Ang tanong, binasa mo ba talaga?
Sa dami ng websites na sinalihan mo, BINASA MO BA TALAGA ANG TERMS AND CONDITIONS NITO?
I mean, let's face it. Sa haba at dami ng salita na nakalagay sa terms and conditions ng isang website, we don't have all the time in the world to read every single line. So ang ginagawa natin parati, scroll lang nang scroll tapos ta-da! I-accept na agad. Mabuti sana kung parang Wattpad story lang ang nakalagay doon di ba? E di sana, bawat chapter, kahit umabot pa ng 100+ okay lang.
But did you know that there might be a chance na 'yung in-accept pala natin ay taliwas sa pinapaniwalaan natin? Or maybe some of those terms could be violating your privacy?
To make things easier, there is a website called tosdr.org. Magbibigay siya ng summarized version nung napakahabang terms and conditions ng website na sinasalihan mo. Through this website, hindi mo na kailangan pang mag-message ng iba para lang makuha ang summary na gusto mong makuha. Ipapakita rin diyan yung mga pros and cons ng website.
Cool, right? Try it out before joining another website again. ☺
#makeITsafePH
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro