Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Key's Point of View.

I glanced at my wristwatch. Gabi na pala at almost 9PM na. Lagot ako kay Luke nito pag umuwi akong kasama si Dreyson.

"Uuwi na ako!"

"Agad? It's still early."

"Anong maaga sa alas nwebe? Uuwi na ako. Bahala ka sa buhay mo. Hindi ko nga alam kung ba't pa ako sumama sa 'yo e!" bulong ko.

Ngumisi sya bigla tsaka hinawakan ang kamay ko. Anong ginagawa nya?

"Bitawan mo nga 'ko, Dreyson!" sumbat ko tsaka inalis ang kanyang kamay.

Gusto ko sanang magtagal pa yun kaso I have to act like I hate him. Contradict sa totoo kong nararamdaman para sa kanya.

"Okay fine," seryoso sya. "Ihahatid na kita."

Nauna syang naglakad. Nainis ba sya? Gustong magbunyi ng puso ko pero sa t'wing naiisip ko na kailangan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya, bumaback out ulit ako!

Umiling-iling ako at inalis ang mga negative vibes. Sinundan ko sya hanggang umabot kami sa carpark.

"Dinala mo kotse mo?" tanong ko habang hinahanap ang kotse nya.

Bigla nyang pinatay ang alarm ng kulay itim na BMW 7 Series tsaka nya ako pinagbuksan ng pinto.

"Kailan ka pa naging gentleman?" taka ko.

"Papasok ka ba o hindi?"

"Oo na po. Kung makautos."

Padarag nyang sinarado ang pintuan ng kotse tsaka naupo sa driver's seat.

"Pwede mo namang sabihin na naiinis ka. Bababa ako promise," inis kong tugon. Mukha kasi syang napipilitan sa pinaggagagawa nya.

Hindi sya nagsalita. Katahimikan lang ang namamayani sa pagitan naming dalawa habang nagddrive sya. Ako naman, nakatingin lang sa labas ng sasakyan. Pinagmamasdan ang magagandang street lights na kumikinang.

"Baba na," sambit nya.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. "Ah sala-" hindi ako nakapagsalita ng maayos.

Bigla syang lumapit sa 'kin tsaka.. tsaka... tsaka binuksan ang pinto na nasa likuran ko. SH1T!! Akala ko talagang hahalikan na nya ako.

"Goodbye," nakangisi nyang sambit tsaka ngumuso sa 'king likuran.

Napatingin ako dun. Nakita ko si Luke na poker lang ang mukha tsaka nakaekis ang magkabilang kamay.

Lumunok ako. "Luke, you're here!" ngisi ko habang nagpipigil ng kaba.

"Hey, bro. Don't worry she's safe and I did not do anything to her."

"I did not remember asking you anything," inis nyang tugon. "Get out of the car, Key. Now!"

Lumabas ako agad para maiwasan ang nag-aambang gulo sa pagitan nilang dalawa.

"Luke, pumasok na tayo," sambit ko sabay hawak sa kanyang braso.

Hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya. Tinitigan ko lang ang sasakyan nyang lumiliit na sa paningin ko.

"I thought natauhan ka na?" taas kilay nyang tanong.

"Kaya nga! Psh, acceptance is part of moving on."

"Better be sure, Key or I will surely kill him!"

I raised my right hand as promise. "Swear, Luke. Hindi ako gagawa ng ikakasama ng loob mo," nakangiti kong sabi.

Umiling na lang sya tsaka nagpunta sa kusina nang bigla syang lumingon ulit.

"Sya nga pala, dumaan dito kanina si Yuriko," si Luke.

Huminto ako sa tapat ng kwarto. "Bakit daw?"

Baka tungkol ito sa pag-aaral ko states.

"Hindi ko alam. Kausapin mo na lang sya," tsaka sya pumasok.

Dinial ko ang number ni Yuriko nang makarating ako sa kwarto ko. Hindi pa rin umuuwi si mama at baka nag-oovertime na naman 'yun sa office nya.

"Hello, Yuriko?"

📞 "Hai? Dare desu ka?"

[Yes? Who are you?]

"Anata wa Minami desu."

[This is Minami.]

Oha! Alam ko rin kung paano magjapanese no. Hahaha. Pinag-aralan ko kaya dahil sa pinsan kong ito.

📞 "Aaahh. Minami? Keeyah? Mahal kong pinsaaan!"

Agad kong nilayo ang cell phone sa tenga ko. "Kalma lang Yuriko. Hahaha! Sabi ni Luke pumunta ka raw dito kanina? Do you want something?"

📞 "Ah, yes I do. Free ka ba sa Sunday?"

Napatingin ako sa kalendaryo. Walang trabaho, tsaka walang pasok. Walang gagawin at masyadong boring kaya..

"Hm, wala naman. Bakit?"

📞 "Great, punta ka rito sa bahay at pag-uusapan natin ang flight for college." 

Napalunok ako. Hindi ako sigurado kung bakit pero parang piniga ang puso ko sa mga sinasabi ni Yuriko. Iniisip ko pa lang na may maiiwan ako dito sa Pilipinas, nalulungkot na ako.

"Sige. Punta ako jan?"

📞 "Oo. Pero susunduin ka ng driver namin. Gusto kang makausap ni mommy at daddy."

"But I have your car. Yung pinahiram mo noon."

Hanggang ngayon andito pa rin sa 'kin. Hindi ko ata sinasauli kasi madami naman silang kotse and besides mas kailangan ko ang kotse kumpara sa kanya. Yuriko doesn't know how to drive cars.

📞 "Ay hindi. Para safe, you have to follow me. Wakarimasu ka?"

"Hai! Byeee."

Pinatay ko agad ang tawag. Humiga ako sa kama at napabuntung hininga. Paano na si mama kapag iiwan ko dito? Paano si Luke? I mean, oo nakikitira lang si Luke dito sa amin kasi ayaw nya sa mansyon nila pero kasi.. mamimiss ko din si Luke! Tsaka si- nevermind. Hindi nya nga ako iniisip tapos iisipin ko pa sya? Psh!

Natulog ako ng mahimbing habang pinapakinggan ang napaka-malumanay na music mula sa radio ko.

Dumaan ang ilang araw. Ito ang araw na susunduin ako ng driver nila Yuriko. Nagbihis ako ng maayos dahil alam kong napaka-elegante ng pamilya nila Yuriko. Pinsan ko lang sya sa side ng papa ko. Magkapatid kasi si papa at ang mommy ni Yuriko.

"Tama na ba itong suot ko?" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.

Sinuot ko ang binili kong damit nung binigyan ako ni Luke ng pambili. Squarepants na beige, white running shoes na adidas at Forever 21 na damit na kulay puti. Ito ang uso kaya ito na rin ang napili kong suotin para ngayong araw.

*pipiiiiipp*

Narinig ko ang busina sa labas ng gate namin. I saw a black Land Rover na nasa harapan ng gate namin. Naghihintay na ang sasakyan nila Yuriko sa 'kin.

"Key anak, andito na ang sundo mo," katok ni mama sa may pinto.

"Andiyan na po."

Naglagay ako ng konting liptint sa labi. I hate wearing make ups pero nagsusuot ako kung kinakailangan. Bumaba ako ng hagdanan at kiniss si mama bago umalis ng bahay. Dala-dala ko ang mga papeles na sinasabing kailangan para sa pagpapa enrol ko sa states. Hindi ko alam kung saan talaga pero sana sa Harvard. Okay, masyadong mataas ang pangarap ko.

"Good morning, Ms. Minami," nakangiting bati ni Jeorge, ang driver nila.

"Keeyah na lang po."

Pinagbuksan nya ako ng pinto at naupo ako sa likuran. Kaya ko namang magdrive papunta sa bahay nila Yuriko. Ewan ko ba kung bakit may ganito pang eksena sa mundo. Hahaha!

Nakarating kami agad sa mansyon nila. Malaki pa rin ito at walang pinagbago. Katulad pa rin noon na malaki, maganda at elegante.

"Pasok po tayo, Ms. Key," sambit ni Manong.

Tumango ako at sinundan ang mahabang daanan papasok. Marami silang katulong dito pero mukhang nagday off ang halos lahat sa kanila.

Naalala ko nung dito pa kami naglalaro sa bakuran nila. Madalas kaming maglaro sa ulan at putik. Nagpupupunta lang kami dito kapag gusto ni papa at kung may pag-uusapan sila ni tito Hirano. Kaso nung namatay si papa, minsan rin ako kung makabisita ako dito sa bahay nila.

Huminto kami ni manong sa isang malaking pinto. May nakalagay na *Office of the Master*. Napalunok ako sa nakita kong salita. Nakakatakot at nakakapangilabot. Mukhang kakain ng tao ang pintuan pero mas nakakatakot ang nasa loob ng pintong ito.

"Pumasok na po kayo," ngumiti si manong.

Tumango ako nang kinakabahan. Nakita ko si Yuriko kasama si tito Hirano habang nag-uusap ng super seryoso. Nakaharap sila sa isa't-isa. May sofa sa bawat corner at glass table sa gitna na halatang mamahalin ang mwebles na ginamit.

Nakuha ko ang kanilang atensyob kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Keeyaaaah," sigaw nya sabay yakap sa 'kin ng mahigpit.

"Hi, Yuriko," sabi ko. Napatingin ako kay tito. "Hi po tito," ngumiti ako.

Ngumiti din si tito Hirano at sinenyasan akong maupo sa tabi ni Yuriko. Naupo kami sa sofa.

"What do you want, Key? Hmm. Juice, tea or beer?" tawa nya.

Gusto ko syang batukan kaso kailangan kong maging pormal sa harap ni tito lalo na't sya ang gagastos ng nga miscellaneous ko papunta sa pangarap kong mundo at paaralan.

"Cut the chase, Yuri. Let's talk about your flight," seryoso nyang sabi sabay sip sa kanyang kape.

Tumikhim si Yuriko at nanahimik. May tea at juice sa ibabaw ng table namin pareho, pwede ko siguro itong inumin.

"Pinatawag kita rito, Minami dahil gusto kong malaman mo na ako na ang bahala sa allowance mo papuntang New York."

Nilapag nya sa table ang cup of coffee nya.

"S-Salamat po kung ganun," pinilit kong hindi manginig pero di ko talaga maiwasan e. Tsk.

"Yuriko will be coming with you and I already book a flight for the both of you..." he took another sip.

Kinabahan ako bigla. Hindi ko naman alam kung bakit.

"Kailan po?" I asked trying to not sounded like a bobo.

Kinuha ko ang pitsel at nagbuhos ng juice sa empty glass ko. Ayoko nang tea kasi mapakla tsaka hindi ko talaga gusto.

"Tomorrow, Key. We will be leaving tomorrow at 7PM," ngumiti si Yuriko sa akin.

Muntikan ko ng malaglag ang pitsel dahil sa sinabi ni Yuriko. Tomorrow agad? As in? Pero may pasok pa ako bukas.

"B-Bukas?"

Nanlaki ang mga mata ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko at nadismantle na yata ang utak ko dahil wala akong maisip kundi ang kalungkutan na maaari kong maranasan.

"Yes, Key. Kinuha mo na naman ang papers mo para sa enrolment diba? Isa pa, scholar ka dun so there's nothing to worry about," mahinahon na sambit ni Yuriko.

Oo. Kumpleto na lahat. Pero bukas agad? Hindi ako makapaniwala!

"Ang bilis naman po ata."

Nagulat ako sa biglaang paglagay ni tito ng kanyang kape sa platito. Akala ko nga galit sya. Tinignan nya ako at may halong concern at authority ang kanyang mga mata.

"We have to be early. Iba ang season dun, you need to adjust kaya naman dapat maaga kayo roon," sabi ni Tito.

Napalunok ako bigla at inubos sa isang lagukan ang aking juice. Juskopo! Hindi na tama ito. Wala na ako sa tama kong pag-iisip!

"Key, what's your answer?" tanong ni Yuri.

"Ha? Sa alin?" walang muwang kong sambit.

"Tomorrow or... never."

Napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung saan ko kukunin ang lakas ng loob para sabihing ayoko. Kasi pangarap ko iyon e, tapos kung aayawan ko ito? Ano na lang ako? I mean, gusto kong ihaon si mama sa kahirapan. Gusto ko ring yumaman. Magiging praktikal ako ngayon. Oo tama, be practical Keeyah. Kailangan mo itong gawin para sa family mo, para kay papa, para kay mama!

"Opo," ngumiti ako ng pilit.

Nginitian ako ni tito pero hindi ni Yuriko. Basang-basa ako ng pinsan kong ito kahit anong galing ko sa pagtatago ng emosyon. She is the same as Luke kung makaramdam.

"That's great. Then it's final. Thank you Minami, I will tell the private jet na sunduin kayo sa hotel. Now if you'll excuse me," umalis si tito sa kwarto.

Napabuntong hininga kami ni Yuriko. Nahiga ako sa sofa at nilagay ang dalawang paa sa paanan nya. Napatingin sya sa akin gamit ang mapupungay nyang mga mata.

"What is it Yuriko?" tanong ko habang nakapikit ang mga mata.

"You sure about this? I'll tell dad na ayaw mo pa tala-" pinutol ko sya.

"No!"

Bumangon ako saka sya hinarap.

"It's fine, Yuriko. Ayoko naman na kayo pa ang mag-aadjust sa kaartehan ko."

But the thing is, nakakalungkot isipin na aalis ako at iiwan si mama at Luke. Si ate P at Mrs. Choi, ang cafe, mamimiss ko silang lahat. Si Brett at si Frost. Tsaka si- nevermind!

Ngumiti sya sa akin tsaka hinimas ang balikat ko.

"Don't worry. After we come back here? Magbabago na tayo for the better!"

Ngumisi ako at nag-apir kaming dalawa habang tumatawa.

I like the sound of that.

-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro