Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20: Ang Bagong Kapanalig

Kabanata 20: Ang Bagong Kapanalig

AGAD binati ng mga staff si Kael pagkapasok niya sa Randolf Gym. Sa unang palapag, isang pangkaraniwang fitness gym ang sumalubong sa kanya. Pag-akyat niya sa ikalawang palapag, doon niya nakita ang tila mini-theater kung saan nagsasanay ang mga miyembro sa isang acting workshop. Pagkarating naman niya sa ikatlong palapag kung saan ang usapan nila ng mysterious caller, bumungad sa kanya ang malaking MMA gym.

Habang naghihintay sa pagdating ng kausap, naghubad na muna siya ng t-shirt at nagpalit ng pang-workout attire niya. Isang fitted na training pants at manipis na sandong itim. Kumuha na rin siya ng gloves sa paligid at nagsimulang sumuntok sa punching bag.

Inilabas niya roon ang ilan sa mabibilis niyang combo sa boxing. Sobrang pulido ng kanyang mga galaw. Naagaw niya ang atensyon ng marami. Napatingin tuloy ang ilan sa mga nag-eensayo roon. Ang iba, namangha sa bilis at pulido ng mga kamao niya. Ang iba naman, tila nakaramdam ng pagkatalo kahit wala namang labang nagaganap.

Sa paglipas ng mga oras, nabawasan na ang mga matang nakamasid kay Kael. Nag-focus na ang karamihan sa sarili nilang training. Sa mga oras ding iyon, nagpu-pushup naman siya sa sahig at nagsasagawa ng iba pang mga fighting exercises.

Hindi niya namamalayan ang isang malaking bulas na lumalapit sa kanya. Napansin lang niya ang presensya nito nang bumalot ang anino nito sa sahig na pinag-pupush-up-an niya.

Nilingon niya ang panauhin. Isang lalaking sa tantiya niya'y nasa mid-50s ang nakatingin nang malalim sa kanya. May kaunti itong balbas at hanggang leeg ang mamuti-muting buhok. Bagama't bakas na sa anyo nito ang edad, batu-bato pa rin ang pangangatawan nito at halatang batak din sa pakikipaglaban.

"Ikaw si Makisig, tama? Nice to meet you, hijo!"

Napahinto si Kael. Sinubukan niyang pakinggan nang mabuti ang boses nito. Pero hindi iyon ang boses na naririnig niya sa telepono.

Napangiti naman ang matanda. "Hindi mo talaga ako makikilala dahil hindi naman ako ang kausap mo sa cellphone. Pero ako ang nagbibigay ng instructions sa kung ano ang sasabihin sa iyo."

Matagal itong pinagmasdan ni Kael. "P-parang pamilyar ka sa akin. Pero hindi ko na matandaan kung saan kita nakita."

Napangiti muli ang matanda. "I'm sure, nakita mo na ako somewhere sa MFC. Doon sa huling laban mo kay Maskara. Am I right? Isa ako sa mga nakapanood sa iyo. I am Andres Po Jr., by the way. And I'm happy to finally meet you."

Sa bahaging iyon ay napabalik-tanaw si Andres sa isang bahagi ng nakaraan na matagal na niyang itinatago sa lahat, lalo na kina Agustus at Dominick.

Gulat na gulat ang duktor nang makita ang kalagayan ni Makisig. Ngunit mas nagulat ito sa isang panauhin na pumasok. Napamulagat si Doctor James nang masilayan si Andres Po Jr.

"Excuse me, Sir? Kakilala po ba kayo ni Makisig?"

Sumagot siya rito. "Hindi. Pero gusto ko lang sabihin na nanganganib ang buhay ng lalaking iyan ngayon. Hindi magtatagal, may mga pupuntang tauhan sa 'yo rito para utusan kang patayin ang lalaking iyan."

"Huh? A-ano po'ng ibig n'yong sabihin?" nagtatakang tanong ni Doctor James.

"Kung anuman ang ipagagawa nila sa 'yo, huwag mong susundin. Sabihin mo, hindi muna pinagagalaw ang katawan ni Makisig. Maliwanag?"

"E, p-paano po kung hindi sila maniwala sa akin?"

"Sabihin mo, ako ang nag-utos nito. I am Andres Po Jr. Iyan ang pangalang sabihin mo sa kanila."

"S-sige po, Sir. I will try my best!"

Nang may dumating ngang mga tauhan, iyon ang sinabi ni Doctor James kaya napilitan ang mga itong huwag munang galawin si Makisig.

Ngunit nang magkamalay naman si Makisig, hindi rin napigilan ng duktor ang pagpupumilit nitong lumabas para puntahan ang pamilya nito. Hindi na nito napigilan ang lalaki.

Habang patuloy na nag-aalala si Doctor James sa isang tabi, bigla namang tumunog ang cellphone nito. Tumatawag ang panauhing dumalaw kanina sa clinic.

"Doc, kumusta na ang kalagayan ni Makisig?"

"Ah, si Kael po? Naku! Lumabas po siya, eh! I'm really sorry. I tried my best pero hindi ko talaga siya napigilan! Malamang nagpunta 'yun ngayon sa baryo nila!"

"Okay. Thank you, Doctor James," sagot ng mahiwagang lalaki.

"Oh, ano raw balita, Master Andres?" tanong ng isang Black Eagle member sa kanya.

"May mga Black Eagle na raw na kumuha sa katawan ni Makisig. Malamang dadalhin na nila ito sa crematorium para sunugin. Kaya sige na. Magsibalik na kayo sa mga headquarters ninyo. Hayaan n'yo na ang ibang member sa sariling task nila. You are all dismissed," sagot ni Andres na agad namang pinaniwalaan ng mga miyembro.

Kaya naman nang gabing iyon, hindi na natuloy ang pagkuha kay Makisig ng mga miyembrong inatasan ni Maskara para sunugin si Makisig sa crematorium.

Naputol ang pagbabalik-tanaw ng matanda nang marinig ang boses ni Kael. "Isa ka ba sa mga nanood sa huling laban ko sa MFC? Ibig sabihin, kapanalig ka ng Black Eagle? Dahil wala namang ibang nanood doon kundi ang mga miyembro lang nila pati ang mga katribo ko. Ibig sabihin, nasa panig ka rin ng mga kalaban."

Biglang tumalim ang mga titig ni Kael. Sabay taas niya sa kanyang kamao na handang umatake sa lalaking kaharap. Nginitian lang ito ni Andres Po Jr. Marahan itong humawak sa kanyang kamay at bahagya iyong binaluktot.

Gulat na gulat si Makisig nang bigla na lang siyang mapaluhod sa puwersang pinakawalan ng matanda. Hindi siya makapaniwala sa pagkatumba niya. "P-paanong..."

"Isa iyon sa mga sarili kong technique sa Judo na dinevelop ko rin sa matagal na panahon. It's called Kneel Shock, kung saan mina-manipulate ko ang daloy ng dugo at ugat sa kamay ng kalaban para mag-send ng puwersa sa kanilang katawan na magpapaluhod sa kanila sa biglaang paraan. Medyo mahirap itong ipaliwanag pero puwede ko itong ituro sa 'yo."

Pagkabitaw nila sa isa't isa, doon pa lang tumayo si Kael at binawasan ang malalim na tingin sa kalaban. "Fighter ka rin ba?"

"Noon," sagot ng matanda. "Ngayon, isa na lamang akong coach."

"Bakit mo ako naisipang tulungan? Hindi ba't kakampi ka ng mga kalaban?"

Napangiti muli ang matanda saka ito lumingon sa paligid. "Medyo maingay rito. Mas mabuti siguro kung maghanap na lang tayo ng ibang lugar."

Nagtungo sila sa isang malapit na restaurant at doon itinuloy ang kanilang pag-uusap. Hindi makapaniwala si Makisig sa mga ibinunyag sa kanya ng matanda.

"So, kayo pala ang personal coach ni Dominick?"

"Yes, but not anymore. I don't consider him as one of my disciples. Masyado nang pinalaki ng Devil Drug ang ulo niya."

"Devil Drug?"

"Yes, you heard it right. May ginagamit siyang injection sa katawan na nagbibigay ng pambihirang lakas sa kanya. Iyon ang dahilan kaya ka niya natalo sa inyong laban."

Bukod dito, marami pang sinabi si Andres sa kanya tungkol sa mga itinatagong baho ng mag-amang Valentino. Hindi na gaanong nagulat si Kael dito. Karamihan kasi ng mga iyon ay alam na rin naman niya.

"Ngayon, alam mo na kung sino ang tunay mong mga kalaban," mayamaya'y sabi ni Andres sa kanya.

"Alam ko na rin po ang lahat ng tungkol doon. Dahil kahit noong nasa Canada pa lang ako, matagal ko ring inimbestigahan ang dalawang 'yon. May mga galamay rin akong pinakilos para magmasid sa kanila. Pero salamat pa rin po at naisipan n'yong tumulong sa akin. Hindi ko tatanggihan ang alok n'yong alyansa."

Muling napangiti ang matanda. "Alam mo, sobrang disappointed lang talaga ako sa ginawa ni Dominick. Hindi sana ako magkakaganito sa kanya kung hindi lang niya naisipang mandaya. Mas matatanggap ko sana kung matatalo siya sa malinis na paraan. Pero iyong manalo dahil lang sa ipinagbabawal na gamot? Iyan ang isang bagay na kahit kailan ay hinding-hindi ko matatanggap sa sarili kong mundo sa martial arts. Kahit naging saksi ako sa mga kasamaan ng kanyang ama, hindi ko iyon in-apply sa mga estudyanteng tinuturuan ko. Dahil ang isang tunay na fighter o martial artist, hindi kailangang gumamit ng maruruming techniques para lang manalo at magmukhang malakas."

"Hindi ko rin po matanggap ang pagkatalo ko sa Dominick na 'yan. Lalo na noong malaman ko na may tinuturok pala siya sa katawan niya. Kaya nga hindi na ako makapaghintay na makaharap siyang muli. Gusto kong makabawi sa pandarayang ginawa niya sa akin."

"You got my back, Makisig. Pero sa nakikita ko, malabo pang may makatalo kay Dominick ngayon. Kahit ako na kanyang coach, hindi ko rin siya kayang talunin dahil sa enhancement drugs na ginagamit niya sa kanyang katawan. Kailangan nating makaisip ng ibang paraan kung paano siya matatalo nang hindi gumagamit ng kahit anong enhancement sa katawan."

"Iyan din ang ginagawa ko ngayon, Sir. Pero habang hindi pa natin puwedeng labanan si Dominick, ang tatay na muna niya ang gusto kong puntiryahin. Hindi puwedeng umupo lang ako rito habang nag-iisip ng paraan kung paano ko mababawian si Dominick. Kailangan may gawin din ako para mapigilan ang binabalak ng tatay niya. Dahil base sa mga nakalap kong impormasyon, may malaking binabalak si Agustus sa buong Pilipinas, at ang pagiging Mayor niya sa Magnum City ang isa sa mga unang hakbang para doon."

"Alam ko. Kaya nga gaya ng nabanggit ko sa 'yo, hindi mo puwedeng labanan sina Dominick at Agustus gamit lang ang sarili mong kamao. Kahit pagsamahin pa natin ang ating mga kamao, wala itong magagawa para magalusan man lang sila. Kailangan mo munang bumuo ng malaking koneksyon at impluwensya. Kaya nga ako nandito para tulungan ka sa bahaging iyon. May alam akong paraan kung paano mo mapapalaki ang iyong impluwensya na puwede mong magamit laban sa kanila."

"Ano naman po iyon?"

"Hindi ko alam kung pamilyar ka sa Atlas."

Nangunot ang noo ni Kael. "Atlas?"

"Atlas Annihilation Tournament. Isang death match iyon na isinasagawa sa buong Asya pati sa ilang panig ng Europa. Kada taon, sa iba't ibang bansa ginaganap ang tournament na ito. Noong nakaraang taon, sa China ito ginawa. Ngayong taon, balak daw nilang gawin ito sa Pilipinas. Tayo naman ang magiging host ng tournament. Dito naglalaban-laban ang lahat ng pinakamalalakas at pinakamapanganib na mga fighters sa buong Asia. Dahil nga isa itong death match, uso rin ang maruruming techniques dito. Kaya kung buo ang iyong loob, puwede kong gamitin ang koneksyon ko para maipasok ka rito."

"Handa po akong sumabak. Pero, ano naman po ang makukuha natin dito? Makakatulong ba ito para mapabagsak ko sina Agustus?"

"Kapag naipanalo mo ang tournament na ito, makukuha mo ang tiwala ng lahat ng kumpanya, organisasyon, at gobyernong nagpapatakbo sa likod ng paligsahang ito. Magkakaroon ka ng kapangyarihang humingi ng kahit anong pabor sa kanila at wala silang karapatang tanggihan ka. Kapag nanalo ka rito, para mo na ring binili ang loyalty ng mga organisasyong ito. You will be the most powerful! Iyan ang ginawa ng mga Valentino noon kaya nagkaroon sila ng malalaking koneksyon na tumutulong kay Agustus ngayon para matakasan lahat ng mga kaso niya. Maraming sinalihang death match tournament si Dominick noon. At dahil hindi pa naman siya nandadaya that time, hinayaan ko lang siya. Hinayaan ko siyang lumaban sa mga peligrosong torneo para makakuha ng napakalaking pondo at koneksyon na napakikinabangan nila ngayon ng tatay niya. Pero iba itong sa Atlas. Sila ang pinakamalaki sa lahat. Kaya kapag naipanalo mo ito, hindi mo lang mapapantayan ang impluwensya ni Agustus. Malalampasan mo pa siya!"

"Kung iyon na lang ang paraan para mapabagsak sila, handa po akong ibuwas ang buhay ko rito. Alang-alang sa mga katribo ko, pati na rin sa sagrado naming tahanan na sinira nila. Dapat lang magbayad ang mag-amang 'yon. Nangako ako na pagbalik ko rito, sisingilin ko sila sa ginawa nilang pagsira sa buhay at kultura namin."

"Pero ipapaalala ko lang sa iyo. Hindi basta-basta ang mga taong makakalaban mo sa Atlas. Lahat sila, manggagaling sa iba't ibang bansa, kaya hindi natin alam kung ano ang mga itinatago nilang abilidad. Bukod dito, may isa pa tayong problema."

"Ano naman po iyon?"

"Nabalitaan ko kasi na nagparehistro na rin daw si Dominick dito noong nakaraan. Balak niya ring ipanalo ang tournament na ito para makakuha ng panibagong pondo para sa Valentino Land ng tatay niya, at siyempre para makakuha ng mas malakas na koneksyon. Dahil paniguradong marami na namang babanggaing mga pulitiko itong si Agustus. Isa kasi sa patakaran ng Atlas ay one representative lang kada isang bansa. Kapag nagkaroon ng dalawa o higit pang representative sa iisang bansa, kailangan nilang maglaban sa isang qualifying match. Ang sinumang manalo rito ang magiging official fighter at representative ng bansang iyon. Kaya bago ka makapasok dito, kailangan mo munang talunin si Dominick. Pero ang masaklap dito, wala pa rin akong alam na paraan kung paano siya matatalo kapag under siya ng influence ng Devil Drug. Siguradong magiging madali sa kanya na maipanalo ang tournament na ito."

"Hahanap po ako ng paraan. Imposibleng walang pangontra sa drugs na 'yon. Kailangan lang nating manaliksik nang mabuti."

"Ang totoo n'yan, may isang paraan akong naiisip kung paano mo siya puwedeng matalo. Iyon ay kung gagamit ka rin ng Devil Drug. Doon ka lang magkakaroon ng chance na tapatan ang lakas niya."

Natawa lang si Kael. "Alam n'yo naman sigurong hindi ko gagawin 'yan. Ayokong lumaban na may kasamang pandaraya. Hindi ako katulad niya. Ang gusto ko, mapatumba ko siya gamit ang sarili kong lakas."

Muling napangiti si Andres. "That's what I'm talking about! Hindi ako nagkamali ng pagpili sa iyo, Makisig. From now on, ikaw na ang magiging bagong estudyante ko. Ituturo ko sa 'yo ang lahat ng nalalaman ko sa martial arts para madagdagan pa ang fighting style mo."

Gumanti na rin ngiti si Kael dito. "Handa na po ako, Master."

Pagkatapos nilang magkasundo, isinama siya ni Andres sa sarili nitong fighting gym Quezon City. Medyo nanibago siya roon. Malayong-malayo ang hitsura nito sa mga pinag-eensayuhan niya noon sa Muay Thai.

Pati ang Gi uniform na ipinasuot sa kanya ay bago rin sa kanyang paningin. Nasabi na rin sa kanya ng matanda na ang martial arts na ituturo nito ay malayong-malayo sa nakasanayan niya. Kaya kahit matagal na siyang nakikipaglaban, parang babalik muli siya sa simula rito.

"Since you've already mastered the art of striking, I'm going to introduce to you the art of grappling. This will definitely help you grow as a fighter," panimula ni Andres.

Una nitong itinuro ang mga basic stance ng Judo at Brazilian Jiu-Jitsu. Pagkatapos ay nagpatuloy naman sila sa mga basic moves na sobrang bago rin sa paningin niya.

"The focus of this martial art is to take your opponent down to the ground, gaining a dominant position, and using your techniques to force them into submission via joint locks or chokeholds," paliwanag sa kanya ng matanda. "Kadalasan, ito ang ginagamit na pang-counter sa mga strikers gaya mo. Pero dahil naiiba ka sa lahat ng mga strikers na nakita ko, siguradong malaki ang magiging pakinabang sa iyo ng martial art na ito. Kapag natutunan mong pagsamahin ang striking at grappling, you will be ready for most fights. You will be unstoppable!" dagdag pa nito habang idine-demonstrate ang mga galaw sa harapan niya.

Tahimik lang siyang sumusunod dito at pilit na sumasabay sa mga galaw ng matanda. Medyo nahirapan siya sa una pero habang tumatagal, unti-unti na niyang nakukuha ang purpose ng martial art na ito.

Sa loob lang ng kalahating araw, ang dami na niyang natutunan kay Andres. Lalo ring namangha ang matanda sa kanya dahil ang bilis daw niyang matuto. Iyong mga techniques na itinuro nito sa ibang estudyante sa loob ng isang linggo ay nakuha niya raw agad sa loob lang ng kalahating araw.

"You're a fast learner, Makisig. I'm impressed! Kapag nagpatuloy pa 'yan, baka bukas lang, 'yung mga advance naman ang ituturo ko sa 'yo."

Hingal na hingal naman si Makisig habang pinupunasan ng tuwalya ang pawis sa katawan. "Medyo nakakapagod lang po, Master, pero sobrang na-enjoy ko naman po. Masaya ako dahil may bago akong natutunan ngayon."

"Alam mo, iyong mga naituro ko sa 'yo ay basic pa lang. Ang mga susunod na ipapakita ko ay iyong mga techniques na ginagamit naman sa giyera. Akala ng iba, sa mga tournament lang puwedeng gamitin ang grappling. Pero marami ang hindi nakakaalam, may mga grappling techniques din na puwedeng gamitin sa mga digmaan, lalo na kapag wala kang sandata. Marami ka pang pagdadaanan mula sa akin, Makisig. Bukod pa d'yan ang sarili kong mga techniques na kahit si Dominick ay hindi pa alam."

Natawa naman si Kael. "May hindi pa pala siya alam mula sa inyo? Kung tutuusin, ang tagal n'yo ring nagsama, ah. Bakit hindi n'yo naituro sa kanya ang mga bagay na iyan?"

"Alam mo kasi, medyo matigas talaga ang ulo ni Dominick. Mula noong sumikat siya at nakatikim ng sunod-sunod na panalo, ayaw na niyang gawin ang iba pang mga techniques na ituturo ko pa lang sana. Masyado na siyang naging komportable sa mga una kong naituro. At dahil anak siya ni Agustus, ayoko na lamang kumontra."

"Pero hindi ba kayo natatakot na baka may gawin 'yang Agustus na 'yan sa inyo kapag nalaman niyang ako na ang tinuturuan n'yo ngayon?"

"Hindi na ako natatakot sa anumang gagawin nila. Nagsisisi na ako sa mga panahong ibinuhos ko sa kanila, lalong-lalo na sa anak niya. Ngayong ikaw na ang kasama ko, mas magiging masaya na ako dahil alam kong nasa tama na ang pinapanigan ko."

"Maraming salamat po, Master. Marami akong natutunan sa inyo ngayong araw. Magkita na lang uli tayo bukas. Bibisitahin ko pa kasi ngayon ang alaga kong leon."

Nangunot ang noo ni Andres. "Leon?"

"Opo. May alaga akong leon noon sa amin. Matias ang pangalan niya. Pero mula no'ng umalis ako, napilitan akong ipaalaga siya sa isang zoo. Ngayon ko lang ulit siya mapupuntahan. Sana lang at kilala pa niya ako."

"Goodluck! Mag-ingat ka sa iyong pag-uwi, Makisig!" Muli silang nagkamay ng matanda at nagtapikan ng balikat.

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro