12: Same Section as Them
Kinabukasan ng umaga, tumayo na si Baekhyun sa kama at dumiretsyo sa banyo para maghilamos. Natutulog sya sa taas at si Chanyeol naman sa baba.
Madaming tanong ang sumasagi sa isipan ni Baekhyun at isa na doon ang kung anong section si Park Chanyeol na 'boyfriend' nya daw.
Ngayong bababa na sya ng stairs, may nakitang syang rose petals na naka-kalat sa stairs at pababa. Madaming rose talaga at nagtataka sya kung anong meron.
Bumaba sya at nakita si Park Chanyeol na may hawak na pulang rosas at lunapit si Chanyeol sakanya sabay bigay.
Nang mabigay sakanya ni Chanyeol ang mga rosas kay Baekhyun ay nilapit nya ang ulo nya sa tenga ni Baekhyun at bumulong.
"Happy 1st Monthsary Babe." Dumaan ang hininga ni Chanyeol sa katawan ni Baekhyun. Gulat naman ang expression ni Baekhyun at kaylan pa ba sila nagkaroon ng 'monthsary'
Niyakap sya ni Chanyeol at nakapatong ang ulo ni Chanyeol sa ulo ni Baekhyun. Di alam ni Baekhyun ang bibitawang salita at baka masaktan nya ulit si Chanyeol.
"Hahaha, Happy 1st Monthsary din 'Babe'." Diring diri pa rin si Baekhyun kapag tinatawag nyang babe si Chanyeol pero ngayon, kilig ang nadadama nya.
Ayaw ni Baekhyun na masaktan si Chanyeol kaya sinabi din nyang happy 1st monthsary kahit labag na labag sakanya dahil wala naman silang nagpag-usapan na relasyon sa isa't isa.
Nagyayakapan pa rin sila hanggang ngayon na para bang walang bukas. Kapag magkasama sila, nagiiba ang aura ng paligid at feeling nila na safe na safe sila.
Tila, di pa rin nila mapa-liwanag ang nararamdaman. Pero di pa rin nila masasabi na 'in-love' sila sa isa't isa.
Humiwalay na si Baekhyun sa yakapan nila dahil di nila namalayan na halos 30 minutes na silang magkayakap. Kahit ayaw nyang humiwalay pero kaylangan.
Pumunta sa sala si Baekhyun at nakita ang pagkain na hinanda ni Chanyeol para sakanilang dalawa. Hindi nya alam kung paniniwalaan nya ang puso nya.
Natatakot syang ma-fall sa isang aktor. Madaming rason at di nya maintindihan. Naiisip nyang baka ginagamit lang sya ni Chanyeol, pero ang iniisip nyang iyon ay di nya na pinalaganap.
Kinain na nila ang Pasta at Chicken na iniluto ni Chanyeol. Ang kwento naman ng aktor sakanya ay itinuro ng nanay nya ang pagluluto ng 'Italian Pasta' bago ang monthsary nila.
Natutuwa naman si Baekhyun habang nagke-kwento si Chanyeol at hindi nya mapigilang ngumiti. Naiisip nyang, swerte ang mapapangasawa ni Chanyeol in the future.
Swerte dahil naiisip nyang mabait din ang nanay ni Chanyeol. Naikwento din ni Chanyeol na meron syang nakakatandang babaeng kapatid at iyon si 'Park Yura'
Pinakita ni Chanyeol ang litrato ng kapatid nyang si Yura at nasabi naman ni Baekhyun na magkamukha sila. Pero sa kabila ng masasayang na-kwento ni Chanyeol, sinabi nya rin sa huli na may sakit ang kapatid nya.
Nalungkot bigla si Baekhyun nang marinig nya kay Chanyeol na may sakit pala ang nakakatandang kapatid na si Yura. Gusto nya sanang tanungin kaso, naiisip nya na baka masakit na nakaraan pala ang meron si Chanyeol.
Naisip ni Baekhyun na, hahayaan nya nalang na si Chanyeol ang magsabi sakanya ng sakit ng kapatid nya.
"Ah nga pala Chanyur." Napalingon lang si Chanyeol at akala ni Chanyeol na iniinis sya ni Baekhyun.
"Ooops! Shems, sorry di ko sinasadya!" Di alam ni Baekhyun kung bakit natawag nyang Chanyur si Chanyeol. Lumapit si Chanyeol at tinaas ang kilay nya at naghihintay ng sagot.
"Itatanong ko lang sana kung anong section ka." Lumapit lalo si Chanyeol at halos 2 inches nalang ang natitira at maglalapit na ang ulo nila. Kaya umatras ng konti si Baekhyun.
"Malalaman mo rin."
Pumasok sa kwarto si Baekhyun at di lumalabas simula nung sinabi ni Chanyeol iyon.
Dumating na ang tanghali at nagmamadaling nagayos si Baekhyun at dahil may shift sya ng 1 pm. Di nya nakita si Chanyeol sa baba at naisip nyang baka umalis sandali.
Dumating ang kotse nila Luhan at nakitang kasama si Kyungsoo sa loob. Sumakay na si Baekhyun at nagpatuloy na sa University.
Nang makarating na ang kotse ni Luhan sa University, sabay sabay na silang lumabas ng kotse. Sabay sabay rin silang pumunta sa classroom at siguradong may susulat na sila kaagad.
Nakaupo na ang magkakaibigan sa magkakatabing upuan at sila ang pumili nun kaya magkakatabi sila. Maraming absent ngayon at di nila alam kung bakit.
Pati ang katabi ni Baekhyun ay absent. Pero nakakahinga sya ng maluwag kapag wala ang katabi nyang iyon dahil saksakan ng kadaldalan.
Dumating ang prof at gulat na gulat dahil sa nakita nya. Halos sampung bata lang ang nasa klase nya. Mostly na absent ay ang mga nasa likod na katabi nila Kyungsoo, Luhan, at Baekhyun.
"Good afternoon class, nasaan ang iba at bakit absent sila? Anyone?" Tanong ng prof at lahat sila ay umiling at parang wala talagang alam.
"Okay, yun last time na sinabi ni Prof.Wu sainyong may new classmate ay alam nyo namang biro nya lang iyon. Pero this time totoo na." Seryosong sabi ni Prof.Kim, tama si Kim JoonMyun na ang bago nilang Prof. Dahil nga pinaalis na si Prof.Wu dahil laging free time at walang natutuhan ang mga students.
Kinakabahan ang tatlong magkakaibigan dahil parang alam na nila kung sino iyon. Halos hawak-kamay na ang tatlo at nagdadasal na wag sana si Park Chanyeol iyon.
"Tatlo ang new classmates nyo kaya be good to them." Nagtaka ang magkakaibigan at napaisip kung sino ang mga bago. Pero may 50% sila na si Park Chanyeol ang isa.
Sumenyas si Prof.Kim na pumasok na silang dalawa at sadyang laking gulat ng tatlong magkakaibigan na si Park Chanyeol nga talaga pero isang napakang maling balita ang isa.
"Hello, ako nga pala si Park Chanyeol, siguro kilala nyo na ako dahil sikat akong tao kaya di na ako magpapakilala ng kung ano ano." Sabay nag-bow si Chanyeol at tumingin kay Baekhyun sabay kindat. Halos nasusuka si Baekhyun sa ginawa ni Chanyeol.
Malakas na tilian at sigawan ang maririnig sa klase dahil kay Park Chanyeol. Halos lalo na ang mga fangirls ay nagsasabunutan.
"At ako nga pala si Kim Jongin, sigurado kilala nyo na rin ako dahil matagal na ako sa University na ito at nag-transfer lang sa ibang bansa."
"At ako naman si Oh Sehun, alam kong kilala rin ako dito pero nagpapakilala ako ngayon syempre baka may mga new rin. Kagaya lang ni Jongin ang reason ko, sabay kaming nag-transfer sa ibang bansa."
---------
(A/N)
MGA EXO Ls!!! Buhay pa ba kayo? Grabe sinong nakaabot ng LOVE ME RIGHT KANINANG 12 (KST)? Kasama rin ako dun, grabe dapat maga-update ako nito kaninang madaling araw kaso biglang naisip ko na lalabas na pala ang LOVE ME RIGHT.
GOODLUCK! WAG KALIMUTAN NA COMEBACK NA NILA BUKAS! SINONG MANONOOD? MANOOD NA RIN KAYOOO SA MNET LANG NAMAN! ^____^
SIGE UD AKO BUKAS DAHIL COMEBACK!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro