Chapter 41
Key's Point of View.
Tinanghal na panalo si Candice at Peter. Si Candice ang Ms. Tourism at si Peter ang kanyang Mr. Tourism. Masayang natapos ang competition at dalawang oras na lang ang natitira para sa gaganapin na Alumni Homecoming mamaya.
"Besh, uuwi na kami ni Brett. Inaantok na kasi ako," paalam ni Frost.
Naglilinis ako ngayon sa pinagkalatan ng mga kandidato at kandidata. Kasama ko si Luke kanina pero ewan ko kung nasaan sya ngayon.
Tumango ako bilang oo. "Sige, Frost. Mag-ingat kayo."
"Ayos ka na ba talaga dito? Baka kasi kailangan mo pa ng tulong ko.
Umiling ako agad. "Hindi na. Wawalisan ko na lang ito pagkatapos."
Inabot nya sa akin ang walis na kanina nya pa hawak. Magsasalita pa sana sya ng bigla syang tawagin ni Brett mula sa kanyang likuran.
"Frost, pinapauwi ka na ni tita."
"Sandali lang, Brett," sabay tingin sa kanya. "Mauna ka na sa kotse. Susunod ako promise."
"Okay. Mauna na 'ko, Minami," paalam nya.
Nag-oo ako. Nagpatuloy ako sa pagwawalis nang bigla kong napansin na nakatayo pa rin si Frost sa harapan ko.
"Ano pang ginagawa mo? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko.
Nakatayo pa rin sya. Parang wala syang narinig mula sa akin.
"Frost?"
"Key, mahal mo o mahal ka?"
Tumayo ako ng maayos habang nilagay ang walis sa dustpan.
"Frost, nagpaiwan ka ba upang itanong sa akin yan? Sinagot na 'yan kanina ni Megan," natawa kong sabi.
"Si Megan ang sumagot at hindi ikaw kaya ikaw ang tinatanong ko ngayon," seryoso siya.
Naupo ako sa gilid. May nag-iisang upuan na nakalagay doon at mukhang hindi pa kinukuha ng maintenance.
"Kung ako. Syempre, yung taong mahal ko. Pero kailangan natin maging praktikal lalo na't minsan lang sa buhay ng tao ang may totoong magmamahal sa kanya."
Pinilit syang ngumiti kahit na sobrang halata na nasasaktan siya.
"Alam mo ba, Key. Mahal ko pa rin ang walang kwenta mong pinsan," ngiti nya. "Dun ko lang narealize na matalino pala si Megan," tawa pa nito.
Kinuha ko mula sa bulsa ang panyo ko. "Dahil minsan na sya naging tanga katulad natin," sabay punas sa mga mata.
"Nagbabago ang tao dahil sila ay nasaktan," iyak niya. "Matututunan ko ring mahalin si Brett. Mabait sya at gentleman."
"At higit sa lahat, mahal ka nya," ngiti ko.
Tumango-tango sya at kinuha ang aking panyo. Walang hiyang babae talaga, napakalokaloka.
"Uuwi na nga ako, Frost. Hinihintay ako ni Brett sa kotse."
"Oo na. Kanina ko pa nga sinasabi sa 'yo na umuwi ka na."
Inismidan nya lang ako. Aalis na sana sya ng bigla ulit syang nagtanong.
"Pupunta ka ba mamayang gabi?"
"Oo. Kailangan kong tulungan si Luke."
Nagbbye sya sa akin bago tuluyang umalis. Hindi nya pa sinauli ang mabango kong panyo. Bahala na, mura lang naman 'yon. Kinuha ko ulit ang dustpan at bumalik na sa pagwawalis.
Kinalabit ako bigla ng isang hindi ko alam kung sino. Agad kong ginawang sandata ang aking hawak na walis at dustpan sa kanyang mukha.
"Don't touch me!" sigaw ko.
Si Luke lang pala.
"Bakit mo ako tinatakot? Tss, kita mo nang naglilinis ako dito. At saan ka ba galing?!" galit kong sumbat.
"D-Dyan lang sa tabi," sagot nya.
Sa itsura nya ngayon. Mukha syang may pinagtataguan o tinatakbuhan. Hindi ko talaga minsan maintindihan ang takbo ng isip ni Luke.
"Wala na ba sya? Umalis na ba? Umuwi-"
"AHA! Sabi na nga ba. Kaya ka pala nawala at iniwan ang trabaho mo dahil biglang dumating si Frost!" sabay sapak ng walis sa kanyang tagiliran. "Walangya ka, Luke."
"Tss. Ako na nga ang magtatapos nyan. Masyado ka namang bitter. Nag-cr ako no."
"Palusot!"
Pinagmasdan ko lang si Luke habang nagwawalis at nag-aayos ng upuan para mamaya. Naging busy sya nitong mga nakaraang araw. Ang dami nyang gig at niisang minuto hindi nya magawang magpahinga. Gusto nya parati may ginagawa.
Pamamaraan nya siguro 'yon para kahit paano ay makalimutan nya ang nararamdaman nya para kay Frost. Pustahan kami, hindi nya pa yon nagagawa hanggang ngayon.
"Uy, Luke, nakalimutan mo na ba ang feelings mo para kay Frost?" tanong ko habang pinupunasan isa-isa ang mga upuan na kanyang inaayos.
"It takes time to heal the pain," sagot nya habang hindi nakatingin sa 'kin.
Tama. It takes time to heal the pain.
Luke's Point of View.
"Isang minuto na lang at magsisimula na tayo," sabi ko dun sa emcee na si Fred.
"Okay."
"Intermission numbers. Stand by kayo dyan sa likod, pagkatapos ng opening prayer kayo na ang papasok. Okay?!"
"Got it, kuya Luke," sagot ni Arcii.
Sumilip ako sa likod ng pulang kurtina. Nahahagilap ng mga mata ko ang buong stadium ng gym namin at ang daming tao ngayon. Eto ba silang lahat? Konti lang kasi ang kilala ko sa batch nila dahil naging mga ka-banda ko sila noon. Kasa-kasama ko kahit saang gig.
"Hi, Luke!"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Scythe at Clove. Bakit andito si Clove?
"Clove? Bakit sya andito?" tanong ko kay Scythe.
"Sira ka talaga," tawang sabi ni Scythe. "Kasama sya ng batch namin."
Tinignan ko sya ng buong pagtataka.
"Hindi ko alam na isa ka sa batch '47."
"Wala ka namang alam. Isa pa, hindi ka interesado dahil si Trixie lang ang napapansin mo," biro niya.
Hindi ako natutuwa at natatawa. Nakakainis talaga 'tong si Clove minsan. Nakita kong siniko sya ni Scythe sa tagiliran dahilan para masamid ito.
"S-Sorry, bro. Sige, hahanap muna ako ng upuan," paalam niya.
Tumango lang ako. Nakatayo pa rin si Scythe sa harapan ko at mukhang wala syang planong umalis.
"Hindi ka uupo?" tanong ko habang chinecheck ang mga taong nakaupo. "Baka maubusan ka ng upuan. Marami pa namang tao ang-"
"May sinabi ba sya sa 'yo?" tanong nya bigla.
Napatingin ako sa kanya. "Sinabi ang alin? Sino?" pagtataka ko.
"Mukhang hindi nya nga sinabi sa 'yo." tinabihan niya ako. "Nakauwi na pala si Trixie."
Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam na nakabalik na sya galing states. Walang nagsabi sa akin, niisa walang nagpaalam sa akin.
"Kailan pa?"
"Nung nakaraang linggo pa. Don't tell me no one told you?"
Umiling ako. "Ikaw pa ang una."
"Walang nagpaalam sa 'yo," humakbang sya patalikod.
"Pupunta ba siya ngayon?"
"Hindi ko alam. Siya lang ang nakakaalam nun," naglakad si Scythe palayo. "Uupo na ako. Malapit nang magsimula Luke. Wag kang tatanga-tanga."
Napatingin ako sa kanya habang naglalakad palayo sa pwesto ko. Hindi ako tanga, kahit dalawang minutong late ayos lang. Tutal naman, hanggang 9pm ang program na ito.
"Alam ko kung kailan dapat magsimula!" sigaw ko.
"That's not what I meant to say, Mr. Playboy," ngisi niya.
Tinaasan ko sya ng kilay. What the hell is she talking about? Kung hindi ito tungkol sa programme. Saan?
"I don't get it, Scythe!"
"Alam mo na 'yon. Malamig pa naman ang hangin sa labas. Mahirap ng maglaro sa ilalim ng gabi, at mas mahirap... " sabay tingin sa akin. "magdesisyon ng mabuti, hindi ba, Luke?" sabay ngisi.
Wala akong maintindihan. Bakit ba sya nagsasalita sa isang matalinhagang salita? Hindi ako matalino pagdating sa mga bugtong.
"Playboy ka talaga, Luke!" sabay kaway patalikod.
Sinuksok ko ang aking isang kamay sa loob ng bulsa ko. Ang lamig kasi dito sa loob ng gym, tama nga si Scythe. Napansin nya pa ang maliit na bagay na 'yon. Samantalang ako, hindi.
"Mahirap magdesisyon ng mabuti, hindi ba, Luke?"
"Ano bang ibig mong sabihin, Scythe?"
"LUKE!" tawag niya. Napatingin ako sa aking likuran.
"Key, ba't ka andito? Hindi ba sabi ko sa 'yo dun ka sa kabila?"
Inirapan nya ako. Ang taray ata ng pinsan ko ngayon.
"Kanina pa kita tinatawag hindi mo naman naririnig kaya pinuntahan na kita rito. Magsisimula na ang program!" utas nya.
Agad syang umalis matapos akong irapan. Winakli ko lahat ng bumabagabag sa aking isip at sinuot ang mic piece.
"Luke, magsisimula na ba?" si Fred.
Nag-thumbs up ako bilang Oo. Nagsalita na si Fred. Sinilip ko mula sa aking kinatatayuan ang mga taong pumapasok mula sa entrance ng gym. Nahagilap ng mga mata ko ang hindi ko inaasahang bisita. Nakasuot sya ng pulang dress na hanggang paanan lang. Klarong-klaro ang kanyang napakakinis na legs, at nakasuot sya ng pulang heels na bagay sa kanyang paa. Napatingin siya sa direksyon ko habang nakangiti.
Si Trixie.
-----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro