HANAPIN MO ANG PAKE KO.
Alam mo ba na sa bawat galaw na ginagawa natin, maaari nating maapektuhan ang buhay ng iba? Sa bawat salita, comment o reaksyon na binibitiwan natin, maaaring malaki ang maging epekto nito sa buhay nila.
Minsan, akala natin yung mga comments natin, normal lang. Ang hindi natin alam, malaki pala ang nagiging impact nito sa ibang tao. Yung akala nating joke, yun pala, dinidibdib na ng iba hindi lang natin alam.
Bago tayo mag-post ng kung ano sa social media, isipin muna natin kung may maapektuhan bang iba. Matuto tayong maging considerate. Kung sa tingin mong may mao-offend sa post mo, huwag mo nang ituloy.
Kung may nakikita kang hindi okay sa newsfeed mo, don't just scroll down and pretend that nothing happened. Minsan, kailangan lang ng iba nating kakilala ng kausap to help go through everything that's happening in their lives right now. Walang mangyayari kung ang iisipin lang lagi natin ay may tutulong namang iba sa tao na 'yon. Be the change and help your friends who are in need.
#makeITsafePH
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro