Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER TWO

IT’S already eight in the morning nang iparada ni Leonie ang sasakyan sa parking area malapit sa Intercorp Global Industries.  

Kagabi pa siya nakapag-isip-isip.  Tutal naman ay si Rufo na ang magpapasok sa kanya sa IGI, kaya okey na mag-a-apply na uli siya doon.  At lulunukin na rin niya ang pride niya.  Kahit secretary lang ang available na posisyon doon ay a-apply-an na rin niya.  Ang mahalaga, may trabaho na siya at makakatulong iyon ng malaki sa kanilang mag-ama.

E bakit hindi ka na lang sa Prime Holdings magtrabaho? waring tukso naman ng isip niya.  Inaalok ka din naman ng Tito Juanito mo ng ganoong puwesto, ah.

Napaismid siya.  Mas gugustuhin na lamang niyang magtrabaho ng maayos sa kalaban nito kaysa gawin ang pinapagawa nito sa kanya.  Isa pa’y mas madalas silang magkikita ni Rufo kapag dito siya nakapagtrabaho.  Pinamulahan siya ng mukha sa huling naisip.  Dali-dali na siyang bumaba ng sasakyan.

Muling niyang sinipat ang sarili sa side mirror ng kanyang asul na Honda Jazz.  Nang matiyak na maayos ang itsura’y saka siya dumiretso sa lobby ng IGI.

“Good morning, miss,” bati niya sa receptionist sa front desk.   “I'm Leonie Sioson and I have an appointment with Mr. Santillan.”

“He’s already waiting for you, Miss Sioson,” nakangiting sagot nito.

“Thank you,” sabi niya bago dumiretso sa opisina ni Mr. Santillan.  Ngayon pa lamang ay inihanda na niya ang sarili sa katakut-takot na sermon na aabutin niya sa muli nilang paghaharap ng manager.

Pagpasok niya’y tila nga hinihintay na siya nito.  “G-good morning, sir,” alanganin ang ngiti niya nang batiin ito.

“Ahhh, yes,” ani Mr. Santillan na waring nagpipigil lamang mapangiti nang titigan siya.  “The girl who’d like to be the President, the General Manager and the Executive Secretary.  Take a seat.”

Hindi na nakaimik  na tumalima siya.  Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa kahihiyan.

“Why didn't you mention na kilala mo pala si Mr. Sanchez?” diretsang tanong nito sa kanya.  Pero bago pa siya makapagsalita ay tumunog ang telepono sa ibabaw ng desk nito.  Mabilis iyong dinampot ng lalaki.  

“Okay. Okay, sir,”  sagot nito sa kung sinumang kausap nito sa telepono habang hindi iniaalis ang tingin sa kanya.  Kaya naman lalong nadagdagan ang ilang na nadarama niya.

Mayamaya pa’y ibinababa na ni Mr.Santillan ang telepono.  Binuksan nito ang drawer ng desk at may kinuha roong folder.  Nang ilapag nito iyon sa ibabaw ng desk ay natagpuan niyang mga files na binigay niya dito kahapon ang mga iyon.

“You’re lucky I still have your files.  Itatapon ko na sana ang mga iyan.  Now go to the sixth floor,  third door on the right wing,” utos nito sa kanya.  “Mr. Padua will interview you personally, since sa kanya ka magtatrabaho as his personal secretary.”

“T-thank you sir,” wika niya nang damputin ang folder at tumayo na.

Tinungo na niya ang elevator at bumababa siya sa ikaanim na palapag.  Lumiko siya sa kanan at ilang sandali pa ay nasa tapat na siya ng pangatlong pintuan.  She pressed the buzzer twice bago kusang nagbukas ang sliding glass door ng opisina.

“Good morning, sir,” magalang na bati niya sa lalaking naroroon at nakaupo sa swivel chair.  “Are you Mr. Padua, sir?”

“Yes, I am.  And you must be Miss Sioson.  Please, have a seat,”   sabi nito sa kanya.  Inabot niya muna ang kanyang files, bago umupo sa silyang katapat ng lamesa nito.  Habang binubuklat nito at iniisa-isa ang nakasulat sa kanyang files ay parang natatawa ito.

She studied his face.  Hmm, not bad.   Actually, guwapo siya.  Pero mas guwapo pa rin si Rufo siyempre, tila kinikilig na aniya sa sarili.

“What is your typing speed?” tanong nito sa kanya na nakangiti.

Hay, lalong gumuwapo nang ngumiti,  sabi niya sa isip.

“Miss Sioson!”' narinìg niyang tawag nito na ikinatigatig niya.

“H-hundred words per minute, sir,”   agarang sagot niya.

“You know how to shorthand?”  banggit nito sa style ng mabilisang pagsusulat  na ginagamit ng mga sekretarya.

“Yes, sir!”  she answered.

Tiningnan siya nito nang mariin bago inabot ang isang tablet at inutusan siyang i-type ang lahat ng idi-dictate nito.

After a few minutes ay tigagal ang lalaki because she was so efficient and smart.

“Now tell me, what happened yesterday?  And Mr.Santillan said you didn't know which is the edge of a pencil,”  nakangiting wika ni Mr. Padua na parang nang-aasar.

Napayuko siya at napakagat-labi. “We just had a misunderstanding, sir,” wika niya.

“Sa tingin ko, ayaw mo talagang mag-apply dito, tama ba ako?” hindi inaalis ang tingin sa kanya na tanong pa nito.

Hindi niya matagalan ang titig ng lalaki kaya muli siyang napayuko saka tumango dito.  Kung malalaman lamang nito na kamuntikan na siyang maging espisya sa kumpanya nito ay baka ni hindi siya in-entertain nito ngayon.

“And now?”  tila aliw na aliw na tanong pa rin ni Mr. Padua.

“I-I think  it'll be nice working here and I can learn a great deal,”  matapat na pahayag niya.

“Good.   That’s good to hear.  So, I'll see you in another two weeks para makapag-start ka na,”  sabi ng lalaki na lumigid sa lamesa nito palapit sa kanya na ikinagulat niya naman.

“Sir, I hope you don’t mind me asking,” atubiling aniya, “but are you hiring me because of Mr. San—”

“Sanchez?  Rufo Sanchez?” ito na ang tumapos sa sasabihin niya sana.  “He referred you, yes. Magkaibigan kami ni Rufo simula pagkabata.   Pero pagdating sa trabaho,  ako pa rin ang nagdidesisyon kung ano ang alam ko ay tama.  I’m the vice president of IGI and you are working for me, not for Rufo.”  paliwanag nito sa kanya.

Napatangu-tango na lamang siya.

“May gusto ka pa bang itanong?  Ah yes, your starting salary will be  twenty thousand a month.   And after another month, saka natin dadagdagan depende kung magtatagal ka dito.  So, congratulations, Miss Sioson  and welcome to IGI,” nakangiting sabi ni Mr. Padua nang ilahad ang kamay.

Ngumiti din siya at nakipagkamay dito.  “Thank you very much, sir.”

MAGAAN ang kalooban na lumabas na ng IGI building si Leonie at naisipang maglakad patungo sa kabilang building kung saan niya unang nakita si Rufo.  Hindi naman siya nabigo dahil palabas din ito ng gusali.

“Rufo!” nakangiti niyang tawag dito.

“Hi, princess,” nakangiti ring sabi nito nang lapitan siya.   “How's your ankle,  sumasakit pa ba?

Oh shit, bakit ba parang ang guwapo-guwapo niya ngayon!  “My ankle’s okay.  Galing  nga pala ako ng IGI and natanggap na ako kay Mr. Padua,” pagbabalita niya.   “Thank you, ha?”

“Really?   That's good.  Congrats,” tuwang  sabi nito sa kanya.

“Thanks again.  Gusto ko sanang mag-celebrate, eh.  O-okay lang ba if yayain kitang mag-lunch?   My treat.”  Hindi maintindihan ni Leonie kung paano siya nagkalakas-loob na sabihin iyon sa lalaki.  

“That's a good idea.   I was really planning to have lunch when you saw me,” sagot nito na ngumiti at kitang-kita ang maputi at pantay-pantay nitong ngipin na akala mo'y model ng toothpaste.  “And I know a perfect place to have one.  Let’s go.”

Hindi naman kalayuan ang pinuntahan nilang Italian mini-restaurant.  She was amazed when she entered the restaurant.  It's cozy and very relaxing.   Iginiya siya ni Rufo sa pandalawahang lamesa na malapit sa counter.

“Rufo!”  masayang tawag ng isang lalaking foreigner na palapit sa kanila.

“Hi, Clive,” masayang bati ni Rufo dito.   “This is my friend, Leonie.  Siya ang bagong secretary ni Mr. Padua. And Clive here, is the owner of this beautiful restaurant.”

“Thanks, man.  Nice meeting you, Leonie,” sabi ni Clive ang makipagkamay sa kanya.

“Same here,” magiliw na sabi niya.

“Clive, we’re ordering my usual order,” sabi ni Rufo.  Napatingin siya dito kaya ipinaliwanag nito kung ano iyon.  “French-dipped sandwich ang specialty nila dito.   I'm sure magugustuhan mo ‘yun.” nakangiting sabi nito na pinisil pa ang tungki ng ilong niya.

“Dapat lang ha, kasi it’s my treat.   Kaya dapat masarap ang inorder mo,” pagbibiro niya.  Hay, ayun na naman ang boltahe na ‘di ko mawari.  Kamag-anak ba nito si Volta? Kasi naman parang laging may kuryenteng nag-iìgnite kapag hinahawakan niya ako, himutok niya sa sarili.

NANG makuha na lahat ni Clive ang order nila at umalis na ito ay sumandal si Rufo sa upuan at tinitigan muli ang dalaga.

Damn, ano ba itong nararamdaman ko, wika niya sa sarili.  He was never aroused to any girl nang sa kagaya nito.   Na sa bawat dantay ng kanyang palad sa balat nito ay parang apoy na unti-unting nagliliyab.  Naglalagablab.

Since last night, paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isipan ang  pagsuot niya ng sandals sa paa nito.  At iisa lamang ang gusto niyang gawin dito—ang ikulong ang katawan nito sa kanyang mga bisig.

Damn it! napailing siya sa mga iniisip.  To think na pinagnanasaan niya ito habang tirik ang araw sa labas!

Mabuti na lamang at bumalik na si Clive at dala na nito ang kanilang order kaya medyo natigil ang kanyang ìmahinasyon.

“It is delicious,” humahangang sabi ng dalaga nang tikman ang French-dipped sandwich.

“I’m glad you like it,” siyang-siya namang sabi ni Clive.  “It’s a crusty loaf of french bread filled with wafer-thin rare roast beef  and beef juice that’s why it’s delicious.  Now, let Rufo pay for it because this guy has so much money in him!'' pabirong sabi nito bago tumalikod pabalik ng counter.

Natawa na lamang si Rufo.  Mayamaya’y napalunok siya sa pagsulyap sa labi ng kaharap.  He stretched his arm and caress the side of Leonie’s face until he reached her upper lip.

Waring na-shock naman at halos pigil ang hininga ng dalaga.  Hindi nito marahil inaasahan ang naging kilos niya.

“Ru—” hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin dahil dumampi na ang hintuturo niya sa gilid ng mga labi nito.   Iyon ang ginamit niyang pamunas sa kaunting mayo na nasa gilid ng labi nito.  Then he licked his finger.

“It’s delicious, alright,” makahulugang sabi niya.

Leonie’s  face turned bright red.   Halos hindi ito makakain dahil alam nitong pinagmamasdan niya ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro