Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

Key's Point of View.

Exactly four hours to go. Inihanda ko na ang gamit ko. Nakahilera na sa harapan ng bahay ang mga malalaki kong maleta. Umabsent din si mama at Luke ngayong araw nung nalaman nilang flight ko ngayong araw. Matagal na palang sinabihan si mama ni tito at okay daw iyon sa kanya.

At may isa syang paalala sa akin na dapat ay hindi ko makalimutan. Kalimutan ko na lahat wag lang daw ang bilin nya sa 'kin.

"Basta't wag na wag kang magboboyfriend a?" Paalala nya sa pansampung beses.

Andito ako sa kwarto ko ngayon. Lilinisin ko muna ito bago ako umalis papuntang NY. Nilibot ko ang aking paningin sa kwarto ko!

"I'm going to miss this." Bulong ko.

Biglang pumasok si Luke sa loob ng walang paalam at dinala ang mga kahon na hindi na nagagamit.

"Alam mo, idodonate ko ang mga iyan kapag umalis ka na," sambit nya.

Lumapit ako sa kahon. Lumuhod ako at binuksan iyon. Andito ang mga luma kong teddy bears, damit, at shorts. Hindi ko na ito kakailanganin dahil marami na akong damit. Isa pa, kakaiba ang season sa New York kaya walang gamit ito para sa akin.

Kinuha ko yung isang teddy bear. Paborito ko ang isang ito nung bata pa kami ni Frost. Pero hindi na ako bata para maglaro ng teddy bears at magbahay-bahayan.

"Sigurado ka na ba jan Key? Ambilis naman ata. Gulat na gulat talaga ako nung nalamang ngayon ang alis mo!" Napakamot sya sa kanyang batok.

Tumango ako. "Oo Luke. Andun ang pangarap ko, wala rito." Mahina kong sabi.

Narinig ko syang bumuntung hinga. "Well, guess you're right. Maybe there's a deeper reason kung bakit mas napaaga ang pag-alis mo," ngumisi sya.

Alam ko na ang iniisip ng lalaking ito at hindi yun 'yon. Hinampas ko sa kanya ang teddy bear na hawak ko.

"Oy hindi a! Tss. Alagaan mo si mama ha," naiiyak kong sambit.

Tumango sya. "May choice pa ba ako? Para sa pinsan kong annoying. Gagawin ko," ngumiti sya sa 'kin.

Tumayo ako at niyakap sya agad. Mamimiss ko talaga si Luke! Mamimiss ko sya kahit nakakainis sya minsan at parang tatay kung umasta.

"Mamimiss kita, Luke."

"Ako rin," seryoso nyang sabi.

Nagpunta ako ng school para bisitahin si Frost. Alam nyang aalis ako ngayon pero hindi sya maaaring umabsent dahil may group project silang tatapusin ngayong araw.

Hinatid ako ni Luke sa school. Hininto nya ang sasakyan sa tapat ng gate.

"I'll wait for you at the parking," paalam nya.

Tumango ako at agad na lumabas ng kotse. Agad akong pumunta ng classroom. Nadatnan ko yung iba na nagkakagulo dahil walang teacher. Hinanap agad ng mga mata ko si Frost.

"Where's Frost?" tanong ko sa president namin.

"Kasama nya ata si Brett sa canteen."

Agad akong pumunta dun. Hinanap ko sila pareho, actually may iba pang hinahanap ang mga mata ko bukod kay Brett at Frost.

Nahagilap ng mga mata ko ang dalawa. Kumakain sila habang nagtatawanan. Agad ko silang nilapitan kahit mukha silang masaya pareho. Magpapaalam lang ako promise!

Unti-unti kong nakukuha ang atensyon ng ibang tao. Nanlaki ang mga mata ni Brett ng makita ako sa likuran ni Frost dahilan para mapatingin din sya.

"BEEESSHH!!!" halos matumba na yung mesa sa bilis ng pagtayo nya.

Niyakap nya ako ng mahigpit na parang gulat na gulat syang makita ako sa school. Nakita ko si Brett pati ang gulantang nyang reaksyon. Nanlalaki pa rin ang mga mata nya. Kay Frost nya siguro nalaman na aalis ako mamayang gabi.

Niluwagan nya ang pagkakayakap sa akin. Napatingin sya sa mga mata ko, sa ilong ko, sa kilay ko, sa bibig ko, tapos sa mata ulit. Naduduling na nga ako kakasunod sa galaw ng mata ni Frost.

"Dun tayo sa labas ng cant," sambit nya sabay hila sa akin.

Agad na sumunod si Brett sa amin at iniwan ang kanilang kinakain. Mukhang hindi pa nga nagagalaw ang spaghetti ni Frost at halos ubos na yung kay Brett.

Huminto kami sa may cemented-bench kung saan malapit ito sa soccerfield. Maraming estudyanteng naglalaro, soccer, basketball, tumbang preso (Oo meron) at kung ano-ano pa. Mamimiss ko ang school na ito.

"Key, I thought may flight ka today." Sambit ni Brett na nauna'ng naupo sa bench.

Tumango ako. "Oo nga. Pero mamayang gabi pa ang flight ko!" ngumiti ako sa kanya.

Hinawakan ni Frost ng sobrang higpit ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.

"What is it besh?"

Nakita ko syang yumuko. "Hindi ko kayang umalis ka Key. Pwede bang wag na lang?" basag ang kanyang boses.

Kahit ako Frost. Pero kailangan para sa pangarap ko at para na rin makalimot sa lahat ng sakit. Lahat ng sakit!

"Kung maaari lang sana. Kaso kailangan, dahil pinapili nila ako. Ngayon o hindi na.. kailan man."

Nakita ko ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. "E kasi.. m-mamimiss talaga kita! Waaahhh!!!!" humagulhol sya tsaka ako niyakap ng mahigpit.

Nakakakuha na kami ng atensyon pero wala akong pakealam. Niyakap ko pabalik ng sobrang higpit si Frost. Wala ako'ng ibang naging kaibigan bukod sa kanya kaya mahal na mahal ko ang bestfriend kong ito. Hinagod ko ng mahina ang kanyang likuran, she keeps on sobbing and crying.

Hindi tumingin si Brett. Masakit siguro para sa'yo na makitang umiiyak  ang taong mahal mo pero wala kang ibang magawa dahil hindi mo naman ito kayang pigilan. Ang magagawa mo lang ay patahanin.

"Ano k-ka ba. B-Baka hindi na talaga ako a-aalis," utas ko.

Nanginig ang boses ko at unti-unti ng nabasag. Umiyak na rin ako. Para kaming tangang dalawa! Tss! Ano ba yan, ang OA ha? Kaso hindi ko maiwasan. Nakakahawa pala ang sakit at lungkot? Bakit ganun, pag may narinig kang umiiyak naiiyak ka na rin ng walang dahilan. Emotions are communicable for soft-hearted people!

Pinagtinginan nila kami. Yakap-yakap pa rin namin ang isa't-isa habang umiiyak. Para kaming mga bata na nag-away tapos nagkabati ulit. Hahaha.

Dahan-dahan kaming kumawala sa isa't-isa. Nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata pero nakangiti ito sa akin.

"Good luck. Sana walang magbago a? Chat mo ako pag nakarating ka na dun. Please don't forget to contact me!" Hinampas nya ako ng mahina sa braso.

"Oo naman. Kung gusto mo pa nga padadalhan kita ng sulat oras-oras," tumawa ako ng mahina.

Tumayo si Brett at pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok.

"Key, godbless you on your journey." He kissed my cheeks (sign of beso)

"Thank you Brett. Ingatan mo ang bestfriend ko ha? Malalagot ka talaga sa akin!" ngumisi ako.

"Sorry besh. May klase kasi kami kaya hindi ka namin mahahatid sa airport."

Tumango ako. "Ayos lang. Hindi naman kami sa airport magkikita." Napatingin ako sa field kung saan maraming estudyante ang naglalaro.

"Dreyson was absent after the Alumni Homecoming," sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. At kailan pa sya naging psychic?

"I didn't say anything." maang-maangan ko.

"Pero alam kung sya ang hinahanap mo," napatingin sya kay Brett. "Brett knows the reason."

Kinabahan ako agad. Ewan ko ba kung bakit. Napalunok ako habang tinitigan si Brett na nanonood sa mga nagsosoccer.

"Wala na akong interes sa kanya. Move on na ako!" Untag ko.

Isang ngiti ang binigay nya sa akin. Kinilabutan ako dahil dun!

"Maybe there's a deeper reason why this is happening, Key. You haven't move on yet, you have to move on."

Napangiti ako bigla. Kumunot ang noo nya sa reaksyon ko. Haha!

"Alam mo bang ganyan na ganyan din ang sinabi ng pinsan ko sa 'kin?" ngumisi ako.

Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi tsaka nya 'ko hinampas ulit. Tumawa sya at ganun din ako. This is it! I already bid my goodbye to the both of them.

Pagkatapos ko sa school, agad kong pinuntahan sila Mrs. Choi at ate Precious sa shop. Nagpaalam ako ng maayos sa kanilang dalawa. Hindi makapaniwala si ate P kaya kailangan ko pang mag-explain at magkwento ng konti tungkol sa urgent na pag-alis.

"I understand Key. But if you're willing to visit or work here. You're free to do so. Come visit anytime," ngumiti si Mrs. Choi sa akin.

Ang bait talaga ng boss ko. Kahit sya, hindi ko kayang iwan. Pero andun sa New York ang pangarap ko!

Tumango-tango ako. "Kamsahamnida!" I hugged her tight before I went out.

Umuwi din ako pagkatapos para magbihis ng maayos. Isang oras na lang pala at aalis na ako ng bansa. Nag-online ako saglit, maraming farewell at goodbye messages sa chatbox ko. Napatingin ako sa cell phone ko, marami ring text galing sa mga classmates ko.

'Good luck Minami. :)'

'Hope to see you soon girl.'

'Keep safe. Pasalubong namin ha.'

I shut down my phone. Wala niisang message galing sa kanya. Kahit ilang ulit ko pang icheck at iscroll ang cell phone at chatbox ko wala pa rin. Walang bad boy wala ako nakitang Dreyson ngayong araw.

Ni anino nya hindi ko nahagilap, kahit balita kung bakit sya absent.. wala! Ayoko ding tanungin si Brett kasi baka mag-isip sya ng kung ano.

Napatingin ako sa harap ng salamin. Nakatitig lang talaga ako dun. Parang may hinihintay akong lumabas pero alam kong hindi iyon mangyayari kahit kailan.

"Key!" sigaw ni mama.

Halos tumalon ako dahil sa gulat. Napatingin ako sa kanya.

"Bakit ma?"

"Anjan na sila Yuriko."

Agad ding bumaba si Luke para tulungan ako sa mga bagahe at maleta. Nakita ko ang maitim na kotse nila na nakapark sa harap ng gate namin.

Bumaba ng dahan-dahan ang windshield ng sasakyan. Nakita ko ang nakangiting mukha ng aking magandang pinsan.

"Keeyah, come on. Let's go." Yaya nya.

Napabuntong hininga ako at niyakap si Luke at mama sa kahuli-hulihang pagkakataon. Hinaplos ni mama ang buhok ko. Nakita ko ang mga luha na dumadaloy sa kanyang pisngi. Ayoko talaga ng ganito, I hate goodbyes just like I hate bad boys.

"Bye anak. Please, bumalik ka." Hinaplos nya ang aking likod.

Tumango-tango ako. Ayokong magpakita ng kahinaan sa kanilang harap. Si Luke naman, nakatingin lang sa bagahe ko. Parang ayaw nyang magpaalam sa akin.

Tinapik ko sya sa matigas nyang balikat. "Oy. Magsalita ka naman!" Suminghap ako.

"Come back and.. move on!" ngumiti sya sa 'kin.

Nagpaalam ako bago sumakay sa kotse. Tinulungan ako ni Yuriko at manong Jeorge makapasok sa sasakyan. Hindi ako makatingin kay mama habang niyayakap nya si Luke. Si Luke naman, ayaw talagang tumigin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako nang makalarga na kami papuntang hotel.

"Are you okay Keeyah?" alalang tanong ni Yuriko.

Tumango ako agad. Inobserbahan nya ang itsura ko at nagkibit-balikat rin pagkatapos. Excited ako at the same time malungkot. Ang dami ko pa lang iiwan dito.

Pinark ni manong ang sasakyan sa gilid ng fountain. Agad kaming bumaba, dinala nang mga butlers nila Yuriko ang bagahe ko. Umakyat kami papuntang 30th floor kung saan andun ang naghihintay na private plane. Nagpa-book pa sila para dito? Pwede naman itong arkelahan na lang.

Bumungad sa amin ang napaka-lakas na sampal ng hangin. Gabi na at normal lang na ganito kaginaw at kalakas ang hangin sa itaas.

"Sana pala nagjacket ako," utas ko.

"Don't worry, it's warmer on the plane."

Pumasok kami dun. Hindi sya kasing laki ng pampasaherong eroplano. Kumportable ito at hindi masikip. Naupo kami sa pinakalikuran.

"Are you ready Ms. Fletcher and Ms. Yamamoto?" Tanong ng pilot.

"Oo," sagot nya.

Napatingin ako sa kabuuan ng plane. Ang ganda, iba talaga pag mayaman ka. Nakukuha mo lahat, nagagawa mo lahat.

"Sya nga pala, Yuriko yung mga kapatid mo, nasaan na sila?"

Naalala nyo? Yung bratinilya nyang stepsisters.

Nagkibit-balikat lang sya. "Ewan. Basta ang alam ko lang sa China sila mag-aaral."

Buti naman kung ganun. Simandal ako sa may bintana. Ang ganda ng view habang unti-unti kaming tumataas ere. Ito ang gusto ko sa t'wing nakakasakay ako ng eroplano. Feeling ko mataas ako, feeling ko nakakalipad ako.

"I'll turn on the music, Keeyah okay?" Tumayo sya agad.

Hindi na ako sumagot pa. Ginawa nya rin kasi agad kaya wala ng panahon para umangal.



"I want you to stay
Never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again..."


Halos masamid ako sa sarili kong laway nang marinig ang kanta. Shucks! Dapat talaga ganyan? Ano ba naman yan.

Dinilat ko ang isa kong mata. Nakita ko si Yuriko na masayang naglalaro ng Pinball sa laptop nya. Habang ako? Ayun, naaalala ko bigla ang kaisa-isang tao na kanina ko pa iniisip.


"Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as reality?"

Maybe. Maybe if I leave this place, maybe if start to leave memories, maybe if I leave you, maiiwan ko rin kaya ang feelings ko para sayo? Doesn't mean I'm leaving it doesn't mean I'm running away right?

Oo, baka nga ito ang paraan ko para makalimot. Ang iwan lahat ng mga bagay na nagpapaalala sa akin sa sa'yo.. nagpapaaala sa atin! Mga bagay na nagpapaalala sa feelings ko para sa'yo. Pagod na pagod na akong habulin ang taong walang gusto sa akin. I should invest my love to someone better and be with that person forever.


"And now I must move on
Trying to forget all the memories of you and me
But I can't let go of your love that has taught me
To hold on.."



I need to move on from Dreyson. Pasensya ka na at salamat sa sakit na binigay mo sa akin. Nagpapasalamat talaga ako, kung hindi dahil sa 'yo. Hindi ako makakapag-desisyun ng ganito.

Iiwan ko ang mga alala. Masaya, masakit, malungkot, nakakatawa, mga alalang gusto kong kalimutan at yung mga alaalang gusto kong balik-balikan. Kahit iyon ay gusto ko na ring makalimutan!


"I want you to stay, never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again
Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as reality?"

Pag nawala ako, maaalala mo kaya ako? Kasi kung oo, sana pinigilan mo 'ko. Sana tinext mo 'ko, chinat o kung ano-ano pa! Dahil kung naaalala mo nga ako gagawa ka ng paraan para magkausap at magkita tayo.

Pero wala kang ginawa! Now that it's proven that you don't even like me. Mas mabuti pang kalimutan ka for good!


"And now I must move on
Trying to forget all the memories of you and me
But I can't let go of your love that has taught me
To hold on.."

The operation was a big mistake. Imbes na sya ang mainlove sa akin, ako pa 'yong nagkagusto sa kanya! Maybe I shouldn't have done it. What if, hindi ko ginawa? What if, hindi ko inumpisahan? Ganito ba ang katapusan? Katapusan, kahit walang nasimulan. Nadali ako sa sarili kong bitag.

"Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as staying with me?"


Luke was right all along. I should have never fallen in love with him. Sana naniwala na lang ako kay Luke noon pa. Sana hindi ako umabot sa ganito. Sana hindi kami umabot sa ganito.

Napatingin ako sa labas ng bintana nitong plane. Wala akong ibang makita kundi ang mga ulap na nagiging kulay malabo dahil sa aking paningin. Kanina pa nangingilid ang mga luha ko, lalabas na ito maya-maya lang pero pilit ko pa ding pinipigilan.

Dahil sa katigasan ng ulo ko. Humantong ang lahat ng pangyayari sa ganito. Tumakas ako, umalis ako! Pero dahil gusto kong magbago.


"Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as reality?"

Everytime na naiisip ko na walang gusto si Dreyson sa akin at pinaglalaruan nya lang ako buong buhay nya. Naiinis ako! Magbabago ako. At dapat pagbalik ko ng Pinas, hindi na nya makikilala ang dating Minami Keeyah Fletcher. Ang babaeng nagawa nyang paibigin sa mga kasinungalingan nya. Sa mga panloloko nya. Sa mga banat nyang walang katotohanan. I will seek revenge for myself, I promise.


"I want you to stay, never go away from me
Stay forever
I want you to stay, never go away from me
Stay forever..."


Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Napangisi ako sa bintana at pinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang isang tulo.

Kahit galit ako sa'yo, hindi pa din kayang itanggi ng puso ko na...

"Mamimiss kita."

----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro