Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

Key's Point of View.


Malapit nang matapos ang talent portion. Nagpaalam ako kay Frost at Brett na babalik ako sa back stage upang maging floor manager ulit.

"Okay, besh. Kita na lang tayo mamaya," nakangiti nyang sagot.

"Mauna na rin ako, Brett," paalam ko.

"Sige."

Agad akong nagpunta sa back stage at nakita ko si Megan habang naghahanda. Kanina pa sya hindi nagsasalita, noong dumaan ako kanina sa harapan nya hindi man lang ako sinungitan. May mali talaga sa mood nya ngayon.

"Ready ka na ba?" tanong ko habang nilalagay ang mic piece sa aking tenga.

"No choice," sagot niya.

Tumango-tango na lang ako. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi nya.

"Stand by ka lang. Ikaw na ang susunod," dagdag ko.

"Alam ko," mataray nyang sagot.

Bawiin ko muna ang sinabi ko kanina. Mataray pa rin talaga sya at hindi nya 'yon kayang ilugar kapag ako na ang kanyang kausap.

Pinagmasdan ko sya. Naka-rocker style sya ngayon. Itim na leather jacket, ripped jeans na maong at black boots. Nakabraid ang kanyang buhok sa gilid at kita mo ang ganda ni Megan. Hindi nakapagtataka kung bakit sya ang piniling Campus Queen last year. Ang taon kung kailan nagbreak silang dalawa ni Dylan ng dahil sa isang bad boy.

Nagpalakpakan ang lahat matapos ang ginawang pagsayaw nang candidate #10.

"You're next."

Lumabas si Megan kasama si Peter. Ang gwapo rin ni Peter ngayon, walang bias pero gwapo talaga sya. Ngayon ko lang napansin matapos ko syang maging kaklase ng tatlong taon.

"Good afternoon. Kami ang last na mag-pperform ngayong araw. Sana magustuhan nyo ang gagawin namin," ani Peter.

Magduduet ata silang dalawa. Nagsimula ng patugtugin ang kanilang music. Pinagmasdan ko lang sila pareho habang nakatayo ako sa gilid.

[Megan] May gusto ka bang sabihin
Ba't 'di mapakali
Ni hindi makatingin
Sana'y 'wag mo na itong palipasin
At subukang lutasin
Sa mga sinabi mo na
Iba'ng nararapat sa akin
Na tunay kong mamahalin~"

Nakinig lang ako sa tugtog. Hindi sya masyadong catchy pero napaka-catchy talaga ng lyrics. Napatingin ako sa madla, tinataas na nila ang mga kamay nila habang sumasabay sa agos ng kanta. Ang ganda pala ng boses ni Megan, hindi ko 'yon inaasahan. Expect the unexpected.

[All] Oh...
'wag na 'wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong
Pag-ibig kong handang
Ibigay kahit pa kalayaan mo

[Peter] Ano man ang naakala
Na ako'y isang bituin
Na walang sasambahin
'Di ko man ito ipakita
Abot-langit ang daing
Sa mga sinabi mo na
Iba'ng nararapat sa akin
Na tunay kong mamahalin."

Ano ba ang dapat na hindi ko sabihin? Nadarama nya kaya ang nais kong iparating sa kanya? Nafefeel nya kaya na may gusto ako sa kanya? Nararamdaman nya kaya na marunong din akong magselos kahit hindi halata?

Hindi ko na kailangan pang sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. Dahil kung may pakialam sya, mararamdaman nya 'yon agad. Isa pa, action speaks louder than words!

[All] Oh...
'wag na 'wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong
Pag-ibig kong handang
Ibigay kahit pa kalayaan mo

[Megan] At sa gabi, sinong duduyan sa 'yo
At sa umaga, ang hangin ang hahaplos sa 'yo...

Oo mahal na ata kita, Dreyson. Kahit hindi ko man maamin sa sarili ko lalo na sa ibang tao na gusto talaga kita. Gustung-gusto kita at yun muna ang nararamdaman ko para sa'yo sa ngayon. At sana... At sana... hindi ko pagsisisihan ang gagawin kong ito bukas, sa makawala o di kaya'y ngayon na.

[Peter] Oh...
'wag na 'wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong
Pag-ibig kong handang
Ibigay kahit pa kalayaan mo

[Megan] Oh...
'wag na 'wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong
Pag-ibig kong handang
Ibigay kahit pa kalayaan mo

[All] Oh... oh... oh...
'wag na 'wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong
Pag-ibig kong handang
Ibigay kahit pa kalayaan mo

Nagbow sila pareho sa harapan ng madla na agad sinundan ng malakas na palakpakan. Nakita kong ngumiti si Megan, pero halatang pilit ito.

"Nice job," sabi ko.

"Walang choice diba? We have to win," sabay irap.

Okay na sana kaso palagi nya na lang sinisira ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.

"Asan si Dreyson? Ba't di mo sya kasama?" bigla niyang tanong na ikinagulat ko naman.

Minsan lang kami magkausap ng bruhang ito, I mean... never pa talaga kaming nagkausap. Kaso tungkol ulit kay Dreyson Flynn.

"Hindi ko alam. Dapat ba talaga kaming magkasama ngayon?"

"Ewan ko sa inyo," sabay kibit-balikat.

May problema talaga 'tung si Megan sa sarili nyang ugali. Hay naku, makabalik na nga sa trabaho.

"Let us give them a round of applause," narinig kong sabi ng emcee.

May intermission number pa bago magsimula ang aming Q & A. Nakabihis na lahat ng kandidata nang biglang tumabi sa akin si Megan. Suot nya ang kanyang itim at sleeveless na long gown. Bagay 'yun sa kanya kasi maganda ang hubog ng kanyang katawan.

"Alam kong gago si Dreyson. Pero alam mo ba kung bakit pa rin ako nagkagusto sa kanya?" bigla nyang tanong.

"Bakit nga ba? Dahil sa isa kang flirt at malandi?"

Matagal ko na yang gustong sabihin. Nakipag-sabunutan pa nga ako sa kanya noon diba? Pero noon 'yon. Iba na ang lahat ngayon.

"Shut up girl. Alam kong gusto mo si Dylan at ayoko kay Dylan. Masyado syang inosente para sa akin, kagaya mo masyado kang inosente para kay Dreyson."

Pagkasabing-pagkasabi nya nun. Agad kong naalala ang sinabi ni bad boy sa akin.

"You are too inoccent Minami. Kaya hindi kita kayang gustuhin."

May kirot na naman akong naramdaman sa kaloob-looban ko. Alam ko 'yon kaya nga magbabago ako para sa 'yo.

"Bakit naman ako napunta sa usapan?"

"Kasi nahulog ka na din. Aminin mo man o hindi masyado ng showy ang pagkakagusto mo kay Dreyson. Balik nga tayo sa topic na sinasabi ko kanina," inis niyang tugon. "Kaya ako nagkagusto kay Dreyson dahil kahit ganun sya ka-gago at puro kalibugan lang ang nasa isip. Marunong syang umintindi at pumrotekta ng tao, lalo na pag tungkol sa taong mahal nya. Gagawin nya ang lahat mapasaya nya lang 'yon."

"Hindi ko naalalang tinanong ko."

"Sinasabi ko lang baka kasi matauhan ka ng konti."

Nagtaka ako sa sinabi nya. May pagka-matalinhaga pala ng konti itong si Megan. Hindi nga lang halata dahil malandi rin minsan, palagi pala.

"Ano bang alam mo? Tss." Ngayon ako naman ang nagtataray sa kanya.

"Sa tuwing nakikita kita Minami. Naaalala ko lang ang nakaraan kong katauhan kaya naiinis talaga ako sa 'yo. Ang dating Megan na naghahabol ng mga lalaki, nabago ng dahil sa isang lalaki," mahina niyang sabi.

"Kaya ka ba ganyan ngayon? Kaya ka ba palaaway?"

Umiling siya. "Hindi. Naiinis lang talaga ako sa 'yo," tinignan niya ako tsaka siya ngumiti sa akin.

First time ko siya makitang ngumiti nang ganun katotoo. Hindi ko na lang pinansin dahil agad rin syang umalis. Napatitig ako sa madla. Siguro nga may pagkakapareho kaming dalawa (kahit paano).

Magbabago rin kaya ako pagkatapos nang lahat ng ito?

-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro