CHAPTER FIVE
Chapter 5
LUMIPAS ang mga araw na naging linggo at umabot ng dalawang buwan pero wala na siyang nabalitaan pa mula kay Rufo. Kaya ganoon na lamang ang pagkalungkot ni Leonie.
Totoo pala ang sinabi ng binata na hindi importante dito ang virginity. At balewala dito ang naganap sa kanilang dalawa. Ngunit hindi niya maitatangging kahit nasasaktan siya sa pambabalewala ng binata ay hinahanap-hanap pa rin niya ito. She knew no one could ever replace his place in her heart.
“Morning, Leon!” bati sa kanya ni Mr. Padua na kararating lamang sa opisina.
“Hi, Jace. Good morning, too!” Sa ilang buwan nilang magkasama ay nakapalagayan na niya ng loob ang lalaki kaya first name basis na lamang ang tawagan nila.
“By the way, may mga gagawin ka pa ba?” tanong nito sa kanya.
“Wala pa naman. May ipapagawa ka ba?”
“Oo sana. Remember Sally, yung secretary sa kabilang building? Tumawag kasi kanina and ready to pick-up na raw ‘yung mga folders from our president. Ipapakuha ko sana sa ‘yo.”
“Sure thing, boss,” nakangiting sabi niya nang tumayo buhat sa desk niya. “Kukunin ko na ngayon.”
“Thanks, Leon,” nakangiti ring wika ni Jace. “Pakilagay na lang sa desk ko, ha? May lalakarin lang ako sandali.”
Pagkarating ni Leonie sa kabilang building ay nagkataong wala si Sally dahil may kinuha diumano sa locker. Kaya inabala niya ang sarili sa pagtingin-tingin sa mga magazines na nakalagay sa isang tabi para sa mga naghihintay.
Halos lumuwa ang mata niya nang mahagip ng paningin ang isang magazine na si Rufo ang cover.
‘RUFO SANCHEZ MADE IT TO THE TOP ONCE AGAIN’ anang naka-bold letters na pamagat ng artikulo sa ibabang bahagi ng nakangiting larawan ng binata.
Nanginginig ang mga daliri at buong katawan na dahan-dahan niyang binuklat ang magazine na tila nananalangin na sana ay namamalikmata lamang siya.
‘ENGINEER RUFO SANCHEZ, the Founder and President of Intercorp Global Industries once again made it to the top.’ Napalunok siya sa nabasa at halos magdilim ang kanyang paningin.
Oh God, is this a bìg joke? daing niya sa sarili. I was a fool to believe na ìsa lang siyang simpleng empleyado at engineer!
“Hi, Leonie. I’m sorry to keep you waiting. Anyway here's the folder.” Hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya si Sally at inaabot na nito ang mga folders.
“S-salamat!” tila wala pa rin sa sarili na kinuha niya ang mga folder.
“If you want to read it, you can bring that also. May kopya pa naman kami niyan,” nakangiting ani Sally nang makitang kipkip-kipkip pa rin niya ang magazine.
Napatango na lamang siya. “Thanks again, Sally.” Iyon lamang at tinungo na niya ang pintuan.
PASADO alas-singko na nang magpasyang bumalik si Jace sa kanyang opisina, kagagaling niya lamang sa isang conference with other investors.
Ang akala niya ay umuwi na rin si Leonie gaya ng ibang empleyado pero nagulat siya nang makitang nasa desk pa rin nito ito at tahimik na umiiyak.
Huli na para itago pa nito ang pag-iyak at lalong huli na para itago nito ang hawak na magazine. Napatiim-bagang siya nang makita ang dahilan ng pagluha ng dalaga. Sa pahina ng magazine ay may litrato na kayakap ni Rufo ang current fling nitong si Thalia Cruz. Isang modelo si Thalia at kasosyo ni Rufo sa negosyo ang ama nito. Alam niya lahat iyon dahil may nakaraan din sila ni Thalia. Kaya nga napilitan ito makipaghiwalay sa kanya sa utos na rin ng ama nito.
Awang-awang niyakap niya ang dalaga. Sa ilang buwang nilang magkatrabaho ay nakagaanan na niya ito ng loob at kahit papano ay espesyal ito sa kanya. “You didn’t know he have a girlfriend already?”
“Nope,” lumuluhang wika ni Leonie. “At ang masakit, akala ko, isang ordinaryong empleyado lang siya. Isang Engineer na may magaling na kakayahan. I never imagined na siya pala ang big boss ko. Napakatanga ko dahil napaniwala niya ako sa maling akala.”
“I’m sorry, I didn’t know that. What's your plan now that you know who he really is?'' tanong niya habang hinahagod ang likod ng dalaga.
Kumalas naman sa pagkakayakap niya si Leonie at mababakas sa mukha ang galit nito. “I'm going to forget him. I don't want him or any of his deceptions anymore.”
“Well, you can forget him, alright. Or you could play his game too and have your revenge,” makahulugang sabi niya.
Napaangat ng tingin ang dalaga at tila naghihintay ng paliwanag.
“May annual party ang company natin at si Rufo ang host since siya ang president. Bukas ng gabi na gaganapin iyon sa rooftop ng bagong building.”
“Oh Jace, I can't come and face him,” ani Leonie na bakas sa mukha ang magkahalong kaba at pagkatuliro.
“I'm sorry honey, pero hindi ka puwedeng mawala sa party na iyon. Para talaga ‘yun sa mga boss and their secretaries. That’s why we have no choice but to be there also.”
Hindi nakakibo ang dalaga at waring nahulog sa malalim na pag-iisip.
“Okay,” mayamaya’y sabi nito, nasa anyo na ang kumpiyansa muli sa sarili.
“Atta girl,” siyang-siya sabi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro