Chapter 14
Chapter 14: Promise
"I can give it back. But the thing you stole that night from me, baby? I think I can't have it back. I can blindly run away from responsibility and choose the first love-the thing most of the Gazellians can't do."
Hindi lang ang mga salitang binitawan ni Tavion ang siyang umugong sa isipan ko nang mga oras na iyon. Dahil tila bigla na lang bumalik sa mga alaala ko ang mga salitang iniwan sa akin ni Haring Thaddeus ng kakaibang gabing iyon.
"You can reject a Gazellian twice, thrice... but you can't even count how we can desperately want to claim the one we love. Gazellian's love is the finest no matter how conflicted we are..."
Which Gazellian?
Paulit-ulit akong nagtatanong sa sarili ko. Natatakot na ako sa nararamdaman ko. Natatakot akong mapagaya sa mga nakaraang puting lobo at sa lahat ng sakrispisyo nila para sa mga lalaking kanilang minahal.
Now that I have this conflicted feelings, confusion, and endless doubt... saan ako kukuha ng lakas sumugal o tumuklas ng sarili kong katanungan?
What if I picked the wrong one? What if I made the wrong choice?
Caleb's claiming me as his mate, while Tavion's trying to prove to me that he's the one. If I could just pick the right one and prevent anything that would make things more complicated...
This is what I hate the most- to make a decision based on how I feel. I grew up taking all the choices based on my intellectual skills, theories I'd read from books, and different step-by-step processes that had been proven safe and effective.
Naniwala akong sa mga paraang iyon, magiging ligtas ako- ang puso ko. Bagay na hindi nagawa ng mga nakaraang puting lobo.
I thought the only creature that would make these high walls I've made since I was a child shattered into pieces was Queen Leticia but little did I know, slowly, I am allowing other creatures to enter into my world.
At natatakot akong higit pa kay Reyna Leticia ang matuklasan nila mula sa akin. Mula kay Caleb, sa mga Gazellian, at ngayon ay sa lalaking nasa harapan ko.
Sinubukan kong hilahin mula sa mga kamay niya ang kamay ko, ngunit mas diniinan niya pa ang pagkakahawak sa akin.
"Iris..."
Huminga ako nang malalim at mas isinalubong ko ang mga mata sa kanya. Sa kanya na rin mismo nanggaling ang mga salita.
He's willing to run away from his responsibilities, and claim his first love. Kung totoo nga ang sinasabi niyang ako iyon- bakit kailangan niyang tumakbo? Bakit kailangan niyang talikuran ang dahilan kung bakit siya narito?
He knew the power of mates, at nasisiguro kong iniisip niya na sa sandaling matagpuan na niya ang babaeng totoong itinakda sa kanya, ang nararamdaman niyang ito sa akin ay agad maglaho. Just like his father to his mother.
Tavion Lancelot Gazellian is sympathizing with me because he can see his mother on me. The Gazellian's first attraction.
"Tavion, kung hindi mo nais gawin ang ginawa ng iyong ama. You will never entertain these feelings. And that witch, she is your mate, right?"
Kung kanina ay hinayaan ko pa siyang mas hawakan ang kamay ko, ngayon ay mas malakas na ang paghila ko roon.
"Your empire needs her. Your empire needs a witch and not a werewolf," hindi man siya nagbigay ng impormasyon tungkol doon ay agad ko nang napagdugtong-dugtong ang mga sinasabi niya.
He needs the witch. His empire needs the power of the witch. Tavion is a prince and probably the next king. I will never ruin an empire just for the sake of my happiness.
Hindi na siya nakapagsalita sa sinabi ko. "And I am the map handler, Tavion. Nemetio Spiran needs me. Kung anuman ang nararamdaman natin sa isa't isa... posibleng nagkamali lang tayo. The kiss that night was a mistake."
"But-" bago pa man mas humaba pa ang aming usapan ay tumayo na ako.
Nakaangat ang tingin niya sa akin habang bahagya akong nakatungo sa kanya. Muli akong huminga nang malalim. Gusto ko pa sana siyang bigyan ng malakas na suntok sa mukha nang itago niya ang damit ko nang araw na iyon, ngunit hindi ko na gusto ko pang magtagal sa harapan niya.
I turned my back and walked in the aisle of strange chairs, with different creatures seated and their gazes at my back.
The train is a long vehicle with a loud noise that I could hear from the outside, with a consistent bumpy ride, and a fast speed that even surpassed a werewolf in its fastest run. Ilang beses pa akong napapahawak sa upuan na nadadaanan ko para alalayan ang sarili ko.
I don't know if it is because the train looked old or the new world that we'd entered catered a very poor railroad. Kung sabagay, wala namang pinipiling daan ang sasakyang ito dahil tulad nga ng sabi ng isa sa mga tauhan ni Howl, basta na lamang lumalabas ang sasakyan ito sa lugar na may lupa.
Kanina pa akong naglalakad pero hindi ko man lang makita ang dulo, ilang beses pa akong nakakasalubong ng maliliit na nilalang na abala sa pagsulong ng iba't ibang klase ng pagkain na ipinamimigay nila sa kanilang mga pasahero.
Nang saglit akong lumingon pabalik sa pinanggalingan ko, muli akong napahinga nang maluwag, hindi ako sinundan ni Tavion.
Magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad nang muntik na akong mabangga sa pamilyar na dibdib ng lalaki, unti-unti akong nag-angat ng tingin habang nakatungo siya sa akin na may nakataas na kilay.
Howl!
"Are you done with your duty?"
"Sinabi ng babae na maaari muna kaming magpahinga."
"Is that so? Where's the other gray-haired bastard?"
"Hindi ko alam," lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ang balikat ko.
"I want you to meet someone."
"It's my break. Gusto kong mag-isa."
"I am the head here, werewolf," mas matigas na sabi niya.
Kung akala ko ay nakawala na ako mula kay Tavion at magagawa ko nang makapag-isip mag-isa, mukhang nagkakamali ako.
This manipulative bastard and his plans. "Alright."
"Follow me," kusang gumalaw ang katawan ko sa gilid at tumama pa ang likuran ko sa upuan nang bigla siyang maglakad para daanan ako. Tinamaan pa ang mukha ko ng damit niyang basta na lang nakasabit sa balikat niya.
This arrogant magician, his damn magic and his damn outfit!
Mabibigat at malalaki ang hakbang ko habang sinusundan ang likuran ni Howl. Kusang nahahawi ang daan at yumuyuko ang maliliit niyang tagasunod habang eleganteng naglalakad ang salamangkero.
Wala namang malakas na hangin sa paligid ngunit tila nililipad iyong buhok niyang hanggang balikat at ang kasuotan niyang nakasampay lang sa balikat niya.
He's a show-off.
Kung ako'y ilang beses nang umikot ang mga mata sa likuran niya, halos nanghahaba ang leeg ng mga kababaihang kanina'y tahimik lang nakaupo sa kanilang mga upuan.
They're all admiring the most breathtaking creature inside this train. I was never a fan of Prince Rosh Alistair Le'Vamuievos and his famous involvement in every historical event in Nemetio Spiran. But I suddenly wished that he'd appear inside this train and face this magician, probably do something that would annoy each other on who's the fairer of them.
"Wala na bang katapusan ang ilalakad natin? This train is so long."
"I told you. My train has its own life. Kung gusto ka niyang maglakad maghapon, hindi matatapos ang nilalakaran mo."
Muling umikot ang mga mata ko. Tuloy lang ako sa paglalakad at nang bigla siyang tumigil, bumangga na ako sa likuran niya.
"Tsk. You will ruin my suit," ipinitik niya lang ang daliri niya at sa isang iglap ay nawala ang pagkakalukot ng damit niyang nabangga ko.
"Seriously..."
"We're here," nang sumilip ako mula sa likuran niya, ilang beses akong napakurap. Wala akong nakitang pintuan kanina at nasisiguro ko na nasa mahabang daan pa rin kami.
Pinagbuksan niya ako na siyang hindi ko inaasahan. At nang sandaling pumasok na ako sa silid, isa lang ang siyang unang tumama sa mga mata ko.
A frail woman on the bed.
Kaiba nang pinanggalingan kong puro nakahilerang upuan lamang, ilang kulay, at madilim na bintana, hindi aakalaing nasa loob kami ng mahabang sasakyan.
We're suddenly transported to a different place- a beautiful room in the middle of a garden. Dahil ang bintana sa tabi ng kama ng babae'y ang tanging natatanaw ay nagagandahang bulaklak at nagliliparang mga paru-paro. Maging iba pang naglalakihang bintana sa paligid ay ang tanging ipinakikita'y maaliwalas na mundo.
Walang halimaw na maaaring umatake at labanang nagaganap.
"Mahal ko..."
Inilapag na ni Howl ang nakasampay niyang kasuotan sa kanyang balikat at maingat siyang sumampa sa kama para haplusin ang mukha ng babae. Nanatili akong nakatayo at natulala sa kanilang dalawa.
Siya ang taong pinag-uusapan ng mga tagasunod niya. I heard that she's not well. Pero hindi ko akalain na ganito ang sasalubong sa akin. Halos wala nang kulay ang mukha niya at anumang oras ay maaari na siyang bumigay.
"May bisita tayo, Howl..."
At sa unang pagkakataon, simula nang makilala ko ang mapagmataas at ang mapanlinlang na mahikero, nasaksihan ko kung paano lumambot ang kanyang mga mata, naging maingat ang kanyang mga braso, at napuno ang kanyang boses ng pagmamahal.
"I brought her with me. Tulad nang nais mo."
Pinilit ng babaeng ngumiti sa akin. Bagaman makikitang tila nilalamon na siya ng sarili niyang karamdaman, hindi niyon nagawang itago ang kanyang kagandahan.
Ano ang ginagawa ng taong kagaya niya sa lugar na ito? Even a werewolf like me is already too much in this strange vehicle. Paano pa kayang katulad niya na walang ibang kakayahan?
Not unless she's like Claret...
"Did he treat you well? Ako na ang humihingi ng tawad para kay Howl."
Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng hindi magandang ginawa ng salamangkero sa akin, pero alam kong hindi iyon magdudulot ng maganda sa kanya, sa halip ay tipid lang akong ngumiti.
"Gusto ko siyang makausap mag-isa, Howl."
Agad umiling si Howl.
"Mahal ko..."
"I am a good judge of character. Ikaw na rin ang nagsabi sa akin niyon, Howl. Gusto ko lang siyang kausapin. Just this time."
"Ngayon mo lang siya nakita."
"Howl..."
Walang nagawa si Howl at tumayo na siya sa kama. He glared at me. He threatened me. Gusto kong ngumisi sa kanya o kaya'y pagtaasan siya ng kilay. No matter how arrogant he is, there's always someone powerful than him, it's too ironic that it's this frail woman in front of me.
Ah, the power of love is really dangerous.
Kinuha muli ni Howl ang kasuotan niya at inilagay niya iyon sa balikat niya.
"I'll be outside."
Ngumiti ang babae bago nagpaalam si Howl. Nang sabay namin narinig ang pagsasara ng pintuan, inilahad ng babae ang isa niyang kamay at itinuro niya ang malapit na upuan sa kanyang kama.
Nang nasa kagubatan ako'y bihira lang ako makipag-usap sa kapwa ko babaeng lobo, hindi rin ako ganoong nakipag-usap sa mga babaeng Gazellian noon kaya wala akong ideya sa kung ano ang maaari naming pag-usapan ng babae.
When I sat near her bed, we stared at each other for a while. Akala ko ay magtatagal kami sa ganoong sitwasyon, ngunit siya rin ang bumasag ng aming katahimikan.
Bumuntonghininga siya.
"Iris, that is your name, right?"
Tumango ako. "We met a woman named Anna. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang isa sa hinahanap n'yo. She's with another gray-haired vampire. At kasalukuyan silang patungo sa lugar na ikapapahamak nila."
Nanatili akong tahimik at hinayaan ko siyang magpatuloy.
"Howl's desperate to cure me. At lahat ng alam niyang paraan ay gagawin niya kahit gaano man kalaking sakripisyo iyon. I am afraid that I'm starting to ruin him...ang pangalan niya, ang lahat ng pinaghirapan niya, at ang lahat ng mga bagay na mayroon siya. Lumalaban siya sa bagay na..." pumiyok na ang boses niya.
"I am just a weak human. And I am dragging him down. Simula nang dumating ako sa mundo niya'y wala na akong nagawang maganda sa kanya, isa pa... napapagod na ako, Iris. Hindi ko na alam kung hanggang saan pa ang itatagal ng katawan ko..." nang magpatakan na ang mga luha niya'y natulala na lang ako sa kanya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. I don't have any idea on how to comfort a crying woman. At hindi ko na nagugustuhang may nararamdaman akong kirot ng unti-unting lumalawak sa dibdib ko.
"W-Why are you telling me this?"
"I... might die soon. Bago pa kami makahanap ng lunas. Everything will surface... at mauungakat ang lahat ng batas na nilabag ni Howl para lamang maprotektahan ako. Those flaws will be his enemies' best weapon to drag him down. I want him to have allies... na kahit wala na ako'y may mga nilalang na handang tumayo sa likuran niya."
"And you're expecting that I'll do that? Howl, Tavion and I... we're not in good terms, imposible ang mga sinasabi mo."
"You, the witch, and the two gray-haired vampires would be my Howl's best allies."
Ilang beses akong umiling sa kanya. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Howl knew something about your tangled fates... kayong apat. At kailanman ay hindi niya iyon sasabihin sa inyong apat."
"W-What?"
"But I can... but promise me that you'll help him..."
Magsasalita pa sana ako nang marahas nabuksan ang pintuan. Inaasahan ko nang si Howl iyon pero napatayo na ako nang makita agad si Tavion, ngunit nasa likuran niya agad si Howl na mabilis nagtungo sa kama.
"Mahal ko..."
Saglit kaming nagkatitigan ng babae. Si Tavion ay malalaki ang hakbang at agad hinawakan ang palapulsuhan ko.
"Did you make a promise?"
"What?"
"Did you make a promise?!" ulit ni Tavion.
"No..." nagtataka akong lumingon sa babae.
Napahinga nang maluwag si Tavion. "Iris, listen, don't ever make a promise inside this train. It will tie your heart. At sa sandaling hindi mo iyon tuparin, mamamatay ka."
Nanlaki ang mga mata ko at nag-aakusa akong tumingin sa babae. She's trying to trick me!
Ngunit nawala rin ang atensyon ko nang mapansin ko ang liwanag sa dibdib ni Tavion.
Umawang ang bibig ko at unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya. Napapailing si Howl habang yakap at marahang hinahaplos ang braso ng babae.
"Y-You made a promise..."
"The Attenian oath is not a joke, vampire. Kahit hindi ka Attero at gumawa ka ng pangako sa loob ng sasakyang ito, kikitilin ka ng sarili mong pangako."
"A-Ano ang binitawan mo?" tanong ko.
"I will not tell you."
"Tavion!"
"That I'll be with you..."
"Until this mission ends?"
Tipid siyang ngumiti. "Until your last breath... the thing that the previous white werewolves never had."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro