaksihan kung paano tinamaan nang paulit-ulit ng bakal na sandata ang katawan ng kanyang ina.

"I was wrong when I brought you here, Tavion. Find your father. . . you deserve to find a family that will love and accept you, anak. Live. At mangako ka sa aking babalik kang malakas para bawiin ang mundong ito."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro