Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Cold Eyes

©photo credit to the owner.


Chapter One

SINIPAT ni Roxanne ang mukha sa head view mirror ng kanyang kotse. Hindi pa nakuntento at inilabas niya ang kanyang compact mirror para masigurong perpekto at walang maipipintas sa kanyang make-up. She wants to look her best. Even though she knows it won't make any difference dahil natitiyak niya namang hindi siya tatapunan man lang ng tingin ng taong gusto niyang makapansin sa kanya.

Shut up, brain. You're not here because of him. You're here for your friend, she reminded herself.

Araw iyon ng binyag ng triplets na anak ng kaibigang si LJ. Isa siya sa mga ninang. Hindi na siya nakaabot sa simbahan ngunit pinilit niyang humabol kahit sa reception. Sa bulwagan ng isang malaking hotel ginanap ang reception dahil ayon na rin kay LJ, napakaraming bisita ng magkabilang pamilya. Bagaman gusto sana ng mag-asawang LJ at Teagan na isang intimate gathering na lamang iyon. Pero ang pamilya pa rin ng mga ito ang nasunod. 

As soon as she entered the function hall, her heart hammered inside her rib cage. Excitement, nervousness and anticipation. Sabay-sabay niyang naramdaman iyon habang inililibot ang tingin sa bulwagan. And there, her eyes zoomed in at the man who's been a constant visitor of her dreams. Nahigit niya ang paghinga. At tila domoble ang bilis ng tibok ng puso niya nang mapalingon iyon sa direksyon niya at magtama ang kanilang mga mata.

Paul John dela Costa. Ang lalaking kabuuan ng kanyang mga pangarap. Nagpaalam iyon sa kausap at nagsimulang maglakad patungo sa kanya.

Oh, crap. Be still, my heart, wala sa loob niyang nadala sa tapat ng dibdib ang isang kamay para sawayin sa pagwawala ang pintig ng kanyang puso.

Kailangan niyang kalmahin ang sarili dahil baka bago pa ito makalapit sa kanya ay bigla siyang matunaw sa kinatatayuan niya mismo.

Relax, take a deep breath. Inhale, exhale. Good, you're doing great, Roxy. You will do just fine.

"Hi."

Sumalubong sa kanya ang pinaka-asul na pares ng mga matang nakita niya in her entire existence. And he's quite tall, too. Probably above six feet. Matikas din itong magdala ng damit, parang iyong mga ramp model. And to be this up close and personal with him amidst the throng of guests was overwhelming. Talo pa niya ang na-starstruck sa hinahangaang Hollywood actor.

Nang tumikhim ito ay dumagsa ang init sa buo niyang mukha. Pinilit niyang hamigin ang sarili at hanapin ang nawalang composure.

"H-hello," wala sa loob na inipit niya sa likod ng tenga ang ilang hibla ng buhok. Senyales ng nadarama niyang nerbiyos.

"Are you looking for my sister?"

"Uh, yes. I was, uhm..." bigla siyang nablangko nang mapatitig sa mga mata nito.

"Traffic?"

"Y-yes, yes. You're right," tumawa siya para mapagtakpan ang kaba.

Ngumiti ito. Hindi niya maiwasang pansinin na sa kabila ng ngiting nakaguhit sa mga labi nito ay may kung anong malamig na emosyon sa likod ng asul nitong mga mata.

"She's right over there," ikiniling nito ang ulo sa direksyon ng kinaroroonan ng kapatid.

Napangiti siya. Busy si LJ sa pag-i-entertain ng mga bisita.

"Do you want me to take you to her?"

"Oh, no. It's okay, if you'll excuse me." Nagpaalam na siya rito bago pa tuluyang magkalat ng kapalpakan.

And here she thought she already outgrew her silly crush for this man. Mas lumala pa yata at naging full-blown love virus na.

Heaven forbid, no, mariing kontra ng isip niya. 

Her Kuya Tor warned her to stay as far away from him as possible. Ayaw nitong magkaroon siya ng anumang interes kay Paul John dela  Costa. 

Pero noon pa naman iyon, pagkontra ng isang bahagi ng utak niya. Ano ang malay mo, baka nagbago na ang stand niya tungkol doon?

Napailing siya. Nilapitan niya si LJ at inihanda ang isang matamis na ngiti.

"Hey."

Nagliwanag ang mukha ni LJ pagkakita sa kanya. "Hey, yourself."

"Congratulations for having three adorable angels," masayang bati niya sa kaibigan. Sa video chat lamang sila nagkausap na magkaibigan nang isilang nito ang triplets.

"Thank you, Rox. Akala ko hindi ka makakarating."

"Naku, puwede ba 'yon? Nagprisinta pa nga akong ninang, di ba?"

"Oo nga. At magtatampo talaga ako sa'yo kung hindi ka dumating."

Nagbeso-beso silang magkaibigan. Ipinakilala siya nito sa ibang guests, partikular sa mga binatang naroroon. At sa bawat pagpapakilala nito sa kanya ay may kabuntot na: "She's single and ready to mingle." Na ikinakangiti na lamang niya sabay iling.

Her friend can be really naughty sometimes. At hindi naman obvious na inilalako na siya nito sa marriage market.

"Aunt Lauryn!" 

Isang bata ang nakita niyang tumatakbo palapit sa kanilang magkaibigan. She tripped and almost fell but she bumped into her and prevented her fall.

"Oops, sorry."

Natapon sa suot niyang damit ang alak na iniinom niya nang agapan niya itong saluhin.

"I am so sorry, Miss. Terribly sorry."

"It's okay, it's okay," nakangiting wika niya. She looks so worried. "No harm done."

"But I ruined your dress," mangiyak-ngiyak na nakatingin ang bata sa damit na natapunan ng inumin.

"It's alright. It's not worth crying over," pang-aalo pa ni Roxanne. "You are very pretty, don't cry."

"Don't worry, sweetheart. I have plenty of dresses that Tita Rox can borrow," ani LJ.

"Okay," napayakap ang bata sa kanyang kaibigan.

"She is very pretty. Kaninong anak 'yan?"

"My niece, Kuya PJ's daughter."

"Oh," nagulat siya sa narinig. Pagkuwa'y may bumahid na lungkot sa kanyang mga mata nang tumingin sa bata.

Nabalitaan niya kay Scythe na ligtas na nailabas ng mga ito sa poder ng Mafia si Paul John. But in doing so, there was a collateral. Paul John's wife died. 

"You're still very young to--" Roxanne clamped her mouth shut before she finished her words. Muntik na niyang mabanggit ang isang maselang bagay.

"Let's go to our private suite, Rox. I have some spare dresses you can try on, hindi naman nagkakalayo ang size natin before I gave birth so I'm sure may kakasya sa'yo."

"Thanks."

"Can I come with you, Aunt Lauryn?" malambing na tanong ng bata.

"Of course, sweetie," hinawakan ni LJ sa kamay ang pamangkin. Habang naglalakad sila ay ipinakilala ito sa kanya ng kaibigan. "Tita Rox is a very good friend of mine."

"Pleased to meet you po," bibong wika ng paslit.

"The pleasure is mine, Tatiana. Mukhang hindi pa siya masyadong sanay mag-Tagalog, ano?"

"Hindi pa talaga. But she's learning the basics, lalo na ang po at opo."

Lumulan sila ng elevator paakyat sa presidential suite na ino-okupa ng pamilya ni LJ. Naramdaman niya ang paghawak ng isang munting palad sa kanyang kamay. Nang tingnan niya iyon ay napangiti siya. Bahagyang nakatingala sa kanya ang maamong mukha ni Tatiana. Nginitian niya ito. Gumanti ito ng ngiti. Napakaganda talaga nito. At hula niya, namana ng bata ang ilang facial features ng ina. Para kasing wala itong nakuha sa hitsura ni Paul John.

"Your hand is very soft but cold," wika nito.

"Oh. Was it bad?" napangiwi siya.

"No. Mommy told me that people with cold hands are actually good people with warm hearts. They just don't know how to show it."

"Wow. That's good to know," bagaman ang alam niya ay kabaliktaran ng sinabi nito. But who is she to argue with a child?

Hanggang sa marating nila ang suite ay nakahawak sa kamay niya ang bata. At sa totoo lang ay nagdudulot iyon ng magaang na pakiramdam sa kanya.

"Here, Rox. Come and pick what you like. The truth is, I brought these extra dresses thinking they might still fit me. I almost starve myself to death just so they could fit me. Napagalitan lang ako ng asawa ko."

"You're beautiful. Motherhood becomes you. And I think your husband thinks so, too."

"Oh, well," makahulugang inipit nito sa likuran ng tenga ang ilang hibla ng buhok.

Natawa siya. Hindi naman siya ganoon ka-inosente para hindi makuha kung ano ang gusto nitong ipakahulugan. Nangingiting kinuha niya ang vintage prom, cocktail dress. It was above the knee, with minimal floral print and sweetheart neckline. Pakiramdam niya ay nabalik siya sa kanyang kabataan para dumalo ng JS Prom.

Tinulungan siya ni LJ na ibaba ang zipper ng kanyang damit. She's glad she  had the sense to wear a pair of breasts pads. Strapless kasi ang mga damit na naroroon. Nang maisuot niya ang damit ay naunawaan niya kung bakit hindi iyon magkakasya kay LJ. Twenty-four ang waistline niyon at talagang hindi magkakasya sa medyo malapad ng waistline ng kaibigan.

"Wow," namimilog ang mga matang reaksyon ni LJ. "It looks perfect on you."

Nakangiting sinipat niya ang sarili sa harapan ng salamin.

"I'm green with envy, Rox. Babalik pa kaya sa ganyang sukat ang beywang ko?"

"Oo naman, ano ka ba? Tiwala lang. Pero kung ako sa'yo, hindi na baleng hindi bumalik ang dating sukat ng beywang ko as long as I'm happy with my husband and three kids."

"You have a point there. I won't trade anything for my family."

Si Tatiana ay tahimik lang sa isang tabi. May paghanga sa mga mata nito habang nakatingin kay Roxanne.

"What can you say?"

"You look so pretty, Tita Rox."

"Aw, thank you, sweetie."

Tumunog ang cellphone ni LJ.

"Uh-oh, I think we should hurry back. Some guests are looking for me."

"You go ahead first, LJ. Susunod na lamang kami. Mas kailangan ka roon," pagtataboy niya sa kaibigan.

"Alrighty. Tatiana, can I leave you with Tita Rox?"

"Opo."

"You can use everything at your disposal, Rox. Mauuna na ako."

"Don't worry about me."

Nang makaalis si LJ ay nag-retouch na rin ng kanyang make-up si Roxanne.

"Do you want me to help you fix your hair?" aniya kay Tatiana na matamang sinusundan ang bawat galaw niya.

Nakikita niya ang fascination sa mga mata ng bata. When she was her age, halos ganoon din siya sa kanyang ina. Her biological mother loves make-up and dressing up. She was a certified shopaholic. At tuwang-tuwa siyang panoorin ito kung paano magpapalit-palit ng damit. She loves looking at the colors, the different prints, texture and styles. Sa batang edad ay pinangarap niyang makagawa rin ng mga ganoong kasuotan na magugustuhan ng kahit na sinong babae. And when her older brother sent her to Parsons School of Design, it felt like a dream come true for her.

Nang tumango si Tatiana ay pinaupo niya ito sa stool na katabi niya. 

"Can you fix it like yours?"

"Hmm, let me see," sinipat niya ang ayos ng buhok nito. Nakatirintas iyon paikot at ginawang parang crown. Samantalang ang ayos naman ng buhok niya ay naka-braid lamang sa kalahati at nakalugay ang mga kinulot na hibla. "Okay."

Kinalas niya ang  pagkakatirintas ng buhok nito at inayos iyon sa style na katulad sa kanya. Mula pagkabata ay eksperto na siya sa pag-aayos ng sariling buhok. Lalaki ang kapatid niya kaya wala itong alam pagdating sa mga ganoong bagay. Ang Mama Raquel niya naman ay busy lagi sa trabaho kaya maaga niyang natutunan na alagaan ang sarili sa munting paraan na kaya niya para hindi na maging pasanin nito.

"I like it," masayang sabi ni Tatiana matapos niyang ayusin ang buhok nito. Nangingislap sa kasiyahan ang mga mata nito na may pambihirang kulay. They were hazel brown.

"You are very pretty."

"Thank you po."

"Let's go?"

Nakangiti itong inabot ang kanyang kamay. Magkahawak-kamay silang lumabas ng suite at bumaba sa bulwagang pinagdarausan ng okasyon. She saw some friends there. Nakipagbeso-beso siya sa mga ito at sandaling nakipag-socialize. Kahit isang saglit ay hindi bumitaw sa kamay niya si Tatiana. May ilang na-curious tuloy kung nag-asawa na raw ba siya. Ang iba kasi sa mga ito ay galing sa abroad. Matagal na nawalan ng komunikasyon dahil pare-parehong naging busy sa career. And she must admit, she's out of their league. She was able to penetrate their circle through LJ.

"Oh, no. She's LJ's niece."

"You mean, siya ang anak ni PJ?" 

Hindi nakubli sa kanya ang kislap ng interes sa mga mata ng socialite na si Denise.

"Really? Have you seen him? Gosh, I almost wet on my panties. He's so freakin' hot," Tyra gushes on.

Mabilis na tinakpan ni Roxanne ang tenga ni Tatiana. Napangiwi na lang siya. Naturingang may mga matataas na pinag-aralan pero hindi inilalagay sa lugar.

"Oh, sorry, baby. What's your name?" niyuko ito ni Tyra.

Sa halip na sumagot ay parang natakot pa ang bata na kaagad nagkubli sa likuran niya.

"It's okay, sweetheart. She doesn't bite," aniya.

Napasimangot si Tyra sa sinabi niya.

"I'm not very fond of kids," ani Marilen, isa rin itong socialite at runner-up beauty queen. "Pero kung si PJ 'yan, I won't really mind an extra baggage."

She almost scoffed. Good luck na lang dito kung mapapansin man lang ito ni PJ. Napakasuplado ng lalaki, parang binibili ang ngiti. At kung ngumiti man, walang kaemo-emosyon. 

"Tita Rox, I'm hungry. Let's eat."

"Of course. Excuse us, ladies," pasintabi niya sa mga kausap.

Nagtungo siya sa mesang nakalaan sa pamilya nina LJ.

"There you are," masayang wika ni Margie pagkakita sa apo. "Hi, Roxy. I'm glad you came, dear."

"Oo nga po, Tita. Sobrang traffic kanina." Nakipagbeso-beso siya sa ginang.

"Hay, naku. Magtataka ka pa ba? Mukhang magkasundo kayo nitong apo ko, ha?"

Ngumiti lang siya.

"Kumain ka na ba?"

"We're about to, Tita. Nagugutom na raw si Tatiana."

Kaagad na tinawag ni Margie ang dalawang server at nagpakuha ng pagkain para sa kanila.

"By the way, have you met my son?" may kakaibang kinang sa mga matang tanong ng ginang.

And for some stupid reason, her cheeks flushed.

"Uh, y-yes po, Tita. We met before back in Venice."

"I meant, today."

"Yes, po. S-siya nga po ang una kong nakita kanina," gustong tampalin ni Roxanne ang bibig. Bakit ba siya nauutal?

"Really? How do you find him?"

Muntik ng matapon ang inilalagay na pagkain ni Roxanne sa plato ni Tatiana.

"H-he's okay naman po, Tita," safe niyang tugon.

"Define okay."

Parang gusto niyang sumagot ng: Can I call a friend?

Inayos niya ang table napkin sa kanyang tabi para makolekta ang sarili.

"Uhm, okay. Looks like he already settled well back in the family," maingat niyang tugon.

Mahinang natawa si Margie sa sagot niya. 

Napaisip tuloy si Roxanne: May mali ba sa sagot ko?

-

mukhang may binabalak si Mama M, Rox.

simply naughty😘

frozen_delights






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro