Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Key's Point of View.

"Mukha akong zombie," bulong ko habang nakatingin sa harap ng salamin.

Sinuri ko ang aking mukha at pinisil-pisil ko naman ang eyebags ko. Pumanget tuloy ako lalo, nakakainis. Tss. Anong mukha ang ipapakita ko ngayon sa harap ng classmates ko? Kay Frost? At lalong-lalo na sa walang hiyang 'yon. Hindi ko talaga akalain na nakita ko silang naghahalikan sa likod ng pader. Malay ko ba, sana hindi ko na lang pala nakita upang hindi ako nasaktan.

Pero ganito talaga siguro kapag nagmahal ka ng pasikreto, masasaktan ka rin ng pasikreto.

*tok tok*

"Key, papasok ka ba ngayon?"

Pinagbuksan ko sya ng pintuan. Muntikan na syang tumalon nang makita ang bugbog kong itsura.

"Tingina mo naman, Key. Don't pop up wearing unfinished make-ups," utas nya. "Aray ko!"

Ang sakit kasing magsalita kaya binatukan ko agad. Walangyang pinsan naman ito oh. Akala ko ba kakampi ko sya? Ba't nya ako binubully verbally?!

"Umayos ka, ha. Hindi ito makeup, eyebags ito, Luke! Eyebags," duro ko sa mata.

"Alam ko. Binibiro lang naman kita, gusto lang kitang patawa- oh, bakit? Anong nakain mo?" tanong nya nang bigla ko syang yakapin ng sobrang higpit.

"Wala lang. Salamat kasi ikaw yung nagalit para sa akin," sambit ko.

Nagkamot sya ng ulo. "Para yun lang? Sus, kahit ilang beses ko pang ulitin ayos lang basta't para sa maganda at annoying kong pinsan," ngumisi sya.

"Annoying? Walangya ka talaga," sabay sapak sa kanyang balikat.

Ngumiti sya sa akin. "Sana natauhan ka na."

"Matagal na! Hindi mo na ako papasok ngayon pero magtatrabaho ako mamaya," masaya kong sambit.

Napahawak sya sa kanyang baba. Wala syang isip kaya imposibleng nag-iisip sya. "Kung ganun heto," binigyan nya ako ng pera.

"Para sa'n 'to? Suhol?"

"Ano ka ba. Bayad yan sa akin kahapon tsaka tip nang mga babaeng dinate ko- aray hindi pa nga ako tapos Key," hinampas ko kasi nang hinampas.

Nakuha nya ang perang ito galing sa mga babae nya? Hindi ako makapaniwala. Hindi pa rin sya nagbabago!

"Biro lang, Key. Hahaha, tip nila yan sa akin? Ang laki no?" angas nyang sabi.

"So ano nga ang gagawin ko rito?"

"Magshopping ka. Waldasin mo, magpakasaya ka hanggang sa makalimutan mo ang sakit na nararamdaman mo ngayon. And don't forget to take away your feelings for him! Isama mo na sa pagwaldas," seryoso nyang sabi.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala na ganito pala kung mag-alala si Luke sa akin. Ako ang pinsan nya pero hindi ko man lang 'yun alam. Gusto kong umiyak kaso baka sabihin nyang OA ako masyado.

"T-Thank you, Luke," niyakap ko sya hanggang sa hindi na sya makahinga- de jke. Yakap lang. "You're the best pinsan ever."

"Alam ko alam ko," ngisi nya.

Kahit sa mga ganitong bagay nagagawa nya pa rin maging maangas at hambog. Pinsan ko nga talaga si Luke! Bababa na sana sya nang bigla syang nagtanong.

"Oo nga pala, Key nagtatanong si Yuriko tungkol dun sa scholarship na natanggap mo," sabi nya.

"Tumawag si Yuriko? Kailan pa?"

"Ah, hindi. Nagkita kami noong nakaraang araw, nakalimutan ko lang sabihin sayo kasi busy ako."

"Bakit? What's with my scholarship? Ba't sya nagtatanong?"

"Sasabay siya sa 'yo. I guess she'll be going to states with you," sagot nya.

Yun naman pala. Akala ko ano na. "That's not a problem. I'm sure magugustuhan nya doon."

"Are you sure na dun ka sa states magtatapos?" tanong nya.

Tumango naman ako. "Bakit hindi? That's a great opportunity right?"

"Sabagay, at si tito na rin ang gagastos ng pamasahe mo, Key. Ang swerte mo, ha. Libre ka ni tito, sagot ka niya sa expenses samantalang ako-"

"Oo na, Luke. Alam ko na yang mga pinagdadaanan mo sa buhay. Sige na babay! Ingat ka," paalam ko sa kanya.

Umalis nga sya papuntang school. Magsshopping muna ako ngayong araw. Tama si Luke, masyado ako naging busy sa ibang tao at hindi ko na nabibigyan ng oras ang sarili ko.

Sa Mall...

Nakashorts lang ako, plain white shirt at running shoes. Wala rin kasi akong bibilhin bukod sa maraming ban-aid na kailangan para takpan ang dumudugo kong puso. Echos lang!

Napadpad ako sa isang department store. Napansin ko lang ang isang hilera nang puro magagandang damit na kulay asul at itim. Gusto ko ang itim at asul, maganda sa mata at may tinatagong istorya ang bawat kulay nito.

"Good morning po, ma'am. May natitipuhan ba kayong damit dyan?" lapit sa akin nang isang sales lady. "Maganda po ang quality ng brand na ito," dagdag nya.

"Um... miss ano sa tingin mo ang maganda rito?" tanong ko. "I mean, maganda naman lahat pero yung sakto lang sa timpla ng ibang tao."

"Sino po bang magsusuot?"

"Ako siguro? Kasize ko pala."

"Heto po siguro ang hinahanap nyo ma'am," ngumiti siya at dinala ako sa kabilang hilera ng mga damit.

At ang nakakainis pa run, nireto nya sa akin ang eksaktong damit na sinuot ni Trixie kagabi. Imbes na maging masaya ako ngayong araw mas lalo lang akong nabweset dahil sa babaeng ito.

"Wag na lang pala, ate. Ang mahal naman ng brand na binigay mo sa akin," sambit ko sabay alis. Tinatawag pa ako nung saleslady pero nawalan na ako ng ganang lumingon pa.

Jusko. Sarap nya ring butasan kahit papaano. Nakakainis! I need to cool down myself. Napagdesisyunan kung mamili muna sa Dairy Queen ng isang Vanilla Icecream.

"Kuya, isang vanilla po. Yung large, ha?"

"150 pesos po lahat."

Binigyan ko sya ng isang libo. Tinitigan nya lang yun. "Kuya, hindi mo ba tatanggapin ang bayad ko?"

"Wala ba kayong mas maliit dyan? Umaga pa po kasi at ikaw pa lang yung pangalawang customer, miss."

"W-Wala na po, e. Kahit 500 nga po wala."

Hindi ko pwedeng iwan ang vanilla ice cream ko dito. Waaahh!

"Here, take this one and one large Oreo Blast," singit nya sa usapan namin sabay abot ng 300 pesos.

Halos malaglag ko ang kinakain kong ice cream dahil sa kanya. Hindi ko akalaing magkikita kami rito. Ang laki-laki nang Pilipinas tapos dito pa talaga kami pinagtagpo ng tadhana?

"150 pesos po sir."

"Thanks," sabay tingin sa akin. "What are you looking at?"

Binugbog sya kagabi ni Luke, diba? Bakit ang gwapo nya pa rin kahit may sugat sya sa kanyang labi? Bakit ang gwapo nya pa rin kahit may pasa na sya sa kanyang mukha? Bakit ganun? Bakit.. bakit hanggang ngayon.. nagagawa nya pa rin akong saktan ng ganito katindi?

"What did I do to deserve this?" bulong ko habang pinipilit na pigilan ang nangingilid na luha sa aking mga mata.

"W-Why are you crying?" gulat nyang tanong habang pinandilatan ako ng mata.

Agad kong pinunasan ang mata ko. He doesn't deserve my tears, after all, he's just a jerk!

"Ang lamig kasi ng ice cream. Brain freeze!" diin ko.

Tumango lang sya tsaka kinain yung kanya. "Who's with you? Why are you here?"

"Wala akong kasama tsaka ano bang problema kung andito ako? Ikaw nga rin andito!" inis ko.

"Akala ko ba mahalaga sa'yo ang grades? Ba't ka umabsent?"

"Ano bang pake mo sa grades ko?" pagtataray ko.

Feelings ko nga para sa'yo hindi mo pinakekealaman, e. Bwesit ka ba?!

"Wala naman," matabang niyang sagot.

Sabi na nga ba. Wala talaga syang pakialam sa akin! Gusto nya lang magtanong ng walang kwentang bagay. Di ko namalayan na napadpad na pala kami sa Citti Hardware. Timing naman kasi gusto kong bumili ng martilyo para pukpukin ang kanyang ulo! Baka kasi matauhan. Pero parang mas bagay akong pukpukin kesa sya. Naupo ako sa bench.

"What are you thinking?" tanong nya sabay upo sa tabi ko.

"Ha? Inaano ba kita riyan!"

"You're still mad at me?"

"Ba't naman ako magagalit sa'yo? Echosero nito!" halos panggigilan ko na yung cone dahil sa pagtatanong nya. "Look, salamat kasi binayaran mo ang kinakain ko ngayon pero sorry ka kasi hindi na ako interesado sa'yo."

"Oh, really?" ngumisi sya.

Napalunok laway ako agad. Hindi na ito dahil sa brain freeze ha. Iba na 'to. "Of course. Kahit tanungin mo pa mga kaibigan ko."

"You don't have any friends except Frost Johnson," hindi pa rin nawawala sa kanyang lips ang wicked grin nyang nakakalaglag panga.

"Kaya nga. Psh. Bakit ka ba kasi andito? Ang saya na sana ng araw ko nang hindi ka pa nagpapakita!" inis kong sabi pero syempre biro lang yun.

Alam nyo naman ang nangyari diba? Puro kamalasan ang inabot ko sa mall na ito. Could this day get even worse?

"Absent ako. Gusto ko lang magpahinga saglit," sambit nya habang hiniga ang kanyang ulo sa bench na inuupuan namin.

Shit! Ako lang ba ito o pinagtitinginan talaga kami nang mga babaeng dumadaan sa tuwing nakikita nila so Dreyson sa ganyang porma? Ang swerte ko naman pala at kilala nya ako. Ang malas ko nga lang kasi sya ang minahal ko.

"Magpahinga? Don't you have enough rest yesterday? Pssh." Kung alam ko lang na nakipaglandian na naman sya sa bagong nurse kahapon sa clinic.

"That's not what I meant to say, Minami," he groaned. "I'm saying that I didn't sleep well last night thinking about you." Seryoso nyang sambit habang nakapikit. Mukha talaga syang pagod sa itsura nya.

Hindi ko maiwasan ang hindi sya titigan dahil sa gwapo nyang mukha. Sa pagkaka-alala ko, eto ang pangalawang beses na nagkasama kami na parang isang magjowa. Kaso alam ko na ngayon na imposible maging kami. Isang gaya ni Trixie ang kanayang tipo. Maganda, sexy, hot at modelo kung umasta sa harap ng tao. She's confidently flaunting her beauty and get the men she wants kung ikukumpara mo naman sa akin na mukhang ano.. ay basta! Wag nyo na lang palang ikumpara!

"Sinungaling," mahina kong sambit na may halong inis.

Dinilat nya ang kanyang mga mata tsaka napatitig sa akin. Juskoday! Seryoso na naman sya, ayokong makita mula sa kanya ang ganyang pagmumukha.

"Seryoso ako, Minami," sabi nya. "I couldn't blame you for hating me. Just... just hate me."

Sira na talaga ang ulo ng lalaking ito. Tumayo sya inabot sa akin ang kanyang kamay.

"Para sa'n yan?" pagtataka ko.

"Let's play some games. Ayokong mamatay ng maaga dahil sa bored mong mukha," ngisi nya.

Sinapak ko agad ang balikat nya. "Bastos ka talaga."

Nagpunta kami sa World of Fun at naglaro ng kahit na ano. Catcher, basketball, fish catcher, baril-barilan atbpa.

Sya ang dahilan kung bakit ako pumunta dito para makalimutan lungkot. Pero hindi ko alam na sa parehong tao ko din pala mararamdaman ang saya. Kahit ngayon lang... kahit isang araw lang.

-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro