Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata Labingsiyam

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

Maaga pa lang pumunta na ako sa ospital dahil ngayon na ooperahan si Missy. Gusto ko siyang makita bago man lang mapalitan yung puso niya. Aaminin ko, kinakabahan ako ngayon. Hindi ko kasi alam ang mangyayari pagkatapos e. Pero umaasa pa rin ako na mahal pa rin niya ako pagkatapos ng operasyon.

Nagsimula yung operasyon ng 8 ng umaga. 12:30 na ngayon. Grabe. Bakit ba ang tagal tagal nung operasyon? Lalo lang akong kinakabahan e. Nandito pala sa labas ng OR sina Jed, Pia, yung nanay ni Pia, ako at si Ralph. Ayaw ko mang makita si Ralph, wala naman akong magagawa. Ayaw kong makipagtalo ngayon e. Baka pag gumawa ako ng kalokohan dito mapano pa si Missy.

1 na ng hapon. Sa wakas, namatay na yung ilaw sa ibabaw ng pinto ng OR. Lumabas ng pinto si Doktor Serrano. Sabi niya tapos na raw yung operasyon at ililipat na si Missy na pangkaraniwan na silid. Pero hindi pa raw magigising si Missy ngayong araw. Epekto raw ng gamot e.

Pagkalipat na pagkalipat sa kwarto ni Missy, pumasok na agad ako. Hiniling ko kina Pia kung pwedeng ako na lang muna yung maiwan sa loob ng kwarto. Gusto ko kasing makausap si Missy e. Yung kaming dalawa lang. Kahit na hindi ako sigurado kung naririnig niya ako, kailangan ko siyang kausapin.

"Missy, naaalala mo pa ba nung una tayong nagkita? Di ba asar na asar ka agad sa akin. Pagkatapos nun, lagi na kitang inaasar. Sa totoo lang, dapat pagdidiskitahan lang talaga kita e. Kaya lang, di ko namamalayan, unti-unti na pala akong nahuhulog sa'yo. Nung araw na dinala mo si Paul sa eskwelahan, aaminin ko, nagselos na ako nun. Di ko alam kung bakit pero naramdaman ko na lang e. Pakiramdam ko tuloy nung mga panahong yun, ang tanga tanga ko. Kasi naman nagseselos ako e wala naman akong karapatang magselos.

Tapos nung araw na tinanong kita kung pwede ba akong manligaw, hindi ko alam kung bakit lumabas yun sa bibig ko e. Hindi naman talaga dapat yun ang sasabihin ko. Pero nung ginawa ko yung unang hakbang ko para ligawan ka, napag-isip isip ko na tama pala yung desisyon ko na ligawan ka. Kasi nakumpirma ko na mahal na talaga kita. Alam mo ba, nung nililigawan kita, lalo akong nahuhulog sa'yo at lalong lumalalim yung pagmamahal ko sa'yo. Hindi ko alam kung maniniwala ka dun pero yun talaga ang sinasabi ng puso ko.

Tapos nung araw na nakita mo ako na may kahalikang iba. Maniwala ka man o hindi, pero hindi ko ginusto yun. Ginawa ko lang yun para mailigtas ka. Binalaan kasi ako nung lokaret na babaeng yun na sasaktan ka niya at ilalabas niya yung mga baho ko kapag di ko siya hinalikan. Ayaw ko namang masaktan ka at ayaw ko ring masira yung reputasyon ko kahit alam kong sira na talaga yun. Kung inaakala mong masaya ako nung mga panahon na yun dahil sa kahalikan ko siya, nagkakamali ka. Masaya ako nun kasi alam kong maililigtas kita.

Ganun kita kamahal Missy. Handa akong gawin ang lahat para sa'yo. Kaya sana paggising mo, ako pa rin yung nasa puso mo. Gusto kong itama lahat ng nagawa kong mali sa'yo. Pangako, magbabagong buhay na ako mahalin mo lang ako ulit. Sige, ang haba na pala ng mga pinagsasasabi ko rito. Pahinga ka na ah. Mahal na mahal kita." Pagkatapos nun, hinalikan ko siya sa noo tapos lumabas na ako ng kwarto niya.

Pagkalabas ko ng kwarto ni Missy, nagtataka ako kasi umiiyak si Pia. Hindi kaya? Ay nako naman o!

"Josh, pasensya ka na ah. Di ko napigilan e. Narinig ko ang lahat ng sinabi mo. Di bale, pag nagising si Missy, sasabihin ko lahat ng narinig ko. Para naman maging kayo na talaga."

"Salamat ah. Sige, uwi na muna ako."

"Sige. Ingat ka."

Paguwi ko ng bahay, lungkut lungkutan pa ako. Ang tagal pa kasi bago magigising si Missy. Kahit na gustuhin kong ako yung una niyang makikita pagkagising niya, hindi ko yata kakayanin e. Masyado na akong pagod. Ilang araw na akong walang tulog. Hindi naman sa sinisisi ko si Missy pero dahil na rin kasi 'to sa pagbabantay ko sa kanya. Teka lang. Bakit parang dumidilim yung paligid?

"Manang!"

"Naku po! Kuya! Ano pong nangyari sa inyo? Kuya!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro