Chapter 2
Chapter 2: Kiss
Kung hindi lang ako inutusan ni Ledare ay hindi ako lalabas ng kagubatan, ngunit may ilang sangkap siyang kailangan para sa kanyang ginagawang halamang gamot na naubos na at sa labas ng kagubatan ay maaaring bilhin.
She knew how I hated blending with the other creatures, especially vampires. Ngunit tila nais niyang magkaroon ako ng maraming katanungan tungkol sa mga bampira at higit kong alamin ang mga bagay na nais kong huwag nang malaman pa.
It's been a year when I last encountered vampires. I could even hear the endless news about King Thaddeus and King Raheem's greatness even inside our camp. Na kaiba sila sa ibang mga haring bampira.
Who would have thought that those silly princes would turn into these mighty kings?
Pero ang higit na ipinagtataka ko ay kung sino pa ang lalaking nagpakita ng gabing iyon? I could clearly recognize King Thaddeus and King Raheem now, but that mysterious vampire didn't even come into the news.
Nasa bukana na ako ng kagubatan nang makita ko ang dalawang pamilyar na pigura ng dalawang lalaking malapit sa akin. They could be my elder brothers, not by blood but by loyalty to our kin.
"Adam! Lucas!"
Ang mga hakbang ko'y napalitan ng sunud-sunod na pagtakbo. Kapwa lumawak ang mga ngiti sa labi ng dalawa at sabay bumuka ang kanilang mga braso sa akin. Tulad nang lagi kong ginagawa'y mas nauuna akong yumakap kay Adam dahil higit itong madamdamin kaysa kay Lucas.
"Why are you here?" masiglang tanong ko kay Lucas. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa Parsua Sartorias ang bago niyang istasyon.
"We heard that Ledare gave you a mission. Sasamahan ka namin ni Adam," Lucas patted my head.
"A mission! To buy onions and garlic?" I answered humorously.
"Nasa bakasyon ngayon si Lucas. Sinabi rin sa amin ni Ledare na mas mabuting samahan ka namin," dagdag ni Adam.
Pinagkrus ko ang mga braso ko at gumala ang mga mata ko sa kahubaran ng dalawang lalaki sa harapan ko.
"Are you aware that you're both shirtless? Baka nakakalimutan n'yo na hindi normal sa labas ng kagubatan ang maglakad nang walang pang-itaas na kasuotan?"
"Doon na tayo bumili," natatawang sagot ni Adam.
"You can't! Ayokong umagaw ng atensyon. I'll be right back. Ihahanap ko kayo ng kasuotan sa kampo!" tinalikuran ko na ang dalawa at nagmadali na akong tumakbo pabalik sa kampo.
Hindi ba nalalaman nina Lucas at Adam na malaki nang pagkuha ng atensyon ang kanilang mga mukha? At idadagdag pa nila ang kanilang mga katawan?
Halos hindi ko magawang makalimutan nang minsan silang sumilip sa aking klase kasama ang mga batang babaeng lobo. Halos isang linggong usapan ang dalawang iyon.
Nang makabalik ako sa kanila, ibinato ko na sa kanila ang kanilang mga kasuotan. Sinambot nila iyon nang walang kahirap-hirap na may kasama pang pang-aasar at pagtawa sa akin.
Mabilis nila iyong isinuot.
Umikot ang aking mga mata sa kanilang dalawa. "Let's go!"
Nilakad naming tatlo mula kagubatan hanggang sa bayan. Nakailang reklamo pa nga si Adam at sinabing mas mabuting magpalit anyo na lang sila ni Lucas at sumakay na lang daw ako sa isa sa likuran nila.
But how are they going to change in their human form again? Hindi pa rin naman normal sa bayan na may naglalakad na malalaking lobo at kaswal na nakikihalubilo sa iba pang nilalang. We're known for being aloof creatures.
"Kumusta ang mga klase mo, Iris?" tanong ni Lucas.
Sinabi ko na kay Ledare na kung maaari'y wala siyang pagsasabihan tungkol sa mga nakikita ko. Lalo na sa dalawang lalaking ito. I knew how they despise vampires as well.
Ayokong dumating sa punto na isipin nila na lumalambot na ako sa mga kalaban. Lucas and Adam are known powerful young werewolves, minsan ay nasabi na rin sa akin ni Ledare na posibleng magkaroon ng mataas na posisyon ang dalawang ito-bagay na hindi na nakakagulat sa akin.
Alam kong hindi gagaya sina Lucas at Adam sa mga ibang namumunong lobo sa amin na unti-unti nang nadadala ng mga sabi-sabi tungkol sa pagbabago ng mga bampira. For them, we're tools and weapons. At naniniwala akong hindi nagbabago ang kanilang pananaw tungkol doon.
"Mabuti."
"Iyon lang? Are you taking your lessons seriously, Iris?" tanong ni Adam.
"Bakit? Hindi ba ako mukhang nag-aaral? They said I am naturally genius. Kayo ba ni Lucas nang nag-aaral kayo? Nag-aral ba kayo nang mabuti? Can you properly identify the real history or not?"
Hindi nakasagot ang dalawa.
"We don't need deeper information. All we need is much power, Iris, to protect our kind. I'll try my best to become more powerful and become an alpha," madiing sabi ni Adam.
"I'll become an Alpha too," ani ni Lucas.
Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Nasisiguro kong darating ang araw na makukuha nilang dalawa ang posisyong iyon.
"I want to be someone's brain, then. Wala man akong kapangyarihan, sisiguraduhin kong ang lahat ng pinag-aralan ko at nalalaman ko sa mundong ito'y makakatulong para makapag-protekta rin ako kagaya n'yo."
"Be my brain! I'll hire you now!" masiglang sabi ni Adam. Hinawakan niya ang kamay ko at halos magningning ang kanyang mga mata sa akin.
But Lucas snatched me away from him. "Iris is gonna be my adviser. She's not yours."
Hanggang sa nauwi sa pagtatalo at pag-aagawan sina Lucas at Adam sa akin, ngunit hindi rin nagtagal ay natawa na rin kami sa isa't isa.
"I can advise you both. Wala naman akong pipiliin sa inyo. After all, you're both my brothers." Natigil sa pagtatalo ang dalawa at saglit silang ngumisi sa sinabi ko.
Madalas nilang sabihin sa akin o kaya'y sa iba pang mga kalalakihang mga lobo kung ano ang tingin nila sa akin. Lucas and Adam have been treating me like their precious little sister, dahilan kung bakit takot ang ibang mga lobong lumapit sa akin.
Inaamin ko man sa sarili ko na nakakatandang kapatid na ang tingin ko sa kanilang dalawa, kailanman ay hindi ko iyon inamin sa harapan ng dalawa. Kaya ngayo'y labis na tuwa ang nakikita ko sa kanilang mga mata nang sabihin ko ang mga salitang iyon. Lucas crumpled my hair and Adam already laughed.
Iris Evangeline Daverionne is the known favorite girl of the famous Lucas and Adam, and I am enjoying the title. Not because of the fame, but the security and peacefulness I have.
Sa totoo lang ay higit kong nais ang mag-isa kaysa magkaroon ng maraming babaeng kaibigan, lalo na't higit na kaiba ang aking mga pananaw sa buhay. Those girls at my age can easily get swayed from flowery fairy tales, love, and fantasies- na darating ang araw na may mga prinsipeng magpapaibig sa kanila.
Those princes? Really?
Nasa bayan na kami at masaya kaming nagtatawanan nina Lucas at Adam nang makarinig kami ng malakas at marahas na yabag ng mga kabayo. Mabilis akong hinila ni Lucas patungo sa gilid ng daan dahil muntik na akong masagasaan nang mga nagdaang mga kabayo.
"Those assholes..." usal ni Lucas.
Si Adam naman ay nag-iinit ang mga mata sa likuran ng mga bampirang nakasakay sa mga naglalakihang mga kabayo na tila wala sa pampublikong daan kung magkipagkarera.
"Si Prince Rosh ba iyon?"
"That's Prince Zen as well!"
"Also Prince Caleb, Finn and Evan!"
Usap-usapan ng mga kadalagahan na nakagawa na ng kumpulan dahil lang sa pagdaan ng mga bampirang prinsipe.
Those princes? Really?
"Mga pasikat..." ani ni Adam na nakapamulsa.
"They are nothing but with royal suits," usal ni Lucas.
"You're way better than them," dagdag ko.
"Of course!" sabay na sagot nina Lucas at Adam.
"I'll never tangle myself to any of them. Magkamatayan na," Adam and Lucas nodded in unison.
Hindi na namin pinag-usapan pa ang mga bampira ng mga oras na iyon at pinili na lang namin suyurin ang pamilihan upang bumili ng iba pang mga kagamitan na maaari naming magamit sa kampo.
My life as a simple werewolf was normal, happy, and satisfying. Wala na akong hiniling pa kundi mabuhay at maging masaya kapiling ang kapwa ko mga lobo. Kung papalarin ay makatagpo ng lalaking katulad ko'y may iisang prinsipyo, just like Lucas and Adam.
But those oath... ang mga bagay na sabay naming binitiwang tatlo bilang mga lobo na tapat sa lahi ay tila isang salamin na unti-unting nagkaroon ng mga lamat hanggang sa tuluyan nang nabasag.
Those shattered mirrors turned into sharp knives and started to rip me into pieces. Dahil ang dalawang lobong siyang tinitingala ko at higit na hinahangaan sa lahat ay pinanuod kong manghina...
I saw how Adam and Lucas turned their backs at me while forgetting all those oaths. Nasaksihan ko kung paano kainin nina Adam at Lucas ang kanilang mga salita at piliing magpaalipin sa mga bampira.
How Lucas brought a human turned vampire and how Adam ended up igniting one of this world's considered biggest wars. I could still remember how I hid behind those trees, while all those werewolves vowed at Claret. How Lucas risked his name and title for a female vampire who was already mated to someone else. And Adam who's willing to be beheaded with a female vampire.
Iyong dalawang lalaking pinakamamahal ko'y handang mamatay para sa mga bampira.
How ironic.
Nagawa man makababa ng aming Diyosa ng Buwan upang pigilan ang malaking digmaang iyon dahil sa pag-iibigan nina Adam at Lily na isang prinsesang bampira, ang anunsyo niyang nais niya nang pagkakabuklod-buklod ay hindi man lang pumasok sa isip at puso ko.
Siguro'y madali nga iyon sa ibang mga lobong katulad ko, ngunit paano naman akong may higit na nalalaman? I've seen how werewolves continuously devoted themselves to vampires and get betrayed again and again. Isa bang kasalanan ang matakot at mag-alinlangang sumugal muli?
But time passed... at maraming nangyari sa kabuuan ng Nemitio Spiran. Hinayaan ko ang sarili kong umayon sa agos ng mga pangyayari at sumunod sa nais ng karamihan.
Araw na lang ang bibilangin bago ang kaarawan ko, kung dati'y maaga pa lang ay umuuwi na sina Lucas at Adam upang paghandaan ang kaarawan ko, ngayo'y mag-isa na lamang ako.
Should I expect Adam or even Lucas who recently found his mate? Surprisingly, it's another vampire princess! Hindi ko na siguro mabilang ang ilang beses kong pag-iling habang inaalala ang mga salitang binitiwan nila noon tungkol sa mga bampira.
Huminga na ako nang malalim at handa na sana akong umalis sa tabing ilog nang makaramdam ako ng dalawang pares ng mga yabag-pamilyar na mga yabag na hindi ko akalain na maririnig ko pang magkasama.
When I turned my back and see the owners of the footsteps, I saw the familiar faces of my brothers.
"Happy birthday, Iris Evangeline Daverionne!" unang bati sa akin ni Adam. Mabilis siyang tumabi sa akin at naupo sa tabing ilog.
"Happy birthday, Iris," naupo rin sa tabi ko si Lucas.
Kapwa sila nag-abot sa akin ng mga nakabalot na regalo na may magandang kulay.
"Thank you..."
"How are you, Iris?" tanong sa akin ni Adam.
Hindi ko siya sinagot, sa halip ay ako ang nagtanong sa kanya. "How's the life as a father?"
Hindi ko akalain na mas mauuna pang magkaroon ng pamilya si Adam kumpara kay Lucas. Life is really unexpected.
"It's fun, Iris. Hindi ko akalain na may isasaya pa pala ako," hindi lang mga labi ni Adam ang nakangiti, kundi pati na rin ang kanyang mga mata.
"I never thought that you'd be happy with a vampire."
"Oh, come on! Stop that! I've moved on! Hindi pa rin ba nagbabago ang pananaw mo sa kanila, Iris? You've seen their sacrifices, even our moon goddess-" umiling na ako kay Adam, ayoko nang paulit-ulit iyong marinig.
"Adam, stop pressuring her. Katulad rin natin si Iris noon. We thought that everything will never change. But time will come that she'll realize..."
"Realize what?"
Ngumiti lang sa akin si Lucas at tipid niyang hinawakan ang kamay ko. "Just tell us if someone is bothering you. Wala pa ring nagbabago sa samahan natin, Iris. Ikaw pa rin ang bunso naming kapatid."
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Lucas.
"But I hope not to trail your same path. I will never tangle myself with vampires..."
Ngunit katulad nang pagsaksi ko sa landas na tinahak nina Lucas at Adam, natagpuan ko na lang ang sarili kong humahakbang sa daang hindi ko kailanman pinangarap.
The arrival of our most hailed goddess made me accept forcefully the fate I've been pushing away. Malaki ang respeto ko sa aming diyosa ng buwan na handa akong magpikit mata at sundin ang mga bagay na hindi ko akalain gagawin ko kasama ang mga bampira.
I tried to push him away and disregard any of his actions to get my attention, but maybe he's too skilled that my cold heart that I buried for years started to melt stubbornly.
Umuulan ako ng mura sa sarili nang pinili kong ikubli ang aking sarili matapos ang naging usapan namin ng grupo ng diyosa ng buwan. Nais kong mapag-isa at mag-isip ng bagay na magpapakalma sa akin.
Why is he into me? Bakit hindi niya na lang ako pabayaan? What is this strange feeling I've felt the moment he arrived at our camp?
Ramdam ko nang nasa likuran ko na siya at ang isa niyang kamay na handa akong abutin, ngunit kusa ko nang naramdaman ang pagniningas nang ginto ng aking mga mata.
"Iris..."
At ang tangi ko na lang naalala'y ang pagningas ng kanyang pulang mga mata, ang saglit na kislap ng kanyang kulay abong buhok at ang mainit na paglalapat ng aming mga labi.
His arms harshly curled around my waist and pulled me closer to him. Both of our eyes glittered under the lit of the moonlight, our breathing became ragged, and our hearts beat into one.
I slowly closed my eyes and savored the thing I never thought I'd ask for more-a kiss I regretted for my lifetime...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro