Kabanata 28: Ang Misteryosong Regalo
Kabanata 28: Ang Misteryosong Regalo
MAGKASAMANG kumakain sa agahang iyon ang mag-amang Valentino. Mamayang hapon ay luluwas na si Dominick sa isang venue sa Maynila kung saan gaganapin ang Atlas Grand Tournament. Kaya naman pinagluto siya nang ganoon kasarap ni Agustus.
"Thank you again for this breakfast, Dad! And good luck to the opening of Valentino Land later!" bati niya sa ama. Mamayang gabi na kasi gaganapin ang grand opening nito at sa kasamaang palad ay hindi siya makakadalo dahil magiging abala siya sa sariling lakad.
"Kumusta na nga pala ang preparations mo para sa Atlas?" masayang tanong sa kanya ng ama.
"Well, pupuntahan ko na mamaya ang room ko roon. Doon ko na hihintayin ang laban ko para bukas sa qualifying match. Saka marami pa kasi akong mga aasikasuhin doon kaya kailangan ko talagang pumunta. Sorry kung hindi ako makakasama sa grand opening mamaya."
"It doesn't matter, Son! Unahin mo 'yang Atlas dahil mas importante sa atin 'yan. Kapag naipanalo mo 'yan, tayo na ang magiging pinakamakapangyarihang pamilya rito sa buong Asya! Dahil lahat ng mas malalaking koneksyon ay sa atin na mapupunta!"
"Don't worry about it. Wala nang makakatalo pa sa akin sa lagay kong ito, Dad. Everything will be on our hands now!" may pagmamalaking sabi ni Dominick.
Nahinto ang kanilang pag-uusap nang pumasok ang isang tauhan. "Mayor, may parcel po kayo!"
Agad tumalim ang mukha ni Agustus dito. "What the hell is this? Ano'ng parcel ang pinagsasasabi mo d'yan? Ano'ng tingin mo sa akin? Ako ba 'yung tipo ng tao na umo-order sa mga pipitsuging online shopping apps na 'yan para magkaroon ng parcel? Kanino galing 'yan?"
"Ah, eh, h-hindi ko po alam, eh. Ang sabi po kasi, para sa inyo lang daw po."
"Bullshit!" Ibinagsak ni Agustus ang hawak na tinidor. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na huwag kayong tatanggap ng kung anu-anong package nang hindi ko alam! Ako ang magsasabi sa inyo kapag may inaasahan akong package na darating! Maliwanag?"
"S-Sorry po, Boss!"
Pero kinuha pa rin ni Agustus ang kahon dahil naku-curious siya sa kung ano naman kaya ang nilalaman nito. Pagkabukas niya sa kahon, laking gulat niya nang makakita ng pugot na ulo roon! At nang mamukhaan niya kung kanino galing ang ulo, doon siya nagsisigaw at napaatras. Muntik pa siyang tumaob sa upuan niya.
"What happened, Dad?!" alalang tanong ni Dominick sa kanya.
Ngunit dahil sa pagtayo nito, nahulog din nito ang hawak na kahon. Doon gumulong ang ulo na laman niyon! Pati siya at ang lahat ng mga tao roon ay napasigaw na rin. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Ulo ni Kapitan Berdugo ang nasa harap nila ngayon!
"Ilayo n'yo sa akin 'yan! Ilayo n'yo 'yaaaaaan!" takot na takot na sigaw ni Agustus habang maluha-luha ang mga mata.
Bukod sa pugot na ulo, may isang papel ding nahulog mula sa kahon. Pinulot ni Dominick ang isa at ipinakita sa kanya. "Dad, read this!"
Binasa nga niya ang sulat.
"Kung inaakala mong mapapahanap mo ako, nagkakamali ka. Hindi mo ako kilala. Hindi mo rin alam kung nasaan ako. Pero ako, kilalang-kilala kita. At alam na alam ko rin ang bawat kilos mo, ang lahat ng pinupuntahan mo, pati ang lahat ng tungkol sa buhay mo!"
Lalong kumabog ang dibdib ni Agustus sa nabasa. Nilukot niya ang papel at itinapon. "Sino ba ang gumagawa sa akin nito! Sinoooooo!"
Tinawag ni Dominick ang atensyon ng lahat. "Hoy, kayo! Bakit wala kayong ginagawa? Hanapin n'yo ang taong gumagawa nito sa dad ko! Baka manggulo pa ito sa grand opening mamaya! Siguraduhin n'yong maayos ang security mamaya!"
Sabay-sabay namang tumango ang mga tauhan. "Yes, boss!"
Nilapitan naman ni Dominick ang ama at hinagod sa likod. "Don't worry, Dad. Once na matapos ang grand tournament, babawian natin kung sinuman ang gumagawa sa 'yo nito. I will make sure na mas matindi pa sa impiyerno ang ipaparanas ko sa kanya!"
Hindi na halos makapagsalita si Agustus. Hindi siya makapaniwalang ganoon lang kadaling mapapatay ng misteryosong tao na ito ang pinakamalakas na leader ng pinakamakapangyarihang terrorist group sa Asya.
Ibig sabihin, talagang makapangyarihang tao rin ang kumakalaban sa kanya at hindi niya ito kailangang baliwalain.
HANGGANG sa pag-uwi, namumugto ang mga mata ni Stephany sa labis na pag-iyak. Hindi niya matanggap na wala na sila ni Kael kahit hindi naman naging sila.
Maghapon siyang nagmukmok sa kanyang silid. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magwala. Parang dinaanan ng bago ang kanyang kuwarto dahil sa mga gamit na walang awa niyang pinagbabato.
Hanggang sa biglang pumasok sa utak niya si Luntian. "Kasalanan mo itong lahat!" bulong niya sa sarili habang nakatitig sa basag na salamin. "Marami pa akong plano kay Kael! Pero hindi ko magagawa ang mga 'yon kung nandito ka pa! Kailangang mawala ka nang babae ka! Para pagdating ng panahon na magkabati kami, wala nang puwede pang maging hadlang sa amin! At para tuluyan na siyang maka-move on sa mga katribo niya! Dapat ka nang mawalaaaaa!"
Bigla na lang may pumasok na kung ano sa utak niya. Saka niya dinampot ang kanyang cellphone at may tinawagan doon.
Paglabas ni Stephany sa kuwarto, agad niyang hinanap sa buong bahay si Luntian. Natagpuan niya itong naglilinis sa gym room niya.
"Luntian, puwede ba kitang utusan?"
Agad lumingon ang babae sa kanya. "Ano po iyon, Ma'am?"
May binigay siyang listahan dito. "Can you buy those items at the grocery store? I need them later! Pakibilisan na lang, please!"
Agad tumayo ang babae at kinuha ang listahang hinagis niya. "Sige po, Ma'am. Bibilhin ko na po agad ito," magalang namang sagot ng babae at lumabas na ng gym.
Lihim na napangiti si Stephany rito.
DALAWANG plastic bag ang bitbit ni Luntian pagkalabas niya ng grocery store. Pasakay na siya ng tricycle nang biglang may humarang na pulang van sa kanya. Apat na lalaki ang lumabas dito at bigla siyang kinaladkad.
Nagsisigaw siya at sinubukang pumalag ngunit nasuntok siya sa tiyan ng isa. Nang mawalan siya ng malay, agad siyang binuhat ng apat papasok sa loob ng sasakyan.
Nagising na lang si Luntian na nasa madilim na kuwarto na siya. Nagulat siya nang makita ang mga lalaking nakapalibot sa kanya. Hinihintay lang siyang magising ng mga ito. Pagkatapos ay doon na lumapit ang mga ito sa kanya at sinimulan siyang pagsamantalahan.
Lahat na ng pagwawala at pagmamakaawa ay ginawa na ni Luntian pero hindi niya napigilan ang mga karahasang ginawa ng mga lalaki. Pagkatapos siyang pagsamantalahan, binugbog naman siya ng mga ito hanggang sa maligo siya sa sariling dugo.
Nagtagal ng halos isang oras ang ginawang pambubugbog at pagpapahirap sa kanya. Nang mapansing hindi na siya gumagalaw, doon na siya isinilid ng mga ito sa sako at itinapon sa ilog.
Isang lalaki ang may tinawagan sa telepono. "Hey, Steph! Nagawa na namin lahat ng pinag-utos mo. Kinidnap namin siya, pinahirapan, binaboy, bago pinatay at ngayon nasa ilog na. Ayan, ha? Pinagbigyan ka na namin. Kaya sana, kami naman ang pabigyan mo. Ikaw naman ang gusto naming matikman."
Natawa ang lalaki sa sumunod na sinabi ng babae. Dahil pumapayag na ito sa gusto nila. Halos maglulundag sa tuwa ang lalaki. Iniwan na nila ang lugar na iyon pagkatapos itapon si Luntian sa may ilog doon!
Hindi na nila napansin ang isang matandang lalaki na nakakita sa krimeng ginawa nila!
PAGKATAPOS maligo ni Sasha sa kanyang bathtub, agad siyang nagtapis ng tuwalya at tinungo ang cellphone niyang nakapatong sa mesa. Kanina pa tumutunog iyon. Pagtingin niya sa screen, ang dami niyang natanggap na missed calls mula sa isang unknown number.
Nagtaka siya kung sino ito. Dahil base sa hitsura ng numero, parang galing ito sa Pilipinas. Sunod naman niyang binuksan ang email niya dahil nakita niyang marami ring mensahe roon galing sa iisang email.
Nagulat siya pagkabukas sa mensahe nito. Lumantad doon ang isang mensahe mula sa mga kalokohang ginagawa ng anak niyang si Stephany sa Pinas. Tatlong buwan na raw itong buntis, napasubo raw ito sa maraming gulo, at marami raw itong mga inaabusong lalaki sa campus na pinapasukan nito.
Ang mas ikinagulat pa niya ay ang sumunod na mensaheng pinadala nito. Naglalaman iyon ng mga dokumentong nagpapatunay sa kakaibang sakit o disorder na mayroon si Stephany. According sa documents na iyon, mayroon daw itong hypersexuality o sa madaling salita, adik daw ito sa s#x.
Sa loob daw ng campus nila, marami itong binabayaran at kinakaibigang lalaki para makasiping nito sa kama. Hindi na raw normal ang ginagawa ng babae, at habang tumatagal ay lalo pa raw lumalala ang karamdaman nito.
Marami pa itong pinadala sa kanya na ngayon lang niya nalaman tungkol sa kanyang anak. Nagpakilala naman ang unknown sender sa email bilang si Carlo Harres, ang ama ng dinadalang bata ni Stephany.
Sa labis na pagkataranta, napa-impake nang wala sa oras si Sasha. Kailangan niyang makita ang anak sa lalong madaling panahon!
"WE HAVE an alarming situation here!" sigaw ni Agustus sa board meeting. Kasama niya ngayon ang mga tauhan at empleyado, kabilang na sina Nasser at Coach Andres. Si Dominick naman ay nakaalis na pabalik ng Maynila kasama si Damulag.
"Hindi na biro ang mga threats na natatanggap ko! May kutob ako na malaking tao rin ang gumagawa nito sa akin dahil nagawa niyang patayin si Kapitan Berdugo! Walang nakakaalam sa koneksyon ko sa Black Eagle maliban lang sa inyo! Kahit ang mga tagahanga ko hindi alam iyon! Kaya sigurado ako, na nandito lang sa sarili kong balwarte ang may kinalaman dito!" mataas ang boses na paliwanag ni Agustus.
Hindi nakapagsalita ang lahat. Pare-parehong nagtataka kung sino kaya ang traydor sa kanilang kampo.
"Malakas ang kutob ko na isa rito ay lihim na sinasaksak ako patalikod. Siya ang nagsasabi sa taong ito sa lahat ng mga ginagawa ko kaya niya nagagawa ang mga threats na ito. Kaya kung sinuman ang traydor na iyon, humanda ka kapag nakilala kita. Higit pa sa bangungot ang parusang ibibigay ko sa 'yo!"
Tahimik pa rin ang lahat. Kinakabahan kahit wala naman silang kinalaman doon.
Muling nagtanong sa galit na tinig si Agustus. "Sino kaya ang traydor dito?" Saka niya isa-isang tiningnan ang mga kasama. Nakatitig lang din sa kanya ang lahat.
Si Coach Andres naman ay pasimpleng napayuko at naglayo ng tingin kay Agustus.
GABI. Opisyal na ngang nagsimula ang grand opening ng Valentino Land. Nagsimula iyon sa magarbong sayawan, munting palaro, hanggang sa maganap na nga ang pinakahihintay ng lahat, ang libreng mini-concert na pangungunahan ng ilan sa mga bantog na singers at banda sa bansa.
May dalawang grupo pa nga mula sa ibang bansa ang naimbitahan para mag-perform.
Kabilang na rin sina Agustus sa mga audience na nanonood sa mini-concert. Natapos na siyang magbigay ng napakahabang speech kanina na sobra namang pinalakpakan ng mga tao. Kaya ngayon ay ine-enjoy na lang niya ang huling bahagi ng show kasama ang mga tauhan.
Dinumog ng mahigit limang libong katao ang unang araw ng Valentino Land. Talagang bumaha ang saya at kulay ng paligid.
Sunod na nag-perform ang dalawang grupo mula sa ibang bansa na inimbitahan doon. Lalong lumakas ang sigawan ng mga audience. Nagtagal ng mahigit dalawampung minuto ang pinagsamang performance ng dalawang grupo.
Nang magtapos ang mga ito, sunod nang umakyat sa backstage ang susunod na magpe-perform. Sa pagkakataong iyon, biglang namatay ang ilaw sa buong venue. Patuloy naman sa pagsigaw ang mga tao dahil akala nila parte pa rin iyon ng programa.
Ngunit bahagyang nagtaka si Agustus nang biglang lumitaw sa malaking projector screen ang naka-zoom in na litrato. Sa labis na pagkaka-zoom in nito, halos wala silang maintindihan sa kung ano ang nilalaman ng litratong iyon.
Mayamaya ay unti-unti itong gumalaw at nagsimulang mag-zoom out. Doon na unti-unting lumitaw ang nilalaman ng naturang litrato. Habang nagzo-zoom out ito, unti-unti na ring napapakunot ang noo ng mga tao dahil sa kakaibang larawang bumubungad sa kanila.
Hindi nagtagal nang mapagtanto ng mga tao kung anong litrato iyon. Nagulat sila nang tuluyang masilayan ang larawan ng grupong Black Eagle. Magkakasama raw ang mga ito sa iisang larawan. At nang matapos sa pagzo-zoom out ang litrato, makikita naman sa bandang gilid sina Agustus at Nasser!
Parehong nagulat ang dalawa at agad nilingon ang reaksyon ng mga tao. Pare-pareho namang nagtaka ang mga tao kung bakit nandoon si Agustus kasama ang pinakamasamang terorista sa buong Asya.
Nakaramdam na rin ng kakaiba ang mga tauhan ni Agustus sa labas. Kaya agad silang kumilos para imbestigahan ang nangyayari. Ngunit bago pa sila makabalik sa backstage, may mga armadong lalaki ang biglang nagsilabasan sa labas at pinagbubugbog ang mga tauhan.
Hindi na napigilan pa ang sumunod na mga nangyari.
Bago pa magbago ang nagtatakang reaksyon ng mga tao, bigla nang nag-blackout ang malaking monitor at nawala ang litrato. Kasunod niyon ang pagtugtog ng isang kanta na hindi pamilyar sa lahat. Ang awit ay pinamagatang I Smell Blood ng bandang Max Boogie Overdrive.
Patuloy itong tumutugtog habang blangko ang screen sa mga monitor sa paligid. Ilang sandali pa, muli itong sumindi. Sa pagkakataong iyon, may lumabas na mensahe sa screen.
The Revenge Tour is Coming!
TO BE CONTINUED...
(Ang Huling Dalawang Kabanata)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro