Chapter 15
Chapter 15: Portal
When I witnessed how Elin and Ressa died alone, with tears rolling down on their cheeks until their last breath while loving vampire royalties, I already promised myself that I wouldn't walk the same path.
Kung darating ang pagkakataong magmamahal ako, sisiguraduhin kong kahit sa kahuli-hulihang segundo ng aking buhay ay masaya ako.
"Until your last breath... the thing that the previous white werewolves never had."
Umugong ang mga salitang binitawan sa akin ni Tavion at napatitig ako sa kanyang mga mata. Dapat ay maging masaya ako sa narinig ko, hindi ba't iyon naman ang isa sa lihim kong kahilingan? That there's someone who's willing to stay with me until his last breath.
It's a promise that would assure my fear, but would it really make me better with its reality? Dahil sa sandaling magbago siya ng desisyon at tuluyan nang magising sa atraksyong ngayon ay kapwa namin hindi maipaliwanag- ang pangako niya mismo ang siyang kikitil sa kanya.
"W-Why did you-" nagsimula na akong mapaatras mula sa kanya. Napapailing na lang ako habang hindi mawala ang mga mata ko sa kanya.
"T-Tell me something that can nullify his promise," lumingon ako kay Howl na tipid lang nagkibit balikat.
"Oath is very sacred for us. Isang malaking pagkakamali niya ang gumawa ng pangako sa loob ng pinakamakapangyarihang bagay mula sa Fevia Attero. It can't be nullify unless..."
Pansin ko ang pagbuntonghininga ng babaeng katabi ni Howl.
"Unless?"
"An Attero will make a potion from the mixtures of the blood of the three ancient monsters in one of the most famous ruins in Fevia Attero."
"What?"
Tipid na pinagkrus ni Howl ang kanyang mga hita. "To make it simple, all you need is to enter the ruin, kill the three monsters, get their blood, and give it to me. I can make the potion to nullify his promise."
"What is our assurance that you're telling the truth? Paano kung ginagamit mo lang kami?"
Tulad nang lagi kong sinasabi sa sarili ko, si Howl ang nilalang na hindi dapat pagkatiwalaan. He's wicked and manipulative. Lalo na't narito kami sa sarili niyang teritoryo.
"Well, I have the library inside this train. It seems like you're quite an intellect one, you can find it yourself through books. If you doubt my books, ask one of my servants, we have this rope of truth, ask them about the potion I've mentioned."
Pansin niyang kapwa kami hindi kumbinsido ni Tavion sa mga sinasabi niya.
"Kung sabagay, hindi ko kaya pinipilit na maniwala sa akin. It's just a suggestion. After all, our first agreement was just you and this gray-haired vampire to act as one of my servants, keep my train safe and sound... and well, just don't forget about that oath."
Kumuyom ang mga kamao ko. Gusto kong sigawan si Tavion at murahin siya sa binitawan niyang pangakong iyon. How could he easily utter a promise like that?
Nasa plano ko nang humiwalay kay Howl sa sandaling makarating na kami sa Fevia Attero, ngunit kung totoo ngang may kakayahan siyang gumawa ng lunas sa pangakong iyon, wala na akong ibang pagpipilian kundi gumawa na naman ng kondisyon sa kanya.
"How do we get to that ruin?"
"Iris!"
Salubong ang dalawa kong kilay nang lumingon ako pabalik kay Tavion. We're both looking for Caleb and the witch with him, but how could we if this simple promise that Tavion uttered would threaten his life?
Gusto ko siyang sigawan at sisihin na sa halip na mas mapapadali ang misyon namin at makakarating sa dalawang nilalang na hinahanap namin ay mas matatagalan pa kami.
Kung ganoon na lang talaga kalakas ang pangakong nabibitawan sa mahabang sasakyang ito, magiging komplikado ang lahat sa sandaling maunang matagpuan ni Tavion ang babaeng mangkukulam.
He could follow her... love her in an instant that would make him forget his oath-an oath that would kill him.
"Oh, it will be easy for you. Hindi ninyo na kailangang pumasok doon. I already sent some of my disciples inside the ruins. All you have to do is to face the Attero's royal army. Since that ruin is under Fevia Attero's sacred property, it is forbidden to enter. My disciples are now being haunted; probably an assassination squad is already waiting for them once they're outside. So, your duty is to divert the army's attention."
I exaggeratedly huffed in front of him. Ano ang tingin niya sa akin? I could already read the situation!
"First, why would you send your disciples inside the ruin?"
Tumaas ang kilay niya sa akin. Saglit nagtama ang mga mata namin ng babae. Bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin kanina. Patungo raw sina Caleb at ang mangkukulam sa lugar na ikapapahamak nila.
This bastard Howl sent Caleb and the witch to that ruin!
With Caleb's power and the witch's possible ability... would it be easy for them to finish monsters?
Pinagkrus naman ni Howl ang kanyang mga braso. "Well, I already planned everything."
"A lie. You, maybe a great magician, but my eagerness to utter that promise was not under your influence. Kaya huwag mong sabihin sa amin na plando mo ang lahat," dagdag ni Tavion.
"You need the potion," matigas na sabi ko.
Magsasalita na sana muli si Howl na may mga ngisi na hindi mawala nang sumabat na ang babae.
"Can't you stop this, Howl? Tell them the truth. Why can't you ask help without-"
"Mahal..."
"You sent them inside the ruins, right? Not because of the monsters you mentioned inside, but the armies waiting outside. You are just going to use them and allow them to take all the blame. Katulad ng balak mong gawin sa amin ni Tavion."
Ang ngisi ni Howl ay unti-unting naglaho sa sunud-sunod kong sinasabi.
"Y-You..."
Sa kaunting reaksyon pa lang na iyon ni Howl, agad kong nakumpirma na tama ang mga hinala ko. Naroon na nga sina Caleb at ang babaeng mangkukulam, at wala man lang silang kaalam-alam na pinadala na sila sa bitag.
But what is their bargain?
Anong klaseng kasinungalingan ang sinabi sa kanila ni Howl para sumunod sila sa gusto nito?
"Howl..." hinawakan na ng babae ang kamay ni Howl.
If Howl needs the potion and what he said about it was true, that means he also needs to nullify an oath.
"Was it your oath? An oath from someone that should be respected?"
Napamasahe na si Howl sa kanyang noo. Kahit nanghihina ang babae ay narinig ko ang tipid niyang pagtawa. "She's as wise as the first one."
Umikot ang mga mata ni Howl. "I will not further explain. But yes, I need the potion. The thing I said about its use was true."
Hindi agad ako nakapagsalita at nagsimula akong muling mag-isip. Wala mang malinaw na kumpirmasyon kay Howl, nasisiguro kong naroon na nga sina Caleb at ang mangkukulam.
But my initial plan was to achieve the potion first before meeting them. Natatakot ako na baka magkita na sina Tavion at ang mangkukulam ay makilala na nila ang isa't isa. Tavion's reckless promise will kill him in instant- and it's because of me.
How could we possibly protect them and not meet them?
Pakiramdam kong biglang umikot ang paningin ko. It would be easy if it was really Howl's servants.
"Is there any other way to make a potion?"
Muling tumaas ang kilay ni Howl. "I thought you're eager to meet them?"
"It's hitting two birds in one stone," dagdag ni Tavion na parang hindi naaalala ang kanyang sitwasyon.
"You can't meet the witch without taking the potion, Tavion," malamig na sabi ko na hindi man lang lumilingon sa kanya.
"Oh, you're concerned now."
"Guilty," pagtatama ko.
"So...? My dear servants, what is your plan now? Are you going to accept my new job offer?"
"Sa tingin mo ba'y may pagpipilian pa kami?" iritadong tanong ko kay Howl.
"Well, that's how I give different creatures my question. There's always no possible choices."
"And always in your favor?"
"Why would you ask something not in your favor, then?"
Napapailing na lang ako sa sagutan nitong si Howl. He may be handsome, yes, but he's not the type that I'd possibly admire. May mga kinaiinisan akong mga nilalang sa Nemetio Spiran, ngunit bigla iyong nilampasan ng salamangkerong nasa harapan ko.
"Alright. We'll acquire the blood of the monsters."
"I told you, the first team is already inside the ruin. All you need is to guard the outside from the army."
"Sa tingin mo ba'y kahit gamitin mo kaming apat ay hindi madadawit ang pangalan mo? If this ruin is sacred, how did we acquire the information? Sa tingin mo ba'y maniniwala sila na may ideya na kami mula sa aming sariling mga mundo?"
Humalakhak si Howl. "Well, I have another plan."
Huminga akong muli nang malalim. Simula pa lang ay nasisiguro ko nang ginagamit lang kami ni Howl. Even Caleb and the witch might have the idea that Howl's just waiting for the right time to betray them.
Kayang-kaya niya kaming iwan sa ere at hayaang maipit sa mundong wala kaming kalaban-laban. Ngunit ang importante sa mga oras na ito'y makagawa ng lunas.
When Tavion's already cured of his reckless promise, we can easily go back to our original plan-Tavion to meet his witch and me to send Caleb back in Nemetio Spiran.
"What made them agree to enter the ruin?" tanong ni Tavion na siyang nasa isipan ko na rin kanina.
Tumaas ang sulok ng labi ni Howl at nasisiguro ko na wala siyang nais ibahagi sa amin tungkol sa naging usapan nila nina Caleb at ng babaeng mangkukulam. Bago pa man tuluyang maputol ang pasensiya ko ay tumalikod na ako at nagmadaling umalis ng silid.
I was just asking for a little silence and peace of mind. Pero iba ang nangyari, sa halip ay mas komplikadong sitwasyon pa pala ang kahaharapin namin sa sandaling tumapak na kami sa Fevia Attero.
Akala ko'y katulad ng sabi ni Howl ay mananatiling isang mahabang daan lang ang ipakikita sa akin ng sasakyan kapag ginusto nito, ngunit nang mga oras na iyon, binigyan ako ng maiksing daan. I saw a door and immediately opened it. I thought it was another room, but I was greeted by the strong wind outside.
Kasalukuyan akong nasa dulong parte ng mahabang sasakyan. I took a step forward as my hands reached the metallic rail to support myself from the consistent strong wind.
Sa bawat daan ng mahabang sasakyan ay mabilis din naglalaho ang riles na siyang dinadaanan nito na hindi man lang nagbigay ng bakas sa lupa. Patuloy ang paglipad ng nakatali kong kulot na buhok at maging ang kasuotan kong higit na bumabakat sa kabuuan ko.
When I was about to close the door, an arm hindered me and followed quickly by Tavion's face. Gusto ko nang sabihin sa kanya na iwan na niya ako at hayaan niya akong mag-isa, ngunit nasisiguro ko na hindi niya ako pagbibigyan.
"How did this happen in a very short period of time? Ang tanging naalala ko lang ay mag-isa ako sa kagubatan."
"You were not alone. I was following you, remember?"
"Fuck off, Gazellian."
"Stop calling me Gazellian. I am not a Gazellian, Iris."
"You should not meet her without taking the potion," pagbabago ko ng usapan.
"It should be, you shouldn't meet her because I don't like it."
"Sure. Tavion, you shouldn't meet her first because I don't like it... I don't like it if someone dies for me."
He grinned. Tinanggal niya ang pagkakatitig sa akin at tumanaw rin siya sa pinanggagalingan ng sasakyan namin at sa riles na bigla na lang naglalaho sa bawat pagdaan namin.
Mariin ang pagkakahawak ko roon sa bakal na sumusuporta sa akin. Why everything so complicated?
"My empire was ambushed before...Iris. Our empire experienced its greatest fall... my mother sacrificed her last power to protect me, she sent me to my father's empire- to the place where my father live and love another woman, his mate. I grew up as one of their empire's knight-and the fuck Tiffon Gazellian never noticed me as his son..."
Napalingon ako sa kanya at hindi na mawala ang mga mata ko sa kanya. I never thought that he'd continue his story.
"Now that I've felt it...the same thing my father felt to the first woman that drowned him, hindi na ako maghahanap pa. Hindi na ako maghihintay pa... if this mate thing will kill me that moment I saw her- will you continue this journey with me, Iris?"
Hindi na ako nakapagsalita pa nang mas lumapit sa akin si Tavion.
And when he gently cupped my face, with those tender eyes that started to lit with little fire...I suddenly forgot everything.
Kusang pumikit ang aking gintong mga mata habang dama ng aking mga pisngi ang magaang haplos ng kanyang mga palad. Ngunit bago pa man maglapat ang aming mga labi'y nagmulat muli ako at dalawang beses tumango sa kanya.
He chuckled. Ipinatong niya ang noo niya sa akin habang ang kanyang mga palad ay nanatili sa aking mga pisngi.
"L-Let's run... Iris."
"Not yet, love birds," marahas nabuksan ang pintuan. Bago pa man kami makakilos ni Tavion ay mabilis nang itinaas ni Howl ang isa niyang kamay at sa isang iglap ay may malaki at nagliliwanag na lagusan ang lumabas sa tagiliran namin.
Nanlaki ang mga mata ko.
"I thought-" ngunit hindi na nasundan pa ang mga sasabihin ko nang mas malakas na puwersa ang siyang nagtulak sa amin ni Tavion sa lagusang iyon.
Humalakhak si Howl habang pinapanuod kami ni Tavion mahulog sa lagusan.
"Magkagulo kayong apat. Don't forget the potion, alright?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro