CHAPTER 4
Chapter four
"PASENSYA ka na, ha? Hindi ko inaasahan na ganito karami ang magiging bisita. Ang sabi kasi sa 'kin ni Tracy ay simpleng handaan lang," sabi sa kanya ni Rufo habang nakaupo sila sa mini bar na wala masyadong mga bisita.
"Hindi ba nakakahiya? Sa totoo lang, hinddi ako sanay makipag-sosyalan," naasiwang aniya dito habang nilalaro ng mga daliri ang basong naglalaman ng red wine.
Pinisil naman nito ang kanyang ilong saka siya nginitian.
"Rufo darling, why are you here? You're too far from the others," anang isang babae nang yumakap at humalik pa sa binata.
"That's the reason we're here, to be undetected," sagot ni Rufo na sinabayan ng mahinang pagtawa. Hinawakan siya nito at hinila palapit.
"Leonie, this is our host Tracy," pagpapakilala nito sa babae.
"Oh, I thought si Thalia ang kasama mo?" ani Tracy matapos makipag beso-beso sa kanya.
Nagkibit ng balikat ang lalaki. "She's not available."
'Yun pala ang dapat kasama ni Rufo ngayon. Girlfriend niya kaya iyon o kaibigan lang, nanlulumong tanong niya sa kanyang isipan.
Halos inabot na ng madaling-araw ang party kaya naman antok na antok na siya. Idagdag pang panay ang abot ng champagne, red wine, bourbon at sherry ng mga kakilala ni Rufo sa kanya na nakahiyaan naman niyang tanggihan.
Nagtataka siya dahil puro mayayaman ang bisita at mukhang kilalang-kilala ng mga ito ang binata.
Siguro mga naging kliyente niya, naiwika niya sa sarili habang matamang pinagmamasdan ang seryosong pakikipag-usap ng binata sa ilang kalalakihan.
"Dahan-dahan at baka malasing ka na niyan," narinìg niyang sabi nito sa kanya nang lapitan siya sa inookupa nilang table.
"Tama na 'yan," Halos pabulong lamang iyon ngunit pakiramdam niya'y halos hindi siya makahinga sa pagtama ng mainit na hininga nito sa kanyang balat dahil na rin sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Hinayaan niyang kunin nito ang iniinom niya at ubusin iyon.
"We're going in a minute. Wait for me in the car," sabi nito na mabilis siyang hinalikan bago umalis para magpaalam sa ibang bisita.
NAGULAT siya nang sa isa pang villa sa may di kalayuan sila humantong ng binata.
"Kaninong villa ito?" maang na sabi niya sa binata pagkababa ng sasakyan.
"Mine," balewalang sagot naman nito.
Kahit nakainom ay tila nagmanhid pa rin ang buong katawan niya. Dapat ay tumutol siya. Ngunit tahimik na sumunod na lamang siya sa binata papasok roon.
"I want you, princess!" ani Rufo nang maisara ang pintuan.
Hindi na rin siya tumanggi nang siilin siya ng halik nito. Sa una ay magaan lamang, hanggang maramdaman niya na lumalalim na ito at nagiging mapusok.
Tumatanggi ang utak niya sa mga pangyayari ngunit ang puso niya ay lubos na nagbibigay pahintulot. Nagpapaubaya.
Naramdaman niya na lamang na tila siya idinuduyan. Binuhat na pala siya ni Rufo papasok sa kuwarto without taking his lips on her. It's like she was on cloud nine, at ang bawat halik nito'y nakadadarang at mahirap pigilan.
She felt a chill ran down her spine nang matanggal ang kanyang kasuotan. He's just like a magician casting a spell on her. She felt his warm hand touching, teasing and exploring every single part of her body and all she could do is wriggle and moan. It's all new to her . At siya'y nagpaubaya. Hanggang sa kapwa nila marating ang sukdulan.
"Why?" narinìg niyang tanong nito pagkatapos habang nakatitig sa kanya.
Shit, why does he have to ask . So what if she's a virgin? No, hindi na nga pala, thanks to him, sarkastikong usal niya sa sarili.
"What do you mean why?" painosenteng balik tanong niya sa binata na iniwasan ang tingin nito.
"You know damn well what I'm asking," kalmadong anito.
"I don't know what you're talking about," hindi makatinging sagot niya.
"Wrong answer, try again. Why?"
"Because you never asked." Inirapan niya ito.
"I didn't ask because with your beauty and your age, imposibleng wala ka pang karanasan," malamig na tugon nito. "Besides, the way how your body reacted to my every touch and kisses, it's like, it's all natural to you."
"Well, do you care if the girl is virgin or not?" she asked.
"No, sa panahon ngayon, mas gusto ng mga lalaki ang ekspiriyensadong partner. It's just a bonus kung virgin pa ito." He stated it with less emotion.
"So it's my fault then, dahil virgin pa ako? At kasalanan ko dahil 'di ko sinabi sa 'yo agad, is that it? Are you telling me na kapag nalaman mo na wala pang nakauna sa akin ay walang mangyayari sa atin?" she asked in a mocking tone.
"So, the virgin princess has a temper, eh?" nakangisi nang anito. "The answer is no. But I could've been more gentle."
Then he reached for her again . "I could've been more gentle like this," he whispered while teasing her body. His hands leave fire whenever he touches her damn traitor body.
He lowered himself at the edge of the bed and started kissing her toe moving upward to her knees and in every inch of her body.
He worshipped her with a numerous devoted words na hindi na niya maintindihan because all she knows is she is in heaven with a handsome beast she couldn't deny.
IT was late afternoon nang magsabi ang binata na kailangan na nilang lumuwas.
Pagkahatid nito sa kanya ay agad din itong nagpaalam without saying any word kung ano nga ba ang estado ng kanilang relasyon, kung meron man.
She waited for him to call, pero walang Rufo na nakaalala sa kanya.
As if she never existed in his world.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro