Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10


NAKATULALA pa rin si Leonie habang nakatingin sa mga gamit na naka-empake sa kanyang unit.  Balak na kasi niyang ipagbili ang unit para may patuloy pa rin siyang magamit na panggastos sa kanilang mag-ama habang naghahanap siya ng panibagong trabaho.  Hindi na niya hihintayin kung papayag si Jace na mag-resign siya o hindi.  Basta maghahanap na siya ng ibang trabaho sa lalong madaling panahon.

Napabuntunghiningang tinungo niya ang dvd player at sinalang ang cd  ng isa sa mga paborito niyang singer na si Glora Stefan.  Pagkatapos ay muling ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga gamit.  Ang balak niya’y maghanap na lamang ng marerentahang maliit na bahay tutal ay dalawa lamang sila ng ama na magkasama.

Time flies when you're having fun, I heard somebody say… But if all I've been is fun, then baby let me go, don't wanna be in your way… I don't wanna be your second choice, don't wanna be just your friend… You kèep telling me you're not in love,  you wanna throw it all away...

Waring nakikiayon sa kalagayan niya ang mensahe ng kanta.  Hindi na niya napigilan ang pag-agos ng luha nang maalala na naman ang binatang laging laman ng kanyang isipan.  

But I can't stay away from you, I don't wanna let you go… \and though it’s killing me that's true, there's just some things I can't control...

Luhaang tumayo ang dalaga at pinatay ang dvd player.  Hindi pa siya nakakabalik sa puwesto nang makarinig na sunod-sunod na katok sa pinto.  Nagmamadaling pinahid niya ang kanyang mga luha bago tinungo ang pinto.

Tila siya itinulos sa kinatatayuan nang mapagsino ang kanyang panauhin.  Pareho silang nagpapakiramdaman at tila nag-aapuhap ng dapat sabihin.

“Hi,” namumungay ang mga matang sabi ni Rufo sa kanya.  Tingin niya’y lasing ito.

“A-anong ginagawa mo rito?” hindi niya maiwasang mag-stammer ang tinig.

“May I?” hingi nito ng permiso pero hindi na rin hinintay ang kanyang sagot at humakbang na ito papasok.

“Aayyy!” tili niya nang biglang matumba ang binata.  “Damn you, Rufo. What do you think you're doing?  Lasing ka, tapos pumunta ka pa dito,” naiinis na isinara niya ang pinto bago tinulungan ang binata at inakay paupo sa sofa.

Ang gulat niya nang kabigin siya nito at sabay silang natumba at napaibabaw siya sa binata.

“I'm really sorry, Leonie,” pigil nito nang tangkain niyang tumayo.  Tuluyan na siyang napasubsob sa dibdib nito.  Napapikit siya nang maramdaman niyang hinahaplus-haplos nito ang buhok niya  “I love you…”

Ilang minuto ang lumipas at hindi na niya naramdamang kumilos ang binata kaya napamulat siya ng mata at dismayadong napangiti.  Nakatulog na ang binata habang yakap siya.  Dahan-dahan siyang tumayo at inayos ito sa pagkakahiga bago mul itong tinitigan.  Totoo kaya ang sinabi nitöng mahal siya nito?

MASAKIT ang ulo ni Rufo nang magising. Napaupo siyang sapu-sapo ang ulo.  Natigilan siya dahil hindi pamilyar ang lugar na nabungaran. Napatingin siya sa ilang boxes na nasa gilid.

Shit, usal niya nang maalala saan siya nagtungo.  Napatingin siya sa suot na relo. Alas tres na ng madaling araw.

Tumayo siya at tinungo ang silid ni Leonie.  It was not locked kaya pumasok siya at masuyong pinagmasdan ang dalagang natutulog.  Bugso ng damdamin ay umupo siya sa gilid ng kama nito at hinaplos ang pisngi nito.  Natigilan siya nang maramdamang basa iyon.

She's crying even while sleeping, tila nanikip ang kanyang dibdib sa isiping labis niyang nasaktan ang babaeng tanging nagturo sa kanya kung ano ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.

''Love, doesn't asks why.   It doesn't require any explanation, dahil ito ang klase ng pakiramdam na walang sinuman ang nakatuklas ng tamang dahilan.”

Naalimpungatan si Leonie dahil sa mga haplos niya.

“Rufo—”  hindi nito natapos ang sasabihin nang marahang pigilan niya ang mga labi nito ng kanyang daliri.

“No, please just hear me out,”  tila paos na sambit niya.  “I admit I was a fool. Unang kita ko pa lang sa ‘yo sa site, alam ko nang may kakaiba na dito,” turo niya sa kanyang puso.   “But, I didn't mind it. Sabi ko sa sarili ko, it was just pure lust.  But God knows I was wrong.”

Wala namang maapuhap na sasabihin ang dalaga na nakatingin lamang ito sa kanya.  

“Leonie, wala na akong pakialam kahit ano pa ang namagitang usapan sa inyo ni Mr.Donovan.  You proved yourself already.  Wala akong pakialam sa kung ano ang nakaraan, what important is today and our future.  I don't want to spend another day without you at my side.  It was foolish of me to play with your feelings.  To hurt you with my lies.  I’m really sorry.  Please, bigyan mo ako ng  isa pang pagkakataon para mapatunayan ko sa ‘yong mahal na mahal kita.”

Hindi na napigilan ng dalaga ang nag-uunahang luha sa kanyang mga mata.

“Please princess, don't cry,” aniya nang ikulong ito sa bisig niya.  “‘Cause it hurts me seeing you like this.   I promise, I won’t hurt you anymore.”

Tuluyan na ring yumakap sa kanya si Leonie.

“Say you love me too, princess and you'll marry me.  Please,” pagsusumamo niya  at  hindi na rin niya napigilan ang sariling lumuha.

Sisinghut-singhot na tumango si Leonie.

“Say it please, love.  Say that you love me and you'll marry me,”  ulit niya nang bahagyang inilayo ang dalaga saka pinunasan ang mga luha nito.

''I love you too, Rufo,” sa wakas ay sabi nito.  “And yes, I'll marry you.”

Mahigpit niyang niyakap muli ang dalaga at saka marubdob na hinalikan.  It was a fierce kiss ngunit may kasamang pagmamahal at paggalang.

Till the kiss began to slow down na parang ninanammam ang bawat segundong magkalapat ang kanilang mga labi.  Nobody knew kung sino ang unang naghubad o sino ang hinubaran.   All they care is how their body touched as if they own the world.

He started kissing her while whìspering sweet and tender  words na siyang lubos na nagbigay ng sobrang kaligayahan sa dalaga.

“I never knew love until it was you,” sabi niya kasabay ng mga haplos sa bawat parte ng katawan nito.  He adored her body and soul until their rhythm began.

Tide after tide, waves after waves of pure bliss, their bodies begin to sway na para bang nasa gitna sila ng karagatan na binabagyo.  And when their passions roared like a thunder so loud, like a speedy lightning, the sea storm began to slow down.  Leonie couldn't stand all the burning desire within her and yet she's craving for more.  Rufo seemed to be lost somehow.  He never felt so much passion and desire for a woman but whenever he's with Leonie, the entire world seems to be filled with voluptous fire and delicious explosions.

“Until you…!” he said then his eruption arise with one powerful thrust.

“Happy?” tanong niya pagkatapos kay Leonie habang nasa ibabaw pa rin niya nito.

Buong pagmamahal na yumakap ang dalaga sa kanyang bewang at saka malapad na ngumiti.

......

THE garden is full of different flowers— iba't-ibang kulay iyon ng roses, meron ding tulips, daffodils at iba't-ibang uri ng naggagandahan at namumukadkad na mga orchids.

Mapapansin sa pinakagitna ng napakagandang garden ang tila isang munting lagoon na sa magkabilang gilid ay may artificial falls at sa tama ng sikat ng araw ay tila mga diyamanteng nagkikislapan,  waring tinatanglawan ang dalawang nilalang na nakaluhod sa gitna ng maliit na altar at kababakasan ng ligaya.

It was Rufo and Leonie’s wedding and the happiest moment of their lives.

Leonie is wearing a Venus cut dress na gawa sa libu-libong rose petals and a glass shoes na sadyang nagpalutang sa kanyang simpleng ganda.  Habang ang suot na barong naman ni Rufo ay tila dahon ng mga rosas to match the dress of a bride.

Kung ang traditional wedding ay sa simbahan followed by a wedding march, for Rufo and Leonie, it was entirely different.  They made it into garden wedding at hindi rin uso ang maghintay ang groom, dahil para sa dalawang nagmamahalan ay sapat na ang mga araw na tiniis nilang paghihintay. Kaya naman sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay sabay silang naglakad na magkahawak- kamay at may matamis na mga ngiti sa labi. Isang ngiti at panakaw na tinginan na tanging mga puso lang nila ang nakakaunawa.

Mayamaya pa’y pumailanglang na ang napili nilang awitin para sa kanilang kasal.

Can I touch you? I can't believe that you are real… how did I ever find you?  You are the dream that saved my life, you are the reason I survived, baby….

I never thought that I could love, someone as much as I love you I know it's crazy but it's true, I never thought that I could need someone as much as I need you. I love you...

“I, Leonie Sioson, vowed to cherish and love you for the rest of my life.   Hindi ko maipapangako na magiging masunuring asawa ako sa ‘yo palagi, dahil alam ko na may mga bagay tayo na ‘di mapagkakasunduan.  All I can promise is that I’ll stay beside you forever. We will face all the problems together.  You are my strength, whenever I'm down and my courage to face whatever the days may bring.  I love you and I will always will...” bigkas ni Leonie sa kanyang vow habang isinusuot ang singsing sa binatang nakaluhod sa kanyang tabi.

Halos lahat naman ng mga kababaihan ay hindi maiwasang mapaluha sa mensahe niya.  They were amazed by the kind of love she had for Rufo.

And Rufo?  He was truly blessed for having her.  He will never regret the day he fell inlove with her.

“Sabi ni Galileo Galilee, ang mundo ang umiikot sa araw.   Pero para sa akin, ikaw ang mundo at ang araw ko.  You are the air that I breath, the life that I live.  And even if our hair turned to gray, I'll never stop loving you. I love you, con ogni respiro che prendo (with every breath I take),” saad ng binata habang sinusuot ang singsing sa kanya.


“You may now kiss the bride,” anunsyo ng nakangiting pari sa kanila.

Rufo slightly tilted her chin and kissed her tenderly kaya naman isang masigabong hiyawan ang kanilang narinig.

Matapos seremonya ay isa-isang binati nga taong malapit sa kanilang dalawa. Naroon din ang ama ni Leonie na naka-wheelchair habang bakas sa mga mata ang luha ngunit malapad ang mga ngiti sa labi.

"Sir, I'll promise to make your princess, my Queen and love her till our last breath." Seryosong sabi ni Rufo habang nakayakap si Leonie sa ama nito na tanging magkasunod na tango lang ang sagot nito.

"Congrats, to both of you!" Pansamantalang nanigas si Leonie nang makita ang may-ari ng pagbating iyon.

"I didn't come her to cause any problem. I just  really want to congratulate you and to apologize at the same time." Ani Mr. Donovan.

Walang imik na nakatayo at nakatingin lang si Rufo sa kaharap, unang nakabawi si Leonie kaya naman siya na ang bumasag sa tahimik na sitwasyon.

"Thank you Mr. Donovan,. But Rufo and I will appreciate if we don't see and meet each other in the future.
I believe that it's for our own good." Mahina ngunit may lamang sabi ni Leonie.

Napabuntong hininga lang ang matanda at saka nagpaalam.

"Thank you." Mahinang usal ni Rufo kasabay ng mahigpit na pagyakap.

Lumipas pa ang ilang minuto ay nagpaalam na ang bagong kasal para sa kanilang honeymoon.

Once again they walked hand in hand habang tila umuulan ng iba't-ibang uri ng rose petals na nagmumula sa isang chopper na paikot-ikot sa kanilang garden of love. Maingat na inalalayan siya ng binata pasakay sa tila kalabasang kalesa na hila ng apat na Stallion horses.

Indeed it was a happily ever after. A fairytale to tell over and over again.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro