Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

Key's Point of View.

"Let us all welcome. The dearest owner of this school, Ms. Jennifer Ramirez-Guevarra!" bungad niya.

Nagpalakpakan kaming lahat. Hindi ko akalain na sya pala ang may-ari nitong paaralan. Madalas kong makita ang principal pero hindi sya. Mahaba ang kanyang buhok, may malalamig syang mata, nakapants sya at simpleng tshirt, may light make up ang kanyang mukha pero angat na angat talaga ang ganda niya.

Hinarap nya ang lahat gamit ang kanyang malalamig na mata. Hindi ko alam kung ano ang kanyang sasabihin.

"Good evening everyone. It's been years since I visited Claverion High. Ang daming pinagbago ng paaralan na ito. Pati rin siguro kayo," sabay ngiti. Mas maganda sya kapag nakangiti. "Hindi nyo ako nakikilala dahil matagal na rin noong nakapunta ako dito. But now I am here. I want to give you some inspirational messages na sana ay magamit nyo in the future."

Naupo ako sa pinakagilid na upuan. Mukhang matagal-tagal pa siguro bago sya matapos sa kanyang sasabihin. May kinuha syang mahabang listahan mula sa kanyang bulsa.

"Hmm... hindi ko na siguro ito kailangan," sabay tapon. "Mas maganda siguro kung galing mismo sa kaibuturan ng puso ang sasabihin ko sa inyo. Kung hindi nyo alam, sa paaralan na ito mismo ko nahanap ang aking napangasawa at hanggang ngayon kami pa rin. May isa na rin kaming anghel sa buhay namin at hinding-hindi ko sila kayang ipagpalit sa kahit na anong mamahaling bagay."

Napatingin ako sa mga tao. Napangiti sila habang sinasandal ang kanilang ulo sa kanilang katabi. Magjowa ata ang iba sa kanila.

"Kagaya niyo, nakapag-aral din ako rito at marami akong memories dito sa school. Dito ko natutunan ang ibig sabihin ng pagmamahal. Dito ko nalaman na masakit ang magmahal, may mga pagkakataon na pinagtatawanan natin ang sarili nating kamalian. Kapag natumba tayo, may mga taong handang mag-abot ng kamay para sa atin. Marami siguro sa inyo ang may pinagsisihan ngayon kasi hindi nyo ginawa ang dapat matagal nyo ng ginawa noon. May mga bagay na hindi na natin maaari pang ibalik, kaya kung ako sa inyo. Gawin niyo na ang gusto nyong gawin. Sabihin niyo na ang gusto nyong sabihin. At harapin nyo ang takot nyo ngayong gabi, dahil minsan lang itong mangyari. Aminin ang dapat na aminin at ito lang ang masasabi ko. May forever sa Claverion sa mismong paaralang ito. Maraming salamat and enjoy the night ladies and gents," sabay ngisi.

Nagsitayuan ang mga nakaupo sa likuran. Kasama sila sa Batch '47 pero hindi sila kaklase nila Trixie. Bumaba si Mrs. Guevarra habang inaalalayan sya ni Luke. Nakita kong kinausap ni Luke si Mrs. Jen, tungkol saan kaya 'yan?

"Minami," kalabit ni Fred sa blouse ko.

"Bakit ka andito? Diba dapat andun ka?" turo ko sa stage. "Kaya pala tumahimik bigla."

"Pasensya na. Kanina pa kasi ako najejebs. Ikaw muna dun," sabay bigay ng mic.

"Ano? Hoy, 'wag ka ngang magbiro dyan, Fred. Hoy!"

Sigaw ako nang sigaw pero tumakbo siya papuntang CR. TAKTE! Anong gagawin ko rito? Hindi ko alam kung paano ang pag-eemcee. Hindi ako magaling sa pagsasalita. Magkaiba kasi ang pakikipag-usap sa customers kesa sa pag-ho-host sa harap ng tao.

"What should I do about this?" bulong ko.

"Come on. Let's go and entertain those people," sabi niya.

Napalingon ako sa likuran. Nakita ko ang isang lalaking naka-tuxedo at nakatayo ang buhok. Simpleng suot pero angat ang kanyang kagwapuhan at kakisigan. Sinusuot nya ngayon ang isang mic piece. Bakit sya andito? Akala ko ba lasing sya kanina?

"Ba't ka andito? Bakit hindi ka nagpapahinga?"

Napatitig sya sa mga mata ko saka nya binaba ang kanyang tingin sa buo kong katawan. Ang awkward at medyo nakakabastos na rin pero bakit hindi ko pa sya sinasapak? Parang gusto ko rin ata ang mga tingin nya sa'kin.

"May problema ba tayo sa suot ko?" taray kong tanong.

Royal blue ang suot kong dress na off-shoulder. May necklace akong suot na bigay ni mama at sandals na kulay itim tapos naka-ponytail pa ang buhok ko.

"You look stunning," ngisi niya. "Tara na. Baka mainip sila," sabi nya habang palabas ng backstage.

Bumalik ako sa reyalidad pagkatapos. Ano bang nangyayari sa akin? Nakita ko lang sya tapos naging ganito na ako. Torete.

"Good evening ev'ryone. Sorry for the inconvenience but we're back in the program with the new set of hosts," bungad niya.

Pinagmasdan ko ang madla. Lahat sila nakangiti lang kay Dreyson. Grabe rin ang appeal ng lalaking ito, nakakahila talaga ng chics ang pheromones nya. Nagulantang ako ng bigla syang napatingin sa 'kin.

"Sweetie, aren't you going to say something?" sabay ngisi.

Sweetie? Hindi ko maalala kung kailan ko 'yan naging palayaw.

"Don't call me that, honey," diin ko. Hindi pa rin nawawala sa mga labi nya ang pagngisi. "Let us continue the program. At ngayon, let's enjoy the intermission number of our dearest dancers!"

"Let's give them a hand," sabay wink sa audience.

Naupo kami sa pinaka-gilid at pinanood ang mag estudyanteng magperform.

"Hindi ka lang pala bad boy, play boy ka pa."

"Ganyan ka ba magselos?" ngumisi siya.

"Walangya ka! Wag mo nga akong itulad sa mga babae mo. I am-"

"Not one of your playtoys," dagdag niya. Paano niya nalaman na iyon ang sasabihin ko?

"Paano mo-"

"Ganyan na ganyan din ang sinabi mo sa akin noong una tayong nagkakilala," seryoso niyang sambit.

Naalala ko bigla pero umiling din agad. Hindi ako papatinig sa mga sugarcoated words ng lalaking ito. Masyado nya akong binobola, marami na rin syang nakahalikan na babae, maraming nakasex at kung ano-ano pa. Kaya hindi ko sya gusto, yan ang itatak mo sa isip mo Key. Wala kang gusto sa kanya dahil tinapos mo na kaninang umaga. Paalam feelings nga, hindi ba?

"Hindi ko kasalanan kung ayokong magtiwala sa 'yo."

"I know that."

Ang lapit namin sa isa't-isa. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil ayokong dumikit sa kanya sa pang-ilang beses. Ang lakas ng kabog ng akong dibdib ngayon kaya hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matutuwa na malapit sya sa 'kin.

Tumayo agad si Dreyson. Dun ko lang narealize na tapos na pala ang intermission number nila kaya tumayo na rin ako pero hinila ako pabalik nang taong nasa likuran ko.

"Luke, may problema ba?" pagtataka ko.

Nakabihis na siya ngayon katulad ng bihis ni Dreyson. Bakit ngayon nya lang naisipang magbihis ng eleganteng damit?

"Give me the mic. Leave the rest to me," seryoso nyang sabi.

Napatingin ako kay Dreyson habang nagsasalita tapos kay Luke na naghihintay sa sagot ko.

"Pero-"

"I said give me the mic. Hanggang dito ka na lang, Key."

Binigay ko agad. Alam kong wala talaga syang tiwala kay Dreyson lalo na't halos magkapareho sila ng ugali. Pumunta si Luke sa harapan kasama si Dreyson na ikinagulat naman ng lahat. Nakita ko ang bawat manghang itsura ng ibang babae. Ikaw ba naman makakita ng mga naguguwapuhang lalaki sa harapan mo hindi ka ba mapapanganga?

Bumuntung hinga ako tsaka naupo sa kasuluk-sulokan. Pinagmamasdan ko lang silang dalawa lalo na si Dreyson.

"Hanggang dito ka na lang, Key."

Si Luke talaga napakawalangya. Hanggang kailan nga ba ako magiging martyr at tanga sa pag-ibig ko sa isang manhid na lalaking kagaya niya?

Tumayo ako at nag-cr saglit. Hiling ko na lang sana ngayon na hindi sila mag-away at magpaangasan sa harap ng maraming tao. Especially in this Alumni Homecoming na talagang special para sa Batch '47.

Binasa ko ng tubig ang aking mukha tsaka napatingin sa harap ng salamin. Ang haggard ko na! Sinungaling talaga si Dreyson kahit kailan!

"You look stunning mo mukha mo!" inis kong sabi sa harap ng salamin.

Biglang may pumasok na isang maganda at napaka-eleganteng babae. Si Trixie. Ang ganda nya sa suot nyang kulay pula, hindi maipagkakaila na sya ang magiging Queen ngayong gabi. Mukha naman talaga syang reyna dahil sa maamo at nakaka-decieve nyang itsura. Ngayon ko lang naintindihan ang naramdaman ni Dreyson kung paano siya hindi mahalin ni Trixie gaya ng pagmamahal nito sa kanya.

"Hi. You must be Minami," ngumiti sya at nag-abot ng kamay.

"Um... opo," sagot ko tsaka siya tumawa. "Anong nakakatatawa?"

"Ikaw. I'm not that old, Ms. Minami, 20 pa lang ako."

May sira ata sa ulo ang babaeng ito. Ang ganda nya talaga kahit na kailan. Kahit siguro ang pinakagalit na tao ay titiklop sa kanyang ganda.

"Ganun ba. Mauna na ako, ha?" aalis na sana ako nang bigla nyang inabot sa akin ang panyo na naiwan ko sa lababo.

"This must be yours."

"Thank you, tanga ko," bulong ko.

Ngumiti lang sya. Grabe, nakakainggit pala si Trixie. Ganito pala ang nararamdaman ni Frost sa tuwing makikita nya si Luke at Trixie na magkasama. Lumabas ako at nakita si Xypher na nakatayo sa gilid ng pader. Hinihintay nya ata si Trixie.

"Nag-si-cr pa siya," sabi ko.

"What?"

"Um... Si Trixie ang hinihintay mo, hindi ba?"

Umiling sya. "Not her. I was hiding from that stupid psychopath."

Stupid psychopath? Ibig niya bang sabihin si-. Sa di kalayuan nakita ko si Zhaika na may dala-dalang vodka. Teka, she's too young to drink!

"Don't tell her that you saw me," sabay suot sa kanyang hood at umalis. Tumango ako at nilapitan si Zhaika.

"Ate Minami, andito ka rin pala?" tanong nito.

"Ako kasi ang naghost kanina. Ikaw, ba't ka andito, Zhaika?"

Nagkamot sya ng ulo. "Nakita kong pumasok sa school na ito si Xypher. Tapos nawala siya bigla sa paningin ko, nakita mo ba sya, ate?"

Umiling-iling ako at hindi nagsalita.

"Ganun ba? Uuwi na nga lang ako."

"T-Teka, Zhaik. Bakit mo siya hinahanap?"

"May utang pa iyon sa akin. Tss, natalo siya sa pustahan at kailangan nya iyong bayaran!" inis nyang sabi.

Nakita namin pareho si Xypher na tumatakbo sa hindi kalayuan. "AH! AYUN SYA. HOY, HALIMAW!"

Tumakbo si Zhaika nang hindi nagpapaalam. Napabuntong hinga ako dahil sa kalokohan ng dalawa. Paano sila nakapasok sa school namin? Sa kabilang school sila nag-aaral, hindi dito sa Claverion.

Lalakad na sana ako nang marinig ang boses ng isang lalaki. At hindi iyon basta-bastang lalaki, boses 'yun ni Dreyson. Sinundan ko ang boses at nakita ko siyang kasama si Trixie. Nakatalikod si Dreyson mula sa kinatatayuan ko and I could say that he is definitely kissing her. Napatakip ako ng bibig at nagtago sa gilid ng pader. Hindi ako makapaniwala, mahal nga ni Dreyson si Trixie at hindi bilang isang kapatid kundi bilang isang babae.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla akong tumakbo paalis.

I can't take it anymore!

-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro