CHAPTER SIX
MULING pinagmasdan ni Leonie ang sarili sa salamin.
She is wearing a black chiffon dress with a low neckline and the cut reaching just above her knee. The dress is simple yet elegant and seductive dahil kitang-kita ang kurba ng kanyang katawan. And the low neckline gives an access to see the upper part of her cleavage.
She applied a very light make-up and lipstick. She was putting her earrings nang tumunog ang doorbell ng kanyang unit. Pagbukas niya ng pinto ay si Jace ang naroroon. Kay-kisig nito sa suot nitong abuhing amerikana.
Ilang segundong hindi nakakilos ang binata at nakatitig lamang sa kanya, kailangan niya pang tumikhim para lamang matauhan ito.
“Wow, am I the luckiest man tonight or what?” hindi maitago ang paghangang anito habang nakatitig sa kanya. “Siguradong marami ang maiinggit sa akin dahil napakaganda ng ka-date ko.”
“Really now. Hay naku, Jace. ‘Wag mo na akong bolahin dahil pumayag na nga akong sumama sa ‘yo,” nakangusong sagot niya dito.
Natawa naman ang binata sa reaksyon niya kaya pinisil nito ang kanyang baba. “I'm just telling the truth. I wonder, ilan kayang lalaki ang makakaaway ko mamaya?” sabi pa nito na sinabayan ng malakas na tawa.
“You're not helping, Jace. Ninenerbiyos na nga ako,” nakalabing sagot niya dito.
“Saan ka ninenerbiyos, sa party o kay Rufo?” tanong nito na pinagdiinan ang pangalan ng kaibigan.
“Both!” sagot naman niya.
Inakbayan siya ng binata. “Don't worry, Leon. You’ll get through this, okay? Saka, andito lang ako. Hindi kita iiwan. Basta ang gawin mo mamaya, kausapin mo si Rufo. Be confident and smart. Kuwentuhan mo siya tungkol sa trabaho mo. Thank him. Then give him your sweetest smile, saka mo siya iwan na parang walang nangyari. Ipakita mong hindi ka na interesado sa kanya. Na nakalimutan mo na siya.” suhestiyon nito.
Ngumiti siya dito bilang pagsang-ayon gayung ang puso niya ay tumututol. Kaya niya ba talagang kalimutan si Rufo?
“Thank you, Jace,” sa kawalan ng masasabi ay naiwika niya. “Thanks for your help. Kung ‘di lang kita kaibigan, baka na-inlove na ako sa ‘yo.”
“Hmmm, that’s not a bad idea at all. Why not? Bagay naman tayo, ‘di ba?” napahalakhak ito.
“Jace!” pinandilatan niya ito.
“I’m just kidding. O, let’s go. We don’t want to be late,” sabi nito nang alalayan siya sa siko at igiya palabas ng unit.
PAGDATING nila ay marami ng tao at halos mapuno na ang rooftop ng bagong IGI building kung saan ginanap ang annual party.
“Are you okay?'' bulong sa kanya ni Jace habang naglalakad sila at naghahanap ng mesa.
Tumango siya pero agad ding natulala nang mapadako ang tingin niya sa stage para sa host at mga special guest.
Sinundan naman ng tingin ni Jace ang direksyon na kanyang tinitingnan at napatiim-bagang ito nang makitang kasama ni Rufo si Thalia.
“That’s Thalia Cruz,” pagbibigay-alam nito sa kanya. “Kababata namin siya ni Rufo at halos magkakasabay kaming lumaking tatlo. Thalia’s also my ex-girlfriend. Pero napilitan kaming maghiwalay sa kagustuhan na rin ng daddy niya.”
She saw the pain in Jace’s eyes habang magkatingin ito sa magkapareha na ngayo’y nakikihalubilo na sa ibang panauhin. “Jace…”
“I’m okay, don’t worry,” pilit na ngumiti ang lalaki at muli siyang hinawakan sa siko. “Halika na. Maghanap na tayo ng mesa.”
Nang minsan niya pang sulyapan ang kinaroroonan ni Rufo ay hindi sinasadyang nagtama ang kanilang paningin. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya. Iniiwas niya ang tingin. Nanlalamig ang katawan na napakuha siya ng cocktail drinks sa nagdaang waiter at tinungga iyun.
Ilang oras ang lumipas at matagumpay niyang naiwasan ang pakikipagharap kay Rufo. Hindi niya lamang alam kung sino ba ang mas nagseselos, siya sa nakikitang sweetness nito kay Thalia o si Thalia mismo na sa tuwing mapapatingin sa puwesto nila ni Jace ay parang gusto sìyang sabunutan?
Ngayon ay naiintindihan niya kung bakit gustung-gusto ni Jace na sumama siya. He was also using her para pagselosin ang ex nito na tingin niya’y epektibo naman.
Ilang sandali pa’y hindi rin namang maiwasang magkaharap silang apat.
“Hi guys,” parang gustong bumilib ni Leonie kay Jace nang makitang tila hindi ito apektado sa pagkikita nilang lahat. “I love the party. Ang saya-saya!” nakatawang wika nito pero halata naman ang sarkasmo sa tinig.
“Who’s your date?” tanong ni Thalia dito.
“Oh, this is Leonie, my friend and secretary,” ani Jace nang hapitin siya palapit dito. Waring nagtagis naman ang mga bagang ni Rufo sa aksiyon na iyon ng kaibigan. “Leonie, this is Thalia Cruz. A good friend of mine and Rufo’s girlfriend.”
Tingin niya’y napangiwi si Thalia sa sinabi ni Jace. Pero mayamaya ay nagsikap din itong ngumiti nang makipagkamay sa kanya. “ Hi, Leonie. You're so lovely in that dress. Akala ko’y isa ka ring modelo.”
“Thank you,” she just smile at her, but when she look at Rufo nakatitig ito sa kanya at hindi maitatago ang paghanga.
Laking pasasalamat siya nang hawakan siya sa kamay ni Jace at nagpaalam na ipapakilala pa siya sa ibang bisita.
“It was nice meeting you, Thalia,” pahabol na kaway niya bago tinalikuran ang mga ito. Pareho namang nakasunod ang tingin ng dalawang naiwan sa kanila habang nakikipagtawanan at nakipagkilala sila ni Jace sa ibang mga panauhin.
LEONIE was standing next to a mini bar na medyo madilim. She wanted to take a rest dahil napagod siya sa kakasayaw kasama ang ibang mga secretary.
“Jace what do you think? How am I fairing tonight?” tanong niya sa binata na palapit sa kanyang puwesto.
“Fantastic! I already want to believe na invisible ako sa paningin mo,”' Rufo said in a mocking voice na ikinagulat ng dalaga dahil ang buong akala niya ay si Jace ang palapit sa kanya.
“Oh, do I?” pairap na sagot niya nang makabawi sa kabiglaanan. “As far as I remember, it was me whom you’ve forgotten. Alam mo ba kung ano ang ginawa ko sa loob ng dalawang buwan na ni anino mo ‘di ko man lang nakita?” patuyang sabi niya.
Halos masamid naman ang binata sa narinig. He admit, after that night gusto na niyang kalimutan ang dalaga just like the other girls he had after a night in bed. Kinakalimutan niya na at alam din iyon ng mga babaeng pumapatol sa kanya.
Aminin niya man o hindi, sobrang na-miss niya ang dalaga. And many times na gusto niya itong tawagan at kamustahin but his damn pride and ego stopped him.
But tonight, after seing her again, alam niya na hindi ito ordinaryong babae na basta niya makakalimutan. She already hold a place somewhere in his heart. Hindi nga lamang niya matukoy at natatakot siyang pangalanan iyon. It's all new to him. God knows how jealous he was of Jace because he was so close to Leonie.
“Every night, I sit next to my phone waiting for your call,” punung-puno ng hinanakit na ani Leonie. “I loved you then pero sinayang mo lang. Pinagmukha mo akong tanga dahil pinaniwala mo akong simpleng tao ka lang. Yeah, simpleng sinungaling!” Tumalikod na siya para lumayo pero agad siyang nahawakan ng binata at hinapit sa bewang bago kinuyumos ng halik.
Pilit niya itong tinutulak dahil nasasaktan siya sa paraan ng paghalik nito na parang nagpaparusa. Ibinuka niya ang bibig para kagatin sana ito pero nang naging marahan iyo’y kusa na siyang nadarang siya at tinugon ang halik nito. Naramdaman niya na lamang na kusang umangat sa batok ng binata ang mga kamay niya at hinapit pa siya ng binata kaya naman ramdam niya ang init ng katawan nito at ang pagumbok ng nagalit nitong alaga sa kanyang puson.
“Your pad or mine?” tanong sa kanya ng binata nang sandaling maghiwalay ang kanilang mga labi.
Waring natauhan naman na agad siyang dumistansya dito. “No, tama na ang minsang pagpapakatanga ko,” sagot niya at patakbong umalis para hanapin si Jace.
“SIYA ba ang pinalit mo sa akin?” tiim-bagang na tanong ni Thalia kay Jace nang makita itong mag-isa sa sulok kaya agad na nilapitan.
“Bahala ka kung anong gusto mong isipin,” pabalewalang sagot ng binata na hindi man lang sinulyapan ang dalaga. “We’re through, so I can do whatever the hell I want!”
“Babe, you know ikaw ang mahal ko. I’m just doing this to please daddy,” magkahalong pakiusap at paliwanang na sabi ni Thalia na humawak pa sa braso ni Jace.
Napangisi naman si Jace bago patuyang sumagot. “Then forget me if that will please your dad even more.” Tumayo na ito at eksaktong dumating naman si Leonie.
“Honey, let’s go,” aya ni Jace kay Leonie. I think the party is over.” Inakbayan siya ng binata at iginiya palayo.
Naguguluhan naman si Leonie habang palipat-lipat ang tingin kay Thalia na parang iiyak at kay Jace na nakatiimbagang at parang galit. Sumunod na lamang siya kay Jace at hindi na umimik dahil gusto na rin niya umuwi.
Parehong laylay naman ang balikat ni Thalia at Rufo habang sinusundan ng tingin ang magkaparehang palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro