Chapter 39
Key's Point of View.
"Saan ka galing? Bakit ang dumi ng damit mo at bakit nangangamoy ka?" bungad ni Luke habang nandidiri akong tinitigan.
"Sinukahan ako."
"Saan ka nga galing?" tanong niya ulit.
"Sa CR, nag-CR saglit.
"Lasing ka? Ba't ka amoy suka?"
"Hindi ako. Tss, sino na ba ang susunod?" pag-iiwas ko sa topic.
"Si Megan na ang huli," sagot nya tsaka ako tumango.
Pinapanood ko lang sya habang naglakad palabas. Partner nya si Peter. Hindi ko tuloy maiwasang isipin si Dylan, kung andito lang siguro sya magiging magkapartner talaga sila ni Megan.
Napabuntong hinga ako matapos ko yung isipin. Si Dylan, ang taong gustung-gusto ko noon na halos araw-araw ko syang iniistalk. Parati din akong nagpapapansin sa kanya nung crush ko pa sya. At may iniwan pa syang deal sa akin, umoo ako ng hindi ko sinasadya pero dahil wala akong takas sa sarili kong katangahan. Kailangan ko 'yong gawin.
"Good luck sa Talent portion," sabi ko kay Megan ng makabalik sya sa kanyang pwesto.
Inirapan nya lang ako. nasasanay na rin akong irapan at malditahan ng paulit-ulit ng bruhang ito. Isa pa, wala akong problema sa kanya sa ugali nya siguro meron.
"And now, let us witness the following performance of our lovely and handsome candidates for their talent portion," sabi nung emcee.
Nagpaalam ako kay Luke saglit para magbihis.
"May extra ka bang damit sa locker mo? Pahiram naman ako," sabi ko.
"Meron ata. Tingnan mo na lang," binigay nya sa akin ang susi.
"Thank youuuu!" Yayakapin ko na sana sya ng bigla nya akong sinenyasang lumayo.
"Baho mo. Dun ka na, bilisan mo ha."
"Ang arte naman nito."
Narinig ko ang palakpakan ng maraming tao sa candidate #1. Tumakbo ako papunta sa locker ni Luke. Ang linis ng locker nya hindi katulad ng madumi kong locker. Hahaha. Mas babae pa ata si Luke kesa sa akin.
"Damit, damit."
Nakita ko ang puti nyang tshirt. Mukhang uniform nya ito sa dati nyang school. Kasya ata ito sa akin. Agad ko 'yong sinuot at nilabhan ang nangangamoy kong damit. Isasampay ko ito saglit baka matuyo pa ng konti.
Bumalik ako agad sa gym para manood ng pageant.
Nagpalakpakan sila habang isa-isa ng nagsisilabasan ang mga kandidata at pambato ng kada sections. Si Daisy muna ang nag-asikaso ng linya nila habang ako? Masayang nanonood sa mga talents nila. Tumabi ako kina Frost at Brett, kanina pa sila masayang nagtatawanan kaya gusto kong makisali para maging maayos ang mood ko.
"Patabi besh," sabi ko.
"Oh, bakit ka andito? Tsaka nagbihis ka ata."
"Oo. Si Daisy muna ang pumalit sa akin."
Bumalik sya sa pakikipag-usap kay Brett. Nakita ko mula sa aking kinauupuan ang mga mata ng aking magaling na pinsan. Kung hindi ko lang siguro sya kilala, nasabi ko ng nagseselos sya. Kung makatingin sa dalawa kong katabi parang ang laki ng problema nya. Mukha syang sinakluban ng langit dahil sa ekspresyon ng kanyang itsura.
Napatingin sya sa akin habang nahihiya ang mukha. Tumawa ako ng konti and mouthed the word selos.
Inayos nya ang kanyang salamin at binaling ang atensyon sa nagpperform. Patay malisya talaga kahit kailan ang lalaking ito!
Tapos ng sumayaw ang candidate #6.
"And now, for the performance of candidate #7. Around of applause please."
Inayos nila ang microphone at drums. Mukhang ang lalaki ang kakanta at ang babae yung mag-ddrums. Baliktad ata pero ang cool.
"Good afternoon everyone. Inaalay namin ang performance naming ito sa mga natauhang puso, sa pagmamahal na napagod at sa mga taong nabroken nang dahil sa pag-ibig. Sana magustuhan nyo."
Nagstart nang mag-roll ang babae at kumanta naman si guy.
"Kumupas na
Lambing sa 'yong mga mata
Nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama
May mali ba akong nagawa? Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita
Bakit kaya?
Parang hindi ka na masaya"
Bakit ganun? Bakit parang ang sakit naman ata ng kantang 'yan. Para ako yung pinatatamaan sa bawat lyrics na kinakanta ni candidate #7.
"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam,
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis."
Matagal na akong natauhan. Hindi ko lang alam kung kailan, basta't ang alam ko lang sa ngayon. Gusto kong ipagpatuloy ang naudlot na operasyon, sana tinapos ko ito matagal na.
"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng wala man lang paalam,
Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis."
Tama. Pag aalis ako sa paningin niya, mapapansin nya kaya 'yon? Pag nawala ako sa buhay nya, hahanapin nya kaya ako? Siguro hindi kasi wala naman syang gusto sa akin kaya wala syang rason para habulin o sundan ako kung saan man ako magpunta.
"Alam ko na
Magaling lang ako sa umpisa
Umasa ka pa saakin
Mga pangakong nauwi lang sa wala
Nasayang lang ang iyong pagtitiyaga
Wala ka nga pala
At puro lang ako salita
Kaya pala
Pag-gising ko wala ka na."
Ano ba itong mga naiisip ko. Wala na ata ako sa tama kong pag-iisip at kahit ano na ang pumapasok sa isipan ko.
"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng wala man lang paalam
Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis."
Naalala ko tuloy lahat ng kabulastugang ginawa ko nang dahil sa lalaking 'yon. Lahat ng bagay na hindi ko pa ginawa sa buong buhay ko ay ginawa ko. Sumang-ayon ako kay Dylan, sinunod ko ang steps ni Frost, nag-away pa kami ni Luke, ninakaw nya ang first kiss ko at higit sa lahat, nagmahal ako ng isang bad boy.
"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis."
Naalala ko bigla ang nangyari kanina sa may hallway. Lasing lang pala sya nun, napeke na naman ako sa pang-ilang beses. Kung tutuusin ang dami ko nang ginawa para sa kanya. Pero niisa wala syang ginawa para sa akin. Maliban na lang siguro sa binibigay nyang pekeng kilig at lambing na hindi naman counted.
"Ngayon ko lang natutunan
Nasubukang mabuhay ng para bang may kulang
Pag nawala doon lang mamimiss
Paalam sa halik mong matamis."
Paalam na sa dati kong feelings.
Step #10 - Tell him the truth and BREAK his heart.
-----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro