Chapter 16
Chapter 16: Whisper
Kapwa na kami nahuhulog ni Tavion sa isang madilim na kawalan.
"That asshole!"
At hindi katulad niya na nagpapaulan na ng mura para kay Howl, pilit gumagala ang mga mata ko na parang may magagawa iyon sa lugar kung saan kami dadalhin ni Howl.
We were deceived again. But I wasn't surprised. Alam ko na simula pa lang na karamihan sa mga sinasabi sa amin ni Howl ay hindi totoo. At ang tanging tunay na siyang ipinakita niya sa amin ay ang pagmamahal niya sa babaeng tao.
"Iris..."
Napasinghap ako nang magawa pa akong kabigin ni Tavion at yakapin nang mahigpit sa kabila ng pagbagsak namin.
"I will protect you."
"I can protect myself."
"Oh, come on. Can you please not ruin the moment?"
Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng kaalamang bumabagsak kami at patungo sa mundong hindi kami pamilyar, nagawa kong tipid na ngumiti sa sinabi niyang iyon.
Habang patuloy kami sa pagbagsak, ilang beses akong napakurap nang makakita ng maliit na liwanag. At sa patuloy naming pagbulusok, ang maliit na liwanag na iyon ay unti-unting lumalaki.
"The exit," usal ko.
"Yes."
Sa bawat paglaki ng liwanag at ang init na hatid nito sa amin ay sa lalong paghigpit ng yakap ni Tavion.
"Let's go..." bulong niya nang gahibla na lang ang distansya namin sa lagusan. At kapwa na kami humugot nang marahas na paghinga nang tuluyan na kaming tumawid sa bilog na liwanag.
"Fuck!" panibagong malutong na mura ang pinakawalan ni Tavion.
Unang bumagsak sa lupa ang katawan ni Tavion habang pinuprotektahan ako, ngunit ang binagsakan pa namin ay hindi pantay na lupa kundi tila mataas na burol dahilan kung bakit nagpagulong-gulong pa ang mga katawan namin.
Natigil lamang ang paggulong namin nang tumama na ang likuran ni Tavion sa nakaharang na malaking puno.
"Fuck that bastard magician!" mas malakas na sigaw niya.
Sumasakit na rin ang katawan ko nang humiwalay ako kay Tavion, hindi ko pa nagawang makatayo agad at hinayaan ko ang sarili kong nakasalampak sa lupa habang pinagmamasdan siyang iritadong bumabangon.
Bigla kong naalala ang mga ginawa kong pag-atake sa kanya at ang ilang pagtama ko sa katawan niya. I never saw any reaction like this from him before, he even showed me how weak my attacks were and how he could easily recover as if my combats were just like simple scratches for him.
Pero kaunting gulong lang ng katawan niya sa lupa'y sobra na ang reklamo niya. Yes, it was painful but quite tolerable. Lalo na sa mga kagaya namin na mabilis lang mawalan ng sakit mula sa maliit na atake o galos.
Natigil lang siya sa pagrereklamo nang mapansin niya na nakasalampak pa rin ako sa lupa habang nakatingalang pinagmamasdan ang reaksyon niya.
"You're funny, Tavion."
"That's the most unexpected remark I've received from a woman," inilahad niya na ang kamay niya sa akin para alalayan akong tumayo. Tinanggap ko iyon at hinayaan ko siyang hilahin ako.
But he purposely pulled me closer than it should. Hahaplusin niya na sana ang pisngi ko pero agad ko nang tinampal ang kamay niya. Itinulak ko na siya at tinalikuran.
"Hey! You agreed to run with me, remember?"
"I can't remember. Be quick, Gazellian. We're already inside Howl's world," tumingin ako sa kalangitan at saglit na gumala ang aking mga mata sa paligid.
"We're in the middle of the forest again, probably inside one of Fevia Attero's forests."
Sumipol si Tavion at gumala na rin ang mga mata niya sa paligid.
"Let's stick with our initial plan, Tavion," napatitig siya sa sinabi ko.
Tavion and I had the same decision before Howl pushed us unexpectedly into this world, but it wouldn't remove the fact that Tavion needs to fulfill his duties for his empire.
Isa pa, ngayon na may nalaman ko mula sa babaeng tao at sa ideya niya tungkol sa aming apat... hindi ako mapapalagay kung hindi ako susubok malaman iyon.
Maybe, we're really destined to enter this world. To find answers...
"Iris..."
Umiling na ako kay Tavion. Hindi ko na gusto pang pagtalunan pa ito sa kanya. Nagawa man niyang sabihin sa akin na handa siyang tumakbo sa responsibilidad para sa akin, alam kong may parte pa rin sa kanya na nais niyang gumawa ng paraan para sa kanyang emperyo.
We should seek answers and not run away. Kung anuman ang sumalubong sa amin ay kailangan ko na lang iyon paghandaan.
If he'll meet the witch and everything will turn upside down... what will happen to me?
Mariin akong napapikit nang biglang bumalik sa alaala ko ang pagtanaw ni Ressa sa naging engrandeng kasal ni Haring Thaddeus at Reyna Talisha.
Am I walking the same path again?
Hindi na kami nag-usap pa ni Tavion habang kapwa kami naglalakad. Hinayaan niya akong masunod sa direksyon, dahil sa aming dalawa'y higit akong bihasa sa mga kagubatan.
It only took us thirty minutes to leave the forest. At sinalubong kami ng isang napakagandang karagatan. Ilang beses pang napabalik-balik ang tingin ni Tavion sa kagubatan at sa harapan niya para makumpirma ang magkaibang panahon sa maiksing distansyang pinanggalingan namin.
"Why are you surprised? It was you who reminded me that some forest has a different timeline," nagkibit balikat na lamang siya sa sinabi ko.
"Now, how are we going to know which part are we in Fevia Attero?"
"You're the map," mabilis niyang sagot.
Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil sa katanungan ko. Of course, I am the map. Ilalabas ko na sana ang mapa upang makita ang kinalalagyan namin nang matigil iyon dahil sa ingay na agad umagaw sa atensyon namin ni Tavion.
Kapwa kami naging alerto.
"A carriage..."
Huli na bago namin itago ni Tavion ang aming mga sarili dahil higit na bumilis ang takbo ng karwahe nang makita kami ng kutsero.
We took each other's glances before we faced the coachman who intentionally stopped his carriage in front of us.
Kung pagmamasdan ang karwahe ay malayo ito sa mga karwaheng nakikita kong gamit ng mga Gazellian.
A commoner's carriage!
"Public transport..." bulong sa akin ni Tavion.
"Saan kayo patungo? Naglalakbay ba kayo? Nasaan ang inyong kabayo?" lumibot ang mga mata ng matandang kutsero sa paligid na parang nagtatakang may mga nilalang na mapupunta rito na walang gamit na kabayo.
Isa lang ang ibig sabihin niyon, malayo pa kami sa bayan o anumang lugar na tawag dito kung saan naroon ang mga nilalang.
"We're ambushed by the bandits. Ninakaw nila ang aming mga kagamitan, papeles, mga ginto at pera. Maging ang aming karwahe!" sagot ni Tavion.
"Mga dayuhan! Kayo talaga ang madalas abangan ng mga bandido sa parteng ito ng daan. Dapat ay inalam n'yo muna ang paraan ng aming pananamit at ang ilang impormasyong kung saan ligtas dumaan. Maaari na kayong sumakay, ihahatid ko kayo sa pinakamalapit na emperyo."
"Salamat!" mabilis na sagot ni Tavion.
Napapahanga akong napatitig sa kanya habang hawak niya ang kamay ko at hinihila na papasok sa karwahe.
Hindi mawala ang titig ko sa kanya nang sandaling kapwa na kami nakaupo na may karwaheng kasalukuyan nang tumatakbo.
How could he answer so confidently like that? Akala ko'y higit akong magaling sa kanya sa larangang iyon. I was already about to weave lies that might have saved us, but he's quite faster.
"Is this your first time here, Tavion?"
"Yes."
"Why-"
"I can easily read the situation. I can easily adapt. Besides, we also have public transport like this."
"And you have the train? I am starting to get curious about your world."
Ngumisi siya. "Just my world?"
Tumaas ang kilay ko. Pinagkrus ko ang mga braso at hita ko kasabay nang bahagyang pagsandal. "Why? Do I need to get curious more?"
Nagkibit balikat siya. "Ikaw ang bahala."
Kung kanina sa kagubatan ay sumusunod lang siya sa akin at binigyan niya ako ng katahimikan, ngayon na kapwa kami nakaupo sa karwahe at nakaharap sa isa't isa, hindi na matapos ang mga katanungan niya sa akin.
"Tell me more about yourself."
"I grew up inside the forest. No friends. I only have Lucas and Adam, my brothers, but not by blood. They are both alphas and mated with vampire princesses," wala akong balak makipag-usap sa kanya ng higit pa sa pagsagot ng oo o hindi, pero alam kong hindi niya ako titigilan.
"I have my sisters and brothers too."
Doon naagaw ang atensyon ko. So, King Tiffon was the first love but his mother married someone else?
Siguro'y agad niyang naintindihan ang reaksyon ko.
"It was a political marriage. There's no such thing as mate in our world, Iris. My mother as a princess should fulfill her duty."
Wala akong nagawang isagot sa sinabi niyang iyon. Because just like his mother, he needs to fulfill his duty.
"I am the eldest son. I have four brothers and three sisters. But as the princess' son from an unknown man, I am not a fully acknowledged prince or let's say the rightful successor of the throne. I am not really aiming for the throne, but there are some creatures that are pushing me to join the battle of the throne."
Hindi siya itutulak ng mga nilalang na iyon sa trono kung wala silang nakikitang abilidad sa kanya. Sa maiksing panahon, agad kong nakikita ang katangian niyang akala ko'y sa isang hari ko lang makikita.
The whole Nemetio Spiran hailed King Thaddeus for his intelligence, sacrifices, and power. For me, it was just an overhyped myth, an old belief that was already given and not even having any choice to question, but when I have experienced and witnessed how King Dastan ruled the different creatures around him, how he positioned himself in front of the war, stood bravely and raised our flag to unite us all again, I already knew that he'd be the king of the story that I'd never get tired to tell everyone.
Maybe the blood of Gazellians is really destined to rule creatures... empires...
It's a shame that I'd deprive his empire of a good king. Napatingin na lang ako sa labas ng karwahe, mukhang tama nga ang ginawang iyon ni Howl, kung hinayaan niya kaming tumakbong dalawa ni Tavion...
Hindi lang ang babaeng salamangkero ang inagawan ko, kundi pati na rin ang emperyong ngayon ay nakasalalay ang kinabukasan sa mga kamay niya.
"H-How about your relationship with your siblings?"
Pansin ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata nang sabihin ko iyon. Gusto kong malaman kung katulad rin sila ng magkakapatid na Gazellian na handang pumatay para sa isa't isa.
"They're good," iyon lang ang sinabi niya.
I want to ask further, but the quick changes of his expression didn't push me to utter another single word.
Ang tanong kong iyon ang nagpatigil sa kanya sa pagsasalita, pinili na niyang lumipat ng upuan at tumabi sa akin. He was hesitant at first, but when he noticed that I wasn't moving or saying anything about his sudden change of position, he bravely leaned his head on my shoulder.
"We can still run away, Iris."
Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Maiksi lang ang naging usapan namin tungkol sa pamilya niya, ngunit base na sa reaksyon niya nang sandaling tanungin ko siya tungkol sa mga kapatid niya- sa pamilyang mayroon siya sa emperyong pinanggalingan niya mukhang hindi iyon kasing ganda gaya ng nasasaksihan ko sa mga magkakapatid na Gazellian.
Now, I realized his reactions when he mentioned the Gazellian siblings during that war.
They were family.
And Tavion, having the son from an unknown man... an illegitimate royal would definitely be treated differently.
Is this us, running away? Or him running away from his pain? What made him take this mission and responsibility? Is this to prove himself to his empire?
He mentioned that he wasn't even recognized by his father.
And now that he found an escape-me, would that really make him feel better?
Hinayaan ko siyang makatulog sa balikat ko habang panay ang takbo ng karwahe. Nanatili akong nakatanaw sa labas ng bintana habang nakikita ang nagtataasang mga punong aming nadaraanan.
I never thought that my life would be this complicated. Buong akala ko'y si Caleb lang at ang pag-iwas ko sa pagtahak sa daang pinili ng dating mga lobo ang iintindihin ko.
But when I met Tavion? All my plans... beliefs got conflicted.
I want to embrace and push him at the same time. At natatakot akong habang tumatagal ay mas naglilinaw sa aking mga mata ang daang tinatahak ko.
I am still another white werewolf enslaved by a vampire's love...
It should sound romantic, for the love of a vampire is eternal and everlasting, but why as the small leaves fluttered from the cluster dancing of trees, the scent of the wildflowers, the sea breeze, and the noise of the carriage overwhelmed me, all I felt was pain.
Tavion pushed his face on my neck as his arms wound around my waist. He's still half asleep as he whispered something. "I will choose you..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro