Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10: Enrollment

Nasa harapan na ng University si Baekhyun at Chanyeol, anong gagawin nila dito? Edi mageenroll.









Para kay Baekhyun, isang kababalaghan ang eenroll si Park Chanyeol sa University na pinag-aaralan nya. Naisip din nyang, hindi ba't masyadong stress na si Chanyeol sa trabaho nya para mag-aral pa muli?








Pumasok na sila sa sa loob ng University. Si Park Chanyeol na naka-shades, black pants at white shirt lang. Habang si Baekhyun naman naka-uniform, dahil hindi pwedeng pumasok ang student ng hindi naka-uniform kahit may ID pa.










Actually kanina pa naglabasan ang mga studyante dahil 5pm na ng hapon. At ang mga papasok naman ay ang mga pang-gabing shift na klase.







Ngayong walang tao sa lobby, dali-dali silang pumasok ng cashier office para mag-enroll kay Chanyeol at baka may makakita na sakanilang mga studyante.











Nagulat ang mga staffs sa loob ng cashier office dahil biglaang pumasok sina Baekhyun at Chanyeol. Sakto palang kumakain sila ng pagkain.








"Um yes Mr.Byun? Diba tapos na ang shift nyo kanina pang 4?" Nagulat din ang cashier. At tumango lang si Baekhyun as answer. Tumaas lang kilay nilang lahat at hinihintay ang sasabihin ni Baekhyun.











"Ma'am, eenroll ko lang sana tong kaibi----" naputol nanaman ang sasabihin nya nang magsalita ang nasa tabi nya.









"Boyfriend." Napa-smirk lang si Chanyeol dahil nakita nyang namumula si Baekhyun at sabay hawak sa kamay nya.










Binaba ni Park Chanyeol ang shades nya para makilala sya ng mga staffs at teachers. At sadyang laking gulat nila ng makita nila si Park Chanyeol.










"Sure! Sure! Pwede pang mag-enroll!" Umepal agad ang principal nila at sabay tayo agad. Eh kasi naman, fan ni Park Chanyeol ang principal nila.









Swerte ng principal, may libreng meet and greet sya kay Chanyeol. Napaka-laking fanboy ng principal nila! Halos nagmamayari ng fansites ni Park Chanyeol.









Naisip din kasi ng principal na, kung mageenroll si Chanyeol dito sa school ay siguradong rarami pa lalo ang mga mageenroll dito at magkakaroon na ng maraming studyante sa dorm.









Kumuha agad ng registration paper ang isa sa mga staffs at binigay ito kay Baekhyun with matching kilig. Nalilito si Baekhyun kung sino kinakikiligan nya, sya ba or si Park Chanyeol na katabi nya.













Pumunta sa may table ang dalawa at kumuha ng ballpen sa tabi nila. Nakita nila ang mga informations na kaylangan mafill up.










Tinuturo ni Baekhyun kung anong ilalagay ni Chanyeol sa mga informations na di alam ni Chanyeol. At nang matapos sila, binigay na ni Chanyeol ang registration paper sa principal.











Gustong itanong ng principal kung bakit naman kung kaylan patapos na ang klase at doon palang sya nagenroll, pero di nya nagawang itanong.









Nakita nya sa impormasyon ni Chanyeol na nakatapos naman sya ng highschool at nakatapos din ng 1st, 2nd, 3rd year of college. Kaso di nya natapos ang 4th year dahil nag-artista agad ito.











At sa sobrang busy at kasikatan nya, ay pina-stop muna sya ng company nila magaral dahil sobrang nakakastress ito.





Naalala ni Baekhyun ang first love nya habang nagsusulat ng impormasyon si Chanyeol kanina. Dahil ganun din ang ginawa ng first love nya.











Nag-enroll din ang first love nya dito pero di naman naging 'sila' sadyang napaka-sweet lang nila at sinasabi ng iba na mukha silang magkasintahan.










Isang aksidente ang nagpahiwalay sakanilang dalawa. Sa pagkakaalam ni Baekhyun ay sinabi ng mga magulang ng first love nya ay patay na sya. Pero gustong gusto sya ng mga magulang ng first love nya.








"Mr.Byun!" Sumigaw na ang principal nila at kanina pa pala sya tinatawag nito at dahil nagthrowback ang mga bagay sa isipan nya.









"Yes Sir!?" Gulat na gulat ang expression ni Baekhyun nang sumigaw ang principal at di namalayan na nakatulala na pala sya.








"Alam mo bang ilang beses na kitang tinatawag?" umiling lang si Baekhyun at nag-hihintay ng sagot.









"15 times na kitang tinatawag with additional, 20 missed calls and 14 messages. Panay tunog ng phone mo at wala ka parin sa sarili mo." napahawak lang sa noo ang principal at sabay tingin naman sa phone si Baekhyun at nakitang totoo nga ang sinasabi ng principal.









"Nga pala, pasado na yang kaIBIGAN mo." tinaasan ng tono ng principal ang word na 'IBIGAN' dahil sa balitang natanggap nya muna kay Park Chanyeol.









Natuwa naman si Baekhyun sa balitang narinig nya mula sa principal. At saka naman maglalabas na sana ng pera si Park Chanyeol kaso, parang may problema.










"Baek, alam kong masyadong nakakahiya to pero....wala akong dalang pera." nagulat din si Baekhyun at halos nanlalaki na ang mga mata nya. Hindi nya alam kung makakalabas sila nang hindi binabayaran ang tuition fee.









"Sir, pwede ba muna kaming bumalik?" kinakabahang tanong ni Baekhyun sa principal na ngayon ay nakakunot ang kilay.










"Sir, may kukunin lang kami." sinabi ni Park Chanyeol at alam nya naman na papayag ang principal dahil sakanya.









Sabay naman silang lumabas ng office at tumakbo na kaagad. Habang tumatakbo ang dalawa, may nakabanggaan si Baekhyun sa lobby at napaupo sya at sabay biglaan nalang nagulat.








"Ikaw..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro