iv. sumandal ka sa'kin
genre:
angst // suicide
note:
trigger warning !! this is a very
sensitive piece. you should
def skip this esp for the mentally
unstable pips. gomen, i just rlly
need to write this one. :'<
━━━━━━━━ * ੈ✩‧₊˚ ━━━━━━━━━
"Oh, nandito ka na naman?" Hindi ko siya sinagot. Imbes ay walang gana akong sumalampak sa sahig, sa tabi niya. "Hindi mo na naman bubuksan 'yung ilaw? Ang dilim kaya."
Pabalang kong sinalpak ang earphone para hindi ko na siya marinig-para isipin niyang hindi ako nakikinig sa kaniya, pero sa totoo ay nag-iwan ako ng pwesto sa pandinig para sa kaniya. Bumuntong-hininga ako.
"Temporary people, temporary feelings
Everything's so pointless. . .
I don't have a reason to live
Searching for a reason to live."
Nilingon ko siya. Tahimik lang siyang nakaupo sa gilid ko, blankong nakatingin sa akin. "Ano 'yang pinapakinggan mo?"
Inalis ko ang tingin sa kaniya, "Si eli."
"Favorite mo talaga siya, 'no?"
Hindi ako sumagot, imbes ay ipinatong ko ang aking ulo sa magkabilang tuhod.
"I just want to disappear
Take my far away from here
Moving is my greatest fear
Maybe I should disappear."
"Sandal ka sa'kin, mangangalay ka diyan," suhestiyon niya.
Pinikit ko ng mariin ang mata ko-pilit nagpapalamon sa kadiliman ng kwarto. Napakaingay pero sobrang tahimik. Wala ni isang kaluskos pero nabibingi ako. Ang ingay, ang gulo. Puro bulong. . . mahina pero marami. .. . ang ingay nila.
"Tangina," tumulo ang luha ko kasabay ng pagkabasag ng isang mapait na tawa. "Kung dito nalang kaya ako habang buhay? 'Di na ako lalabas."
"Bakit naman?"
"Wala naman silang ginawang iba kundi nakawin ang hininga ko. Kung ganong ayaw na nila akong huminga, ako na ang magpipigil para sa kanila." Bumigat ang paghinga ko, kasabay ng panginginig ng labi-puno ng hinanakit, nag-uumapaw ang galit.
Sunod ay hinawakan ko ng mahigpit ang aking lalamunan. Napaubo man ay hindi ako bumibitiw. Mahigpit, pahigpit nang pahigpit habang tuloy ang agos ng dagat sa mata. Kagaya ng talim ng salita na sumugat sa aking tenga ay dumiin lalo ang kalmot ng aking daliri sa lagusan ng hininga.
"Sen, tigilan mo na nga 'yan."
Nanghihina na ang magkabila kong braso. Para akong nabibingi, kadalasan sa katahimikan pero ngayon. . . sa unti-unting pakikipag-isa ng hininga sa kalawakan.
"Sen, mangangalay ka diyan."
Hindi na nanginginig ang labi ko dahil sa ulan mula sa paningin ngunit dahil sa pisikal na pagkawala sa sariling katawan.
"Sumandal ka nalang sa'kin."
Kaunti nalang. Alam ko, nakalibing na ang kalahati ng kaluluwa ko. Kaso may kumatok. Paulit-ulit, mabibigat-maingay. Natabunan ang boses ng katabi ko, tila naglaho sa kadiliman. . . o baka doon talaga siya nakatira.
"Rosenda?"
Ramdam ang sama ng loob sa bawat katok. Sa bawat kalabog ay ang pagpintig ng ugat sa aking tenga. Baka mabingi ako-sana mabingi nalang ako.
"Kakausapin ka raw ng Lola mo."
Hindi ko napansin, kanina pa pala nakalaglag ang ngalay kong braso sa aking magkabilang gilid. Nilingon ko ang katabi. Tahimik na siya, hindi man lamang umiimik na muntik ko nang akalaing nakakapagsalita talaga siya. Muling kumalabog ang pinto.
"Rosenda!!"
Umubo ako tsaka tumayo. Dahil sa kasanayan sa ganitong pangyayari ay hindi na ako nahirapang ayusin ang sarili ko. Nang matapos ay hinawakan ko ang doorknob. Bago lumabas ay inilibot ko ang paningin sa nananatiling madilim na kwarto-partikular sa sulok na kanina kong inuupuan. Gamit ang libreng kamay ay inilapat ko ang isang daliri sa aking labi, "Secret lang natin 'yun, ah?"
Sa kalagitnaan ng katahimikan, hindi sumagot ang pader-ang pader na natatanging saksi sa ginawa ko. Hindi man natuloy ngayon, ayos lang dahil sa pagpihit ko ng doorknob na ito ay isang kamatayan na rin naman ang sasalubong sa akin.
End.
━━━━━━━━ * ੈ✩‧₊˚ ━━━━━━━━━
[111621]
p.s my fave entry so far.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro