Chapter 43
Luke's Point of View.
Ang tagal ng Dreyson na 'yon, ha. Akala ko ba iihi lang sya, mukhang tumae na ata dahil sa tagal nya dun sa banyo. Ako na nga lang mag-isa, malapit ng matapos ang ginagawang intermission nang ibang estudyante ng batch '47. Buti na lang at andito ako hahaha.
Nahagilap ng mga mata ko ang nagmamadaling si Key. Saan sya pupunta? Hindi pa nga tapos itong programa. Nakita ko si Daisy sa gilid at binigay sa kanya ang microphone.
"Ikaw na nga muna dyan."
"Saan ka?"
"Saglit lang kay Key!"
Tinawagan ko sya at narinig ang umiiyak nyang boses. "Ayos ka lang Key?" nag-aalala kong tanong.
"Oo. Sinisipon lang."
"Maayos ka naman kanina, ha? Kailan ka pa sinipon?"
"Kanina. Uuwi na muna ako, Luke, nabasa kasi ang suot ko."
"Ganun? Sige mag-ingat ka."
She ended the call. If I know umiiyak sya ngayon kaya hindi ko yun hahayan. Kung sino man ang dahilan ng pag-iyak ng aking pinsan, hinding-hindi ko sya mapapatawad. Agad akong nagpunta sa parking lot at nadatnan ko syang nakaupo sa gilid habang todo punas sa kanyang mata. Hindi ko masyadong maaninag dahil sa madilim na lugar at pundido pa yung ilaw rito.
"Key, I thought you're going home?" tanong ko habang papalapit sa kanya.
Nagmamadali syang umilag sa mga mata ko. May tinatago talaga ang pinsan ko sa akin at alam nyang hindi ko 'yon magugustuhan.
"Luke, tapos na ba ang programa?" habang pinupunasan ang kanyang mukha. "Sorry, nabasa kasi ako kaya ganito ang mukha ko," pilit nyang tawa.
"You're crying! Why are you crying?" tanong ko habang pilit siyang hinaharap sa akin.
Umiiyak nga sya. Patuloy lang sa pagdalos ang mga nangingilid nyang luha mula sa kanyang mga mata. Isang tao lang naman ang kayang magpaiyak ng ganito sa isang babae... dahil ganito rin ang mukhang pinakita sa akin ni Frost ng mga panahon na 'yon.
"Wala Luke. You're jumping into another conclusions again," ngiti nya.
Hindi nya ako mapapaniwala sa ganyang arte. Lalo na ang plastik nyang ngiti.
"Si Dreyson ba!" I gritted my teeth.
Bigla nya akong niyakap hanggang sa mabasa ang puti kong tux. Bwesit na Dreyson yan, ilang beses ko ba syang dapat pagsabihan na dapat matagal na nyang nilalayuan ang pinsan ko. Sinabihan ko sya three weeks ago at hindi nya ako sinusunod! Bumabalik pa rin sya para paiyakin si Key!
"Ang sakit pala talaga, Luke! Hindi ko na kaya!" hagulhol nya sa harapan ko.
Kinuyom ko ang aking kamay tsaka tumayo. Nagtaka siya sa ginawa ko at napatingin sa akin.
"Luke, saan ka- anong balak mo?"
"I will teach him a lesson! Wag mo akong sundan!"galit kong tugon.
"Luke, teka lang! Ayoko ng gulo please," pagmamakaawa nya habang pilit na pinipigilan ang pagluha.
"Key, he started this war and I am here to finish it!"
Hindi pa ako nakakalayo kay Key nakita ko na agad ang taong kanina ko pa pinanggigilang suntukin. Nasa harapan ko na sya mismo at nakikita kong lumalagpas ang kanyang tingin sa akin.
"Don't you dare stare at my cousin!" galit kong utas.
Sa akin niya binaling ang kanyang atensyon. "I just wanted to say na magsisimula na ang-" hindi na siya nakapagtapos magsalita.
Nilapat ko sa kanyang pagmumukha ang nag-aapoy kong kamao. Suntok sa kanan ang kanyang natanggap mula sa akin.
"Luke! Luke, tama na!" sigaw ni Key habang tumatakbo palapit sa aming dalawa.
Hindi ako nagpatinag at pinagsusuntok-suntok ko pa sya lalo!
"Walang hiya ka, Dreyson! Lahat na lang inaagaw mo. Lahat na lang sinasaktan mo! Pati pinsan ko nagawa mong paiyakin!" galit nako.
Hinila ako ni Key palayo sa kanya. Nakita ko sa mga mata ni Dreyson ang guilty'ng itsura pero mas naaawa ako sa pinsan kong umiiyak sa harapan naming dalawa.
"Luke, Luke please tama na please tama na please please," sabi nya.
"Dreyson!" sigaw ng isang babae sa hindi kalayuan, si Trixie.
Nagmamadali nyang tinakbo si Dreyson tsaka nya ito tinulungang tumayo. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko! Kasama ni Dreyson si Trixie?
"Dreyson, what happened to your face!" sinamaan nya ako ng tingin tsaka sya napatingin kay Key. "Luke, why did you do this to him?"
Hindi ako nakapagsalita. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil nasa harapan ko si Trixie. Ang babaeng minahal ko at tanging minahal ko ng buo.
"B-Bakit kayo magkasama?" utal-utal kong sambit.
"Wala ka nang pakealam dun, Luke," sabi niya habang tinutulungan si Dreyson sa pagtayo. "Can you stand?"
I can't believe what I'm seeing. Nararamdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Key sa tux ko kaya napatingin ako sa kanya. Pinagmamasdan niya lang dalawa sa harapan namin kaya agad ko syang hinila paalis sa eksena.
"We are not done, Dreyson!" banta ko sabay duro sa kanyang pagmumukha. Hinila ko si Key. "Let's go home, Keeyah."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matapos kong makita si Trixie na kasama si Dreyson. Hindi ako tanga para hindi malamang hindi lang gusto ni Key si Dreyson, mahal na nya ito.
Kung anuman ang nakita ni Key sa pagitan nilang dalawa hindi ko na 'yun kayang itanong pa at sigurado akong hindi nya gustong pag-usapan pa 'yon.
Frost's Point of View.
Nakabasag na naman ako ng pinggan habang naghuhugas ng plato.
"Is everything okay, Frost?" tanong ni Brett habang nakasilip sa kurtina. Kakahatid nya lang ng orders sa table 3.
Tumango ako. "Oo, Brett, lilinisin ko lang- aray!" ang hapdi. Nalaslas siya matapos kong hawakan ang basag na pinggan.
"'Wag mo kasing hawakan. Tss, ako na riyan. Maupo ka muna para magamot natin yang sugat mo," inis nyang tugon.
Seryoso? Naiinis pa sya sa nangyari sa akin? Pwede naman siguro siyang mag-alala ng konti.
"Psh. Hindi mo naman ako kailangang pagalitan."
"Panglimang beses mo na ito, Frost. Masyado ka kasing nag-aalala kay Minami," habang nililinis ang sugat ko sa pinky finger.
Limang beses para sa panghuling daliri na nasugatan ko ngayong araw. Nararamdaman kong may masamang nangyari sa kanya. Hindi nagkakamali ang instinct ng mga babae. Kaya palagi namin itong pinagkakatiwalaan, e. Isa pa, gabing-gabi na at hindi pa rin sya nagtetext sa akin.
"Anong oras ba matatapos ang program?" tanong ko kay Brett.
"Mga 10PM siguro."
Kami muna ni Brett ang punalit sa trabaho ni Key at Ate P since andun sila pareho sa campus. Ang daming customers pero hindi ganun kadami pag andito si Key at Ate P. Pati si Mrs. Choi mukhang bored na rin dahil sa nakakaantok na music mula sa speakers.
"Anong oras na ba?"
Dinikitan ni Brett ng bulak ang sugat ko tsaka nya nilagyan ng band aid.
"8:40PM pa lang. Bakit, pupunta ka ba sa alumni?"
Umiling ako. Ayokong madamay sa alumni na yun at isa pa, baka makita ko doon ang dalawa sa pinaka-iinisan kong tao sa buong mundo.
"Gusto mong pumunta?" umiling ulit ako. "You don't want to see Luke?" seryoso niyang tanong habang nakatitig sa mga mata ko.
"Brett naman, si Key lang ang inaalala ko at hindi si Luke."
"F-Fine. I'm just saying," ngiti nya tsaka ginulo ang buhok ko. Nakakainis rin si Brett minsan pero unti-unti ko na rin syang nagugustuhan. "Palitan natin yung music. Baka makatulog si Mrs. Choi."
"Sira ka talaga, Brett!"
Bumalik kami sa pagttrabaho. Pinalitan nya nga yung music at naging Nickleback na lahat. Naenjoy yun ni Mrs. Choi at nang iba pang customers sa loob.
"This is how you remind me of what I really am," kanta ni Brett sa isang napakagandang boses.
Kung ikukumpara ko ang boses nya kesa kay Luke. Mas maganda talaga kay Brett at mas gusto ko 'yung pakinggan. Tama ba itong ginagawa ko? Am I learning to forget Luke? Is this my way of forgetting someone I love?
"I was waiting on a different story
This time I'm mistaken
For handing you a heart worth breaking~"
Habang nag-se-serve si Brett mas lalo niya lang napapa-in-love ang customers dahil sa kanyang pagkanta. Kinakantahan nya ang mga ito sa tuwing sineserve nya ang orders nila.
"And I've been wrong
I've been down
Into the bottom of every bottle
These five words in my head
Screams are we having fun yet~"
Napatingin ako kay Brett. He's really working hard tonight at ganun din sya kung magmahal. Ginagawa nya lahat sa abot ng kanyang makakaya para lang pasayahin ang minamahal, gaya nang pagpapasaya nya sa customers namin. Bigla nya akong napalingon sa akin nang may gulat na mukha. Nilapitan ni Brett at nilabas ang kanyang panyo tsaka pinunas sa mga mata ko.
"Why are you crying?"
"Ha?" hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa sobrang pag-iisip. Aaminin ko, naguguilty talaga ako ngayon.
Pero gaya nga nang napag-usapan namin. Kung ito ang tanging paraan para makalimutan ko ang lahat ng sakit, gagawin ni Brett ang lahat.
"Pasensya na. Ang hapdi kasi ng sugat ko," palusot ko.
Hinalikan nya 'yon tsaka sya ngumisi sa akin. "Sinusuot mo pa rin pala ang singsing na 'yan."
"Oo naman. Mahal ko nagbigay nito, e!" ngumiti ako sa kanya.
He kissed my forehead. "Don't worry about me," bulong nya tsaka pumasok sa kitchen.
Napapikit na lang ako habang pilit na kinakalimutan ang nararamdaman ko para sa lalaking hindi ako kayang mahalin ng buo.
I should never have fallen in love with a playboy.
-----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro