Kiss
Chapter Three
"DADDY!"
Biglang nanlamig si Roxanne at parang na-estatwa sa gitna ng silid kung saan siya rumarampa katulad ng mga modelo. Sa sumunod na sandali ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang marahang yabag na papasok ng silid.
He's home! Oh, gosh. I hope he didn't see me looking like an idiot.
"How's my princess?" Kinarga ni PJ ang anak at pinaghahalikan sa pisngi at leeg.
"It tickles, Daddy."
"I'm sure it does."
Habang sabik na nag-uusap ang mag-ama ay pasimple naman niyang inayos ang sarili at kaswal na naupo sa naroroong couch. Malaki ang silid ni Tatiana. Sa palagay niya ay dalawang silid ang katumbas na laki niyon. At para sa isang bata ay napakalaki ng walk-in closet nito na puno halos ng mga mamahaling damit, accessories at sapatos. Tatalunin nito sa pagka-fashionista ang mga anak ng A-listers sa Hollywood.
Ang kama nito ay four-poster canopied bed. Baby pink and white ang buong color scheme ng silid. May magandang mural design ng fairies na nakasuot ng tutu at sumasayaw sa malaking parte ng dingding. Maraming laruan na iba't iba ang laki. Mayroon pa nga itong Teddy bear na kasinlaki yata nito. Regalo raw ng kanyang Uncle Teagan. Mayroon itong sitting area sa isang panig ng silid na tila maliit na sala. They had a tea party earlier bago ito naglambing sa kanya na gusto raw nitong makakita ng modelong rumarampa sa catwalk. At pinagbigyan naman niya. Hindi niya inaasahang biglang darating si PJ.
"Hi," nakangiting baling sa kanya ng lalaki.
"Uh, h-hi." Pinagalitan niya ang sarili dahil nauutal na naman siya.
"Pinasusundo na kayo ni Mama. Oras na ng hapunan."
Ngumiti siya at tumango. Wala sa loob na napasuklay ang mga daliri sa alun-along buhok atsaka tumayo. Parang ayaw na muna niyang magsalita, pakiramdam niya ay nagbubuhol-buhol ang kanyang mga internal organs. Tapos ang dila niya laging umuurong.
"Let's go downstairs."
Nauna ng maglakad si PJ patungo sa pinto. Buhat-buhat pa rin nito ang anak. Sumunod na siya sa mga ito.
"Lady first," ani PJ nang buksan ang pinto.
"Thank you," she sighed in relief.
Ngunit pagdaan niya sa tabi nito ay hindi sinasadyang nagdaiti ang kanilang mga braso. Muntik na siyang mapapitlag sa gulat sa tila kuryenteng dumaloy sa kanyang balat. Pinilit niyang balewalain iyon at nagkunwaring walang kakaibang nangyari.
Bumaba sila ng hagdan na tila isang buong pamilya. Isa man iyong pag-iilusyon sa parte niya, lihim siyang kinilig sa napi-picture na larawan nila.
"Wow, the three of you looks wonderful together, like a one happy family."
"Mama, stop," saway ni PJ sa ina. "You'll make our guest feel uncomfortable."
"She's a good sport," irap dito ni Margie dela Costa. "Not like someone I know."
"Have a seat, hija," anang padre de familia na si Paulo. "Huwag mo na silang pansinin. Sigurado akong tulad ko ay gutom ka na."
Maraming pagkain ang nakahain sa hapag. Sa isang ordinaryong pamilya ay maituturing na iyong parang piyesta. Merong putahe para sa vegan, mayroon ding isda at iba't ibang luto ng karne.
"My son loves beef salpicao," ani Margie. "How about you, Roxanne? Ano ang paborito mong pagkain o ulam?"
"Uhm, marami po, Tita. Pero ang matagal ko na talagang nami-missed ay 'yong sinigang sa miso ni Mama."
"Like salmon?"
"Opo."
"Okay, next time ipagluluto kita."
Nagulat siya. Pero kasunod noon ay ang hindi maipaliwanag na tuwa sa dibdib niya.
She enjoyed their dinner and she also enjoyed the company of the dela Costas. Ramdam niya rin ang nabubuong attachment sa kanya ni Tatiana. At ganoon din naman siya sa bata. Hindi naman siya bias dahil lamang anak ito ng lalaking nagugustuhan niya. Pero hindi niya rin alam kung bakit ang gaan ng loob niya rito. Dahil kaya napakaganda nitong bata? O dahil likas itong malambing?
Nang magpaalam siyang uuwi na ay parang gusto pang umiyak ni Tatiana.
"Can you stay a little bit more?"
"Princess, it's late. And you should be in bed, too, by now," ani PJ.
Napalabi ito at nagsimulang magluha ang mga mata.
"Uhm, how about I tucked you into bed before I leave?" tumingin siya kay PJ para hingin ang permiso nito.
"Uh, yeah. Yeah, I think that would be a good idea. What do you think, princess?"
Agad na nagliwanag ang mukha ng bata. "'Kay."
Masaya nitong inabot ang kamay niya na halos hilahin na siyang paakyat sa silid nito. Tinulungan niya itong maghilamos at mag-toothbrush bago magpalit ng pantulog. Paglabas nila ng walk-in closet ay naroroon na si PJ at ina-adjust sa tamang lamig ang aircon. Kiming nginitian niya lang ito.
"Do you want me to read you a story, princess?"
"No, Daddy. I want Tita Rox to read me a story."
"Aw, I'm hurt," madamdamin kunwang tinutop ni PJ ang dibdib saka pasimpleng kumindat sa kanya.
Tumalon yata ang puso niya sa ginawa nito.
"You don't want Daddy anymore," madramang sabi pa ni PJ.
Na lihim namang ikina-aaliw ni Roxanne. Nakakatuwa pala itong makipag-interact sa anak.
"No. Just for tonight, Daddy, okay?"
Nag-isip pa kunwa si PJ. "Hmm, alright. As you wish."
"Okay, you can go now."
Kunwari'y shock na napasinghap si PJ. "I can't believe this. My baby no longer needs me."
"Go, Daddy. Good night."
Naiiling ngunit may ngiti sa labi na yumuko si PJ at hinagkan sa noo ang anak. "Good night, then. I love you."
"I love you, too, Daddy."
Tinungo na ni PJ ang pinto. Ngunit bago lumabas ay lumingon ito sa kanya. "I'll drive you home."
Sasagot pa sana siya na hindi na nito kailangang mag-abala dahil puwede naman siyang mag-taxi na lang. Ngunit nakalabas na ito ng pinto.
"Can you read this for me, Tita Rox?"
Si Tatiana na ang kumuha ng librong gusto nito mula sa shelves. May complete set ito ng Disney Princess Story Book. Nang tingnan ni Roxanne ang libro ay napangiti ang dalaga.
"You like Mulan?" aniya.
"Opo. She's brave and tough, like me."
"Oh, like you, huh?" she tickled her under her chin.
Napahagikhik ito.
"Okay, into bed now," tinapik niya ang kama.
Kaagad naman itong sumampa roon. Inayos niya ang kumot nito at marahang sinuklay ng mga daliri ang mahabang buhok bago inumpisahang basahin ang libro. Bago pa niya natapos ang pagbabasa ay namimigat na ang talukap ng mga mata nito.
"Good night, brave princess," magaan niya itong hinalikan sa noo.
Maingat siyang bumaba ng kama atsaka muling inayos ang kumot ni Tatiana. Paglabas niya ng silid ay pumasok ang yaya na nag-aalaga rito. Minsan daw kasi ay nagigising sa hatinggabi ang bata at naghahanap ng kasama kaya naman pinasasamahan ito sa yaya na mayroong sariling higaan sa kuwarto.
Pababa na siya ng hagdan nang bumukas ang pintong katapat ng silid ni Tatiana.
"Wait up," ani PJ.
Looks like he just showered. He also changed into a white shirt and faded jeans and a pair of white sneakers. He looked expensive, nonetheless.
And delish, pilyang tugon ng isang panig ng isip niya.
Mabilis siyang nagbawi ng tingin nang maramdamang uminit ang magkabila niyang pisngi kapilyahang naisip. Parang gusto niyang alugin ang sarili. Ano na lamang ang iisipin nito sa kanya kung mababasa nito ang kanyang iniisip?
He'll probably think you're a perv, she thought.
"Ready?"
"Ah, you don't have to, really. I know you're tired at mas maganda siguro kung magpapahinga ka na lang."
Matagal itong napatitig sa kanya. Na-conscious siya.
"I appreciate the concern," sabi nito na nagsimulang humakbang palapit sa kanya.
Her feet moved backward of their own accord. Muli itong humakbang palapit. Napaurong na naman siya.
"W-what are you d-doing?"
"I made a promise to myself earlier."
"What p-promise?"
Patuloy ito sa paglapit habang siya naman ay panay ang urong. Hanggang sa maramdaman niya ang pagbangga ng kanyang likuran sa balustrade.
Napasinghap siya at nahintakutang napalingon sa kanyang likuran.
"Careful," he grabbed her by the waist and pulled her close.
She didn't know which surprised her more. Ang sobrang pagkakalapit ng kanilang mga labi o ang tila spark ng kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan.
"I-I-I, I'm okay. You can l-let go now if you will just move a little f-far back."
"Do I make you feel uncomfortable?" he grinned, a glint of mischief was visible in those clear blue orbs.
Pakiramdam niya ay nakatitig siya sa kulay asul na karagatan. Ang ganda-ganda ng mga mata nito. At kung hindi niya mapipigilan ang sarili, baka malunod siya.
Bahagya niya itong itinulak sa dibdib. Hindi naman ito tumutol. Pero bahagya siya nitong hinigit palayo sa balustrade bago tuluyang dumistansya sa kanya. Saka lamang siya parang nakahinga nang maluwag.
"L-let's go. It's getting late, mapupuyat ka na. May pasok ka pa tiyak bukas."
"I'm the boss. I can take a day off."
"Ooh-kay."
"But thanks for the thought, I do appreciate it."
She didn't reply. Sabay na silang bumaba ng hagdan.
"You're going home now?" nakangiting salubong sa kanila ng Mama ni PJ.
"Yes, Tita. Thank you for the delicious dinner. I enjoyed it."
"Oh, anytime, dear. We'll be happy if you could join us again."
"That's for sure, Tita. Good night po."
"Good night."
"Ako na ang maghahatid kay Roxanne, Mama."
"Wonderful. Drive carefully, okay? Looks like it's going to rain."
"Will do, gorgeous."
Matapos humalik sa pisngi ni Margie ay lumabas na sila sa mansion ng mga dela Costa. Naghihintay na ang sasakyan sa driveway--a Porsche Panamera Turbo. Ipinagbukas siya ng pinto ni PJ sa passenger side at ito naman ay umikot patungo sa driver seat.
"Salamat, Mang Mario."
"Walang anuman, Sir. Ingat po kayo."
Pinatakbo na ni PJ ang sasakyan. Hindi niya maiwasang ikumpara ang binata sa sasakyan nito. And the way he drives it is very smooth and comfy. Hindi kaskasero na katulad ng iba lalo pa nga at ang minamaneho nito ay isang mamahaling modelo ng sasakyan. Ang ibang driver na magmamaneho ng ganoong klase ng sasakyan ay natitiyak niyang para ng hari ng kalsada sa mga oras na ito. Pero ito ay kaswal lang at relaxed. At naisip niyang siguro ay dahil hindi na bago rito ang nakamulatan nitong luxury. Kahit ang kaibigan niyang si LJ ay hindi niya kakikitaan ng yabang o pagiging airhead.
Nagsimulang pumatak ang ulan sa kalagitnaan ng kanilang biyahe. An hour later when they reached her townhouse it was already raining cats and dogs.
"Would you like to come in para magpatila muna ng ulan?"
Tila tinantiya ni PJ ang malakas na buhos ng ulan at ang paminsan-pinsang pagkulog at kidlat bago sumagot.
"That's not a bad idea. Sure."
Pinapasok na niya ang sasakyan nito sa garahe. Hindi na siya nagtaka sa pagbuhos ng malakas na ulan dahil sa nakalipas na halos isang linggo ay napaka-alinsangan ng panahon.
"Have a seat. Would you like a cup of coffee... or beer?"
"You drink beer?"
Mabilis siyang umiling. "Nah. Pero kapag naggo-grocery ako ay kasama na talaga siya sa list dahil minsan ay sumusulpot na lang dito basta si Kuya Tor."
Pagkarinig sa pangalan ng kapatid niya ay parang nagkaroon ng automatic switch ang maliwanag na aura sa mukha ni PJ. Nagtiim ang mga labi nito at tila biglang dumilim ang kanina lamang ay may kislap ng kapilyuhang mga mata.
"I think I'll go for a cup of Joe."
"S-sige. Sandali lang at magtitimpla ako. Make yourself at home."
Pumasok siya ng kusina. Her townhouse is a modest three-bedroom with a spacious dining and kitchen. Regalo iyon ng kapatid niya nang malaman nitong decided na siyang permanenteng manatili sa bansa.
Nalingunan niyang papasok ng kusina si PJ. Outside her window she saw lightning flashing the dark skies. Nang muli niyang lingunin si PJ ay nagulat pa siya nang makitang ilang dangkal na lamang ang layo nito sa kanya.
"Remember what I told you a while ago?"
"A-about the p-promise?"
"Uh-hmm."
"What... about it?" she bit the tip of her tongue to stop herself from stuttering.
"It's this," he grabbed her by the waist and pulled her.
Bago pa siya makakurap ay bumaba ang mga labi nito sa kanyang mga labi at mapusok na sinakop iyon. Halos mabingi siya sa lakas ng pintig ng kanyang puso. His lips were soft and tasted like mint. Then he pried her lips and his tongue slid inside, exploring her mouth and tasting her. Unti-unti na siyang nawawala sa huwisyo sa pinagsasaluhan nilang halik nang maalalang hindi pa siya nakakapag-toothbrush!
Her reaction was instantaneous. Malakas niya itong naitulak sa dibdib.
"Whoa," halatang nagulat na reaksyon ni PJ. Itinaas nito ang dalawang kamay na parang sinasabing hindi ito mamimilit kung ayaw niya.
"I'm sorry. I-it's just that I haven't brush my teeth yet."
Napahalakhak ito. Siya naman ay napangiwi sa hiya.
"Your tongue tastes sweet, though."
Parang apoy na biglang nagliyab ang pakiramdam niya sa magkabilang pisngi.
"So t-that's your promise?"
"When I heard my daughter laughing and giggling again, naisip ko na sinuman ang responsable sa labis na katuwaan ng anak ko ay bibigyan ko ng halik."
"Oh," napaglapat niyang paloob ang kanyang mga labi. At bigla niyang naibulalas: "Paano pala kung si yaya?"
"Then," he shrugged his shoulders. "... lucky her."
"Yabang."
Tumawa lang ulit ito.
Tinapos na niya ang pagtitimpla ng kape. Sa breakfast nook na nila iyon ininom habang pinapanood ang tila flashes ng camera sa papawirin.
"I don't think this rain will stop anytime soon," aniya.
"Do you mind if I stay over for the night?"
Natigilan siya.
"I can sleep in my car as long as there's a roof and a safe shelter for me from flood, makakatulog na ako nang mahimbing."
Inirapan niya ito.
"I have one guest room. You can sleep there," nakangiting sabi niya rito.
"Sure?"
"Oo nga, ang kulit."
Muli itong tumawa sa sinabi niya.
-
rainy evening and a hot guy for company.
hmm, the possibility is endless😁😁😁
always awesome and naughty,
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro