CHAPTER 7
“O, Leonie, pinapatawag ka ni Mr.Santillan. Mag-report ka daw agad sa kanya pagdating mo,” sabi ng receptionist nilang si Aida pagpasok niya kinabukasan.
Napakunot- noo naman ang dalaga pero dumiretso na rin siya sa opisina ng manager.
“Good morning, sir. Pinatawag ninyo daw po ako,” magalang na sabi niya nang kumatok at pumasok sa loob ng opisina nito.
“Ah yes, Miss Sioson. Have a seat,” ani Mr. Santillan nang imosyon sa kanya ang katapat nitong silya. “Anyway, I would like to inform you na ilang araw ka munang malilipat sa kabilang building as secretary of Mr. Sanchez.”
“Ho?” biglang-biglang sabi niya. “P-pero bakit naman ho ako kailangan doon?” she asked in a stammering voice.
“Naka-sick leave si Sally, ‘yung secretary ni Mr.Sanchez. So we’ve asked the HR department kung sinong secretary ang marunong ng Italian dahil mga Italian investors ang ka-meet ni Mr. Sanchez this week. And they’ve recommended you,” paliwanag nito sa kanya.
“Sir, I can't,” hirap ang loob na wika niya. Hindi naman niya masabi sa manager ang totoong dahilan kung bakit siya tumatanggi. “Hindi naman ho ako ganoon ka-fluent sa Italian language,” sabi na lamang niya.
“We have no choice. You’re the closest one who can understand Italian language, so you’ll be Mr. Sanchez’s temporary secretary, whether you like it or not. Si Frances muna ang magiging secretary ni Mr. Padua for the meantime. Now go, Miss Sioson.”
“Y-yes, sir,” lulugu-lugong tumayo na siya at lumipat sa kabilang building kung saan naroon ang opisina ni Rufo.
Napahugot muna siya ng hininga bago dumiretso sa opisina ng binata matapos magtanong sa isang receptionist.
“Excuse me, sir,” sabi niya nang kumatok at pumasok sa opisina nito.
Nag-angat naman ng mukha ang binata pero tila wala ito sa mood.
“Miss Sioson, kung pumunta ka dito para mag-sorry sa nangyari sa party, you're wasting your time,” sabi nito na muling ibinalik ang tingin sa mga papeles na binabasa.
Parang gustong magpanting ng tenga niya pero pilit pa rin niyang ikinalma ang sarili. “Well, sad to say, hindi ako pumunta dito para mag-sorry. At lalong hindi ko planong gawin iyo,” ganti niya dito.
Muling napaangat ng tingin ang binata kaya nagkasukatan sila ng tingin.
“So, why are you really here?” maawtoridad na tanong nito.
“Mr. Santillan sent me here dahil naka-leave daw ang secretary ‘nyo.”
“I don't need you here,” anang binata na hindi man lamang siya tinitingnan.
“Good, dahil mas lalong ayaw kita makatrabaho,” gigil nang wika niya. “Anyway, what will I tell Mr. Santillan if he ask me kung bakit hindi ako napuwesto dito?”
“Tell him I fired you,” inis na sagot naman nito.
“Alright then , un figlio di puttana!” sabi niya bago buksan ang pinto para lumabas.
“And what do you mean by that?” napahumindig na tanong ng binata nang tumayo buhat sa desk nito.
“Oh, that is Italian,” tila nakakalokong nginitian niya ito. “It simply means you're a bastard!” Pabalibag na isinara niya ang pinto.
Naglalakad na siya papuntang elevator nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng opisina ng binata. Nagulat siya nang lumabas si Rufo mula doon at sundan siya.
“Go back in my office. Now!” mariing sabi nito na iniharang ang katawan sa puwesto ng elevator buttons.
Napataas naman ang kilay niya rito. “You fired me already, remember?” taas-noong wika niyang tangkang tabigin ito.
Hindi naman nagpatinag ang binata. “Well, I'm hiring you again,” nakahalukipkip na anito. “At kung kinakailangang pasanin kita pabalik ng opisina ko ay gagawin ko,” Ngumisi ito.
Nataranta naman siya lalo’t nakita niyang may mga parating na ibang tao.
“Damn you,” nagpupuyos ang kalooban na naiwika na lamang niya nang magmartsa pabalik sa opisina nito.
“Good girl,” nakangisi pa ring wika ni Rufo nang sundan siya.
Kung ‘di lang talaga mahirap maghanap ng trabaho ngayon, inis na inis pa ring aniya sa sarili nang pumasok na sa loob ng opisina.
Pagdating sa loob ay agad tinawag ng binata ang receptionist nito. “Lidia, this is Miss Sioson, ang magiging kapalit ni Sally, pansamantala. Ikaw na ang bahalang mag-inform sa kanya ng mga gawain ni Sally. Aalis muna ako para mag-lunch.” Pagkasabi niyo’y ura-urada nang lumabas ang lalaki.
Matapos siyang bigyan ng mga instructions at ibigay sa kanya ang ilang papeles na dapat pag-aralan ay bumalik na sa sariling puwesto nito si Lidia. Siya naman ay pumuwesto sa table ni Sally. Mayamaya’y biglang nag-ring ang telepono at wala naman siyang choice kundi sagutin iyon.
“Mr. Sanchez’s office, good morning. How may I help you,” sagot niya.
“Hi, Sally, nandyan na ba si Rufo?” tanong ng babae sa kabilang linya.
“I'm sorry ma'am, this is Leonie. Naka-sick leave po si Sally. And Mr. Sanchez is out having lunch,” pagbibigay-alam niya.
“Oh hey, Leonie. This is Thalia, remember me?” sumigla ang tinig na wika ni Thalia. “Wala ba si Rufo? Naka-off kasi ang cellphone niya kaya hindi ko siya ma-kontak. Pakisabi na lang na sunduin niya ako sa airport sa Tuesday. Seven o’clock in the evening, okay?”
“Okay. Will that be all?” kahit nakaramdam ng selos ay kalmanteng sabi niya.
“Yeah. Pakisabi na lang, ha? Bye.”
Naiiling na ibinaba na niya ang receiver ng telepono. Nagulat pa siya nang muli na namang tumunog iyon.
“Hi, darling, it's me Veron,” bago pa siya nakapagsalita ay maarteng wika ng babae sa kabilang linya.
“Sorry ma’am, Mr. Sanchez is out having lunch right now. May gusto po ba kayong ipagbilin?” timping sabi niya.
“Oh, well, itatanong ko lang sana kung ano ang isusuot ko sa Saturday,” maarteng sabi pa rin ng babae. “He invited me pero hindi niya sinabi kung formal or casual ang isusot ko sa date namin.”
No need, dahil siguradong mas mag-e-enjoy ang damuhong ‘yun kung nakahubad ka! parang gusto niyang isigaw dito pero napigilan pa rin niya ang sarili.
“Sige po ma'am, sasabihin ko na lang sa kanya na tawagan kayo ‘pag dating niya. Goodbye,” hindi na niya hinintay makapagsalita ang babae at ibinababa na niya muli ang receiver.
Napabuntunghininga siya. Alam naman niyang as secretary, paminsan-minsan ay hindi maiiwasang i-handle din ang mga personal matters ng mga boss nila. But Rufo’s personal matters are giving her a headache and a heartache at the same time.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro