18: 2 weeks
Dalawang linggo na ang lumipas nang ginawa nila 'iyon' at natatakot pa rin si Baek sa mangyayari.
Biglaan na lamang sya nasusuka at naiisip nyang baka dahil lang sa mga amoy ng pagkain pero hindi pala yon ang dahilan.
Gusto na rin kumain ni Baek ng kung ano ano. Ngayong nagugutom sya ay pumunta kaagad sa kitchen para kumuha ng makakain.
Nasa banyo si Chanyeol at naliligo. Habang sya ay tapos nang maligo at kukuha na ng pagkain sa kitchen. Ang gusto nyang kainin ngayon ay kasoy.
Naalala nyang nasa itaas pala ng ref 'yon at kaylangan nyang abutin. Dahil maliit sya ay inabot nya 'yon gamit ng kamay nya lamang.
Di man lang nya naisipang gumamit ng upuan. Pilit nyang inaabot at nang maabot nya na ay nakita nyang pabaksak sakanya ang mga latang katabi ng kasoy.
Nararamdaman nya ang sarili nya na gustong kumalas kung nasaan sya pero hindi nya kayang umalis. Biglaan nalang sya nakaramdam ng ganito.
Di nya maigalaw ang katawan nya. Wala sa control nya ang katawan nya. Di nya alam ang gagawin. Hangga't sa mawalan sya ng malay.
Habang natapos na sa paliligo si Chanyeol. Nakarinig sya ng pagbaksak ng mga gamit kaya dali-dali syang pumunta sa kinaroroonan ng ingay.
Nakita nya ang isang Byun Baekhyun na nakahiga na lamang sa malamig na sahig at walang malay.
Dali-dali nyang dinala sa ospital si Baek at dinala sa emergency room.
Nang matapos ang pagpapagamot kay Baek ay lumabas na ang doktor para kausapin si Chanyeol. Tumayo sya kaagad at nagbow sa doktor.
"Mr.Park, si Mrs.Park ay nasa mabuting kalagayan. Pero sasabihin ko na sayo na lumalala ang kalagayan ng sakit nya." Ang sabi ni Dr.Zhang at tumango si Chan at pinagpatuloy pa ni Dr.Zhang ang sasabihin nya.
Kaya naman Mrs.Park ang sinabi ni Dr.Zhang dahil nilagay ni Chanyeol sa info ay 'Park Baekhyun' at natutuwa naman syang sinabi iyon ni Dr.Zhang
"Mrs.Park is pregnant for over 2 weeks na."
"A-ano po Doc?"
"You must be shocked pero totoo nga."
"Buntis ang soon-to-be-Park??"
Dali-daling pumasok si Chanyeol sa kwarto ni Baek at nakitang natutulog ng mahimbing ito kaya tumabi sya kay Baek sabay hawak ng kamay.
Kahit natutulog ito ay kinausap nya pa rin.
"Babe, i have good news for the two of us." Walang sagot si Baek at humihinga lang.
Nagpatuloy si Chanyeol.
"You've been carrying a little us for over two weeks." Baekhyun gasped. Tama gising talaga si Baek at nagtutulog tulugan lang.
"Seriously?" Dumilat ang mata ni Baek at sabay tingin kay Yeol na nakangiting manyak.
"Yeah. It's true." Hinalikan ni Chanyeol ang noo ni Baek.
"Sabay natin syang aalagaan. Sabay natin syang palalakihin. Sabay natin makikita ang anak natin." Tumango si Baek at pinunasan ang luha na patuloy pa rin sa pag-daloy.
"We'll make things better." Singit ni Baek.
"Let's just stay like this for a while."
"Sabi ko naman sayo. Paninindigan ko yan kapag nagbunga. And this is it." Bulong ni Chanyeol sa tenga ni Baek. Di nya pa rin mapigilan umiiyak.
"Pano naman ang trabaho mo? Chan, please promise me to never leave us."
"I will. And akalain mo bukas may singsing nang nakasuot dyan." Turo ni Chanyeol sa daliri ni Baek sabay wink ni Chanyeol. Todo kilig to the bones naman si Baek.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro