Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21: Ang Itinatagong Motibo

Kabanata 21: Ang Itinatagong Motibo

KASALUKUYANG nagbibihis ng Gi uniform si Andres nang masilayan nito ang pagdating ni Kael. Natuwa ang matanda dahil suot na agad niya ang kanyang uniporme.

"Ang aga ng dating mo, Makisig. At naka-uniporme ka na agad. Mukhang desidido ka talagang matuto ng panibagong kaalaman. Iyan ang gusto ko sa estudyante ko!"

"Basta't pagdating sa martial arts, buo po ang oras at panahon ko d'yan."

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Mamayang alas-sais pa po ang klase ko. Kaya puwede tayong magpaabot hanggang hapon dito, Master."

"Good! Tamang-tama dahil kararating lang ng isa ko pang magiting na estudyante. At sabik na akong maturuan kayong dalawa."

Biglang may lumabas sa dressing room.

Masaya itong nilingon ni Andres. "O, heto na pala siya!"

Laking gulat ni Kael nang masilayan si Damulag! Naka-uniporme pa ito at may itim na panyo sa ulo. "Ang tagal din nating hindi nagkita, Makisig! Maligayang pagbabalik!" matalim ang tinig na bati ng lalaki sa kanya.

Hindi siya makapaniwala. "Bakit ka nandito? Ano'ng ginagawa mo rito?"

Humalakhak lang ang lalaki. "Ako dapat ang nagtatanong sa 'yo n'yan. Ano ang ginagawa mo rito sa balwarte namin?"

"Balwarte?" Saka siya lumingon kay Master Andres.

"Huwag kang mag-alala, Makisig. Hindi siya kalaban," kalmado namang sagot ng matanda.

Nagbalik siya kay Damulag. "P-pero akala ko ba hawak ka ng mga terorista? Bakit nandito ka ngayon?"

"Anong terorista? 'Yun bang sumugod sa lugar n'yo? Ah, wala 'yun! Palabas ko lang 'yun! Palabas lang namin ni Maskara sa 'yo 'yun. Siguro naman kilala mo na kung sino talaga siya, 'di ba?" nang-iinis na wika ng lalaki.

Agad nakipagbungguan ng dibdib si Kael dito. "Hayop ka! Ano'ng ibig sabihin nito? Pinagkakaisahan n'yo ba ako?"

"Relax ka lang d'yan! Kung talagang kalaban mo pa ako, matagal na sana kitang inilaglag kina boss! Hindi mo ba alam, ako lang din ang kausap mo? Ako ang mysterious caller mo, Makisig! Kung hindi dahil sa akin, ni hindi kayo magkakaroon ng ideya noon kung saang lupalop dinala ang mga katribo mo!"

Lalo siyang nagulat sa narinig. "Ano?"

"Tama siya, hijo. Siya ang inutusan kong tumawag sa 'yo para magbigay ng impormasyon na nakakalap namin kina Agustus," paliwanag naman ng matanda.

Saglit na natahimik si Kael. "P-pero ano 'yung koneksyon niya sa mga terorista?"

"Inutusan lang siya ni Agustus para magpanggap na bihag. Para paniwalain kayo sa kung anuman ang gusto niyang paniwalaan mo. Pero mula nang malayo ang loob ko sa kanila, kinumbinsi ko na rin si Damulag na pumanig sa akin. Oo, nakikipag-usap pa rin siya kina Agustus. Dahil kailangan. Siya ang nagsisilbi kong mata ngayon sa kampo ng mga Valentino. Siya ang dahilan kaya nakapagbibigay ako ng mga impormasyon sa 'yo. Maniwala ka, Makisig. Hindi mo na siya kalaban."

Parang sasabog ang utak ni Kael sa dami ng natuklasan. Muli niyang nilingon si Damulag na patuloy pa ring nakangisi sa kanya.

"Tama siya, Makisig! Kaya dapat nga magpasalamat ka dahil nagbagong-loob na itong si Master ko. Dahil kung hindi, baka matagal na kitang binalian ng leeg! At uunahan ko pa si Dominick sa pagpatay sa 'yo!"

Muling tumalim ang titig niya rito. "Akala mo natatakot ako sa 'yo? Kapag naglaban tayo ulit, hindi na sa ospital ang uwi mo, kundi sa sementeryo na!"

"Tama na 'yan!" awat sa kanila ni Andres. "Mabuti pang simulan na natin ang training. Marami pa akong ituturo sa inyo kaya puwede ba? Mamaya na lang natin pag-usapan ang lahat!"

Alas sinco ng hapon na natapos ang madugo nilang pagsasanay. Tumatagaktak muli sa pawis si Kael kaya naghubad na siya ng pang-ibabaw at nagpunas ng tuwalya sa buong katawan. Nagtungo na muna sila ni Andres sa canteen para kumain bago siya bumiyahe patungo sa klase niya.

"Master, paano mo pala nakumbinsi si Damulag na umanib sa 'yo?" diretsahang tanong ni Makisig habang hinahalo ang pagkain sa kanyang harapan.

"Sa totoo lang, mas mahaba ang pinagsamahan namin ni Damulag kaysa kay Dominick. Bago ko pa man makatrabaho ang mga Valentino, estudyante ko na si Damulag. Ako ang kumupkop sa kanya mula nang abandunahin siya ng nanay niya. Ako na rin ang tumatayong magulang niya. Kaya kahit gaano pa siya ka-close sa mga Valentino, nasa akin pa rin ang loyalty niya. Talagang matapang at agresibo si Damulag. Wala siyang sinasanto. Pero sa lahat ng bagay sa mundo, ako at ang salita ko lang ang kinatatakutan niya."

Mabagal na pagtango ang naitugon dito ni Kael. "Ngayon ko lang po nalaman na inabando pala siya ng nanay niya. Nakakalungkot din pala ang nakaraan ni Damulag."

"Ang masaklap pa rito, natagpuan pa namin ang nanay niya noong walong taong gulang na siya. Pero alam mo ang nangyari? Itinaboy na siya ng ina niya. May sarili na itong pamilya. Kaya raw siya nito iniwan sa gilid ng basurahan ay dahil bunga lang daw si Damulag ng lalaking nang-rape sa nanay niya. Walang araw na hindi umiyak si Damulag noon. Talagang nadurog ang puso niya sa pagtataboy sa kanya ng sariling ina. Kaya sa paglaki niya, naging sing tigas na ng bakal ang puso niya. Binura na rin niya sa isip na may nanay siya. At ibinuhos niya ang buo niyang buhay sa martial arts."

"Naiintindihan ko na po kung bakit siya ganoon. Pero ang inaalala ko na lang po ngayon, hanggang kailan makikisama si Damulag sa mga Valentino kung peke na lang pala ang katapatang pinapakita niya sa mga ito?"

"Hangga't siya nahuhuli. Dahil siya na lang ang mata natin sa kampo ng mga kalaban. Ako, hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako magtatagal sa balwarte nila. Medyo nakakahalata na sa akin ang mag-ama. Kaya kung mabisto man nila ako, kailangan nandoon pa rin si Damulag. Dahil nga close talaga siya kay Dominick, malabong pagdudahan siya ni Agustus."

Napabuntong-hininga na lang si Kael. Saka palihim na nilingon ang puwesto ni Damulag sa bandang dulo. Mag-isa itong kumakain doon. Ganadong-ganado ang lalaki, at kahit saang anggulo niya ito tingnan kanina, wala siyang nakikitang kahit anong poot sa mga mata nito lalo na noong magkasama sila sa training.

PAGKAPASOK sa campus, sa CR na muna dumiretso si Kael. Pagkatapos maglabas ay sinara na agad niya ang zipper at tinulak na ang pinto. Bigla namang bumulaga si Stephany na bahagyang gumulat sa kanya.

"Hi, Kael!"

"Ah, Steph! Kanina ka pa ba d'yan?"

"No, kararating ko lang!"

"Paano mo nalamang nandito ako?"

"Ah, eh, naamoy ko kasi 'yung pabango mo rito, eh. Kaya inisip ko baka nandito ka!"

"Ah, ganoon ba?"

"May P.E ka ngayon kay Ma'am Castro 'di ba? Gusto mo sabay na tayo?"

"A, s-sige. Okay lang."

Masayang hinawakan ng babae ang kamay niya. Saka sila sabay na naglakad paakyat sa kanilang silid.

Pagkapasok sa classroom, bumungad sa kanila ang ibang estudyante na nagkakasiyahan sa paligid. Wala pa ang prof nila sa mga oras na iyon kaya hindi mapigilan ang ingay. Naki-ingay na lang din muna sila sa mga barkadang lalaki ni Stephany roon.

Lingid sa kaalaman ni Kael, may mga matang nakamasid muli sa kanya. Pinagmamasdan silang dalawa ni Stephany.

Napakunot ng noo ang isang babae. "Hay nako! Ngayon pa lang, naaawa na ako sa guy na 'yan!"

Sumang-ayon dito ang kasama. "Oo nga, eh! Mukhang mabait pa naman!"

Ang kaninang tawanan ay napunta sa yayaan ng inuman. Ayaw sanang sumama ni Kael pero hindi na naman niya natanggihan ang inosenteng boses ni Stephany.

Kaya nang siya'y makauwi, inabot na naman siya ng dis oras ng gabi. Nagpalit lang siya ng damit saka muling nagtungo sa forbidden room ng kanyang condo. Muli niyang ipinagtirik ng kandila ang lapida ng mag-amang Valentino.

"Isang buwan na lang bago ang hinihintay n'yong grand opening. Magpakasaya na kayo hanggang gusto n'yo. Dahil sa araw ng pagbubukas n'yo, hindi na multo ang makikita mo, Agustus. Kundi ang totoong ako na!" aniya sabay kuyom sa mga kamao.

TIRIK na ang araw sa labas ngunit madilim pa rin sa silid na iyon. Habang umuuga ang kama, may mga ungol na naghahabulan sa paligid. Si Stephany, hubo't hubad habang pinalilibutan ng apat na kalalakihang pawang nakahubad din. Kabilang doon sina Medwin at Jordz na parehong miyembro ng basketball team.

Matapos siyang maputukan ni Medwin, umalis na ito sa harapan niya at si Jordz naman ang sunod na pumatong. Humithit ito ng yosi habang patuloy na pinayayanig ang mundo niya. Wala nang ibang lumabas sa bibig ni Stephany kundi ang mahaharot niyang mga ungol.

"Aaaaaaahh! Oooooohhh! Ugggghhh! Yeaaaaaahhh!"

Naupo sa isang tabi si Medwin at nagsimulang magbihis. "Hoy, sinong kainuman mo kagabi? Bakit hindi mo kami niyaya?"

Pinilit magsalita ni Stephany. "Huh? Uminom lang kami ni Kael at ng ibang friends ko!"

"Si Kael? Kasama mo?" gulat na tugon ni Jordz, saka ito nagbuga ng usok. "'Tang ina naman, oh! Bakit naman hindi mo kami sinama? Parang si Kael na lang yata lagi mong niyayaya ngayon, ah!"

"Oo nga!" singit ni Medwin. "Pinagpapalit mo na ba kami ngayon sa kanya?"

"Mga sira!" sigaw ni Stephany sa mga ito. "Siyempre bago pa lang 'yung tao sa campus natin kaya malamang pakikisamahan ko muna! Huwag nga kayong O.A!"

Nagsitawanan naman ang apat. "Ano ka ba! Joke lang!" asik ni Medwin. "Pero, kumusta naman 'yung naging inuman n'yo ni Kael kagabi?"

"As usual, ang hirap pa ring makuha ng loob niya! Saka hindi siya masyadong nakikisabay sa kulitan namin. Hindi rin masyadong tumatawa. Lagi pa niyang bukambibig 'yung pamilya niya. Nakakasawa na minsan! Pasalamat lang talaga siya at napakaguwapo niya kaya napagpapasensiyahan ko pa siya. Kung ibang tao lang siguro siya, baka nasampal ko na dahil ayoko pa naman ng introvert 'no!"

Natawa naman dito si Jordz. "Bakit naman kasi pinipilit mo pa si Kael? Alam mo, malaki lang ang katawan no'n pero wala sa hitsura no'n ang gumawa ng katarantaduhan gaya namin. Huwag mo siyang itulad sa amin. Matinong tao 'yong bagong barkada natin. Mabuti siguro i-respect na lang natin siya."

"E, bakit naman kasi ganoon! Ba't pa siya nagpalaki ng katawan kung hindi rin naman pala siya manghaharot ng babae?!" reklamo ni Stephany.

"Siraulo ka ba?" pakli ni Medwin. "Required ba sa mahaharot na lalaki ang magpalaki ng katawan? Upakan kita d'yan, eh! May point nga naman si Pareng Jordz. Masyadong mabait si Pareng Kael para ganyanin lang ng babaeng katulad mo. Hindi mo siya deserve, 'no! Kaya kami na lang ang harutin mo at makuntento ka na sa amin!"

"Hay nako! Ayoko na! Umalis na kayo!" Buong lakas niyang tinulak si Jordz hanggang sa mahulog ito sa kama. Tinadyakan din niya ang dalawa pang lalaking kasamahan nila. Saka siya nagbalot ng kumot sa kalahating katawan at sumandal sa kama.

"Grabe 'to, oh! Matapos kaming pakinabangan itatapon na lang kame!" reklamo ni Jordz sabay bihis na rin ng damit.

"Pero alam n'yo, there's only one reason kaya gustong-gusto kong matikman si Kael," sabi ni Stephany na biglang nagbago muli ang mood.

"Ano naman 'yon?" tanong sa kanya ng isang lalaki sa bandang paanan niya.

"'Di ba nga Katawi siya? E, ang mga Katawi, hindi sila nahihiyang maghubad sa kapwa nila! Walang malisya sa kanila 'yon! Kaya for sure mas exciting kapag siya ang nakita kong naghubad!"

Napailing na naman si Medwin. "E, ang tanong, Katawi ka ba? Nakakalimutan mo yata, sa mga kapwa Katawi lang sila naghuhubad. Kaya huwag ka nang umasa na maghuhubad sa harapan mo 'yon!"

"No!" mariing sambit ni Stephany. "Pinag-aralan ko na ang tungkol sa kanila. Hindi talaga sila nahihiyang maghubad sa harap ng tao, Katawi man o hindi. It's part of their fucking culture! Walang malisya sa kanila ang magpakita ng mga private parts sa katawan! Para sa kanila, lahat ng mga private parts na ito ay katulad lang din ng mga kamay, paa, ilong, at bibig natin na puwedeng makita ng kahit na sino!"

"So, ano na'ng gagawin mo n'yan?" mayamaya'y tanong sa kanya ni Jordz.

Umikot ang mata niya sa mga barkada. "Kaya nga kailangan maging close na kami agad!" Saka siya nagpakawala ng makahulugang ngiti.

ISANG mahigpit na yakap ang ibinigay kay Agustus ng Biste Presidente. Pinaupo agad siya nito sa sofa at ito pa mismo ang nagtimpla ng kape sa kanya.

"This is so sweet, Ms. VP. Thank you so much!" malambing ang tinig na wika niya rito saka kinuha ang isang tasa ng kape.

"You are the man, Mr. Valentino! Kaya hayaan mo akong pagsilbihan ka!" ani Daniella sa kanya saka ito naupo sa lamesa nito. "Kailan nga pala ang grand opening ng Valentino Land?"

"Next month na! Sa unang araw mismo ng buwan! 'Yung first wave pa lang ang bubuksan namin. Pero sapat na ang laki niyon para mapasyalan ng mga tao. Marami ring palaro, pakulo at live music!"

"Oh, that's good! I can't wait to see it myself! So, ano pala ang pag-uusapan natin ngayon?"

"Well, I just want to ask kung kumusta na kayo ni President Benjamin?"

"Oh? Okay lang naman kami. Malakas pa rin ang samahan namin gaya ng dati. Kahit maraming namba-bash, patuloy pa rin kaming namamayagpag!" may pagmamalaking wika ng Bise Presidente.

"Well, good for you! Unfortunately, it's the opposite for us. Medyo nanlalamig na ang pagkakaibigan naming dalawa. Hindi na siya gaanong nangangamusta sa akin, tapos parang wala na rin siyang pakialam sa akin. Ewan ko ba! Pero hindi ko na maramdaman sa kanya 'yung dating sigla niya tuwing magkaharap kami."

"Oh, I'm sorry about that! Pero alam mo, may napapansin din ako kay Mr. President, eh. Parang masyado yata siyang nakikinig sa mga tao ngayon. Sobrang ingat na ingat siya sa mga sinasabi niya. Parang nagiging people pleaser na siya? Mukhang may gusto talaga siyang patunayan sa mga tao. Ang laki na nga rin ng pinagbago niya ngayon compare noong campaign pa lang namin!"

"That's what I'm talking about!" halos sumigaw na si Agustus sa loob ng opisina. "Masyado siyang nagpapaawa sa mga tao! 'Yun ngang pagpasok ng ICC, hanggang ngayon hindi pa rin niya pinipigilan. Patuloy pa rin akong pinagtutulungan sa Senado! Minsan naiisip na talaga ako sa lalaking 'yan, eh."

"Well, we can do nothing about it. He is the President. He has the power in everything. Siya lang ang puwedeng makatulong sa 'yo in an instant kung gugustuhin niya. Lalo na mahaba-haba rin ang pinagsamahan n'yo before."

"Kaya nga, eh! Alam mo, kung ikaw lang siguro ang nakaupo ngayon, baka mas malaki pa ang naitulong mo sa akin."

"Of course, Mr. Valentino! Ako pa ba? Kaya lang naman kita hindi matulungan agad-agad dahil limitado lang din ang galaw ko. Lalo't binabantayan din ako ng mga tao na 'yan, lalong-lalo na 'yung mga nasa Senate na 'yan. Pero kung mabibigyan lang ako ng chance na mapalitan si President? Ako na mismo ang magsasabi sa 'yo, tapos na ang lahat ng problema mo!"

Lalong namula sa tuwa si Agustus. "Oh, I like you so much, Ms. VP! You are so much better! Sana talaga, ikaw na lang, eh! Nawawalan na ako ng amor sa Benjamin na 'yan!"

"Actually, I have something in mind kung gusto mong mapalitan si President Benjamin." Sabay ngiti ng Bise Presidente.

"Oh? Really? Do you have a plan in there?"

"Well, we all know na dati nang nakagamit ng drugs 'yang Benjamin na 'yan. Isang bagay 'yan na hindi pa alam ng public sa kanya. His family has been keeping that for decades para hindi na madagdagan ang galit ng taumbayan sa kanila. The good news is, may mga kakilala akong puwedeng maglabas ng mga medical records niya. Kapag nalaman ito ng publiko, malaki ang chance na mapatalsik siya sa puwesto, because that's an impeachable offense! What do you think, Mr. Valentino?"

Gulat na gulat siya sa narinig. "Really? Do you think you can do it for me, Ms. VP?"

"Of course! Madali lang naman halungkatin 'yon. This is the perfect time to do it habang hindi pa niya kasundo ang kapatid niya! Balita ko, kahit ang sarili niyang pamilya ngayon ay hindi niya rin kasundo. Gusto nila kasing hawakan sa leeg iyan si Benjamin para maibalik sa limelight ang family niya. Pero siya na mismo ang pumipigil sa mga ito dahil mas kinakampihan na nga niya ang taumbayan. Kapag nasira pa uli siya sa mga taong pini-please niya, wala na siyang ibang malalapitan pa. I'm pretty sure, hindi rin siya tutulungan ng pamilya niya. Baka nga magdiwang pa sila kapag napatalsik siya, eh."

"Oh, yeah! You're right, Ms. VP! I almost forgot about it! Hindi na nga rin pala niya nakakasundo ngayon ang sarili niyang pamilya dahil masyado siyang nagpapaawa sa mga tao! Paano na lang kung malaman nila na may presidente tayong drug addict? I can't imagine kung anong magiging reaksyon niya sa labis na kahihiyan! Oh, God! Hulog ka talaga ng langit sa akin, Ms. VP! You are the best! Kailan ba natin sisimulan ito?"

"Any time, Mr. Valentino! Kahit mamaya lang, kakausapin ko na ang tao ko. At bukas na bukas din, magugulat ka na lang sa mapapanood mo sa balita! Pero siyempre, bago ko gawin iyon, I have something to ask din sana."

"Oh, I am ready for that, Ms. VP! Tell me anything! I will give you everything!" Saka siya humalakhak ng tawa.

"Alam mo kasi, kapag natapos na ang termino ko, I am planning to run for President. Siyempre, I need funds. I need support! I need you, Mr. Valentino! Alam kong ikaw lang ang makapagpapanalo sa akin. I need your influence! Baka naman...puwede mo akong ikampanya?"

Doon nabawasan ang ngiti ni Agustus. Hindi siya nakasagot agad. Ilang beses din siyang napalunok ng laway. Hindi niya akalaing may itinatago rin palang ambisyon ang babaeng ito. Akala ba naman niya, puwede niya itong mapakinabangan bilang tauhan niya balang araw.

"Ah, well, sure pero can we just talk about it some other time? Kailangan kasi natin ng mas konkretong plano para d'yan."

"Oh, sure, Mr. Valentino! Thank you so much!" sabi pa ng babae sa tinig na tila naglalandi.

SA HULING pagkakataong ay muling bumangon ang lalaki. Umikot ito sa ere at nagsagawa ng tornado kick. Ngunit bago pa iyon dumapo kay Dominick, nahawakan na niya ang mga paa nito, saka niya buong lakas na binalibag ang lalaki sa lupa.

Napaigik na ang lalaki sa tindi ng mga pinsalang tinamo mula sa kanya. Hirap na hirap na itong makatayo. Pero hindi pa rin niya pinahinto ang laban. Hinintay niya itong makabangon muli dahil hindi pa rin napapawi ang kanyang uhaw sa madugong labanan.

Ginaganap ang kanilang laban sa isang open venue sa Thailand. Ang kasalukuyan niyang kalaban sa annihilation tournament doon ay ang tumakas na fighter mula sa North Korea na si Ji-Wong Lee. Kilala ito bilang pinakadelikadong Taekwondo fighter dahil sa kakaiba nitong gimmick. May suot itong mga sapatos na punong-puno ng mga patalim na may kamandag. Sinumang tamaan ng mga sipa nito ay daig pa ang natuklaw ng sampung ahas sa tindi ng mga kamandag.

Ngunit dahil sa tulong ng Devil Drug, nagkaroon ng pambihirang bilis sa paggalaw si Dominick kaya madali niyang nailagan ang mga sipa nito. Pagkatapos niya itong pagurin sa pagsipa, siya naman ang nagpakitang-gilas dito. Ipinakita niya kung paano niya bigyan ng sariling twist ang kanyang Taekwondo.

Ang lalaki naman ngayon ang bugbog-sarado sa mga sipa niya. At nang makabangon itong muli, hindi na niya hinintay na makabawi pa ito. Tumakbo siya nang pagkabilis-bilis at nagsagawa ng 540 kick, kung saan umikot siya ng 540 degrees sa ere bago pinatama sa mukha ng kalaban ang mga paa niya.

Umikot ang katawan ng North Korean fighter at muling bumagsak sa lupa. Sa pagkakataong iyon, hindi na ito nakabangon. Nawalan na ito ng malay!

"The winner, Dominick Valentino from Philippines!" anunsyo ng matandang battle announcer.

Ito na ang panglimang death match na naipanalo ni Dominick. Palipat-lipat lang siya sa iba't ibang bansa para ubusin ang lahat ng annihilation tournament na makikita niya. Nais niyang ipamukha sa buong mundo na siya ang pinakamalakas at pinakanakatataas sa lahat.

Kinabukasan din ay nagbalik siya ng Pilipinas para depensahan naman ang kanyang titulo sa Asia's Got Champion, dahil ayon sa management niya, may dumayo raw na bagong challenger doon na galing naman sa Brazil.

Wala siyang pahinga. At wala siyang balak magpahinga. Dahil sa epekto ng Devil Drug sa kanyang katawan, hindi na siya marunong mapagod. Laging naghahanap ng laban ang katawan niya. Pakiramdam niya ay manghihina at magkakasakit siya kapag wala siyang napataob na tao!

KANINA pa napapansin ni Nasser ang pananahimik ng amo. Hindi na tuloy siya nakapagpigil na lapitan ito. "Boss, kumusta pala 'yung pagbisita n'yo kay VP Daniella n'ong isang araw? Ba't parang hindi yata maganda ang pinatunguhan base sa hitsura n'yo ngayon?"

Napabuntong-hininga si Agustus. "Paano ba naman kase, may ambisyon din palang maging presidente ang lintik!"

Nanlaki ang mga mata ni Nasser sa narinig. "Woaaaahhh! Really? But, wait!" Napaisip ito saglit. "Parang wala naman akong nakikitang problema, ah? Hindi ba nga sabi n'yo, baka abutin kayo ng tatlong termino rito sa Magnum? Kung sakaling mangyari 'yon, you will hold this office for twelve years! At ang next election naman, magsisimula pa lang sa pangalawang termino n'yo. At kung maging presidente man siya, I'm sure mas maaga siyang matatapos kaysa sa inyo. Kaya kapag kayo na ang tumakbo, wala na kayong magiging kalaban! Magiging sure win pa rin sa inyo 'yon!"

"Sana kung ganoon lang, matatanggap ko pa. Pero hindi, eh. Kilala ko 'yan si VP Daniella. Matakaw rin 'yan sa kapangyarihan. Alam mo ba ang napag-usapan pa namin after that? Kapag naging Presidente raw siya, babaguhin niya ang constitution para ma-extend ang termino ng isang pangulo. Ang six years, gagawin niyang twelve years! I cannot wait for that long! Baka nga hindi na umabot ng tatlong termino itong Valentino Land ko, eh. Dahil pinabibilis ko na ang lahat ng proseso! In just six years or less, baka buo na ito!"

Nalukot ang mukha ni Nasser at napaupo sa isang tabi. "So, ibig n'yo bang sabihin, may sariling agenda rin si VP Daniella?"

"Of course! Alam ko rin ang history ng babaeng 'yan! Alam ko kung ano ang mga kaya niyang gawin. Kaya nga sinisikap kong huwag siyang mabigyan ng mas mataas na posisyon, eh. Kung sa pagiging VP napabigyan ko siyang tulungan, ibang usapan na pagdating sa pinakamataas na position! Iyon ang hindi niya puwedeng mahawakan!"

"So, ano na ang plano n'yo n'yan? Sigurado naghihintay 'yon sa susunod na update n'yo sa kanya."

"Well..." Napabuntong-hininga muli si Agustus. "Ibibigay ko na lang muna siguro ang gusto niyang marinig. Kapag malapit na ang panahong hinihintay ko, doon ko na rin siya ipapadispatsya! Para mabawasan na ang sakit sa ulo ko in the future!"

Halos lumuwa ang mga mata ni Nasser sa sinabing iyon ng amo. "Oh my! Kawawang Daniella!" Nanginig pa ito sa labis na gulat.

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro