Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Man of Her Dreams

Prologue

HUMAHANGANG pinagmasdan ni Roxanne ang mga larawan ng isang lalaki na nakakalat sa lamesita ng panganay na kapatid na si Torment. Napakaguwapo ng lalaki at parang modelo. Kahit saang anggulo tingnan ay masasabi niyang perpekto. Blue eyes pa. At weakness niya ang asul na mata. One day, when she's old enough to marry, she'll find someone like him. Maliit man ang tsansa na manahin ng magiging anak nila ang mga mata nito, gusto niya pa ring makapag-asawa ng lalaking blue eyes. 

Kung puwede nga lang na ang lalaking ito ang pakasalan niya, eh. Tila nangangarap na binakas niya ng hintuturo ang mukha ng lalaki sa picture.

Pero bakit may mga ganitong pictures si Kuya? may pagtatakang tanong ng dalaga sa sarili. 

Hindi naman iyon masagwa na mapag-iisipan niya ang kapatid na baka lumihis na ito at kasapi na ng federasyon. Ito kaya ang bagong trabaho na sinasabi ng kapatid na pinagkakaabalahan nito sa mga nakalipas na araw? They looked like surveillance photos. Private investigator na ba ang kapatid niya? As far as she knows, may trucking business ang kapatid niya. Bukod doon ay wala na siyang masyadong idea sa negosyo nito. At iyon naman ang gusto nito. Ayaw nitong inuusisa niya ito sa mga bagay na may kinalaman sa trabaho nito dahil para raw iyon sa kanyang kaligtasan. Pati nga ang pagbisita niya rito ay gusto rin nitong ipagbawal sa kanya noong una. Delikado raw kasi ang parati silang magkasama. Pero nag-umiyak talaga siya. Pumayag na nga siyang ipaampon nito sa tiyahin nila, iyon ba namang kaunting oras na makasama ito ay ipagmamaramot pa sa kanya? Pang-Oscar ang aktingan niya ro'n kaya bumigay ang Kuya niya.

"Hey," nakangiting lumabas ng banyo ang kapatid niya. Bagong paligo ito at nakatapi lamang ng tuwalya. "You didn't tell me you were coming over."

"Do I have to? May itinatago ka bang babae?" tumalim kaagad ang tingin niya rito.

Napahalakhak ito. Iyong halakhak ng barako. At barakong-barako talaga ang Kuya Tor niya. Mukha pang ramp model. Mahihiya sa kaguwapuhan nito sina David Beckham at Brad Pitt. At malamang kung pumayag ito sa minsang alok dito na maging modelo ay matagal ng nawalan ng career sina David Gandy at Tyson Beckford.

"Wala. Takot ko lang sa'yo," lumapit ito sa kanya at ginulo ang ibabaw ng kanyang buhok.

"Kuya, kagagaling ko lang sa salon."

"Kaya pala nangangamoy sunog ang buhok mo."

"Ano?" Inabot niya ang ilang hibla ng kanyang buhok at inamoy. Amoy-Vitress hair polish iyon. "Hindi kaya."

Tumawa ito na tila nang-aasar. Ang tawa nito ay kaagad ding naputol nang mapansin ang nagkalat na larawan sa kaharap niyang lamesita. Mabilis nitong sinamsam iyon. Hindi alintana kung nakatapi lang ito ng tuwalya. 

"Who is he, Kuya?"

"Nobody," may dismissal sa tono ng sagot nito. Na para bang sinasabi na hindi ito magsasalita kahit ano pa ang itanong niya.

Pinalobo na lamang niya ang magkabilang pisngi tanda ng inis. Gustong-gusto pa naman niyang makaalam ng impormasyon tungkol sa lalaki. Ang guwapo-guwapo kasi. Dala ang mga sinamsam na larawan ay tinalikuran na siya ng kapatid.

"Magbibihis lang ako. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa," nakangusong sagot niya.

"Magpa-deliver ka na lang. Hindi pa rin ako kumakain. Order anything you like."

"'Kay."

Tutunguhin na sana niya ang telepono sa katabing side table ng kinauupuang armchain nang mapansin niya ang isang bagay sa sahig. Parang may mga paru-parong nagliparan sa kanyang tiyan at mabilis na dinampot iyon. Nauntog pa siya sa gilid ng lamesita sa pagmamadali niyang madampot ang nakataob na papel. Baka kasi mahuli siya ng Kuya niya hindi niya maitatago rito ang picture.

Nang itihaya niya ang picture ay ganoon na lamang ang tuwa niya. Medyo close-up shot ang larawang nakuha niya.

"Yey," kaagad niya iyong inilagay sa kanyang wallet. May picture na ako ni crush.

Hindi siya makapaniwala sa inaakto niya sa mga oras na iyon. Para siyang dalagita na bago pa lamang nagka-crush.

Idinayal niya ang numero ng isang kilalang Mexican Restaurant. She missed eating Mexican chicken pasta and the crispy churro chips in cheesecake dip. At alam niyang paborito rin ng kapatid ang Mexican food. Kabababa niya pa lang sa telepono nang lumabas sa kuwarto si Torment. Nakasuot ito ng kupasing maong at puting t-shirt. Nakapaa lang ito habang naglalakad sa makinis na parquet flooring ng bachelor's pad nito.

"Did you order?" he asked.

"Yup. Mexican food."

"Perfect. How's school?" Naupo ito sa katapat niyang sofa.

"Hm, great."

"Glad to hear it. May boyfriend ka na?"

"Ahm," umiwas siya ng tingin at lihim na napangiwi.

"May pupugutan na ba ako ng ulo?"

Umirap siya. Kung mahigpit siya sa pambababae nito, mas mahigpit ito sa kanya pagdating sa pakikipagnobyo.

"Wala na."

"Anong wala na?"

"As of this moment, I am declaring myself boyfriend-less."

"Boyfriend-less? Nag-aaral ka ba talaga o puro pakikipag-boyfriend lang ang inaatupag mo? Anong klaseng wording 'yon? Boyfriend-less. Psh."

"Grabe ka naman, Kuya. Hindi, 'no? At may word na boyfriend-less. Sa vocabulary ko," pa-cute niya itong nginisihan.

"Ayusin mo lang. Ayaw kong mabalitaan kay Mama na nagloloko ka sa pag-aaral at talagang ibibitin kita sa puno ng makahiya."

"May puno ba ang makahiya?"

"Maghahanap ako para sa'yo."

Nginisihan niya lang ito. Ganoon naman ito sa kanya. Pero alam niyang love na love siya nito at hindi siya nito kayang lapatan ng kamay.

"Kumusta na nga pala si Mama?" 

Ang Mama na tinutukoy nito ay ang tiyahin nila na siyang nagpalaki sa kanila magmula nang sila'y maulila sa kanilang mga magulang. Their parents' death was tragic. Bata pa siya nang mangyari iyon kaya wala pa siyang masyadong kamuwang-muwang. They were burned to death. And their death was witnessed by her brother. She would have been there with her parents that day if she wasn't sick. Ngunit mataas ang lagnat niya nang araw na iyon kaya naiwan siya sa pangangalaga ng bunsong kapatid ng kanilang ina na tinatawag nilang Mama Raquel. Samantalang ang Kuya Tor niya naman ng mga panahong iyon ay nasa training camp kasama ng iba pang anak ng mga kaibigan ng parents nila. He would have died that day, too, kung hindi ito nakatakas sa mga taong nagtangkang iligpit ito kasama ng kanilang mga magulang.

Marami siyang tanong kung bakit nangyari ang lahat ng iyon sa kanilang mga magulang. Kung bakit ganoon na lamang kalupit ang kamatayang sinapit ng mga ito.

When she's old enough to understand, they told her everything. Naging madalang na rin ang pagkikita nilang magkapatid magmula noon. Mapanganib raw para sa kanila ang magkasama dahil hindi pa rin tumitigil sa paghahanap ang mga taong gustong pumatay sa kanila. Hindi niya alam kung sino ang mga taong iyon. Ang tanging alam niya lang ay matindi ang pagnanais ng mga taong iyon na ubusin ang lahat ng kasapi ng organisasyong kinabibilangan dati ng kanilang mga magulang sampu ng mga anak-anak ng mga ito.

"Mama is okay," sagot niya makaraan ang pagpatlang ng maikling katahimikan. "But if you're really worried about her, why don't you come and visit sometime?"

"I can't. I'm very busy these days I hardly had time to take a shower."

"Busy with what? Are you following that man in the picture? Kalaban ba siya o kakampi?"

"Neither."

"Can you please elaborate."

"I can't. How many times do I have to remind you to stay out of my business?"

"You know I won't stop asking until you explain everything."

"If it concerns you, yes. But this has nothing to do with you so let it go, okay? Stop being a brat."

Inirapan ni Roxanne ang kapatid saka lumabi. "I am not a brat."

"From time to time, you become one. And proving to be a very hard-headed one, too."

"Hmp! Mabuti na lang guwapo ka, kung hindi ka guwapo ay matagal na kitang itinakwil na kapatid."

Pumalatak lang ito. Pagkatapos ay narinig nila ang pagtunog ng buzzer sa labas ng pad.

"I'll get it. Baka ang food delivery na 'yon," ani Torment na kaagad tumayo upang tunguhin ang pinto. "Can you clear the table please?"

"Which table?"

"Whichever you prefer."

Ayos na sa kanya na sa sala na lamang sila kumain. Pero sa dami ng in-order niya ay imposibleng magkasya iyon sa ibabaw ng center table.

"Aba, may bisita ka palang artista."

Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang dalawang lalaki na  kasunuran ng kanyang kapatid. Sina Scythe at Ominous. Kaibigan ang mga ito ng Kuya niya at parehong kasama sa training camp nang panahong mangyari ang masakit na trahedya sa mga magulang nila. At tulad nilang magkapatid, namatay rin sa trahedyang iyon ang mga magulang ng mga ito.

"Hi, Rox," bati sa kanya ni Ominous.

"Hi, Omi."

"Ako, walang hi?" ani Scythe na kaagad naupo sa armrest ng kinauupuan niya.

Dumila lang siya na parang bata. Sa lahat kasi ng kaibigan ng Kuya Tor niya ay ito ang pinaka-mapang-asar kaya paminsan-minsan ay gumaganti siya rito.

"Ilan na ang boyfriend mo?" tanong ni Karit.

"Ilan? Grabe ka, igagaya mo pa ako sa'yo. Kaliwa't kanan ang pambababae."

"Ano? Sinong makating dila ang nagsabi sa'yo n'yan? Hindi 'yan totoo at isa 'yang paninirang-puri sa napakalinis kong reputasyon."

"Malinis daw. Baka nga kahit isang baldeng bleach ang ibuhos sa'yo ay hindi ka mangangamoy-malinis, 'no?"

"Grabe ka talaga sa akin. Kapatid ka ba talaga ng bestest bestfriend ko?"

Natutop niya ang bibig nang muntik na siyang mapahalakhak ng tawa. Katono kasi ng pagsasalita nito si Pumbaa.

Mauupo na sana si Torment nang muling tumunog ang buzzer. Muli itong bumalik sa pinto. Siya naman ay tumayo na para magtungo sa komedor. Ngayong may kasama sila ay tama lang na sa dining room na sila kumain. Ang lalaking mama pa naman ng mga kasama niya. Halos mga six-footer. Siya nga kung hindi lamang siya naka-heels ay magmumukha siyang dwarf sa presence ng mga ito.

Inihanda niya ang mesa. Naglabas siya ng mga plato, kubyertos at baso.

"Ahem."

Muntik na siyang mapapitlag sa gulat nang sumungaw ang ulo ni Scythe sa may tagiliran ng kanyang mukha. Hinampas niya ito sa braso.

"Nakakagulat ka."

"Mayroon akong napulot. Kanino kaya 'yon?"

"Napulot na--" kinapa niya ang wallet sa kanyang bulsa. 

Pagtingin niya kay Scythe ay itinaas nito ang bagay na tinutukoy nito--ang kanyang pitaka.

"That's mine. Give it."

"Sa'yo ba talaga 'to?"

"Oo, akin 'yan." Nag-uumpisa na siyang kabahan dahil baka aksidenteng malaglag doon ang isinipit niyang picture ng lalaki kanina. Mabubuking siya. At tiyak, lagot siya sa Kuya Tor niya.

"Aber nga, kung sa'yo 'to anu-ano ang laman nito?"

"My driver's license, credit cards, school ID and some dollar bills."

"'Yon lang?" ngingisi-ngising tanong nito.

"Karit, isa! Akina sabi," nagsisimula ng mag-init ang kanyang pisngi. May palagay siyang nasilip na nito ang pinakatatago-tago niyang picture roon.

"Parang kilala ko 'yong pic--" mabilis niyang hinablot ang pitaka sa kamay nito.

Noon nama'y papasok na ng komedor ang kapatid niya at si Ominous.

"Don't breath a word, or else," pinaningkitan niya ng mga mata si Scythe.

"Or else, what?"

"Hindi na kita bati."

Napahalakhak ang bruto.

"Let's eat. I'm famished," ani Torment.

Magkakatulong na inayos ng mga ito ang pagkaing bagong deliver. Mabuti na lamang pala at marami siyang in-order na pagkain.

Habang kumakain sila ay parang nilalaro ng dimonyo ang kislap sa mga mata ni Scythe. Napasimangot si Roxanne. Sigurado siyang may naglalarong kalokohan sa kukote nito.

"May sikreto akong natuklasan, hindi ko sasabihin. Pero kapag pinilit ako, sasabihin ko rin."

Sa inis ay malakas na sinipa ni Roxanne ang paa ni Karit.

"Aw! May alaga ka bang kabayo rito, Torment?"

"Bisirong toro," sagot naman ng kanyang kapatid.

"Ah, kaya pala. Muntik na akong suwagin kanina."

Isang matalim na irap ang ibinigay niya rito.

At dahil pare-parehong barako ang mga kasalo niya sa pagkain, mabilis na natapos ang mga ito. Mukha ring may importanteng pagpupulungan ang tatlo kung kaya't hindi na rin siya nagtagal at nagpaalam na sa kapatid.

Ngunit bago umalis ay may pahabol na pang-aasar si Scythe.

"Magsabi ka lang kapag kailangan mo pa ng picture. Ikukupit kita kahit sampu."

"Tse!"

But through the years, ay ginawa ni Scythe ang ipinangako nito. Nalaman din niya kung ano ang pangalan ng lalaking 'yon.  Paul John dela Costa.

-

let's begin :)

frozen_delights















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro